> 25 <

❇️❇️❇️

Vale's POV

---

Nasa sala ako ngayon kasama ang Daddy ni Thea. Kinakabahan ako kung anong sasabihin niya at kung ano ang mga pag-uusapan namin.

Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam kasi never pa naman akong nagka-girlfriend noon. Ngayon lang naman ako pumasok sa isang seryosong relasyon.

"Vale, right?" tanong ng Dad ni Thea.

Tumango ako bilang pagtugon.

"Bakit parang pipi ka naman yata, ijo? Huwag kang mag-alala, kumalma ka lang. Hinudi kita lalamunin." natatawang sabi ng Daddy ni Thea.

Para naman kasing nakakatuwa itong matandang ito. Hindi, joke lang. Kinakabahan pa rin kasi ako sa mga mangyayari habang nag-uusap kami. Ang daming "what if's" sa isipan ko.

"Anyway, kayo na pala ng anak ko. Ang tanong..."

"Papasa ka kaya sa amin ng Mommy niya?" dugtong niya.

Nanatili akong hindi makaimik. Para ang nawalan ng dila nang dahil sa sobrang kaba ko ngayon. Namamawis ako ng malamig at nanginginig din ako sa talot sa Daddy niya.

Umayos ng upo ang Daddy ni Thea. "Mayaman ka ba?"

"O-opo."

"May sariling kotse?"

"Opo."

"May sariling pera na kayang bumuhay sa magiging pamilya mo kasama ang anak ko?"

"Opo, Mr. Alejo."

"Just call me Dad."

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig kk kaya pinaulit ko iyon kung tama ba.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

He smiled at tumayo sa kinauupuan. "Welcome to our family, Vale! Inaasahan namin na magiging okay ang anak namin sa pangangalaga mo." aniya saka tinapik ang kaliwang balikat ko.

Halong gulat ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapayakap sa Daddy ni Thea at doon na unti-unting pumatak ang mga luha ko.

Sa wakas! Sa wakas! Pasado na ako sa mga magulang niya!

"S-salamat po—"

"Dad. Just call me Daddy, Vale. Future husband ka na ng anak ko. Congrats! Sayo kasi naramdaman ng anak ko ang pagmamahal na hinahanap niya sa piling namin ng Mommy niya kaya hindi ko na siya pipigilang maging masaya." sabi ni Dad at niyakap ako ng mahigpit. Kumawala rin naman ako agad. Nakakahiya, baka masipunan ko pa yung damit niya.

"Maraming salamat, Dad. Salamat po talaga." maluha-luha kong saad.

Pinunasan ko agad ang mga luha ko. Inayos ang sarili saka bumalik na kami sa pagkakaupo.

"Alam mo ba na takot na noon magmahal ang anak kong si Thea? Kaya hanga nga ako sayo eh, napabago mo ang nakasanayan niya. Naging bato ang malambot niyang puso. Ni ayaw niya ngang nakikita kami ng Mommy niya na naglalambingan. Sabi niya, ang baduy daw namin." natatawang sabi ng Daddy ni Thea.

I smiled. "Sinusungitan niya nga po ako noon eh. Nagpapapansin po ako sa kanya sa paraang binubully ko siya. Pero hindi naman po yung grabe na bully, inaasar ko lang po siya. Tapos ginugulo. Hanggang sa isang araw, nakakuha na rin po ako sa wakas ng lakas ng loob na mag-confess po sa kanya pero ang sabi niya lang sa akin, para daw akong tanga. Kesyo wala raw po akong pag-asa sa kanya..."

"But, I didn't gave up. Niligawan ko siya ng ilang buwan. Hanggang sa umamin na rin siya na gusto na rin niya ako. Pero that time, gusto niya lang talaga ako at hindi mahal. Ipinaramdam niya pa nga po na hanggang doon na lang talaga kami noon. Pero hindi pa din ako sumuko. Hindi ko po talaga sinukan si Thea. Kasi mahal ko na po siya. Ngayon lang ako nakaramdam ng totoong pagmamahal." dugtong ko.

"Bakit? Nagloloko ka ba dati? Noong hindi pa kayo ni Thea, ni isang girlfriend hindi ka ba nagkaroon?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin.

Umiling ako. "Hindi po ako nagkaroon ng kahit ni isang girlfriend maliban sa anak niyo. Baka sadyang kami talaga ni Thea ang para sa isa't isa. Kasi sa kanya ko lang naramdaman lahat ng mga hindi ko naramdaman dati sa mga babaeng pinaglaruan ko. Siya lang ang tunay na minahal at mamahalin ko, Daddy. Kaya sobrang saya ko po ngayong tanggap niyo na po ako para sa anak niyo."

"Sana nga kayo na ng anak ko ang para sa isa't isa. Ayoko na kasing nakikita siyang umiiyak nang dahil lang sa lalake. Sana hindi mo siya paiyakin. Naniniwala kaming maaalagaan mo siya at mamahalin tulad ng pagmamahal namin ng Mommy niya sa kanya."

"Asahan niyo po, Dad. Gagawin ko po ang lahat, mapasaya lang ang taong mahal ko. Hinding hindi ko po siya pababayaan. Hinding hindi ko po siya paiiyakin. Hindi po ako magiging katulad sa ex-boyfriend ng anak niyo. Mahal ko po si Thea at kaya kong itaya ang buong buhay ko para lang sa kanya."

"Huwag mong sabihin, Vale. Gawin mo, gawin mo kung anong nararapat. Malaki ang tiwala namin sayo na kaya mong alagaan ang anak namin. Sana huwag mong sirain ang tiwalang ibinigay namin sayo."

"Promise, Dad. I will never ever hurt your daughter. Mahal ko po kasi siya. Kaya ko po siyang ipagtanggol sa lahat ng mananakit sa kanya. Hindi ko po siya pababayaan."

"Naniniwala ako na hindi mo babaliin ang pangako mong 'yan. Inaasahan ko na magiging maayos kayong dalawa hanggang sa huli."

Magsasalita pa lang sana ako nang may biglang sumingit sa usapan.

"I can't even imagine this scenario will be happen today, Dad. Hindi ko lubos akalain na pumayag ka sa kung anong meron sa amin ni Vale." singit ni Thea na lumuluha na.

"C-can I hug you, D-dad?" nauutal na tanong ni Thea sa Daddy niya.

"Yes, anak. Of course!" masayang tugon ng Daddy niya at niyakap ang anak niya ng mahigpit. "I miss my princess..." mahinang sabi ng Daddy niay habang yakap-yakap ang anak nito na si Thea.

Saksi ako sa lahat ng nangyayari ngayon. Masaya ako at nagkabati na ang mag-ama. Ang tanong, ayos na rin kaya ang mag-ina? Sana okay na rin sila.

"Muhang may nangyayari na hindi ko alam ah. Teka? Bakit kayo nag-iiyakan? May namatayan ba? Ikaw, Vale? Namatayan ka ba?" nagtatakang singit ng Mommy ni Tgea kaya napakingon kami sa kanya.

"H-hindi po, Tita—"

"Mom. Tawagin mo na rin akong Mommy mo. Alam kong pumayag na ang Daddy ni Thea sa kung anong meron kayo ngayon. Pero sana, huwag niyo pa din kalimutang mag-aral ng mabuti. Hindi ibig sabihin na pinayagan na namin kayo eh, pababayaan niyo na yung oag-aaral niyo. Gusto namin na makatapis kayong parehas at umunlad ang mga buhay niyo." putol ng Mommy ni Thea. Alam kong detalyado na ang sinabi niya. Baka talagang ganyan lang talaga si Mom.

M-medyo naiilang pa ako ng konti.

Isa pa.

Mom and Dad.

Soon, masasanay din ako. Hindi pa siguro ngayon kasi bagong couple lang kami ni Thea at kakakilala ko pa lang sa Mommy at Daddy niya. Soon, masasanay din talaga ako. Ang importante, payag na ang mga magulang niya na magka-relasyon kaming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top