> 18 <
❇️❇️❇️
Thea's POV
---
Nakarating na kami sa lugar kung saan kami mag-uusap mi Vale. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko o hindi. Bahala na nga!
"Vale?" tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko.
"Hmm?" tugon niya.
Umiwas ako ng tingin. "May sasabihin akong importante ah. Sana hindi ka magbago at sana hindi magbabago ang trato mo sa'kin kapag sinabi ko 'to sayo." panimula ko.
Marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago magpatuloy sa aking sinasabi. "Uuwi na kami ng United States at baka... baka ito na ang huli na'ting pagkikita." hindi ko mapigilang hindi maiyak habang sinasabi ang mga salitang ito sa kanya.
Hindi ako sanay na may tao akong iniiwan sa tuwing aalis kami ng bansa maliban kina Daphnie na mga kaibigan ko.
"A-ano? A-anong ibig mong sabihin, Thea?" halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. Alam kong masasaktan ko siya. Alam ko lahat 'yon!
"Yes, kung ano ang pagkakaintindi mo, iyon ang ibig kong sabihin. Oo, hindi na tayo magkikita ulit. Oo, hindi na tayo magkakasama ulit. Oo, hindi na kita mayayakap. At... oo, hindi na kita pwedeng mahalin..."
Tumitig ako sa mga mata niya. "Dahil ikakasal na ako, Vale. Ikakasal na ako sa ex-boyfriend ko na nasa US. Hinihintay niya akong bumalik para pakasalan siya."
Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa harapan ni Vale. Siya rin pala ay umiiyak ngayon. Ngayon ko lang nakita na sibrang mahal niya pala ako.
Pinunasan ko agad ang mga luha ko at nagpatuloy sa sinasabi ko.
"Doon na rin pala ako mag-aaral. Doon ko na itutuloy ang pag-aaral ko ng Serior High. Doon na ako magka-college at doon na ako magtatrabaho." pagpapatuloy ko.
Hindi pa din siya kumikibo hanggang ngayon. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Naisip ko na sabihin na ang plano ko para tumigil na siya sa kakaiyak. Mas lalo lang kasi akong nagiging mahina kapag nakikita siyang nagkakaganyan.
"But, I have an option para hindi na ako umalis ng bansa." sabi ko kaya awtomatikong napapunas siya ng luha.
"What's that? Tell me, I want you to be with me forever, Thea. So please, tell me your option. I will promise to myself and to you that no matter what happen, I will do everything just to be with you." aniya.
"Be my man." tipid kong tugon.
"What do you mean?"
"Be my husband, Vale. That's the only option that I know para hindi na ako ipakasal kay Horiell, doon sa ex-boyfriend ko na ipinagpalit ako sa malapit. Ayoko sa kanya, mas gusto ko sayo." paliwanag ko.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "I'm so lucky to have you in my life, Thea. Of course! I will marry you and I will promise that I will love you until my last breathe." aniya.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa sinabi niya.
"I will love you, too. Until the rest of my life." tugon ko.
I hugged him so tight and he did it also, he hugged me back. I kissed him on his cheeks and higged him again.
"Papayag akong pakasalan ka kahit na saang gusto mong simbahan basta magiging masaya ka lang kasama ako, okay na ako doon. Kung aalis ka ng bansa, susundan kita. Sasama ako sayo. Aayusin ko ang sarili ko para sayo. Yes, I have a lot of promises to you but all of it are true. I'm not kidding, I'm serious when it comes to you." aniya habang mahigpit ang yakap sa akin.
Kapag nasa tabi ko talaga siya, feeling ko safe ako. Feeling ko, wala akong problemang kinakaharap. Feeling ko, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko at wala akong iniisip na problema. Feeling ko may lagi akong tagapagtanggol sa tuwing nandito siya sa tabi ko.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kadalasan ay nag-aaway kami nang dahil lang sa simpleng problema na kaya namang pag-usapan. Minsan kasi, ako rin ang may kasalanan kaya kami nagtatalo.
"Sana kapag naging mag-asawa na tayo, hindi mo na sana ako palaging inaaway. Sana maging mabait ka na sa akin at malambing." aniya habang yakap-yakap pa rin ako.
"Sige ba." tugon ko naman.
"Talaga? Hindi mo na ako laging aawayin?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Oo naman. Sa susunod, hindi ko na iiklian ang pasensya ko sayo. Tuturuan ko na rin ang sarili ko na magkaroon ng malawak na pang-unawa. Para nga hindi na tayo laging nag-aaway." sagot ko sa kanya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap naming dalawa. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay saka tumitig sa kanyang mga matang mapupungay na kakatitig rin sa akin ngayon.
"Sisiguraduhin kong magiging tayo na hanggang dulo, Vale. Oo, aaminin kong medyo naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko pero matutunan din kitang mahalin. Ngayon, unti-unti ko ng natututunan na ikaw na ang present ko at kailangan ko ng kalimutan ang past dahil ikaw na ang mas lamang sa puso ko." nakangiting sabi ko sa kanya.
"I love you so much, Thea. Hinding hindi kita pababayaan sa mga kamay ko. Lagi kang magiging safe sa pangangalaga ko." hindi ko mapigilang kiligin nang dahil sa tinuran niya.
"Aasahan ko 'yan, Vale. Naniniwala akong wala ng makakapigil pa sa atin. Dahil kung meron man, hindi na ako papayag na pakawalan ka pa." tugon ko.
Naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa aking labi tanda na hinalikan niya ako. Gumanti ako ng halik.
Nang dahil sa halik na 'yon na walang katulad sa mga jalik niya dati, napagtanto ko na mahal ko na talaga si Vale. Mahal na mahal ko na siya ngayon. Hindi ko ma siya hahayaan pang mawala sa tabi ko.
Kung matuloy man ang lipad namin papuntang US, isasama ko siya. Hindi ko siya hahayaang maiwan dito sa Pilipinas. Isasama ko siya dahil siya ang dapat na makasama ko habangbuhay. Wala mg iba pa.
Kung matuloy naman ang plano ko na sabihing si Vale ang gusto kong pakasalan at kung hindi na ako isa sa United States, paninindigan ko ang pagiging girlfriend ko sa kanya. Official na, na boyfriend ko siya at girlfriend na niya ako, magkasintahan na kami. Kasal na lang talaga ang kulang. Pero bago 'yon, aral muna siyempre.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top