> 29 <
November 1 (All Saints Day)
❇️❇️❇️
Thea's POV
---
After ng naging usapan namin ni Vale last week, naging okay rin naman kami. Nainis lang ako ng slight, HAHAHA!
Walang pasok ngayon, malamang! So, ayon nga nga, lasama ko si Vale ngayon dito sa sementeryo at dumalaw kami sa puntod ng Lolo at Lola niya.
Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan nang biglang sumagi sa isipan ko ang problema naming tatlo nila Nixie at iyon ang balak na paglipat ni Daphnie sa Thailand para mag-aral ng college.
"Oh, bakit natahimik ka bigla? May problema ba, baby?" tanong nitong katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Oo eh."
"Ano naman 'yon?"
"Si Daphnie kasi, balak i-transfer sa ibang school tapos ang malala pa, hindi dito sa Pilipinas, sa Thailand."
"Alam ko kung gaano kahalaga sa inyo ang friendship niyo. Alam ko rin na ayaw niyong mahiwalay sa isa't isa. Pero, desisyon 'yon ng mga magulang niya, Thea. Hindi niya pwedeng suwayin 'yon. Magulang na ang nagdesisyon kung anong mas makakabuti para sa anak."
"Pero, babe... paano kami? Hindi naman pwedeng maiwan kami dito ni Nixie."
"Eh 'di sumama kaya sa kanya sa Thailand."
"Eh paano ka? Paano kayo nila Vince, maiiwan kayo rito?"
"Hindi, siyempre sasama kami 'noh. Hindi pwedeng yung mga girlfriend namin nasa Thailand tapos kami nandito sa Pilipinas. Nakakabaliw kaya 'yon."
"Tsk! Dami mong alam."
"Talagang marami, babe. Matalino kaya ako."
"Tss, matalino na may pagkatanga kung minsan."
"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita, babe." aniya sabay hawak sa dibdib niya at umarteng parang nasasaktan.
"Tsk! Ewan ko sayo."
"HAHAHA! Sorry na, babe."
"Bakit ka nagso-sorry? Wa ka namang ginawang mali."
"Mas maganda na ang advance kaysa yung magagalit ka sa akin ng hindi ko alam na may nagawa pala akong mali sayo. Ayaw na ayaw ko pa naman na iniiwasan mo ako. Hindi ako mapakali sa tuwiing nagkakaroon ka ng galit sa akin."
Bakit ba sobrang sweet niya? Hindi ko tuloy siya matiis sa tuwing nagkakaroon kami ng tampuhang dalawa. Madali kong ma-miss yung mga sinasabi niya sa akin palagi na mahal na mahal niya daw ako, na hindi niya daw ako sasaktan katulad ng ginawa ng ex-boyfriend ko, na hindi daw siya aalis sa tabi ko kahit na anong mangyari.
Sa mga ikinikilos niya, masasabi ko na he's my future husband. May dream come true, my man, the love of my life. I love him, I will love him more and more.
"Tama na ang pagiging clingy. Masyado mo lang ipinapakita at ipinapamukha sa akin na matupok akong babae."
"Huh?"
"Mas nahuhulog pa ako ng sobra sayo nang dahil sa mga ganyang galawan mo eh."
"Eh 'di mabuti. Mas sigurado ako na akin ka lang dahil sa hulig na hulog ka sa'kin." aniya sabay kindat.
"Hala! May bagyo! Ang lakas ng hangin!"
"Tss, HAHAHAHAHA! Dati pa naman akong pogi ah. Kaya mo nga ako minahal eh."
"Ang kapal ah. Iniisip ko nga kung anong gayuma yung pinakain sa'kin kaya kita sinagot."
"Babe, kapag mahal ko ang isang tao, hindi ako gumagamit ng gayuma. Natural na pagmamahal 'to. Like you, I love you so much. Totoo 'yon at walang halong biro."
"Tsk! Sana all."
"What do you mean? Ginamitan mo ako ng gayuma?"
"Hindi eh. Kinulam kita. HAHAHAHA! Buti nga gumana."
Nilingon ko siya at tiningnan ang reaksyon niya. Grabe! HAHAHAHA! Gulat na gualt siya! Nanlaki ang mga mata niya nang marining ang mga sinasabi ko.
"T-talaga?"
"...HAHAHAHA! Joke lang, ano ka ba? Hindi naman ako mangkukulam." natatawa kong tugon sa kanya.
Sabay kaming nagtawanang dalawa. Ang sarap talagang kasama 'to kahit kailan. Hindi ako nagsisisi na sinagot ko siya. Bulod sa maalalahanin, mabait at maalaga pa. Ibang iba siya sa mga lalake na nakilala ko.
"Lola, tingnan niyo si Thea oh! Inaaway po ako." pagsusumbong niya sabay pout.
"Luh, sumbungero ka, ang daya mo!"
"Lolo, si Thea oh! Pinapaiyak po ako." pagsusumbong niya ulit na parang nakakausap talaga niya ang Lolo niya.
"Ang daya mo! Nagsusumbong ka!"
"HAHAHAHA! Joke lang, babe. I love you!"
"I love you, too." tugon ko.
Umupo kami sa damuhan. Lumakas ang hangin, lumamig ang simoy nito. Napatingin ako sa kasama ko na seryosong nakatingin sa malayo.
"Hoy! Bakit parang ang seryoso mo naman masyado d'yan?" pagkuha ko sa atensyon niya.
Napatingin siya sa akin. "Naalala ko lang noong bata pa lang ako. Si Lola ang tagapagtanggol ko kapag pinapagalitan ako ni Mommy. Si Lolo naman ang tagapagtanggol ko kapag pinapagalitan ako ni Daddy. Ngayong wala na sila, wala na rin akong kakampi. Kaya kapag pinapagalitan ako, hindi ko na lang pinapansin. Wala akong pakialam kung bastos na 'yon. Lagi na lang kasi na ako ang may mali. Mas lumala pa noong napunta pa sa isang Lola ko si Dale..."
"Ewan ko ba! Ewan ko kung bakit gano'n na lamang ang galit nila sa'kin. Hindi man nakikita ng iba na galit sa akin ang mga magulang ko pero feeling ko, may itinatagong galit sila sa'kin." pagpapatuloy niya.
I hugged him from his back. "Hayaan mo na, baby. Lilipas din ang galit nila sayo. Maayos rin ang lahat. Katulad kami ng mga magulang ko. Noong una, galit na galit ako sa kanila kasi hindi ako nagiging malaya sa ikinikilos nila. But now, na-realize nila na mali na pala yung ginagawa nila sa akin, na sobra na talaga sa pagiging protective nila sa akin." sabi ko sa kanya. Baka sakaling makapagpagaan sa loob niya.
He sighed. "Alam mo, baby? Buti na lang nand'yan ka. Kung wala ka siguro ngayon sa tabi ko, baka balakin ko na lang na magpakamatay—" hinalikan ko siya sa labi kaya naputol sa sinasabi niya.
Binitawan ko rin naman ang mga labi niya sabay sabing... "No, you don't need to do that. Sige ka, kapag ginawa mo 'yon magpapakamatay rin ako." sabi ko at ngiti.
At dahil loko-loko akong babae... "Pero joke lang 'yon. Hahayaan kitang mamatay. That's your choice, not mine. You have the freedom to kill yourself. You're such a fool, if you'll do that thing." walang emosyon kong dugtong sa sinabi ko sabay alis sa pagkakayakap ko sa kanya.
Alangan namang sumama ako sa kanya kapag nagpakamatay siya. Ano siya? Sinuswerte? Tapos ano ako? Tanga? Luh, hindi ko itataya ang buhay ko para lang sundan siya sa kalupaan ni kamatayan 'noh. Tsaka sayang langa ng ganda ko kung mamamatay ako ng maaga. Marami pa akong pangarao sa buhay bago ako mamamatay.
"So, gusto mo akong mamatay? Gano'n?" natatawa niyang tanong.
Umupo ulit ako sa tabi niya. "Hindi, pero kung may balak ka, pwedeng ikaw na lang? Ayoko pang mamatay ng maaga, Vale." sagot ko.
"Tss, kapag namatay ako mumultuhin kita. Rarw!" aniya at tinakot ako sa pamamagitan ng panggagaya niya sa mga taong nananakot sa mga bata sa perya.
Kunot ang noo ko lang siyang tinitigan. "Tsk! Vale, alam mong hindi ako takot sa mga multo. Kapag namatay ka at minulto mo ako, isa lang ang ibig sabihin no'n. Hinahayaan mo akong masaktan kasi iniwan mo ako." ssryosong sabi ko sa kanya kaya natahimik siya.
"Hindi naman kita iiwan. Joke lang yung kanina. Hindi naman mangyayari 'yon. Sorry na, baby." aniya sabay pout.
"Pssh! Tigil-tigilan mo nga ako! Mas lalo lang akong naiinis sayo eh."
"Sorry na, okay?" paghingi niya ng tawad sa akin sabay halik sa kaliwang pisngi ko. "Sorry na, please? Pansinin mo na ako, sorry na."
"A-apology accepted."
So, ayon na nga. At dahil marupok ako, siyempre pinatawad ko na naman. Wala eh, nagamitan niya ako ng charms niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top