Chapter 35

"Aislinn, anak!"

"Po?"

"Pakitawag naman si Jaimar. Hindi ko kasi kayang buhatin ito."

Bumaba ang tingin ko sa mga nakahilerang kahon na hindi matukoy kung ano ang laman. Agad ko namang hinagilap si Icarius sa loob. Pagkatapos ay binalik ko ang tingin kay Mama Encarnacion na abala na sa paghahanda ng mga pagkain. Napangiti na lang ako kahit na hindi niya naman makita.

I wiped my sweats on my forehead using the back of my hand, fixed my dirty clothes and ran a hand through my messy hair. I even licked my lips as if I'm gonna make a move on my crush. Gosh, this is getting a habit. Kahit na anong gawin kong pag-aayos, madungis o kaya naman hagard pa rin akong tingnan. And why would I even bother to fix myself when he already saw me at my worst and ugly state?

After that day, Icarius continue to show his hidden light and warmth for me. Akala ko nga ay hindi niya na naman ako papansinin dahil sa pagiging makulit ko, but luckily, he didn't made it a big deal for the both of us. He's examining things carefully, afraid of making an obvious mistake to cause any kind of misunderstading and trigger my trauma and phobia. Hindi ko alam kung pinipilit niya lang ba ang sarili niya dahil sa nangyari o talagang mas nagiging totoo na siya ngayon. I wonder what made him like that and why.

Tinahak ko ang daan papuntang likod-bahay kung saan siya palaging nakatambay. Para akong bata na hinahanap ang ibig niyang makita para masuot ulit ang ngiti na nakalaan lang sa partikular na tao o bagay. And when I saw him, my face became so bright just like the sky. I continued walking until I reached him enough.

"Kailangan ni Mama Encarnacion ang tulong mo sa loob."

"Sandali lang."

My looked was turned to the chicken that he's holding. Marami pa ring dugo ang lumalabas sa hiwa sa leeg. Hindi ko namalayan na habang tumatagal ay tumataas ang paningin ko sa kanya. Mula sa duguan niyang kamay pataas sa hubad niyang katawan at pawisang leeg. Nang makarating sa mukha ay agad kong pinagsisihan ang panandaliang pagnanasa na naramdaman ko nang makita ang multo ng ngisi niya habang nakatingin pa rin sa manok.

I looked away, blinked several times and cleared my throat to ease the abnormal beating of my heart. Ito ang hindi ko maiwasan kapag kaharap at kausap ko siya: kaba. Pakiramdam ko ay may palagi akong ginagawang masama sa kanya kahit na palagi ko namang nakikita na mahinahon lang siya.

"Huwag kang mag-alala, sa 'yo lang ako."

Ah, I forgot to tell you that he also became a great 'philosopher'. Hindi ko alam kung saan niya biglang nahugot ang mga banat na ganyan. Hindi ko alam kung nakatago lang ba talaga ito sa katawan niya na parang may switch. He's such a serious and intimidating but now, I really don't know. He's showing his other sides that I want. He's becoming more bright, expressive and playful– that's one of the good benefits that I gain after that horrible night: melting the ice in the midst of hot summer.

"Dapat lang."

Sa pagtalikod ko sa kanya ay agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Natutunan ko ring makisabay lang sa agos ng sitwasyon, salungat man sa nararamdaman ko o hindi. Ang importante ay tuwid na naman ang daan kasama ang mga taong patuloy na gumagabay sa akin.

"'Yong cake! Asan na? Aislinn, anak!"

Dahil sa sinabi ni Mama Encarnacion ay pati ako nataranta na.

"Mabakal!" (Translation: Pabili!)

"Sabi na kasing magsara na lang muna ngayon."

"Ah, ako na po muna magbabantay."

"Naku, sige, anak. Salamat. Jaimar!" sigaw ni Mama Encarnacion sa pangalan ni Icarius nang hindi pa mahanap 'yong cake.

'Yong cake! That's one of the important things in Greya's birthday! Hindi pwedeng mawala iyon. Or... baka naman hindi pa nakukuha sa bayan? Oh, no, no, no. I'm sure Icarius calculated the time.

"Jaimar!"

"Bakit?"

Mabilis akong napatingin sa likod ko. Nagsalubong agad ang mga mata namin. He even managed to gave me a quick smile.

"'Yong cake!"

"Nasa bayan pa."

"Ano?!"

Namilog ang mga mata ko. Kasabay na tuloy ako ni Mama Encarnacion sa pamomroblema sa cake. Paano iyan? Baka hindi umabot. Ilang minuto na lang ay darating na si Greya galing school.

Naglakad na ako papunta sa tindahan at inasikaso muna ang mga mamimili. Rinig lang dito ang nagiging usapan nila Mama Encarnacion at Icarius since katabi lang ito ng salas at ang salas ay katabi lang ng kusina. Pagkatapos ay bumalik naman agad ako sa kusina.

"Parating na 'yon, Ma," kalmado namang sabi ni Icarius bago ulit naglakad pabalik sa likod-bahay.

"Jusko naman, oo. Sinabi ko na kasing umaga palang ay bumaba na sa bayan. May ref naman tayo. Naku, Narcissus."

Mabilis ang mga naging pagbabago sa buhay ko sa pagdaan ng bawat araw. Nasanay na ako sa ganitong pamumuhay. My plan on going home is completely gone, though there are some times that I still misses them. Siyempre hindi na iyon maiiwasan.

Kapag naiisip ko rin si Van ay parang wala nang epekto sa akin, but the thought of being in love with him is still intact. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang relasyon na meron kami. That's why I'm setting limits to myself and to the people around me. I'm trying to control the steering wheel to avoid any accidents that's opposite to any of my beliefs and convictions.

Dumating na ako sa punto na mas gugustuhin ko na lang kalimutan ang lahat– baunin sa alaala ang lahat. I just want to think it as sad beautiful memories of my past life. In that way, I can fulfill the void in me. I can make new memories and experiences with nontoxic place and people, allowing myself to be at ease.

Tama na. Everything is a choice. It just all depends on how to deal with it. May mga bagay lang talaga na mararamdaman mo na para na iyon sa 'yo– na hindi mo na kailangang bumalik pa sa pinanggalingan mo para makaiwas sa sakit at kalungkutan. Iyon naman talaga ang gusto natin, hindi ba? Ang maging masaya. That's our nature. We're living to seek for happiness.

Nga lang, hindi ko alam kung ang magiging desisyon ko sa ngayon ay magbabago na naman sa paglipas ng panahon. Well, changes are inevitable. That's what I'm sure of.

"Jaimar, sundan mo na nga 'yong Papa mo! Darating na si Greya! Wala pa oh!"

But of course, in order to attain happiness, we need to sacrifice. Hindi lang natin namamalayan minsan na may mga bagay na pala tayong nasasakripisyo, maliit man o malaki. Sacrifice is not always about giving up something or someone you love. What matters is the heart. It's the willingness to give.

"Jaimar!"

"Stop shouting, Ma," si Icarius na nakatayo na pala sa may pintuan ng kusina. "Gagawan 'yon ng paraan ni Papa." His eyes turned to me and it almost made my heart jump.

I don't know! There's always a hidden message behind his stares on me that I will never understand, I guess. Pare-pareho lang ang klase ng tingin niya pero iba-iba naman ang gustong ipahiwatig suot ang iba-ibang ekspresyon. Kaya special kung ituring ko ang mga tingin ni Icarius dahil kahit kailanman ay hindi iyon mapapantayan ng kahit na ano at sino. Alam ko. My heart can't lie to my mind.

"Ikaw naman kasi ang tigas ng ulo mo! Sinabi ko na naman sa 'yong ikaw na ang kumuha roon kaninang umaga!"

"Papa insisted."

"Oo nga't siya nag-insist pero ngayon lang naisipan kunin. Hay naku, jusko, Jaimar. Ewan ko sainyo. Kapag ito wala pa sa pagdating ni Greya-"

"Wow!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa bukana ng pinto. There we saw Greya wearing her wide smile from ear to ear with sparkling eyes, analyzing the set up we made in their small living room and dining area.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Naku, Jaimar, naku. Ayun 'yong box, fix it. That's the least you can do for now."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanila. Mama Encarnacion is furious about the cake while Icarius is looking cool as always na para bang lahat ng bagay ay nagagawan ng paraan. Pinapamukha niya rin na walang magagawa ang sigaw at salita sa sitwasyon. Well, look at him, smiling like an idiot.

"Mama! Para po sakuya ini?" (Translation: "Mama! Para po sa akin ito?")

"Iyo, kaya magbulos ka na muna. May nakahanda na man na bado sa kuwarto." (Translation: "Oo, kaya magbihis ka na muna. May nakahanda na rin na damit sa kuwarto.")

"Talaga po?"

I can't help but to smile while looking at Mama Encarnacion and Greya's interactions. Greya is full of delights and that's the cutest thing that I've seen today. Para sa batang kagaya niya ay napakalaking bagay na ito sa kanya. Toys, sweets and celebrations are one of their common source of happiness. Ganyan din ako dati, but as I grow older, I realized things a lot. Dagdagan pa na parang kidlat lang ang maayos at normal na naging karanasan ko bilang bata noon. Masyado kasi iyong pinagkait sa akin because of our family's legacy and reputation.

"Si Canus, bunso, dae mo lamang nahiling habang pauli ka?" (Translation: "Si Canus, bunso, hindi mo man lang nakita habang pauwi ka?")

"Dae po, Ma. Masangli na muna po ako." (Translation: "Hindi po, Ma. Magbibihis na muna po ako.")

Sinundan ko ng tingin si Greya nang pumasok siya sa kuwarto. Nakakatuwa lang dahil hindi mawala ang ngiti sa labi niya. I felt envious at the same time because I wanted to feel that kind of happiness again. Of course, together with my family and loved ones. But how can I do that with this situation of mine?

I let out a tired sigh before looking at my back, where Icarius is standing and looking carefully to me. Bahagya akong nagulat pero agad din namang napangiti. He's got the same effect on me as always. I wonder if I also have an effect to him like what he is to me.

Bago ko pa man maiwas ang tingin ko sa kanya ay nakita ko ang bahagyang pagguhit ng isang multo ng ngisi sa gilid ng labi niya. Good to know that he tends to smile a lot more often now even with the simple reasons. He's no longer surrounded by a dark aura that used to intimidates me for some reason.

"Jaimar!"

Napalingon ako kay Mama Encarnacion na lumabas ng kuwarto nang isigaw niyang pabulong ang pangalawang pangalan ni Icarius. She's still worried about the cake. The birthday girl is already here, but the birthday cake is far from our sight. Nasaan na kaya si Papa Narcissus?

"Maabot na ito." (Translation: "Darating na iyon.")

"Maabot na. Hain man an? Haloy-haloy baga! Jusko naman, Jaimar! Dumanan mo na daw." (Translation: "Darating na. Nasaan naman 'yan? Tagal-tagal kaya! Jusko naman, Jaimar! Puntahan mo na nga.")

"Tss."

Sinundan ng mga mata ko si Icarius hanggang sa makalabas na siya. Bababa rin ba siya ng bayan o hihintayin niya lang sa daungan? Ewan. Bahala na siya roon.

"Dalian mo ta may maarabot ng mga bisita!" (Translation: "Bilisan mo't may darating ng mga bisita.")

Nang magsalubong ang paningin namin ni Mama Encarnacion ay parehas na lang kaming natawa bago nagpatuloy sa kanya-kanyang ginagawa.

Kung tutuusin, napakadali lang umalis dito at bumalik sa dating buhay na kinagisnan ko. I'm pretty sure that they will lend me some money for my food and transportation since they already done a lot of help for me. Pero ang kapal ko naman yata sa parteng hihingian ko sila ng pera para iwan sila ng basta-basta.

Well... I can pay them back. I can visit them again. It's not that hard. Nahihirapan lang talaga ako sa pagdedesisyon. Besides, it's also not easy to show myself to them again after all these years and expect to forget everything and just move on. I'm also afraid to know the situation that I left to them. Alam kong hindi lang ako ang naghihirap dahil sa makasariling padalos-dalos ko noon.

That's one of my reasons why I'm still stuck, finding my meaning again because of being lost in the darkness of the world and void emotions for once. But the greatest fear, bitterness and pain is lingering inside my heart and thoughts: is my disappearance caused heartbreak and regrets to them that everything will change before I come back?

Of course, things will change, but I'm afraid that it would just make everything worst. What if they thought of me as dead already? What if they didn't even miss me? What if it's better for them to live without me? What if they will continue to show me the reasons to turn my back to them again? What if they don't need me anymore? What if-

"Hey."

I gasped and almost jumped, causing a mini heart attack to me. I'm so focused on my thoughts again that I didn't even notice his presence.

"Icarius," I can feel the stutters in my voice as I tried to label his eyes. "Nakabalik ka agad... Si Papa Narcissus nasaan?" Nagkunwari pa akong tumingin sa likod niya para ma-check kung nakarating na ba si Papa Narcissus.

"Nandiyan lang," simpleng tugon niya naman. "Ayos ka lang?"

"Ha?" Nabalik ang tingin ko sa kanya. I blinked to process what's going on. "Ayos lang. Bakit naman hindi ako magiging maayos?"

When will I ever get tired of saying those when I'm not really in a good state right now? Question is, will I ever be okay again even with the smiles and laughs that they're giving to me?

"Something's bothering you again. Come on, Aislinn. Tell me."

Lumayo ako sa kanya. Hinayaan ko ulit maging abala ang sarili ko sa pag-aayos ng hapag at ilang bagay na related sa okasyon ngayon. Hindi niya naman ako nilubayan.

"Alam mong wala akong nagiging reklamo sa lahat ng sinasabi mo."

Nanatili akong nakatikom. If I say it loud again, I'm gonna lose it again. Palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na it's just a waste of time. Maybe I'm like this because I'm still guilty of my past. I still couldn't let go of the things that already happened. I'm like this because my other self is still hurt.

"Aislinn."

Him calling my name made my heart palpitate again. Kinalma ko muna ang loob ko bago ko siya hinarap dahil habang pinipilit niya akong ilabas na naman ito ay mas lalo lang akong nasasaktan at naliligaw.

"Ano ka ba. Ayos lang sabi ako." I faced him, wearing my usual smile. Kabado man dahil sa mapanuring tingin niya ay nanaig pa rin ang sinabi ko sa kanya.

He didn't bother me again. Pinili niyang dumistansya sa akin kahit na hindi ko naman sinabi. That's when I knew how he's being a considerate and understanding person for someone like me.

Yes, things will change and so people are. It's a sign that the world is spinning based on the purpose given to it. Kahit na tumigil ako, magpapatuloy pa rin ang pagtakbo ng oras at paglipas ng panahon. Damayan man ako ng mga taong nakapalibot sa akin, hindi kailanman magiging parehas ang pagdaloy ng oras namin.

"Happy birthday, Greya. Happy birthday, Greya. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday, Greya."

Bumilis ang lakad ko papunta sa salas. There I saw Papa Narcissus carrying the cake and singing the birthday song together with Canus. Natuwa naman ako kaya namalayan ko na lang din na sumasabay na pala ako sa kanta at pagpalakpak. Nakita ko pa si Greya sa gitna na pinapalibutan ng mga bisita, lalo na ng mga batang kagaya niya.

So, they planned this without me, Mama Encarnacion and Greya knowing. Ang daya naman. Mapagkakatiwalaan naman ako sa mga ganitong bagay, eh. I will not spoil the fun, especially that it's for Greya.

"Happy birthday, Greya!" The crowd chants in unison. Kita ko naman na tuwang-tuwa si Greya sa atensyon na natatamo niya ngayon.

After singing, they gave their gifts to Greya. Nagkaroon din ng palaro at konting chikahan bago tumungo sa hapag para kumain naman.

Nasa gilid lang ako nagmamasid sa kanila since I'm not fond of socializing with the guests. May mga sumubok na kumausap sa akin pero agad ko namang tinatapos dahil ayokong may malaman pa sila tungkol sa akin. Minsan nama'y inuunahan sila ni Icarius kaya hindi na sila nakakalapit pa saying that I don't need to entertain them and that I can just talk to him... only him.

"Pahinga ka muna," Icarius whispered in my ears.

"Hindi, ayos lang. Nag-eenjoy naman ako."

"Sigurado ka?"

Uminom ako ng juice sa basong hawak ko ngayon habang nakamasid pa rin sa kumpol ng tao. "Hmm." I nodded and smiled after.

"O kung gusto mo sa kubo muna tayo?"

"Hindi na. Ayos na ako dito, Icarius. Salamat." I gave him a quick look.

"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo nang magpahinga. Labas lang ako."

"Sige."

Kagaya ng palagi kong ginagawa ay sinundan ko ulit siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. He's with his friends again for sure kaya ibigay ko na sa kanya iyon. Hindi naman kailangang palagi siyang nasa tabi ko lang.

Palalim na nang palalim ang gabi kaya naman ay paunti nang paunti na rin ang tao sa loob. Nakakahinga na ulit ako ng maluwag. Tinutulungan ko na lang din si Mama Encarnacion sa pagbibigay ng mga tirang pagkain sa ilang bisita. I did nothing but to stand and watched them. Tumutulong lang kapag kailangan.

"Sige na, 'nak. Ako na rito. Baka pagod ka na rin. Pasensiya na."

"Hindi po. Ito na nga lang po ang nagagawa ko, eh."

"Ano ka ba! Malaking tulong na nga ito sa amin lalo na sa akin kaya pagpahingain mo naman ang sarili mo, Aislinn, anak."

"Pero-"

"Sige na. Sige na," pagtataboy ni Mama Encarnacion sa akin.

I did what I was told. Isang pasada ng tingin sa loob bago ko napagdesisyonang lumabas sa likod-bahay para magpahangin. Medyo tumagal nga lang ang tingin ko sa pinto dahil simula nang lumabas si Icarius ay hindi pa siya bumabalik. I just shrugged it off and continue on my agenda.

Dahan-dahan, naupo ako sa usual na inuupuan ko. Napapikit ako't dinama ang malamig na simoy ng hangin. Sa pagmulat ulit ng mga mata ko ay nakita ko ang ganda ng kalangitan. Ang dami kong naririnig mula sa katabing bahay at mga hayop pero ito na yata ang pinakamapayapang oras para sa akin.

Our decisions will always be our choice. In my case, all I have is a choice for me to decide, but did not bother on giving action to it. My choices are the one that's encaging me and dimming the lights on the path that I'm taking.

"I thought I told you that you can always call me and tell me everything?"

Tumalon ang puso ko at namilog ang mga mata ko nang marinig ko na naman ang boses niya. This will always be his doing.

"I'm always free when it comes to you."

Liningon ko siya. Walang ilaw sa may pinto, manokan at kubo kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya. I can't even tell if he's near since he's too quiet when walking. Naalerto lang ako nang lumagitnit ang kahoy na sahig ng kubo. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa harap nang maamoy ko ang hininga niya. Nang may dumaan na konting liwanag ay doon ko tuluyang nakita kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha ko na para na akong maduduling.

"Palagi mo na lang pinipili na mag-isa kaya paano ka makakausad niyan?"

Damn! How can he smell this good?

"Uminom ka," tanging nasabi ko nang malanghap ko ang amoy ng alak sa hininga niya. Pero kahit na ganoon, hindi ko maitatanggi sa sarili ko na mabango pa rin ang hininga niya. Nahihibang na yata talaga ako.

"Nagkayayaan lang. Bakit ayaw mo?" He drew a deep breath while staring straight in my eyes. Nang hindi ko magawang makasagot agad ay lumayo na siya't naupo na lang sa katabi ko.

Agad naglapat ang medyo nakaawang na labi ko, clearing my throat to bring back my courage.

"Hindi naman. Sino ba naman ako, 'di ba?" My bad. "I mean, you can do anything and everything you want since it's your life, not mine."

Oh, what am I saying? I can even picture out his playful smirk in my mind.

"So, gusto mong maging parte ng buhay ko para malaman mo kung sino ka sa akin?"

"Ano? Hindi... hindi 'no! Bakit mo naman 'yan naisip?" Bahagya pa akong napatawa para maibsan ang kaba na bumabalot sa puso ko. My stutters just prove to him that I want it. Of course, I want it!

"Ako gusto ko."

My look was quickly turned to him. Damn it, Icarius! Don't be like that. Alam kong may hinuha ka na rin sa nararamdaman ko sa 'yo. If you keep on being like this, I don't just want it. I'm desperate to own it– the label and you.

I blinked several times, realizing what I just thought. Umiwas ulit ako. I shifted on my seat, convincing myself that this is not right. How can I like him amidst this situation? How can I manage to develop this absurd feelings when I still love Van?

"Alam ko kung ano ang iniisip mo." Tumalbog ang puso ko. "Pero kahit na ganoon, I will pursue you, Aislinn."

I remained silent. Mas pinakiramdaman ko pa ang tibok ng puso ko at ang sigaw ng isip ko. Kahit na may pakiramdam na rin ako na mangyayari ito, I still didn't expect him to be this straightforward with his feelings. I was still surprised that he has such a strong confidence and courage. Ako lang talaga ang may problema.

"Seryoso ako." My head tilted a bit to caught the sight of him standing. "Kahit na anong maging desisyon mo, tatanggapin ko. Basta hayaan mo lang ako sa kung ano man ang gusto kong gawin at sabihin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top