> 27 <

❇️❇️❇️

Nixie's POV

---

Nakauwi na ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nagbihis at nagbasa ng libro. Isinuot ko ang headphone ko at nag-play ng musics mula sa phone ko.

Habang nagbabasa, may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako doon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang Yaya ko na may dala ng dinner ko.

"Nixie, dinner mo. Ipinaghanda na kita. Baka kasi malipasan ka ng gutom, ayaw kong mangyari 'yon at alam mo 'yan." aniya habamg nakangiti.

Hindi ko mapigilang mapangiti rin. Ang bait-bait talaga ng Yaya ko kahit kailan. Kaya hindi ako nagsisisi na siya ang naging Yaya ko ng maraming taon. Ang sipag at maaruga siya sa akin. Lagi niya akong inaalala. Mas inuuna niya pa ako kaysa sa sarili niya.

"Thanks, Yaya." paghingi ko ng pasasalamat  saka kinuha ang dala niya't niyakap siya ng mahigpit. Pero kumalas rin naman ao sa pagkakayakap agad.

"Sige na, kumain ka na. Sana magustuhan mo yung niluto ko. Sige na't may gagawin pa ako sa ibaba, kumain ka lang d'yan." aniya at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Isinarado ko na ang pinto ng kwarto ko at pumunta na sa mini table at doon ko sinimulang kainin ang dinner na inihanda ni Yaya para sa akin.

Afritada at chopsuey ang ulam na may isang plato ng kanin. Dahil sa kilala akong matakaw sa kanin, binigyan ako ng ganito karaming kanin. May isang fried chicken din at isang baso ng pineapple juice ang kasama.

Kain lang ako ng kain nang biglang tumunog ang phone ko. Tawag mula kay Daphnie. Ano na naman bang kailangan nito at napatawag bigla ng ganitong oras?

"Ano?" bungad ko mula sa kabilang linya.

["Ayy wow, ang ganda ng bungad mo sa'kin ah."]

"Eh ano bang kailangan mo sa'kin? Tatawag-tawag ka, eh kumakain ako."

["Eh ano naman kung kumakain ka?"]

"Istorbo ka."

["So, ito na nga. Malapit na amg end of school year. Gusto ko lamg itanong kung saan ka magka-college?"]

"Sa Keyhigh University. Teka, parehas tayo ng school na papasukan ah. Bakit nagtatanong ka ngayon? Huwag mong sabihing lilipat ka ng school?"

["Y-yes at desisyon 'yon ni Mommy."]

"What? So, hihiwalay ka sa amin ni Thea?"

["Sabihin na na'ting oo, mapapahiwalay ako sa inyo. Ayaw ko man pero desisyon 'yon ng Mom ko, Nixie. Hindi ko pwede suwayin dahil malalagot ako."]

"I know, pero wala na ba talagang pag-asa na mabago ang desisyon ng Mommy mo?"

["Hay... ewan ko ba! Sa Thailand daw ako pag-aaralin. Eh ayaw ko doon! I don't know what to do, Niks! Help me!"]

Kahit na minsan naiinis ako dito kay Daphnie, ayaw ko pa ding mahiwalay sa kanya. Ayaw ko na magkahiwa-hiwalay kaming tatlo. Mahalaga siya para sa'kin. Mahalaga ang bestfriends ko kahit na minsan naiinis ako sa kanila.

"But, how? How can I help you, Dap? Your Mom has a one word. If she will give you a command, you need to follow it no matter what will happen. She's the only person that I know na gagawin ang lahat para masunod ang gusto niyang mangyari. So, how can I help you if ngayon pa lang, we both know na wala na talagang pag-asang magbago ang isip ng Mom mo?..."

"Sa tingin ko, baka ikaw lang din ang makakapagpabago sa isip ng Mom mo. Talk to her. Pilitin mo siya na dito ka na lang. Don't worry, sasabihin ko ito kila Mommy—"

["No!"] putol niya sa sinasabi ko.

"W-why? Is there something wrong with that?"

["A-ayaw ko lang na makadagdag pa sa abala kila Tita. Atin-atin na lang 'to."]

"Okay, I understand."

["Thanks, Niks. Thank you sa pag-intindi mo. I'm lucky and thankful because I have a bestfriend like you kahit na minsan ay hindi tayo nagkakaunawaan at dumadating pa nga sa  tampuhan."]

Napangiti ako sa kanyang mga tinuran. "You're welcome, Dap. I'm here, always here for you."

["Ahmm... sige mauna na ako, Niks. May pupuntahan pa kami ni Vian eh. I'll hang up this call na okay?"]

"Okay, enjoy~..."

At iyon na nga, pinatay na niya ang tawag. Bumalik na lamang ako sa ginagawa ko rito para malibang. Wala eh, I'm bored. Walang assignments ngayon so, I'm free to read any books that I have here in my room.

Magbabasa na sana ako nang maalala ko na hindi pa pala alam ni Thea na lilipat ng school si Daphnie. Wait, ipapaalam ko lang sandali.

Tinawagan ko siya pero ring lang ng ring ito. Hibig sabihin, hindi niya sinasagot ang tawag kahit na alam niyang ako 'yon. Peste talaga ang babaeng 'to kahit kailan!

Hayst! Badtrip!

Sinubukan ko ulit siyang tawagan at sa wakas! Makalipas ang one hour and twenty minuets na tinatawagan ko siya, sinagot niya rin sa wakas.

"Hoy! Bakit ang tagal mong sagutin? Ha?!?" bulyaw ko sa kanya.

["Ssshhhhh! Ang ingay mo! Kalma! Ako lang 'to. Trip kita kaya sadyang tinagalan ko."]

Aba! Epal 'to!

"Naku, Thea! Tigil-tigilan mo nga ako! Nanggigigil ako sayo!"

["HAHAHAHA! Bakit ba ha? Bakit para kang may regla ngayon? Nag-away ba kayo ng jowa mo? Tsk!"]

"Hindi noh!"

["Eh ano nga? Ang tagal mo naman ih! May mga assignments pa tayo na hindi ko nasasagutan. Yung Practical Research 2 pa na'tin, jusko! Masisira na komote ko nito eh."]

"Lilipat ng school si Daphnie."

["W-what?!? As in.. ngayon na?"]

"No, kapag nag-college na. Nagdesisyon ang Mommy niya na palipatin siya ng school at hindi sa KU, sa ibang bansa."

["Hay... so, anong plano na'tin ngayon?"]

I sighed before I continue. "Kailangan na'ting kausapin si Tita about this. Kahit na nakakainis minsan si Dap because she's sometimes acting weird and may pagka-childish siya, I don't want to loose her! We're bestfriend at hindi ako papayag na may mahiwalay sa atin kahit na sino man sa ating tatlo."

["Okay, I understand your point. But, what if hindi na na'tin mapipigilan si Tita? What if, hindi niya tayo pakinggan? Niks, parents sila ni Dap. They have the rights to decide on what is the best thing for their daughter. We're just a friends of their daughter, Niks. So, anong laban na'tin sa desisyon nila?"]

"Pero... Thea, si Dap ay nasa tamang edad na! She can decide by her own without a permission from her parents. Like us, wr can do whatever we want at gano'n din si Daphnie."

["Tama, but... parents ang kalaban na'tin dito eh. Hayst! Ewan ko! Nasa kamay ni Daphnie ang desisyon. Iyon ang nakikita kong solusyon dito, Niks. Kailangang kumbinsihin niya ang mga magulang niya na huwag na siyang palipatin ng school at susuportahan na'tin siya, sasamahan na'tin siyang kumbinsihin ang mga magulang niya."]

Tama siya. Nasa kamay ng ani Daphnie ang magiging resulta ng problema naming tatlo. Basta ako, ayaw kong mahiwalay siya sa amin. Ayaw kong maniwalay siya sa amin ni Thea.

"Okay, ite-text ko na lang later yung plano or tatawag na lang ako later. Naalala ko na busy ka pala ngayon. Just text me if you're free na oara matawagan kita. Okay? Bye, I'll end this call."

*TOOT*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top