Chapter 30
"Aislinn..." Nakita ko ang paglapit sa akin ni Karianna. "Right? Icarius' cousin. I'm sorry I mistook you as their katulong."
The way she said 'katulong' boils my blood. Ngayon ko lang tuluyang napansin kung anong ugali ang meron siya. Canus is right. Ang arte nga niya. Isa pa, sobrang slang ng ingles at tagalog niya. Ang sakit sa tainga.
"Ayos lang," pilit na sabi ko bago siya binigyan ng pilit na ngiti.
Nagising ako kaninang umaga dahil sa ingay sa baba. Ayoko pa sanang bumangon dahil masakit pa ang ulo ko. I just slept for four hours. Gosh. And I regret thinking about that woman the whole night. Well, hindi lang naman siya kundi pati si Icarius. I mean, why would I even think about them? It has nothing to do with me, anyway.
Bumangon ako at agad napatingin sa may hagdan kung saan palaging sumusilip si Icarius para yayain akong kumain. I sighed. I fixed my bed before going down. When I opened the door, Karianna appeared before my eyes. Gulat man ay dahan-dahan ko na lang sinara ang pinto.
Kaya naman pala pakiramdam ko hindi na magiging maganda ang araw ko. Ang aga-aga ay siya ang bubungad sa akin para mas lalo akong bulabugin. Hindi pa ba sapat 'yong ilang oras niyang pananatili sa isip ko?
"Ate, huwag ka na po munang umalis," si Greya.
"I'll be staying here the whole day so don't worry, Greya," nakangiti namang sabi ni Karianna.
"Eh, pagkatapos ka na lang po ng pista umuwi." Greya pouted her thin lips that made her cheeks even more chubby.
Napatingin din ako kay Icarius nang tumingin sa kanya si Karianna. Napansin ko na parang nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan lang ng mga tingin. Ano may lihim na paglalandian sa kanila sa mga tingin na iyan? Ganyan din sa akin tumingin si Icarius, ah? Is he also flirting with me, then? Napataas ang kilay ko roon.
"If it's okay to your Kuya." Binalik ni Karianna ang tingin niya kay Greya.
Tinalikuran ko na lang sila. Of course, it's okay to Icarius. Sino ba naman ang aayaw sa girlfriend niya na hindi manatili rito para lang makasama nila ang isa't isa since it's been a while, right? Huwag lang silang lumandi nang harap-harapan sa akin dahil naiirita ako sa babae niya. Ay oo nga pala, naglalandian na nga pala sila. Tss.
"Tulungan na po kita, Ma." Agad kong kinuha kay Mama Encarnacion ang mga plato na dala niya.
She smiled at me. "Magandang umaga, 'nak."
Nginitian ko na lang siya pabalik bago mailapag sa lamesa ang mga plato. Nang ilagay ko na sa mga puwesto nila ang plato ay napansin ko ang sobrang isa. I looked at Karianna. So, she'll be eating with us from now on. Parang nawawalan na agad ako ng gana.
Tinawag na sila ni Mama Encarnacion. Naupo na sila sa kanya-kanya nilang upuan samantalang kumukuha pa ako ng mga baso at pitsel. Isa-isa kong pinuno ng tubig ang mga baso nila. When I was about to sit, Karianna's words brought a halt to me.
"Uhm, you forgot about me."
Oh, I didn't forgot about you, Karianna. Sinadya ko iyon dahil sino ka naman para pagsilbihan ko?
Saglit akong napatitig sa kanya bago naglakad papunta ulit sa kanya. I sighed. Bakit ba palagi na lang salungat ang utak ko sa kilos ko? Tahimik ko na lang nilagyan ng tubig ang baso niya't pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko. Kukuha na sana ako ng pagkain ko nang mapatigil na naman ako dahil kay Karianna. Why does she's always interrupting me? Wala ba siyang kamay at kusa?
"Can you put some on my plate?"
Napansin ko ang pagkakatigil nila Mama Encarnacion at Papa Narcissus. Kahit ang mga bata ay napatingin sa akin, naghihintay sa gagawin o sasabihin ko. When my look was turned to Icarius, he's also looking at me. Iniwas ko ang tingin sa kanya at ibinalik kay Karianna.
"Bakit ko naman iyon gagawin?"
Karianna's eyes widened, shock for my answer to her. "Hindi ba't gawain iyon ng katulong?"
Ano? Katulong? Ako? Wow. I can't believe this.
"Karianna-"
Icarius tried to stop her but I interfered.
"Ah, ganoon ba?" Kinuha ko ang lalagyan ng kanin bago tumayo't naglakad palapit sa kanya.
"That's enough," pigil niya sa akin nang isang sandok palang ang nalalagay kong kanin sa plato niya. "I want the egg and hotdog," mando niya pa sa akin na sinunod ko naman.
I can feel the tension and awkwardness in the dining. I'm expecting that Mama Encarnacion will talk but I just disappoint myself for nothing. Nang maupo na ulit ako ay doon lang nagkaroon ng usapan. It's also because of Karianna.
I chose to stay silent while eating since I'm not included in their conversation. Nang hindi ko na makayanan ay tumayo na ako. Dumiretso ako sa likod-bahay para ibigay na lang sa aso ang tirang pagkain ko. Nakalahati ko lang ang pritong isda at hindi man lang nangalahati ang kanin na kinuha ko. Sayang.
Pagbalik ko sa loob ay nag-uusap pa rin sila. Kaya lang, hindi pa nga ako nakakarating sa may lababo ay tinawag na naman ako ni Karianna that made them stop from talking.
"Isabay mo na sa akin. I'm done, anyway."
Bahagya akong napangisi at humigpit ang pagkakahawak ko sa plato. I collected my composure once again before facing her. Nakita ko na hindi niya man lang nagalaw 'yong itlog na kinuha ko. Bakit anong luto o klase bang itlog ang gusto niya?
"Thank you." She gave me a smile but I just turned my back on her.
"Mabakal po!" (Translation: "Pabili po!")
Tatayo na sana si Mama Encarnacion nang pigilan ko siya. "Ako na po."
Nanatili muna ako sa tindahan at hinintay silang matapos bago ako makapaghugas. Sinubukan kong kalmahin ang loob ko but knowing that she's just here, mas lalo lang akong nagugulo. She even used the word 'katulong' on me. How dare she? Hindi man lang ba ako pinakilala nila Mama Encarnacion at Papa Narcissus sa kanya? Hindi man lang ba ako nabanggit ni Icarius sa kanya? Damn! This is so frustrating. Nagsisimula pa nga lang ang araw ko ay sirang-sira na agad.
Tumayo ako sa kinauupuan ko nang makitang pumasok si Mama Encarnacion.
"Ako na rito, 'nak. Salamat."
Aalis na sana ako nang pigilan niya ako.
"Pasensiya ka na kay Karianna, 'nak."
I faced her again and wore my usual smile. "Ayos lang po. Anak-mayaman po siya kaya naiintindihan ko. Isa pa, pinagsisilbihan ko naman po kayo kaya hindi na po bago sa akin ito."
Liar!
"Pero, 'nak-"
Hinawakan ko ang dalawang balikat ni Mama Encarnacion. "Ma, ayos lang po talaga. Huwag na po kayong mag-alala o mag-isip pa. Gusto ko rin po ang ginagawa ko."
Not when it comes to that woman. I don't want to lie to her but I don't have a choice. Baka ako pa ang magmukhang masama sa harap nila and I don't want that. Madali lang makuha ang loob nila kaya ayokong masira iyon ng ganoon din kabilis. Para namang hindi ako sanay sa adjustments.
What's happening in my life is just all about a choice and adjustment. Sanayan lang ang mga sitwasyon. When you get used to it, it's easy for you to continue to live. That's the human nature.
Paglabas ko ng tindahan ay nakita ko si Icarius. Nagkatinginan kami pero umiwas agad ako. Dumiretso na lang ako sa kusina para makapaghugas na.
We're busy preparing the food for the games and contest while Karianna's just taking photos. Ilang beses pa niya akong inistorbo sa ginagawa ko para lang kunan ko siya sa kahit na anong anggulo rito sa likod-bahay. I admit, she's pretty and appealing so every angle suits her well. Still, that's not an enough reason to like her when there's a lot of reasons to hate her.
"Okay na 'yan." Binigay ko na sa kanya ang camera niya. Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang pigilan niya ako.
"I don't like it. Isa pa."
Ang isa niya pa ay tumagal ng ilang minuto. Ilang beses niya akong pinaulit sa pagkuha ng picture sa kanya. Ang akin lang naman ay maayos na lahat ng kuha ko kaya ano pang problema niya? She even took selfies on her phone. Minsan gusto niya sa phone tapos biglang sa camera naman. My God. My patience has been tested again.
Binalik ko ang suot kong plastic gloves sa kamay at nagpatuloy na sa ginagawa. Mama Encarnacion and I are making a fruit and vegetable salad. Literal na fruit at vegetable salad. Sariwa ang mga sangkap na ginamit namin mula sa mga pananim ni Mama Encarnacion at sa nabili niya sa bayan.
Ako ang nagpresinta na gumawa ng fruit salad. Binigay naman agad sa akin ni Mama Encarnacion ang mga kailangan. Unang natapos si Mama Encarnacion dahil naghiwa pa ako ng mga prutas. Isa pang dahilan kung bakit ako natagalan ay ilang beses akong nahiwa ng kutsilyo pati sa pagbukas ng de lata ng mga gatas. Nakailang palit din ako ng plastic gloves dahil lumalabas 'yong dugo sa butas. Ayoko namang marumihan ang masarap na pag-kain na ito.
"Tapos na po ako, Ma," masayang pahayag ko kay Mama Encarnacion pagkapasok ko sa kusina. Naghahanda na siya ng mapaglalagyan namin ng mga salad.
"Tikman ko nga."
Kumuha si Mama Encarnacion ng platito at kutsara. Bigla naman akong kinabahan. Tinikman ko siya kanina, ayos naman para sa akin.
"Ang sarap, 'nak! Naku, sigurado akong magugustuhan nila ito. Tamang-tama lang ang timplado mo." Nilapag niya sa lamesa ang platito't nagpatuloy na sa ginagawa. "Salamat, 'nak, ha?"
I just gave her a genuine smile. Tinulungan ko rin siya sa paglilipat sa mga lalagyan. Nang matapos na ay pumasok ako sa banyo para makapaghugas ng kamay. I hissed when I felt the sting on my small wounds. I bit my bottom lip as I put a soap on my hand. Ang hapdi. Nakakainis.
Pinagmasdan ko ang mga sugat. It's swelling up. Mas malala at marami ang natamo kong sugat sa kaliwa kumpara sa kanan. Baka bukas o sa sunod na mga araw ay hindi na ako masyadong makatulong sa mga gawain. If I can endure it, then it's okay.
Naligo muna ako bago kami tumulak sa may basketball court kung saan magaganap ang mga palaro at paligsahan. Kapansin-pansin ang pagiging abala ng mga tao at kung saan-saan may kumpolan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagmamasid sa paligid.
Mama Encarnacion's right. Masaya rito kapag pista. Ang dami ring pag-kain na nakahanda sa mahabang lamesa galing sa iba-ibang kabahayan. This is their tradition based from Mama Encarnacion's story. Kapag bisperas ng pista ay nagkakaroon ng mga palaro at paligsahan. Ang mga pagkain na nandito ngayon ay ang premyo imbes na pera o tropeo. Pagkatapos naman ng mga palaro ay magkakaroon ng boodle fight ang buong nayon sa nag-iisa nilang mahabang kalsada. Then, later at night, may pagtitipon at sayawan. Ang araw naman ng mismong pista ay sa kanya-kanya na lang nilang bahay ang handaan at inuman.
Mama Encarnacion said that the day before the fiesta, the houses and people in the village will become one while during the actual fiesta, it's for their own families and guests. Kahapon ay ang debosyon sa santo nila. Kaya lang ay hindi ako sinama ni Mama Encarnacion.
Muntikan ko pang mabitawan ang isang lalagyan ng salad dahil natamaan ang sugat ko. Buti na lang ay naagapan ni Icarius. Ni hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa amin.
"Ako na," he offered so I just let him.
Ngumiwi ako nang matamaan ng kamay niya ang mga sugat ko. I fake a cough when I saw that he's looking at me. Binalik ko na lang ang normal na ekspresyon sa mukha ko. Nang tumingin ako sa may unahan ay nakita ko si Karianna na pinapalibutan ng mga tao.
Nagpaalam ako kay Mama Encarnacion na babalik na muna ako sa bahay. Sa pagkakaalala ko ay may naiwan pa kami.
Habang naglalakad ay lumulutang ang isip ko. Hindi ko namalayan na mabubunggo na pala ako sa kung sino. Dahil sa kawalan ng lakas ay muntikan na akong matumba. Someone held my hand before I could fall on the road. Agad kong naramdaman ang sakit sa hawak niya sa kamay ko. Pag-angat ko ay lalong sumama ang timpla ng mukha ko nang makitang si Lyndon ang may gawa.
"Excuse me." Winaglit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at handa na sanang umalis nang pigilan niya ako.
"May problema ba?"
Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ang boses ni Icarius. Like a scared little kitten, lumapit ako sa kanya. Bahagya namang napalayo si Lyndon.
"Jaimar! Kumusta? Dae mo pa kami tig papabisto saiya kaya ako na mismo ang naggigibong paagi." Lyndon smirked. (Translation: "Jaimar! Kumusta? Hindi mo pa kami pinapakilala sa kanya kaya ako na mismo ang gumagawa ng paraan.")
"Dae man kaipuhan na mabisto nindo pa siya," suplado namang sabi ni Icarius. (Translation: "Hindi naman kailangan na makilala niyo pa siya,")
Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako roon. Habang tumatagal ay humihigpit kaya nawala ang pokus ko sa kanila. Ramdam ko na kasi ang sakit ng buong kamay ko. Damn! Ang mga sugat ko! Talagang 'yong kaliwa ko pang kamay ang nahawakan niya pati ni Lyndon.
"Icarius..." kinakabahang tawag ko sa kanya nang makaalis na sila Lyndon. "Aray!" Hindi ko na napigilan nang hindi ko na talaga matiis ang sakit. Nakahawak pa rin kasi siya sa kamay ko habang naglalakad kami.
Natigil siya bigla dahil sa pagdaing ko. He looked at my teary-eyes. Kumunot naman ang noo niya.
"Bakit?"
I bit my lips, nervously. "Ang k-kamay ko..."
He looked at our hands before letting it go. Napatingin ako sa kamay ko. There's a little blood on some of my wounds. Nanginig bigla ang kamay ko. Ibababa ko na sana nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko.
"Anong nangyari?" galit na tanong niya. Sinuri niya ang sugat ko bago ulit ako bigyan ng tingin.
"Ah, a-ano... Wala lang 'to."
"Anong wala?" My heart pounded when his voice echoed. Napatingin ako sa paligid at nakitang napupunta na sa amin ang atensyon ng ibang tao.
"Kanina... sa paghiwa ko ng mga prutas." Napalunok ako. Hindi ko yata magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya. Suot niya na naman ang ayaw na ayaw kong makita kapag galit siya. Gosh. I don't know why I'm scared when he's mad.
Binaba niya ang kamay namin. Tumaas ang pagkakahawak niya bago ito hinigpitan. Tinalikuran niya ako. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya. Masyadong mabilis ang lakad niya dahil sa malalaking hakbang kaya taranta akong sinasabayan ang galaw niya.
"Icarius," I called but he ignored me.
Nakarating kami sa bahay. Pinaupo niya agad ako sa kahoy na upuan nila sa salas. Pumasok siya sa kuwarto. Paglabas ay dala na ang medical kit. Naupo siya sa tabi ko at inayos ang mga gagamitin sa paggagamot.
"Ayos lang naman-"
"No, it's not." He held my hand and gently put an alcohol on it. I grimaced when I felt the sting. Medyo nagalaw ko rin ang kamay ko sa ayos nito. "How long are you going to use that sickening words as an excuse?"
Napatingin ako sa kanya. Saglit niya rin akong binigyan ng tingin bago ulit pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi na lang ako nagsalita. Pinili ko na lang manahimik at tiisin ang sakit. Nilagyan niya ng bendahe ang dalawa kong kamay. Hinaplos niya iyon ng isang beses bago niligpit ang mga kagamitan.
"Salamat." Bahagya siyang napatigil nang sabihin ko iyon.
"Huwag mo na munang gamitin ang kamay mo. Sinabi ko naman kasi sa 'yo na bisita ka namin kaya huwag ka nang tumulong sa mga gawain." He stood up and left me.
Pinagmasdan ko ang kamay ko. It suddenly became numb. I sighed and stood up also. Pagtingin ko sa lamesa sa kusina ay wala na 'yong ibang lalagyan na binalikan ko sana. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok sa kuwarto. Sa kuwarto na lang muna ako magpapahinga.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas. Bumangon ako at sumilip sa maliit na bintana. They're preparing the table for the boodle fight. Ang iba'y naglalagay na ng mga pagkain. Napatingin ako sa maliit na orasan sa kuwarto ko. It's already twelve.
Nahirapan ako sa pagbaba sa hagdan gaya ng pag-akyat ko kanina dahil sa kamay ko. Namali ako ng tapak kaya dumiretso ako pababa. I cursed under my breath when I felt the pain on my hands.
"Jaimar, 'nak, kunin mo 'yong ibang ulam sa kusina." It's Mama Encarnacion.
Nakasalubong ko si Icarius. Mabilis niya lang akong tiningnan bago tumuloy sa kusina. Nang makalabas na ay nakita ko na ang ayos ng lamesa. Simple lang naman. May dahon ng saging at nasa gitna ang kanin. Ang mga ulam ay nasa gilid ng kanin at may iba namang nasa ibabaw nito.
"Aislinn!" Natigil si Mama Encarnacion sa ginagawa niya't agad lumapit sa akin. "Nasabi sa akin ni Jaimar." Hinagilap ng mga mata niya ang kamay ko. Nang makita ay binalik naman agad sa mata ko ang tingin. "Hindi ka man lang nagsabi sa akin. Naku! Siguradong masakit 'yan. Marami raw, sabi ni Jaimar."
"Opo, pero ayos lang naman po ako... I guess."
"Hindi 'yan ayos, 'nak. Huwag ka munang tumulong sa amin. Magpahinga ka na muna tutal marami ka na naman natulong sa loob ng isang buwan."
"Tutulong po ulit ako kapag gumaling na." I smiled at her.
"Naku, hindi na! Ayaw na ni Jaimar."
"Po?"
"Ma!" Icarius called her. I looked at him and saw his angry eyes. Umiwas siya.
Dumating ang oras para sa boodle fight. Nasa gilid lang din ako ng lamesa. Nagsisimula na sila sa pag-kain samantalang ako ay hindi makapagsimula dahil sa bendahe sa kamay ko. Maingay ang iba dahil nagkakatuwaan. Nakita ko rin si Karianna na panay na naman ang pagkuha ng pictures.
Sinubukan kong tanggalin ang bendahe sa kamay ko pero natigil ako nang tumabi sa akin si Icarius.
"Sige, gawin mo nang hindi ka na talaga makakain."
So, I stopped even though he's overreacting again. Come on, this can heal in no time.
"Paano ako kakain?"
Nakita ko agad ang kamay niya na may pag-kain para isubo sa akin. Natigilan ako. I don't know if I should accept it. Nakakahiya. Pero ngayon pa ba ako mahihiya? Understood naman na kailangan ko talagang magpasubo sa kanya o sa iba dahil sa kamay ko.
I was about to open my mouth when Karianna interfered. I made a poker face and looked away to avoid seeing them.
"Oh, my God! Is that for me, babe?" Sinalubong ng bibig niya ang kamay ni Icarius kaya sa kanya na nasubo ang pag-kain na akin dapat! "Oh, you're really sweet. You know I can't use my hands because of my nail arts."
Ano? That's her only reason? Paano naman ako na sugatan ang mga kamay? Wow! I think I need to drink water.
"Uh, excuse me."
Hindi ko na hinintay ang tugon nila. Pumasok ako sa loob at tumungo sa kusina. Tubig na lang siguro muna. Hindi pa naman ako gutom. Pero pati ba naman tubig ay ayaw akong painumin. Nabitawan ko lang naman ang baso. Great. Just great.
Napatingin ako sa labas. Naririnig pa rin ang asar sa kanila ng mga tao. As if I care. Bakit ba kasi palagi na lang sumisingit ang babaeng iyon? It's all fine when she's not around. Pakiramdam ko tuloy lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay kasalanan niya. Nakakainis naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top