Chapter 37
"Gusto mong sumama sa pangingisda?"
"Talaga?" I stood up from my seat, holding a banana on my hand, because of excitement.
"Kung gusto mo lang naman. Hindi kita pipilitin na lumabas dahil alam kong-"
"Gusto ko!" Kumagat ako sa saging na hawak ko at mabilis na nginuya ito. "I want to do it since it's been a while to see the beauty of nature. Gusto kong makalabas naman, Icarius. Gusto ko."
Tila hindi mawala ang kislap sa mga mata ko dahil sa tanong ni Icarius. It feels like I'm gonna complete the process of being alive once I got a chance to get out again.
Napatawa siya't napailing-iling. "Alright. Dapat maaga kang magising bukas bago pa man sumikat ang araw."
Paulit-ulit akong tumango habang inuubos ang saging na kinakain ko. Kakatapos lang namin kumain ng pananghalian kaya prutas naman ang nilantakan namin bilang dessert.
"Mas magandang makita ang pagsikat ng araw kapag nasa laot na tayo."
"Huwag kang mag-alala. Baka nga mauna pa akong magising sa 'yo."
"Just saying, Aislinn." Tumayo siya't tinalikuran ako kaya lalo lang lumawak ang ngiti sa labi ko, imagining things again.
"Mukhang ang saya mo, 'nak. Ganoon mo ba talaga kagustong lumabas?" si Mama Encarnacion habang nililigpit ang pinagkainan namin.
"Hmm, opo. Ang tagal na rin po kasi, eh. 'Tsaka may tiwala naman po ako kay Icarius."
"Well, then, enjoy it."
My thoughts went crazy that I forgot to help Mama Encarnacion on doing the chores. Buong araw ay nakatunganga lang ako habang iniisip ang mga posibleng mangyayari bukas. Oh, I can't wait.
Don't get me wrong. It's been a while since I got to see the outside world. It's been a while since I felt the warmth of the sun, smelled the gentle breezes and saw the beauty of nature without worrying anything and depriving myself to feel the freedom that I need. Noon ay hindi ganito ka-big deal sa akin ang ganitong mga bagay, pero ngayon ay tila uhaw na uhaw ako na maramdaman ang halaga nito sa pagkatao ko.
Two months left before my birthday and disappearance. Just like that, the past felt like a far world to me that I cannot reach again. Who would've thought that I managed to stay in this place for ten months without them finding me?
May mga ilang tanong pa rin ang naliligaw sa utak ko pero hindi ko na iyon masyadong binibigyan ng pansin ngayon. I just want to focus on being happy and appreciating the simple little things given to me. I also want to clarify my feelings toward Icarius without confusing myself between him and Van.
Van's not here and I don't even know if he's still looking for me, so would it be better kung kay Icarius muna ako magpopokus to lessen the heaviness? Would it be wrong to choose what my heart wants over what my mind needs? Would it be nice to avoid being paranoid and anxious over my past?
Kahit na anong pilit ko sa sarili ko na hindi dumikit sa mga nakaraang pangyayari ay hindi na iyon mababago pa. Ako lang naman kasi ang makakakontrol 'non. Only me can mend the broken heart of my other self since I'm the one who caused too much pain to myself. I lost myself for a long time now so I guess it's time for me to be found again. Hindi ko na ikukulong at pipigilan ang sarili ko.
"Tama ako, 'no?" With my crossed arms and the back of my body leaning against the door, sinalubong ko si Icarius na kakagising lang. "Mas mauuna pa akong magising sa 'yo," pagmamayabang ko pa.
Ang totoo nga niyan ay parang hindi naman ako nakatulog. Nakapikit nga ako pero gising naman ang diwa ko kaya hindi ko namalayan na umaga na pala.
"Kanina ka pa gising?"
"Hmm, well, you can say that." Binigyan ko siya ng malawak na ngiti.
"Hindi naman halata na kahapon ka pa sabik sa gagawin natin ngayon."
"Talaga? I really thought it was so obvious that it became a bothersome to you and to your family."
"You really don't know how to differentiate a joke between the truth, don't you?"
I pouted and lowered my gaze. Is that a joke? It sounds like a sarcasm to me. Hindi naman ako na-inform na nakakapag-joke na rin pala siya.
"Padadaanin mo ako o magkukulong na lang tayo rito buong maghapon?"
Agad naman akong umalis sa may pinto at binigyan siya ng espasyo. He's smiling again when he left me. Ano namang nakakatuwa? Ang katangahan ko? Tsk. Ang aga-aga nagsusuplado na naman siya. Pasalamat siya't maganda ulit ang gising ko ngayon dahil kung hindi ay baka magkaroon na naman kami ng hindi pagkakaunawaan.
"Oh, Aislinn, gising ka na rin pala," si Mama Encarnacion na abala sa pag-aasikaso ng mga dadalhin namin, kasama na roon ang pagkain.
"Mas nauna pa 'yan nagising sa akin, Ma," usal naman ni Icarius.
"Ay talaga?" Natawa si Mama Encarnacion. "Naku, ganyan talaga kapag sabik ang isang tao sa isang bagay na gusto niyang gawin."
Hindi na lang ako nagsalita. Nakitawa na lang din ako sa kanila. Pinangunahan na ako ni Icarius, eh, kaya ano pa nga bang magagawa ko?
"Kumain ka na muna bago tayo tumulak."
"Eh, ikaw?"
"Uminom na ako ng kape."
"Then, I'll have some coffee too."
Tumungo na ako sa kusina at kukuha na sana ng tasa nang maunahan na niya ako.
"Ito na."
Napatingin ako sa tasang may laman na. Hindi na ako nag-inarte at nagdalawang-isip pa, kinuha ko na iyon sa kamay ni Icarius.
"Careful. It's hot-"
"Ah!" It's too late. Napaso na ang dila ko.
"Tss." Umaksiyon naman agad si Icarius kaya hinayaan ko na lang siya.
Damn. When I get too excited, this happens. Hindi ko namamalayan na mas pokus ang utak ko kaysa sa pisikal na kapaligiran. Well, not really. Gusto ko na lang kasi agad na makaalis na kami kaya binibilisan ko rin ang kilos ko.
"Suotin mo 'to." Icarius lend me a cardigan when were about to head out.
"Salamat." Kinuha ko naman agad iyon sa kamay niya. Nginitian niya lang ako bago naunang lumabas na dala na ang mga kakailanganin niya sa pangingisda.
"Alis na po kami," paalam ko kay Mama Encarnacion.
"Sige, 'nak. Ingat kayo."
Mukhang nauna na rin si Papa Narcissus sa bangka. Kami lang bang tatlo ang magkasama o may iba pa? Baka hindi ako gaanong makagalaw o makasalita niyan dahil sa hiya kung mayroon mang ibang kasama. Kahit na kakilala iyon nila Icarius at Papa Narcissus ay hindi iyon sapat na rason para maging komportable agad ako sa kanila. Would it be a bunch of men again?
Natigil ako sa paglalakad. My smiles started to fade after. Kaya ko na ba ulit humarap sa ibang tao lalo na sa mga kalalakihan? What if something goes wrong again? Huwag na lang kaya ako sumama? But I really want to go and Icarius is there to protect me alongside with Papa Narcissus.
Tama. Alam kong hindi naman nila hahayaan na may mangyari ulit na masama sa akin pagkatapos 'nong kay Lyndon. They witnessed my sufferings at alam kong naaawa sila sa akin.
Awa. Ngayon ay alam ko na kung ano sa pakiramdam ang kaawaan ka ng tao. I can relate to Van now.
"What's wrong?"
I gasped. "Icarius naman!"
"Ano? Anong nangyari sa 'yo? Ayaw mo nang sumama?"
Umangat ang tingin ko sa kanya. Napatitig ako sa mga mata niya na nakatingin din sa akin ngayon. If it wasn't for that expressive eyes of him, I'm still wandering the broken road up until now. That look and stare keeps me sane. His gentle and ungentle words made me realize a lot of things. His attitude that shifts quickly is the reason why I can't leave this place that easy.
"I'm just... wondering if... if there are some other men..." Napalunok ako. Kahit na hindi ko magawang ipagpatuloy ang gusto kong sabihin ay alam kong nakuha niya na rin naman ang ibig kong sabihin doon.
"Is that what you're worrying about?"
Bahagya akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang pagtalbog ng puso ko sa loob ko at ang paninigas ng katawan ko.
"Huwag kang mag-alala, tayong dalawa lang ang mangingisda ngayon."
"Tayong... dalawa lang? Nasaan si Papa Narcissus?"
He let out a low chuckle. "Tulog pa."
Natahimik ako. Would it be better if it's just the both of us together? Parang mas gusto ko na lang tuloy na may kasamang iba. Mukhang papatayin naman ako sa kaba at awkwardness nito. Me watching him to catch fishes? Or worst, me fantasizing him as he catch those fishes with that kind of body? No way.
"Let's go." Marahan niyang pinisil ang kamay ko senyales na sumunod na ako sa kanya.
I heaved a sigh and just decided to follow him quietly.
Lahat ng bumabagabag sa akin kanina lang ay bigla na lang nawala dahil sa sinabi niya. Nga lang, napalitan naman iyon ng mga maruruming ideya. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng utak ko o inaaliw ko lang ang sarili ko para hindi na ulit maisip ang mga ganoon na bagay? I guess it's the latter.
Kahit na may mga pagnanais din ako na taglay o nakatago sa katawan ko ay hindi ko naman iyon basta-basta ipapakita lalo na sa kanya. And thinking that horrible experiences, I don't think I deserve that kind of pleasure and comfort anymore. Huli na iyon sa mga bagay na gusto kong gawin ngayon. At least, it's just all in my head.
"Dito ka muna." Binitawan niya ang kamay ko nang makarating na kami sa daungan ng mga bangka. Sinundan ko siya ng tingin. Nilapag at inayos niya muna ang mga dala niya bago ulit ako binalikan.
"Here." Nilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan ako sa pagsakay. "Watch your step."
Nang makatapak na sa loob ng bangka ay naghanap agad ako ng magandang puwesto. Umupo na lang ako sa pinakagitna habang si Icarius ay nasa unahan para magmaniobra ng bangka.
Maliit lang ang bangka pero may makina ito at 'yon ang kinakalikot ni Icarius sa ngayon matapos niyang kalasin ang tali at ilagay sa posisyon ang bangka gamit ang mahabang kawayan. Kahit na may kaba pa rin sa akin ay nginiti ko na lang iyon habang tahimik na pinagmamasdan ang ginagawa ni Icarius. Kapag nararamdaman ko na titingin siya ay agad akong umiiwas at nagkukunwaring abala sa pagtingin ng tanawin kahit na walang ibang makikita sa paligid kundi kadiliman.
The quietness of the whole place made it more awkward for me. May ilang tao na rin na gising dahil sa ilaw sa kani-kanilang bahay pero wala namang ibang maririnig kundi ang agos ng tubig at mga kuliglig.
"Ayos ka na ba riyan?"
Mabilis na bumalik ang tingin ko sa kanya. "Oo naman."
He didn't bother to respond again. Tuluyan niya nang pinaandar ang makina. Hindi na rin siya umalis sa puwesto niya. Nanatili lang siyang nakatayo habang nakatanaw sa malayo.
"Icarius!" sigaw ko dahil sa ingay ng makina. Lumingon naman agad siya at lumapit.
"Ano 'yon?"
"Uhm, puwedeng dito ka na muna?" Napatingin ako sa madilim at masikip na dinadaanan namin. I can feel my goosebumps habang pinapakiramdaman ang paligid. This feels like a scene in a horror movie. Bakit ganito rito?
"Hindi naman tayo magtatagal dito. Mayamaya lang ay tuluyan na tayong makakalabas sa malawak na karagatan."
"Kahit na. Dito ka muna... sa tabi ko."
Without saying a word, he sat beside me. Thanks to him, my fears are slowly disappearing again. Bakit ba kasi ang dami-dami kong kinakatakutan? Hindi pa ba ako nasanay sa madilim at mapanganib na daan na tinatahak ko simula nang pinili kong putulin ang tali na mayroon ako noon sa kinagisnang lugar at pamilya?
"Okay na."
Napatingin ako sa kanya nang bigla na lang siyang tumayo at bumalik sa dating puwesto niya kanina. Wait, don't go yet, I wanted to plead, but only a little frown knitted on my lips appeared when all I could do is to watch him again. Bahagya pa akong nagulat nang bigla siyang lumingon para lang bigyan ako ng ngiti.
"Saan kayo madalas na nangingisda?"
Lumapit ako sa kanya nang hindi ko na makayanan pa. Wala naman kasi sigurong mawawala kung makipag-usap ako sa kanya habang hindi pa kami nakakarating sa destinasyon na gusto niya, 'di ba? Kaysa naman sa mamuti ang mga mata ko sa kakatitig lang sa kanya habang pinapakiramdaman ang paligid. I'm getting bored, alright.
"You'll see when we get there."
Disappointed to his answer, I asked again. "Marami naman ba kayong nahuhuli? Pagkatapos anong ginagawa niyo?"
"Oo, dinadala agad namin sa bayan. Mas mabenta kapag bagong huli dahil sariwa."
My mouth formed a circle as I nodded, thinking of another question again. Pakiramdam ko kasi agad namamatay ang usapan namin kapag ganoon, eh. Depende na lang kung siya na mismo ang dumadagdag ng mapag-uusapan.
"Anong klaseng isda ba ang mga nahuhuli niyo?"
"Common dito ang tulingan, dilis, galonggong, salay-salay at alumahan. Bihira lang kami makakuha ng bangus, tilapia at ibang mamahalin na isda."
It's not like that I really want to know their business. I just want to indulge myself a conversation with him– a normal conversation. 'Tsaka dagdag kaalaman din naman ito, hindi ba? So, I guess this will do... for now. Ayos na ako sa ganitong usapan kaysa roon sa masyadong personal. Pero kailan ba ako hindi naging ayos sa kahit na anong pinag-uusapan namin ni Icarius?
"Pero marami naman ang nahuhuli niyo?"
Tumawa siya. "Natanong mo na 'yan at nasagot ko na rin."
"Ay ganoon ba? Uhm, sorry."
Damn. Ang bilis ko naman yatang makalimot? Maki-cooperate ka naman kasi Icarius. Huwag mo akong papaisipin dito kung ano ba dapat ang pag-usapan natin ngayon. Gosh. Ba't ang hirap yatang makabuo ng usapan sa 'yo kapag nasa ganito tayong set up? Napaghahalataan na trying hard ako, eh. Ano ba naman 'yan.
"Gusto mo rin bang sumama sa bayan?"
Napaisip ako sa tanong niya. What if may makakita sa akin? Gustuhin ko man ay kailangan ko pa ring mag-ingat. Hindi ko pa rin dapat hayaan na maging kampante ang sarili ko sa paraan ng pamumuhay ko ngayon.
"Hindi na muna sa ngayon."
"Kung ganoon, iuuwi muna kita bago ako pumunta sa bayan."
I gave him a smile as a response. Ba't ganoon? Nakalabas nga ako pero may parte pa rin sa akin na nakakulong. Parang hindi pa ako tuluyang malaya. Siguro hindi na talaga ito mawawala sa akin kahit na anong gawin ko.
My past experiences have always been a part of me, kaya ganito ang nararamdaman ko. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang lahat. Kahit na sumabay ako sa agos ay babalik at babalik pa rin ako sa nakaraan. Even if I chose to free myself from all of it, there's a part of me that will always be imprisoned in it.
"Sumisikat na ang araw," anunsiyo ni Icarius na siyang nagbigay-buhay ulit sa akin.
"Lift me up!" mando ko dahil gusto kong masilayan ng buo ang pagsikat ng araw. Sinunod niya naman ako.
My veins in my neck became stiff the moment he touched my waist. Nang mapahawak ako sa kamay niyang nasa baywang ko ay unti-unti na namang bumibilis ang tibok ng puso ko. I swallowed hard and chose to ignore it.
"Ang ganda!" Lumawak ang ngiti ko at parang gusto kong maiyak.
I survived, I want to yell it, but couldn't. Nang makontento ako sa pagtingin lang ay pinili ko namang ipikit ang mga mata ko, hindi pa rin inaalis ang ngiti sa mga labi ko.
Ilang minuto yata akong ganoon ang ayos habang nakaalalay sa akin si Icarius. Natigil lang nang sabihin niyang nakarating na kami sa spot nila. Bumaba at pumasok na lang ulit ako sa bangka. Sinimulan niya na ring ayusin ang fishing net pagkatapos ay unti-unti itong hinulog sa dagat. So, this is how they do it. Akala ko ay 'yong paisa-isa talaga using only a fishing hook. How stupid of me. Of course, there are various tools and ways to catch a fish.
"Omg! Ang dami! Hindi ba nauubos ang isda rito?"
After almost an hour, inangat na ulit ni Icarius ang net and a lot of fishes got caught in it. I was amazed and giggling while watching him.
"Parang ang dali lang pala. How can you do this?"
"You just need techniques and strategies with proper tools."
"Pasensiya pa," dagdag ko roon sa sinabi niya.
"Oo. Tatag ng katawan, sipag at tiyaga."
I tried to help him, but he didn't let me. Fine. I'll just sit my ass here and watch him do it all. What a beautiful scenery it is, right?
Oh, I can't help but to laugh at that thought.
Mayamaya lang ay napatayo ako sa gulat nang may biglang nahulog sa tubig. Sinuri ko ang bangka at nang hindi makita si Icarius ay paunti-unti akong nataranta. Pinuntahan at tiningnan ko agad kung saan ko narinig 'yong nahulog. There's nothing.
"Icarius!" I shouted, but got no response from him.
Ilang beses kong nilibot ang bangka. Naghintay din ako ng ilang minuto pero hindi ko na talaga ito kaya. Sigurado na ako na si Icarius 'yong nahulog dahil kung hindi ay nandito lang dapat siya! Saan pa siya susuot sa liit ng bangkang ito?
"Icarius!" I bit my lip. "Icarius! Nasaan ka? Huwag ka namang magbiro!"
I waited for another couple of minutes, but still no sign of him. Habang nakatitig sa tubig ay kinakalma ko muna ang sarili ko. I closed my eyes and without further ado, I jumped.
Nang buksan ko ulit ang mga mata ko ay nasa ilalim na ako ng tubig. Hinanap ko ang katawan ni Icarius pero nang maubusan ako ng hangin ay umahon muna ako. I also checked if he's back on the boat, but he's not.
"Icarius!" sigaw ko pa bago ulit sumisid.
A pang of pain resurfaced in my mind and heart when some of my memories from the past came back. Most of it are the scenes from the boat when Rad chased after me. Nilabanan ko iyon pero habang tumatagal ay nararamdaman kong bumibigat ang katawan ko at parang unti-unti akong hinihila pailalim.
Napahawak ako sa ulo ko nang biglang napunta sa lalaking nagligtas sa akin ang senaryo. Napapikit ako. Sinubukan kong alamin 'yong hitsura ng lalaking iyon pero hindi ko pa rin nakita. All I can see is the built of his body and hear his voice saying, "You'll be safe."
Napamulat ako nang may maramdamang kamay na lumukob sa baywang at tiyan ko. Nanlaban ako sa pag-aakalang si Rad iyon.
"Bakit ka tumalon?!" sigaw agad ni Icarius ang bumungad sa pag-ahon namin.
Oh, my God! I almost drowned to my death again! Things related to my past experiences are the ones that pulling me back to my trauma and phobia, but how can I avoid it? Kung hindi ako agad naagapan ni Icarius ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.
"Damn it, Aislinn! Ikaw lang naman ang nagpapahamak sa sarili mo."
Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa kakapusan ng hininga. Even my whole body feels so tired. Hindi ko mabigyan ng pansin si Icarius dahil nasa malayo pa rin ang utak ko.
"Ito ang nangyayari kapag hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko."
I gasped when he placed his hands on my underboob to help me get on the boat. Sinikap ko naman na tulungan siya at ang sarili ko pero hindi pa rin iyo naging sapat. My eyes widened when Icarius' right hand touched my butt. Because of my sudden reaction, we both fell back to the sea.
"Aislinn!"
Hinabol ko ang hininga ko sa pag-angat ko ulit mula sa tubig. I kept on blinking while looking at him.
"I'm... sorry."
"Hindi mo narinig 'yong sinabi ko kanina?" Nagsalubong ang kilay niya. "I said, stay put. Kailangan ko lang ayusin 'yong net sa ilalim."
"My mind was occupied that time. May bigla akong narinig na nahulog sa dagat kaya... natakot ako... nang makumpirma kong ikaw 'yon. I thought... I thought you fell and... and drowned." Hindi ko makilala ang boses ko dahil sa kaunting paos at panginginig. Ngayon ko lang din nadama kung gaano kalamig ang tubig.
"Gawain ko ito, Aislinn. Sinong mangingisda ang hindi marunong lumangoy?"
"I'm sorry," I said the only words that I could say at this moment.
We stared at each other for minutes, not knowing what we really want to say. All I know is that I was more afraid that he drowned than those memories. For the first time in my life, I was scared at the thought of losing someone precious to my life. And I knew from that moment that he's not just a mere someone to me. He's more than that. He's the person that I want to hold on to for the rest of my life. I'm sure now that it's a sign of love.
Nakakagulat lang dahil ang ganitong marubdob na pakiramdam ay hindi ko man lang naramdaman noon kay Van. He had such a great sense of humor mixed with seriousness, always laughing off my jibes. In short, he was once my cause of happiness, but now, Icarius gave me something more than that. Alam kong mali na ikumpara sila, but I couldn't help it.
Nang magsimulang lumapit sa akin si Icarius ay tila tumigil sandali ang paghinga ko. My lips parted when his face is just a few inches away from mine, expecting his lips to meet mine. Nang mangyari na nga ang inaasahan ko ay hindi ko na magawang makagalaw pa.
"Don't make me find you again. I don't want to feel so afraid and worried everytime something happens like this," marahang sabi niya nang panandalian siyang kumalas sa halik.
Hindi pa nga ako nakakabawi sa biglaan niyang aksiyon ay naramdaman ko ulit ang pagtambol ng puso ko nang marahan niya akong hinawakan sa likod, pulling me closer to him to feel the gratifying heat of our kiss when our lips met again. Kusa namang sumunod ang katawan ko, realizing that I'm clinging my legs to his hip as my hands was thrown to his nape, unconsciously. Hindi nagtagal ay unti-unti na rin akong napapapikit para sundan ang agos ng mga labi niya.
It was a soft, but intense and deep kiss, reviving the hidden feelings that have long been kept in the depths of our being. I couldn't even find the exact words to describe it. Hindi iyon naging salungat sa kagustuhan ko pero ang alaala ko na mismo ang nagtulak kay Icarius palayo para ikalas ang madamdaming sandali.
"I'm sorry... I can't do this," I stammered.
Hindi ko magawang makatingin ng maayos sa kanya kaya agad na akong lumayo at tumungo sa bangka. Kahit na nahirapan ako sa pag-akyat ay pinilit ko pa rin ang sarili ko para lang hindi na makatanggap pa ng tulong sa kanya.
Tahimik akong naupo sa kinauupuan ko kanina na hindi na binibigyan ng pansin si Icarius. Inayos ko ang cardigan na suot ko pa rin at napayakap na lang sa sarili ko dahil sa lamig na nanuot sa buong katawan ko. I can even feel my lips trembling as my heart chose to endure the excruciating pain again for various reasons expounding in my mind. Pero wala nang mas sasakit pa sa mukhang nakita ko kanina bago ko siya tinalikuran.
"Ako dapat ang mag-sorry."
My eyes immediately went to Icarius. Binigyan niya ako ng panandaliang tingin nang ibalot niya sa akin ang jacket na suot niya kanina.
"I'm sorry, Aislinn."
Nang ipikit ko ang mga mata ko ay mabilis na lumandas sa pisngi ko ang mga luha. I said so to myself that I will not encage and isolate myself again– that I should open my heart more to Icarius and just accept everything.
Bakit hindi ko magawa? Why do I always end up hurting the people around me because of my actions? Mas okay sana kung ako lang ang nasasaktan at naghihirap sa mga kagagawan ko, hindi pati 'yong mga importanteng tao sa buhay ko because it hurts even more. Doble 'yong balik na sakit sa akin na parang paunti-unti akong pinapatay sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top