> 2 <

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Lumabas ako ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina nila Tita. Nahagip ng mata ko ang refrigerator. Kaya pumunta ako sa tapat no'n at binuksan. Tumambad sa akin ang iba't ibang uri ng canned beer.

Oo nga pala, mahilig uminom ng alak itong si Tita. Pati yung kambal. Siyempre, hindi ko kakalimutan ang sarili ko. Parehas kami ni Vale na halos maging bahay ang bar. Charot!

Hindi naman sa mahilig, pero gano'n na rin 'yon. Haha! Ang gulo kong kausap.

Kukuha pa lang sana ako ng canned beer nang may humawak sa pulsuhan ko kaya napatigil ako at napatingin sa taong nakahawak ngayon sa wrist ko.

"Hindi ka pa nag-umagahan tapos iinom ka ng beer." sabi niya saka ibinaba ang kamay ko.

Pinanood ko lang siya.

"Kumain ka muna." dugtong niya at isinarado ang refrigerator.

Hinila niya ako papunta sa dining area. Nang makarating kami roon, pinaupo niya ako sa upuan at iniwan. Ang sabi niya, hintayin ko lang daw siya. Ipaghahanda niya daw ako ng makakain ko.

So, ayon. Mga 30 minutes din ang lumipas nang makarating siya sa kinaroroonan ko dala ang mga pagkaing niluto niya.

May adobong baboy, may chicken curry at may afritada na manok rin. Amoy pa lang, talagang natakam na ako bigla. Kumuha na rin siya ng plato na may kanin. Kinuhanan din niya ako ng kubyertos ko.

"Kain ka na. Ako ang nagluto ng lahat ng 'yan." proud niyang sabi sabay turo sa mga pagkaing nasa harapan ko.

Kumain na lang muna ako. May bago kasing brand ng canned beer na binili si Tita. Gusto kong matikman 'yon.

'Yon yung kukunin ko sana kanina tapos dumating itong bwisit na epal na 'to at sinira ang oras na mayroon ako para mag-inom.

Buti na lang may paraan siya para hindi ako magalit sa kanya. Iyon ay ang lutuan ako ng pagkain ko. Masarap naman yung pagkain niluto niya. Kaya natuwa na rin ako kahit papa'no.

Nang matapos akong kumain, tinitigan ko siya. Kumunot ang noo niya nang dahil sa ginawa ko.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya habang kinakapa ang mukha kung may dumi ba o wala.

Binawi ko ang pagkakatitig sa kanya saka tumayo at iniligpit ang pinagkainan. "Wala." sagot ko sabay tungo sa kusina.

Nagtataka kayo kung bakit ko siya tinitigan ng gano'n? Kasi...

Ang gwapo niya. Ang gwapo niyang titigan at hindi nakakasawa yung mukha niyang paulit-ulit na tingnan. Kung pwede lang sana, maghapon kong titigan yung mukha niya. Ang gwapo kasi.

Hindi ko siya pwede titigan at baka maging feelingero na naman ang mahangin na si Vale. Hindi ko hahayaang ipagmayabang na naman niyang gwapo siya kaya naging crush ko siya.

Well, totoong gwapo nga siya. Pero hindi sa pagiging gwapo ko siya natipuhan. Cool siyang kasama at kausap kaya doon ako nagkagusto sa kanya. Gentleman din siya. Ang dami nga raw nagbago sa pag-uugali niya magmula nang makasama niya ako sabi nila Vince at Vian na bestfriends niya.

Tinatanong ko nga minsan yung sarili ko kung ano ba'ng ugali sa akin ang nagpabago kay Vale. Sa wala akong maisip na dahilan para maging ako ang maging dahilan ng pagbabago niya, tinanggal ko na lang iyon sa isipan ko at hindi na hinalungkat pa.

Paglilinaw ko lang...

Crush ko lang si Vale at hindi mahal. Oh sige, manliligaw ko siya ngayon. Manliligaw na mayabang. Feelingero din ang hinayupak na 'yon kaya minsan naiinis ako sa kanya.

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko sa kusina. Nang matapos ako ay bumalik ako sa kwarto ko para magbasa ng libro. Bored ako kaya magbabasa na lang ako ng libro.

Nang nasa kwarto na ako, may sumunod pala sa akin papunta rito. Nandito na naman kasi si Vale at nangangalutkot sa mini shelf ko. Hindi lang pala mayabang at feelingero, kalkalero din pala siya.

Pero joke lang 'yon. Sanay na ako sa kanya na pinapakialaman ang ibang gamit ko. Polbo ko nga na dinadala ko sa tuwing may pupuntahan ako, inubos niya.

Yung liptint ko sa sling bag ko, ginagamit niya rin. Jusko! 'Yon lang hindi niya pa mabili. Ang yaman-yaman niya. Milyones ang pera niya pero polbo at liptint lang hindi pa makabili, tss.

"Pwedeng pahiram ng isa?" tanong niya sa akin habang hawak amg librong paborito ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagpaalam ka pa. Nakakuha ka na nga, magpapaalam ka pa sa'kin. Pasalamat ka at sanay na ako sa pagiging kalkalero mo." masungit kong sagot sa kanya.

"Ang sungit mo naman. Hindi na nga." aniya at nakabusangot na pumunta sa tabi ko sa kama ko.

"Ano 'yang binabasa mo?" tanong niya ulit sa akin habang nakatingin sa libro. Hindi niya ba alam na libro 'tong hawak ko? Tss. Bulag ba 'to?

Nabaling sa kanya ang atensyon ko. "Project Loki." walang emosyon kong sagot.

"Weh? Nagbabasa ka rin pala ng story na Mystery/Thriller ang genre?" hindi makapaniwala niyang sabi habang hindi pa din lumilingon sa akin.

"Oo naman." sagot ko saka isinarado ang libro para pansinin niya ako.

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo isinara?!" inis niyang tanong sa akin.

Nginisian ko lang siya.

"Tss. Binabasa ko lang naman yung ibang lines para kung sakaling magustuhan ko, bibili rin ako ng akin para sabay nating babasahin." reklamo niya habang nakabusangot na nakatingin sa akin.

Humalukipkip ako. "At kailan ka pa nahilig sa pagbabasa, ha?" tanong ko sa kanya.

"Ngayon lang. Nakita kasi kita na may inilabas na libro kaya nainggit ako." sagot niya.

"Tss. Palusot mo! Ang sabihin mo, gusto mong malaman kung anong chapter na ako at kapag nalaman mo na, bibili ka ng iyo tapos uunahan mo akong matapos yung story na binabasa ko. Tapos ipagmamayabang mo na madali mo lang natapos yung story kasi para nga sayo, maikli lang yung kwento. Tama ako 'di ba?" dire-diretso kong sabi sa kanya.

"Hindi naman sa gano'n, Thea. Gusto ko lang na makasabay ka sa pagbabasa. Masama ba 'yon?" aniya at nagpa-cute pa talaga sa harapan ko.

"Para saan naman? Para masabi mong sweet yung pagiging sabay sa pagbabasa? Tss. Huwag na lang. Mas makakapag focus pa ako kapag walang kasabay na nagbabasa." mataray kong saad sa kanya.

"Ang taray mo talaga kahit kailan." reklamo niya at lumabas na ng kwarto ko.

Tsk. Mga ka-cornyhan ang alam. Hindi na lang kasi siya magtino. Baka matuwa pa ako.

Ang pinakaayaw ko kasi ay yung maging clingy sa isang tao dahil hindi ako gano'n. Sanay akong walang katabi o kayakap. Sanay akong mag-isa. In short, half introvert at half extrovert ako.

Half extrovert ako kasi may kahiligan naman akong makisama sa iba, lalo na sa mga bar. Half introvert rin ako kasi... 'yon na nga, may time na gusto ko lang mapag-isa ako. Ayoko ng may kausap o kasama sa isang lugar.

Ayoko rin sa masyadong sweet kung magkaroon man ako ng boyfriend. Bakit? Kasi kapag masyadong sweet ang lalake, hindi mo alam at hindi mo malalaman kung niloloko ka lang ba o totoo talaga yung ipinapakita niya na pagiging sweet niya sayo. Dahil ang tanging alam mo ay mahal ka niya at sweet siya pagdating sayo.

Nag-iingat ako. Ayoko ng masaktan 'noh! Kaya ingat na ingat ako sa puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top