> 21 <
❇️❇️❇️
Vale's POV
---
Nang mai-park ko na ang sasakyan ko, inaya ko ng bumaba itong kapatid ko na first time makakarating sa school namin.
Nang makababa na kami, napahinto ako sa itinanong niya.
"Kuya, sino yung babaeng umiiyak kanina? Girlfriend mo ba siya?" tanong niya.
Napangiti ako sa hindi ko alam ma dahilan. "Hindi pa. Yes, she's my girlfriend, baby." proud kong sagot sa kanya.
"Let's go. Baka kanina pa naghihintay sa akin ang Ate Thea mo." aya ko sa kanya.
"Sige, I hope makasundo ko siya para maranasan ko namang magkaroon ng Ate."
Sana nga, Gale. At sana rin, magtagal kaming dalawa ni Thea. Sana rin hindi na siya galit ngayon. Sana maging okay kami agad.
Nag-umpisa na kaming maglakad papuntang main building. Sumakay kami ng elevator paakyat ng fifth floor.
*TING!*
Nang marinig namin ng kasama ko ang tunog na 'yon tanda na nakarating na kami ng fifth floor nang gano'n kabilis.
Kaagad kaming lumabas ng elevator ni Gale at pumunta na sa classroom namin nila Thea. Hindi pa ako nakakaapak sa floor ng classroom nang bigla akong yakapin ng kung sino man. Saka ko lang nalaman na si Thea pala iyon nang maghiwalay ang mga katawan namin mula sa pagkakayakap niya.
Nginitian niya ako na siyang ikinagulat ko. Nalilito kung bakit naging ganoon kabilis na nagbago ang pakikitungo niya sa'kin.
"Kanina pa kita hinihintay. You don't need to explain, I knew it already..." aniya.
Awtomatikong napangiti ako nang dahil sa sinabi niya. Laking pasasalamat ko dahil hindi na siya galit sa akin.
"S-sinong nagsabi sayo?" nagtatakang tinanong ko sa kanya.
"Si Dap. Kaya ngayon, naiinis ako aa kanila. They pranked me!" aakalain mong para siyang batang nagsusumbong sa kuya niya. HAHAHAHAHA! Ang cute niya talaga.
Niyapos ko ang beywang niya dahilan ng pagkagulat niya. Nginisian ko siya at dahan-dahang hinaplos ang mukha.
"Vale, huwag dito. Public place 'to kaya huwag dito." aniya agad sabay takip sa bibig ko.
Hala! Ang akala niya siguro hahalikan ko siya. HAHAHAHAHA! Kahit na hindi ko naman talaga siya hahalikan. Ito talagang si Thea, ipinapahalata sa iba na masarap ako humalik. Joke! Mamaya baka magalit na naman itong babaeng mahal ko sa'kin. Ang daldal ko kasi.
"I will not kiss you here. Tsaka alam kong public place 'to. I'm also aware na school 'to." sagot ko sa kanya at ngumiti.
She sighed. "Good. Kinabahan kasi ako noong hinawakan mo yung mukha ko. Ang akala ko tuloy hahalikan mo na naman ako."
"Ang arte mo naman, Thea! Gusto mo din naman 'di ba? Pakipot pero gustong gusto. Tss, kung ako sa inyo, ayos-ayusin niyo na yung mga kilos niyo. Baka malaman pa ng Daddy mo Thea na kayo na ni Vale." singit ni Nixie.
Thea smiled at Nixie confidently. "I'm ready for the consequences of my decision. Maybe this week, I'll introduce Vale as my boyfriend no matter what will happen." she said while still smiling at her bestfriend.
"I hope na magustuhan siya ng mga magulang mo. Sana, hindi sila maging hadlang sa kung anong meron kayo ngayon." ani Daphnie.
"I hope so."
Ilang minuto pa ay narinig na namin ang mga yabag ng teacher namin para sa umagang ito. Kaya dali-dali kaming umupo sa mga upuan namin.
"Hi, class! Good morning!" bati ng teacher namin ngayon sa English.
Tumayo kaming lahat at binati rin siya. "Good morning, Ma'am Rollena. Have a nice day!" sabi namin bago kami pinaupo ng teacher namin.
Siya si Ms. Rollena Balendong. Siya ang teacher namin sa English class. Favorite student niya si Nixie dahil sa matalino ito at magalang kapag nasa klase niya.
Si Kishie? Wala na siya dito sa school. Balita ko, nasa UK daw siya. Si Lawrence naman na ex-boyfriend ni Nixie, balita ko ay nasa Singapore. Nandoon na raw siya. Kakalipat lang nila noong isang linggo. Kaya wala ng manggugulo sa mga lovelife namin.
Masaya ako kasi sa wakas, hindi na ako single. Pero joke lang 'yon. Masaya talaga ako kasi yung babaeng pinapangarap ko lang makuha dati ay nakuha ko na ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong mahal ka rin ng minamahal mo.
Kapag k'wan ay napapalingon ako sa kinauupuan ni Thea. Sinisilip kung anong ginagawa niya. Sinisilip kung masaya ba siya ngayon o kung may iba siyang ginagawa.
Minsan, hindi ko maiwasang hindi magselos sa tuwing may kumakausap na ibang lalake sa kanya. Gusto ko kasi, ako lang ang lalakeng kinakausap miya at kakausapin niya. Ayoko ng may ibang kumakausap na iba sa kanyan lalo na kapag lalake.
Noong hindi pa kami, pwedeng makipag-usap pa siya sa ibang lalake dahil malaya pa siya noon. Pero ngayong nasa akin na siya, hindi na yata pwede yung laging may kumakausap na lalake sa kanya.
Minsan pinipigilan ko lang yung sarili ko na lumapit at sitahin siya na kung pwede huwag siyang gaanong makipag-usap sa mga lalake naming kaklase kasi nagseselos ko. Pero wala akong lakas ng loob kahit na girlfriend ko na siya, nahihiya pa din ako.
Ayoko siyang magalit ulit sa akin. Ayoko rin na ikulong siya sa mahigpit kong mga patakaran kung mamarapating sundin lamang. Ayoko rin na sakalin siya gamit ang mga bagay na hindi niya pwedeng gawin na pwede naman talaga kung tutuusin dahil may sariling kalayaan siyang gawin ang mga gusto niya.
Ayokong problemahin niya pa ako. Ayokong mamroblema siya nang dahil sa akin. Ayokong pahirapan siya sa relasyon na meron kami ngayon.
Ang gusto ko lang ngayon ay sana magtagal ang relasyon naming dalawa. Gusto kong malaman niya araw-araw na mahal na mahal ko siya. Gusto kong malaman niya na nandito lang ako palagi para sa kanya.
Malapit ko siyang kaibigan. Malapit siya sa puso ko dahil hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kanya. Mas higit doon. Mahal ko si Thea higit sa pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan niya.
Kung sakaling hindi magtagal ang relasyon naming dalawa, hahanap at hahanap ako ng paraan para kaibiganin ulit siya. Mas mahalaga ang friendship kaysa sa anumang relasyon para sa akin.
Oo, i-judge niyo na ako tutal d'yan naman kayo magaling, sa pagja-judge ng mga taong hindi niyo naman lubos na kilala.
Pero iyon pa rin ang para sa akin. Mas mahalaga ang closure at friendship sa kahit na sinong tao sa mundo. Kapag may kaibigan kang matatakbuhan at malalapitan, mas madaling gagaan ang pakiramdam mo at ito ang totoo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top