Chapter 36

Van and Icarius have some similarities, but they are not the same. Van's personality will always be as bright as the day, but Icarius' brightness gave way to the darkness. I love Van and I like Icarius for taking responsibilites of me.

Takot ako sa nararamdaman ko na unti-unting nababago ni Icarius. Takot akong malamangan ni Icarius ang importansya ni Van sa akin. Takot akong mapalitan ni Icarius ang matatag na pader ng pagmamahal ko kay Van, mapapuso man o isip.

Ngayon, ang takot kong iyon ay may resulta na. I can't let go of Van. That's what I always thought to remind myself of the boundaries I have. But the fact that he's no longer in my heart, terrifies and breaks my conscience. Pakiramdam ko malaking pagkakamali na naman ito. Pero hanggang kailan ko pa ba pipigilan ang sarili ko? Hanggang kailan ko pa ba titimbangin ang halaga ng puso sa isip ko? Hanggang kailan ko pa ikukulong ang sarili ko sa mga tao at sitwasyong hindi ko na mahawakan?

I can feel my tears filling a cup again as my shoulders drooped. There's a strong and painful force in my heart that keeps banging. Tila ba dahan-dahan at paulit-ulit na tinutusok ang malambot na laman ng puso ko sa bawat pagpiga ng ugat sa isip ko. But my eyes suddenly became wide as I gasped for some air when someone covered me with a blanket.

"Baka mahamogan ka sa lamig."

Agad namang humupa ang gulat ko nang makumpirma kong si Icarius lang pala. Hindi ba talaga niya mababago ang ugaling ito? He's always surprising me in different ways.

"Akala ko magpapahinga ka na rin."

"Paano ako makakapagpahinga kung ang pahinga ko ay nandito pa sa labas?"

Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa harapan. Hanggang kailan mo ba ako gugulatin, Icarius? Baka mamalayan ko na lang din na baliw na ako sa nararamdaman ko sa 'yo.

It's not just the sugary words, but the sincerity and seriousness. Akala ko talaga 'nong una ay hindi ko makikita o mararamdaman ang ganitong side niya. I thought he's not someone who will make a move to his woman through words. Now, I can see that he's balancing it well enough for me to fall.

Out of frown, my lips involuntarily create a small smile. Umiwas ako bago pa man niya makita iyon. Tila hindi na gustong tumulo ng mga luha ko ngayon na nandito na ulit siya.

"Ah, dito ka pala sa kubo nagpapahinga." It was a stupid remark as a response to his flattering words. But as much as possible, gusto kong magbingi-bingihan muna hangga't hindi ko pa naaayos ang mga iniisip ko.

I heard him let out a low chuckle. "I guess so. Sa kubong ito ko lang kasi nahahanap ang kapayapaan ng loob ko."

It's so ironic that we're both feeling the same way. The room given to me and this place is the only peaceful world for me. Sa dalawang lugar na iyon ay doon lang ako nakakapag-isip ng maayos.

"Dito ko rin nahanap si Aislinn. Dito namin nahanap ang katahimikan sa magulong mundo."

"Dito natin nakita ang liwanag ng buwan sa madilim na araw."

"Dito rin natin mabubuo ang mga sarili natin para tuluyang maging isa."

Hindi ako nakasagot. Hindi ba't masyadong maaga at mabilis ang halos sampung buwan na pakikisama ko kay Icarius at sa pamilya niya? Sa totoo lang, hindi ko talaga inasahan na may mabubuo sa amin. Kahit na ramdam ko naman ang unti-unting pagbabago sa loob ko ay hindi ko pa rin nakita na aabot kami sa ganitong sitwasyon.

I was so focus on my thoughts and experiences. Hindi ko gaanong nabibigyan ng pansin ang totoong nararamdaman ko, pero ngayon na unti-unting binubuksan ni Icarius ang pinto, unti-unti ko ring hinahayaan ang sarili ko na makapasok.

"Nang makita kita noon na nakalutang lang sa dagat ay hindi ako nagdalawang isip na sagipin ka." The familiar feelings came back when he started a topic again. "Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, pero simula nang namulatan mo ako, pinili kong maging totoo sa 'yo."

I chose to be silent- no, I just couldn't find the right words to contradict his story. I can't lie to myself that I'm really curious about his thoughts and feelings towards me. Not just 'that thing'. I'm curious at everything about him, considering that he's my savior.

"I felt something in me the moment I saw you. Hinanap ko ang sagot doon at ngayon na nahanap ko na ay tuluyan ko na iyong naintindihan."

"'Yon ba 'yon? Maybe you're just confused as much as I do?"

"No. Ngayon lang ako naging sigurado sa bagay na alam kong totoo."

"Gaano ka kasigurado, kung ganoon?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang pagdikit niya sa akin. His hands smoothly touch my hand to occupy a space in the blanket too. Now, we're both sharing the not-so-big-blanket. Masikip at maliit ito para sa akin dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa malamig na katawan ko.

Pasimple kong binaba ang tingin ko magkadikit na mga binti namin. When I realized that my left hand were on his leg, I quickly moved it to mine. I swallowed the bile in my throat and licked my lips, feeling so uncomfortable with our position.

"You can freely put your body on mine from now on. You won't need my permission, but I will need yours."

Oh, my God. This is really getting heavy. I say it again, hindi ko inasahan at inakala na mangyayari ang ganitong set up sa buhay namin ni Icarius. I always thought that it would be possible, but then regretting it later on kaya wala rin. Bukod sa ang kapal ng mukha ko dahil sa pagiging assumera ko ay hinding-hindi mapapalitan ang pagiging marupok ng puso ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na ako ganoon karupok o kalambot pagdating sa lalaki. In Icarius' case, I will continue to resist.

Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi siya kagaya nila ay hindi ko pa rin maitatanggi na minsan ay nakakaramdam din ako ng kaba at takot sa kanya. Hindi man halata ay grabeng kontrol talaga ang ginagawa ko sa damdamin ko ngayon.

"Uhm, alam mo, Icarius, hindi mo naman kailangang gawin ito. Kontento na ako sa-"

"Nakalimutan mo na agad yata ang sinabi ko sa 'yo kanina lang."

"It's not like that. Alam mo ang pinagdaanan ko habang nandito ako. Sinabi ko rin sa 'yo ang dahilan kung bakit ako naligaw."

Hindi agad siya nakasagot.

"I'm sorry."

"No, Icarius. Don't be sorry to me. Wala ka namang ginagawang mali at kasalanan. You're just obliged because you saved me."

"Alam mong hindi lang 'yan ang nararamdaman ko ngayon."

"Oo, pero 'nong simula ay 'yan lang ang naramdaman mo sa akin. That's why you're being cold and rude to me. Pinaramdam mo sa akin na nagsisi kang niligtas mo ako. Pinaramdam mo sa akin na kaawa-awa akong tao."

"You're wrong, Aislinn."

"Oh, am I?"

I breathed in and out when I felt that the tension is slowly rising. I even closed my eyes to suppress myself. When Icarius' hand accidentally touch a part of my leg, bumalik ang kaba at takot na panandaliang naramdaman ko kanina. My heart started to beat in an unusual manner and there's a part in my mind that goes back to that nightmare.

"Uhm, Icarius. Will you... please move an inch away... from me?" It was hard saying those because I don't want him to feel that I'm pushing him away.

I bit my bottom lip. This is the first moment that we got so closed since that night. Wala namang kaso sa akin na magkadikit ang katawan namin ni Icarius sa isa't isa, pero nagpa-palpitate ang puso ko kapag nangyayari iyon lalo na ngayon.

He didn't utter any words. Naramdaman ko na lang na bumalik siya sa dati niyang pwesto kanina. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ng malambot na tela sa kamay at binti ko.

"Nang gabing iyon ay nahuli agad si Lyndon. Dinala muna siya sa barangay hall bago sa presinto sa bayan dahil gabi na. Pero kinabukasan ay nakatakas siya."

Mas lalo lang akong na-guilty nang sinimulan niyang ikuwento ang nangyari. I know he can feel what I'm feeling tonight and I don't want him to think that I also think of him as... that kind of person.

"Nahuli naman agad siya nang dumating ang hapon. Bumiyahe agad kami para hindi na siya makatakas ulit at hindi na makatapak pa ng paa rito. That's when we knew that you're not the only victim. May iba pa pero nanahimik lang sila dahil sa takot at banta."

What? How could Lyndon be that worst? Where is the humanity in him? Paano pa siya niyan nakakatulog gabi-gabi? Paano pa niya nagagawang kumain ng normal?

Sobra kong pinagsisisihan na nakilala ko pa ang isang kagaya niyang tao. The effects of his doings to the victims will forever engrave in their hearts like a permanent tattoo. I'm really hoping that we could get the justice we deserve.

"Anong balita sa kaso niya ngayon? Kailangan ba ako sa pagbibigay ng statement?" Napalunok ako.

"Hindi."

"I'm one of the victims, Icarius. I need to tell to the authority what he did to me."

"Hindi na kailangan, Aislinn. Sapat na ang statement ko at ng ibang biktima para sa mabigat na parusa sa kanya."

"Pero alam nating may maitutulong pa rin ako sa kaso."

"Para isakripisyo mo na naman ang kondisyon mo? Ayokong makita mo ulit ang gagong iyon at balikan pa ang mga nangyari."

"You know that's not only the solution that I need. Paano ako uusad kung hindi ko haharapin at aayusin?"

"Kung ganoon, bakit ka pa nandito kung ang problema mo sa simula palang ay hindi mo mabalik-balikan?"

That made me shut up. He's right. He's always right. Hindi ko pa nga naaayos ang problema ko noon tapos mas gugustuhin ko pang ayusin ang naging dahilan ng pagbubukas ulit ng sugat ko? Damn.

"Just ignore it. Subukan mong maghanap ulit ng rason. Nandito ako para patuloy kang tulungan, Aislinn."

Natahimik ako ng ilang minuto, nakatitig lang sa harap at walang anumang iniisip. My mind suddenly went black as if it's restarting.

"Accept and embrace it, so you can move forward. Then, free yourself from all of the negative feelings that will only bring you back to the past you're running away from."

As I bowed my head down, tears rolled down my cheeks. Naramdaman ko ang patak sa binti ko. When I felt that Icarius is going to touch me again, inunahan ko na siya. I pushed my body towards him, spreading the blanket so we could fit into it again. I even leaned my head to his shoulder as I embrace his waist using only my left hand.

I felt the stiffness of his body over my sudden move. Pero nang matauhan ulit ay marahan niyang nilagay ang kamay niya sa balikat ko. Ramdam ko ang kirot sa puso ko pero kahit na ganoon ay nakuha ko pa ring ngumiti habang umaagos pa rin ang mga luha ko.

"Just don't push me away. Ako na lang ang meron ka sa ngayon," he softly whispered as I felt a peck of kiss on my forehead.

I giggled like it was a funny statement. "Hindi naman kita tinutulak palayo, ah?" I sound to be joyful, but my voice tends to betray me. "Isa pa, andiyan kaya si Mama Encarnacion, Papa Narcissus, Greya at Canus. Hindi lang naman ikaw. The Escareal family helped me in many ways."

"But I'm the only one who helped you find what you're truly looking for. I'm the one who made you complete again."

"Ang yabang! How sure are you that I'm complete again now?"

He laughed, reason for me to stop from tearing up.

"Bakit alam mo rin ba kung ano ba talaga 'yong hinahanap ko kaya ako nawala?" Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko para hindi niya mapansin na nagiging emosyonal na naman ako.

"The reason to continue to live a happy life."

Natigilan ako. Nag-process pa sa utak ko ang sinabi niya. Parang ang simple lang kung sabihin at pakinggan pero napakalalim ng kahulugan.

"May rason naman ako kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon, ah?"

"Pero hindi ka masaya."

"Kailangan ba dapat palagi? Hindi naman, 'di ba?"

"Sa kaso mo, simula nang mapunta ka rito, iniinda mo lang ang lahat. You're just pretending. Yes, I saw you laughing and smiling, but where is the heart in it? Hindi ko maramdaman ang totoong saya roon, Aislinn. That' why I'm doing my best to complete you again. Slowly, I'm seeing a progress in you."

Hindi yata talaga nakakaligtas kay Icarius ang mga bagay-bagay. He's just quiet but he noticed everything, mula sa maliit hanggang sa malaki na bagay. So, I couldn't help myself to be amazed.

I remember some people saying, 'ang mga taong nakatira sa bukid ay mga mangmang at walang pag-asa.' Icarius and his family proved that they're wrong. That mindset needs to be changed right now. Hindi kailanman magiging basehan ang estado at lugar ng tao sa kung gaano sila katalino at katalento. They tend to say everything they want and follow the society standards to define people, but didn't know how to reflect on their doings. Mas may saysay pa ang buhay ng mga taong nakatira sa bukid at probinsiya kung ganyan lang din naman ang natutunan nila sa siyudad.

"Alam mo, nakakainis ka na. Anak ka ba talaga ni Mama Encarnacion? Saan ka ba nag-aral, ha?" Ramdam ko ang konting pamamaos ng boses ko pero sinusubukan ko pa ring pagaanin ang usapan.

"Bakit may mali ba sa mga sinasabi ko?"

"Aba, pa-humble ka pa. 'Yon na nga ang problema, halos hindi ko makitaan ng mali ang lahat ng mga sinasabi mo." Inayos ko ang posisyon ko para matitigan siya habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat niya. Ang hirap naman nito, but I kinda like it. "Paano ba maging ikaw, Icarius?"

Nang maramdaman ko na titingin din siya sa akin ay binalik ko na lang sa dati ang ayos ng ulo ko.

"You don't need to be someone else just to be happy."

"Ang seryoso. Alam ko naman 'yon. I'm just joking, Icarius, alright?"

"Okay," kaswal na tugon niya na parang wala lang. Asan na 'yong bright side ni Icarius Jaimar Escareal?

Dumaan ang ilang minutong katahimikan. Pinakiramdaman na lang muna namin ang sarili at paligid namin. Doon ko lang namalayan na kanina pa pala ako nakangiti. Doon ko lang din napansin na nawala na 'yong kaba at takot sa puso ko. All that I am feeling is a sprinkle of happiness. I was surprised to know that I barely remember what it feels like, but now, I couldn't put a proper word to describe it. It's just that... this moment is enough to feel the contentment that I'm yearning. It's such a shame to say that, but I want to be like this from now on. I don't want to hold it anymore.

"Icarius..." I called.

"Hmm?"

"I want also to know your pain and deep secrets. Just... tell me everything that I need to know from you, so I can learn to slowly give back the same feelings."

I'm such a fool, I know. Kahit na hindi niya naman iyon sabihin ay alam ko sa sarili ko na buo ko siyang tatanggapin kagaya ng pagtanggap niya sa akin. Hindi ko rin pinipilit na ilabas niya lahat ngayon. I just want to know some of it. I just want to be with him in his world.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Yes, tell me."

He sighed. "Alright."

He started with his relationship to Karianna, followed by his ruined dream because of the people's mindset. So, he's staying low for years because of the people's judgments over him and his family. He said they can't accept someone who has a low profile, living in the mountain. How cruel! How can they say that?!

As for Karianna, they met in Manila. They are classmates on the same course in college. Pinilit ko pa si Icarius na sabihin niya lahat ng tungkol sa kanila dahil ayokong maramdaman ulit 'yong naramdaman ko 'nong nandito si Karianna. I felt bad. I reacted without knowing her persona and the whole story.

"Don't get hurt to what I'm about to say..." he paused, expecting me to react, but I just remained silent. "She's my first love."

I knew it! But damn, masakit pa rin palang makumpirma. Dagdagan pa roon sa sinabi niya na 'don't get hurt'. Eh, katawan ko na mismo ang nag-react dahil sa pamilyar na... inggit at selos, I guess. Fine, I admit it now, alright?

"I loved her, but she chose her passion and career over me. I let go since I don't want to be a hindrance to her dreams. Umasa ako na babalik naman siya."

"Oh, bumalik naman, ah?" singhal ko naman na siyang ikinatuwa niya.

"Oo, pero huli na."

"At bakit naman? Hinintay mo kaya ng ilang taon."

He squeezed my shoulder as he chuckled because of my attitude responses. "Anong magagawa kung sa pagbalik niya ay may nahanap na ako?"

"That's cheating!"

"Wala na kami bago pa man siya pumunta sa ibang bansa, so it's not considered as cheating."

"Eh, sabi mo mahal mo pa-"

"Noon 'yon, Aislinn. Ngayon, natauhan na ako sa kanya, pero hibang sa katabi ko ngayon."

Bahagyang namilog ang mga mata ko pero kalaunan ay napangiti na lang ulit. Gosh, Icarius. Baka mamalayan ko na lang ay may sakit na ako sa puso dahil sa mga pinong mga salita mo.

Nagpatuloy siya sa pag-kuwento kaya hinayaan ko na lang. Hindi na lang ako nagsalita ulit para magbigay ng komento o barahin siya. Pinikit ko ang mga mata ko para mas damhin ang kuwento niya dahil paniguradong hindi na ito mauulit. Nga lang, mukhang ang lumanay ng dating ng boses sa akin ni Icarius, reason for me to fell asleep slowly.

"I will continue to hold you like this, Aislinn. I will protect you."

I tried to open my eyes when I felt that he's carrying me on his arms, but my eyes are too heavy. I just did the thing that I could only do–to smile–before pulling myself to sleep once again.

Kinabukasan ay nagising ako sa kama ni Icarius. I mean, I'm in Icarius' room, so I'm pretty sure that he slept in my room too. And the only thing that I felt is the lightness of my body and soul. Hindi ko rin pinigilan ang sarili ko na ngumiti habang iniisip ang nangyari kagabi. Oh, it feels so good and it's been so long.

"Good morning."

Agad akong napabangon nang wala sa oras nang marinig ko ang boses niya. Namimilog ang mga mata at nakaawang na mga labi ang ibinungad ko kay Icarius na nakatayo sa may pinto habang nakakrus ang dalawang kamay sa malapad niyang dibdib. I swear, Icarius is look like an angel sent from above while I look like an ugly old woman because of my morning appearance.

"Icarius!" I cleared my throat and simply ran a hand through my messy hair to at least fix myself. I also licked my dry lips to make it more appealing. "Good morning. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Yeah. Thanks to you." He surveyed me, wearing a ghost of smile on his lips, before leaving me dumbfounded.

'Salamat din sa 'yo.'

Parang gusto ko yata iyong sabihin sa kanya pero hindi na bale dahil nakaalis na siya at ayokong madagdagan pa ang kahihiyan ko sa harap niya.

After checking my face, I laid down on the bed again. Nang mapagtanto kung gaano kaganda ang naging simula ng umaga ko ay hindi ko na mapigilang mapangiti habang binabaon ang mukha ko sa unan na yakap-yakap ko. Damn. Ngayon ko lang ata ulit naramdaman ang totoo at tunay na ganda ng umaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top