> 23 <
❇️❇️❇️
Thea's POV
---
Pinuntahan na namin sina Nixie kung saan man sila nag-lunch. Hanggang sa mapadpad kami sa cafeteria ng school at nandoon ang mga hinayupak. Kami lang pala ni Vale ang nahiwalay.
Teka, nasaan yung kapatid nitong kasama ko?
Napahinto ako sa paglalakad at napalingon ako dito sa katabi ko at kunot ang noo na nagtanong sa kanya. "Nasaan si Gale?" Baka kasi may alam itong kasama ko.
Umiling siya. "Hindi ba't kasama kita? Kaya wala kaong alam kung nasaan siya. Parehas lang tayo." aniya.
Dali-dali kaming pumasok sa cafeteria at nilapitan yung apat. "Where's Gale?" tanong ko sa kanilang apat.
"May kausap siya kanina. Ang sabi niya, may pupuntahan lang daw siya. Babalik siya kaagad. Baka pabalik na 'yon ngayon." sagot ni Vian.
"Hi, guys! I'm here na!—oh, Kuya..." halos mapatalon si Gale nang dahil sa gulat amg makita si Vale.
Hinarap ni Vale si Gale at awtomatikong tumaas ang kilay ni Vale. "And where did you going, Ms. Morales?" tanong nito habang nakapamulsa pa.
"Kuya, I just want to be a friend of some people here. Is there something wrong with that?"
Nawala ang kunot sa noo ni Vale at napalitan iyon ng seryosong ekspresyon. "N-nothing. Sa susunod kasi, magpaalam ka muna bago ka umalis. Sabihin mo kung saan ka pupunta para alam ko kung saan ka hahagilapin."
"Don't worry about me, Kuya. Kaya ko na ang sarili ko. Just enjoy your day with your girl, Ate Thea. She's worth it to experience your love 'cause she loves you at alam ko 'yon dahil nakikita rin ng dalawang mata ko kung gaano niyo kamahal ang isa't isa." Napangiti ako sa tinuran ng kapatid ni Vale. Paano niya nasasabi ang mga ito kung single pa siya at never pang nakaranas ng real love mula sa ibang tao maliban sa family niya?
Napatingin sa akin si Gale. "Can I hug you before I go? I need to go back in States eh. Need ako ni Lola." nakangiti niyang sabi.
Pumunta agad ako sa kanya at niyakap. Ramdam ko ang mahigpit niyang yakap na aakalain mong hindi na siya babalik pa. Yung tipong matagal na naman bago kayo magkita at magkayakapan ulit. Gano'n ang naramdaman ko habang niyayakap niya ako.
Ilang sandali pa'y kumalas na rin siya sa pagkakayakap kaya kumalas na rin ako. Ngayon ko lang napansin na imiiyak na pala siya kanina pa. Kaya nagtaka ako kung bakit parang ang OA naman niya na aalis. Parang hindi na kasi siya babalik.
"Take care of my Kuya Vale ha? Don't let him go na. He's worth it to feel your special love." mahina niyang sabi na sapat lang para marinig ko bago siya tumakbo paalis ng campus.
Ang weird niya today. Pati si Vale ay nagtataka kung bakit biglang naging gano'n ang naging reaksyon ng kapatid niya. Wala kaming kaalam-alam sa nagyayari sa kanya ngayon. Pero, ang weird talaga. Ang weird!
"I'll talk to her later after class. Maybe she has a problem that I've didn't know yet. I'll just ask her why she acted weirdo today. Don't worry, guys. I know that she's fine. Maybe she's not totally okay right now." seryosong ani Vale habang nakapabulsa pa.
"Okay, make sure that she will be okay." tugon ko. Bigla rin kasi aong kinabahan noong alis siya tsaka yung mga sinabi niya kanina. Nakakakilabot!
Niyakap ako ni Vale kaya yumakap na rin akk sa kanya. Nakita niya kasi yung reaksyon ko. "I will, baby. I'll promise that she will be okay." aniya saka hinalikan ang ulo ko.
Kapag si Vale talaga ang lagi kong kasama, feeling ko safe ako. Kapag nand'yan siya? Nawawala yung takot na nararamdaman ko. Napapalitan ng pag-asa at lakas ng loob.
I love this man. I love all about him. His every single glance, his kiss and his tender love and care for me. He's so special for me. I love you, Vale. I love everything about you.
"Huwag naman kayong PDA dito. Kami nga hindi gaanong sweet kapag nasa public places tapos kayo pumasok lang kayo ng school para lang magpapansin." reklamo ni Daphnie na siyang ikinatawa naming anim.
"Luh! Bakit kayo tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" reklamo niya ulit sara kami inirapan.
Kahit kailan talaga, isip bata ang isang 'to. Ano kayang nagustuhan ni Vian sa kanya? Ang talinong tao tapos napunta lang sa isip bata na tulad ni Daphnie.
"May regla ka ba, Dap? Kasi kung meron, bumili ka na lang ng napkin tapos isumpak mo sa bibig mo. Reklamo ka kasi ng reklamo. HAHAHAHAHAHAHA!" ani Nixie na siyang ikinatawa na naman naming lima maliban lang kay Daohnie na nagliliyab na ang mga mata sa galit at inis.
"Inggit ka lang eh. Vian naman kasi, halikan mo naman daw kasi si Daphnie para hindi naiinggit. 'Yan tuloy, nagagalit na. Pati kami nadadamay—aray!" pang-aasar pa ni Vale kaya ayon, binatukan ko siya. Makikisali pa, naiinis na nga si Daphnie.
Humarap si Vian kay Daphnie at akto sanang hahalikan niya ito nang biglang dumapong malakas sa kanang pisngi ni Vian ang kamay ni Daphnie. Napa-'ouch' siya nang dahil sa sakit.
"Bakit mo naman ako sinampal?!?" galit na tanong ni Vian sa kanya.
"Ang bastos mo kaya! Uto-uto! Kapag ba sinabi ni Vale na kainin mo yung tae niya, siguro kakain mo. Uto-uto kang nilalang bwisit ka!" sigaw sa kanya ni Daphnie sabay walk-out sa cafeteria.
"Wait! Dap! Hintayin mo ako! Hoy, Dap! Huwag naman ganito! Aanakan pa kita!"
"Bastos!"
"Sorry na! Hoy! Daphnie! My future wifey! Hintayin mo ako!"
Rinig mula sa pathway hanggang sa kabilang classrooms ang mga hiyawan nila. Napapatingin tuloy yung mga estudyante at teachers sa dalawa. Bawal naman nilang pakialaman si Vian dahil baka mawala ang shares ng Daddy ni Vian sa school na pinapasukan namin ngayon. Kaya hinahayaan na lang ng principal at ng mga teachers.
"Alam niyo, guys? Bagay talaga yung dalawa. Isip bata at isang matured masyadong mag-isip. Sa sobrang matured naging green minded na. Ibang iba na talaga si Vian ngayon. Sobrang matired na niyang mag-isip." ani Vale kaya nagtawanan na naman kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top