> 10 <

❇️❇️❇️

Vale's POV

---

Medyo tanghali na akong gumising. Late na rin kasi noong makatulog ako kagabi kaya ayan, tinanghali ako ng gising.

Hinagilap ko ang phone ko. Nang makita ko na ang phone ko, kinuha ko 'yon at ibinulsa ko na. Kaagad akong tumayo at pumunta sa banyo para makapaghilamos at makapagsipilyo.

Nang matapos ako ay binalak ko agad na lumabas. Pero nakita ko ang tray na nasa mini cabinet malapit sa kama ko na puno ng pagkain. Siguro, ito yung galing sa hotel. Marami-rami siya at masasarap kahit na amoy pa lang ang nasisinghot ko.

Inubos ko iyon at lumabas na ng kwarto. Naiinip kasi ako kapag nasa loob lang ako. Kukunin naman ng food server dito yung pinagkainan ko eh. Makalabas na nga lang.

Nang makalabas na ako ng kwarto, hinanap ko si Thea. Pero nabigo ako, wala siya dito sa labas. Sinubukan kong puntahan ang restaurant na pinuntahan namin kagabi pero, wala rin siya doon.

Kaya tinanong ko na sila Hurley kung nakita ba nila si Thea na lumabas o hindi pa.

Si Hurley, nakita niya raw na kakabalik lang ni Thea sa kwarto niya. Sa pagkakaalam niya, lumabas daw kanina si Thea at nagpakabasa ng tubig ng dagat sa mga paa.

Kaagad akong kumatok sa pintuang nakasara ni Thea para ayain siyang mamasyal sa labas. Balak ko kasing mag-ipon ng good memories kasama siya.

Wala pang tatlong katok nang bigla niyang buksan ang pinto. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon.

"Aalis na ako dito mamaya. Ano? Sasama ka?" bungad niya sa akin.

"H-ha?" tanong ko ulit. Sorry, Thea. Nakakabigla ka kasi.

"Ang sabi ko, aalis na ako mamaya kasi ayaw ng mga magulang ko na hindi ako pumasok sa school. Tinatanong kita kung sasama ka ba sa akin o hindi." paliwanag niya. Buti na lang at hindi siya nagalit noong pinaulit ko yung sinabi niya kanina.

Tss, ang hirap naman ng ganito! Nabigla naman yata ako sa mga nangyayari. Ang akala ko pa naman, tatlong araw kami rito. Eh ano pa nga ba amg magagawa ko? Aalis si Thea tapos maiiwan ako? Sasama na lang ako sa pag-uwi niya. Baka makita ko rin ang mga magulang niya.

"Sure! Anong oras?"

"Mga four o'clock ng hapon, biyahe na tayo para hindi tayo magabihan masyado." tugon niya.

"Sige, maghahanda na ako mamayang 2:00 pm para sa pag-alis na'tin."

"Sure."

"Ahmm... Ano nga palang sasakyan na'tin? Kapag barko masyadong mabagal." sabi ko.

"Private helicopter. Tawagan ko na lang yung private pilot namin tapos magpapasundo tayo sa private driver namin. Dala niya ang kotse ko na pagsasakyan na'tin pabalik sa Manila." tugon niya.

"Eh paano ang mga gamit na'tin? Sino mag-uuwi?" tanong ko ulit.

"May uutusan akong mga drivers namin na mag-aasikaso sa mga dala na'ting gamit. Huwag kang mag-alala, hindi magnanakaw yung mga 'yon. Ibigay mo lang sa kanila yung address ng bahay niyo para maihatid." sagot niya.

"Ahmm... bakit mo nga pala ako hinahanap?" pang-iiba niya ng usapan kaya napaigtad ako.

Nawala kasi sa isipan ko kanina nang dahil sa mga sinabi ni Thea. Kaya kinakabahan ako ngayon. Hindi ko na alam ang isasagot ko. Help!

Bahala na nga!

"Ahm... Aayain sana kitang pumunta sa mini bar. Pero okay lang kung hin--"

"Gusto ko. Nabo-bored na rin ako dito sa kwarto eh. Gusto kong malibang naman." putol niya sa sinasabi ko.

"Tara na." sabi niya at iniwan na ako sa kinatatayuan ko.

Nanatili lang na nakaawang ang bibig ko. Hindi ko kasi inakala na sasama siya sa akin. Mukhang dinidinig na ng Panginoon ang mga hiling ko at isa na doon ang maging mabait na sana palagi si Thea at hindi na ako sungitan pa.

"Hoy! Tara na!" sigaw niya. Hindi ko namalayan na malayo na pala kami sa isa't isa kaya dali-dali na akong tumakbo at sumabay na sa kanya sa paglalakad.

Nang makalabas na kami sa hotel, dali-dali kaming naglakad papunta sa mini bar. Excited na akong makasabay siyang makainuman! Tsaka para malaman ko na rin kung anong paborito niyang alak.

Bihira ko kasi siyang makakwentuhan kahit na matagal na kaming magkakilala. Limitado rin ang mga binibigay niyang impormasyon tungkol sa sarili niya sa tuwing nagtatanong ako sa kanya.

***

Nandito na kami ngayon sa mini bar. May banda na kumakanta sa mini stage. Ang ganda ng mga kinakanta nila at may isa akong napakinggan na nagustuhan ko ng sobra.

Ang ganda kasi ng pagkakakanta niya sa kantang iyon.

When the rain is blowing in your face
And the whole world is on your case
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love

When the evening shadows and the stars appear
And there is no one there to dry your tears
I could hold you for a million years
To make you feel my love

Nakatitig lang ako sa mga kumakanta nang bigla akong hilahin ni Thea papunta sa isang black na couch na mahaba.

"Tara, upo tayo." aniya sabay upo sa couch. Umupo na rin ako at tinabihan siya.

I know you haven't made your mind up yet
But I would never do you wrong
I've known it from the moment that we met
No doubt in my mind where you belong

I'd go hungry, I'd go black and blue
I'd go crawling down the avenue
No, there's nothing that I wouldn't do
To make you feel my love

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Thea sa tuwing binabangggit ang "to make you feel my love" sa last part ng bawat stanza ng kanta.

"Hmm? Anong gusto mo? Ako na oorder ng drinks na'tin. Don't worry about what I'll wanna drink, hindi ko pipiliin yung nakakalasing masyado." sabi niya habang nakangiti sa akin.

Nginitian ko rin siya. "Nothing. Just two orders of lemon juice." Ang akala niya siguro, mkakainom siya ngayon. P'wes, hindi ako papayag.

"Ang dami naman yata no'n. Mag-isa ka lang na iinom." sabi niya sa akin.

"At sino naman may sabing papayagan kitang uminom ng alak?" seryoso kong tugon.

Kumunot bigla ang noo niya. "What?!"

"Hindi ka iinom ng alak. Mag-juice ka. Baka mamaya sabihin pa ng Tita mo na nilasing kita. Tapos mapagkamalan akong rapist." paliwanag ko.

"Ha? Bakit ka naman pagkakamalang rapist? Eh kilala ka na ng mga 'yon."

"Thea, baka sabihing nililigawan kita para lang makuha ang virginity mo. Ayoko naman yatang mapagkamalan akong rapist nang dahil lang sa pag-inom mo ng alak kasama ako."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso ito. Hindi ko alam kung galit siya sa akin ngayon kasi pinihilan ko siya sa gusto niya.

She sighed. "Okay, fine. Hindi na ako iinom ng alak. Sorry, nawala sa isip ko na uuwi pala tayo mamaya. Baka matuloy yung pag-usi na'tin kung maglalasing ako 'di ba? So, sige. Payag ako na juice na lang muna ang inumin na'tin." tugon niya at ngumiti.

Tumalikod na siya at pumunta na sa stool ng bar at umorder na ng juice saka bumalik na agad sa tabi ko nang makuha na ang i-norder namin. Ibinaba niya ang hawak niyang dalawang glass ng lemon juice sa salaming lamesa na nasa harapan namin ngayon.

*****

Song: Make You Feel My Love
Covered by: OrtoPilot
Original song by: Adele

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top