Chapter 11

"Breakfast is ready, Miss. Hinihintay ka na po ng mga magulang mo."

"Susunod po ako. Salamat," I said weakly with a faint smile on my lips while looking at her through the mirror.

Today is the day that they've been waiting for. Ang araw kung saan tuluyan na akong legal. Ang araw na kinatatakutan ko. It's my eighteenth birthday and everything seems to be becoming heavy and constrictive as I continue to grow each day with the people I love.

Simula nang araw na iyon, wala na ulit naging paramdam si Rad even though I tried so many times to reach him and fix the mess that I've made unintentionally. Meanwhile, Van always stays by my side. Mas lalo lang tuloy akong nahuhulog.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko para tumungo sa dining area. I saw my Dad and Mom sitting on their usual seats. Nagsisimula na silang kumain kaya mas binilisan ko na ang paglalakad ko.

"Good morning, Mom, Dad," I greeted as I put my bag beside my chair.

"Good morning, sweetheart," tugon naman ni Dad.

Nalipat ang tingin ko kay Mom bago maupo. Bahagya siyang nakayuko habang maingat at pormal na kumakain. She's always intense and demean as a person with honor and pride, reason why I couldn't get a hold of her as her daughter.

"Mornin'," she said casually without even looking at me.

Tuluyan na lang akong naupo at nagsimulang kumain ng tahimik at maingat.

"Coenraad will be here any moment now," I stopped from eating and look at my Mom only to find out that she's already looking at me seriously. "He wants to talk to you."

"I have class, Mom. Hindi po ba puwedeng ipagpaliban na lang muna? Besides, you're throwing a party for me tonight."

"You've been already excused for this day. Spend it with him."

"But, Mom, I don't want to be absent. I'm sure Rad will understand it."

"Are we going to fight over this small matter again?"

Napabuntong-hininga ako at napayuko na lang para makaiwas sa riin ng titig niya sa akin.

"No, Mom. Puwede po bang kahit half day lang?"

I need to see Van.

"Palagi mo na lang akong sinasalungat. You never done this before. I didn't raise you to be like this, Aislinn."

Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng palda ko sa ilalim ng lamesa. Hindi nga niya ako pinalaki sa gusto niyang maging ako kaya iyon ang nagtutulak sa akin para mas lalo akong sumalungat sa kanya lalo na ngayon na malaki na ako.

Yes, I don't want to disobey her, but I know how to make decisions for my life too. I know now how to use my moral principles properly. I don't want to have the deprivation they want just to put me in silence.

Then again, I don't have a choice but to keep it all just like what I've been always doing to avoid conflicts. I love them so much to the point that I'm willing to kill myself inside redundantly.

"Sorry po." Napayuko ako.

"Half day, it is."

Napaangat ang tingin ko kay Mom nang payagan na niya ako. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko lalo na nang makitang nakahawak ang kamay ni Dad sa kamay ni Mom. Guess, he convinced Mom for me again.

"Thank you po."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila bago ulit nagpatuloy sa pag-kain. Nang matapos na ay wala pa rin si Rad kaya bumalik na lang ulit ako sa kuwarto para magbihis muna ng pambahay. Pagbalik ko sa sala ay siya namang pagdating ni Rad. I tried to give him a smile, but he just look away. Agad naman nawala ang ngiti kong iyon. He's still angry.

"Uh, hi, Rad!" I greeted awkwardly, trying to sound grateful for his appearance.

"Is it about what happened last month?" Agad na akong nagtanong para maayos na namin ito. It's making my heart weak and heavy. I couldn't stand it anymore.

"I came here to officially announce my courtship to you in front of your parents."

Wait, what?

"Rad, I thought we already talked about this?" I stammered as my brows formed a little furrows.

He took a walk towards me, maintaining his composure while his hands are in the pockets of his trousers. He stopped and examined my face. He slowly turned his head to his left side. Sinundan ko naman ang tingin niya at nadismaya nang makita ang mga magulang ko na nakatayo hindi kalayuan sa amin.

"You cannot reject me, Aislinn. Your parents will announce it for me tonight," malamig at seryoso niyang saad bago tuluyang lumapit sa akin. "In front of everyone and in front of your man," he added, whispering it in my ear.

I closed my eyes as my fists clenches.

"Rad, please, stop. I'm begging you."

Lumayo siya kaya tinutukan ko ang tingin niya sa akin. Malinaw pa sa tubig ang mabilis na pagdaan ng isang ngisi sa gilid ng labi niya.

"See you later, my beloved," he said before walking away.

"You're not going to stay a bit longer, hijo?" narinig kong tanong ni Mom.

"No, Tita. I still have a business to attend to. I'll just come back later."

Natulala ako sa puwesto ni Rad kanina. Biglang naging blangko ang isip ko. Parang may bigla na namang namatay sa loob ko. Nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko. My God! Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak at maging mahina. Hanggang dito lang ba talaga ang kaya ko?

Pumasok ako sa paaralan na lumilipad pa rin ang utak sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko napansin na nasa may hagdan na pala ako bago tuluyang makapasok sa gate. Muntik ko nang mahalikan ang magaspang na semento kung hindi ko lang naitukod ang siko ko.

My things fell down. I immediately shut my eyes off when I felt the stung on my knee and elbow. I heard a few laughs from the people passing by, not minding helping me at all. As expected from them.

I was about to stand up when someone held his hand to me. I look up at that someone and saw Van. I gave him a smile, but he just ignored me. Tinulungan niya akong makatayo bago niya pulutin ang mga gamit kong nagkalat sa sahig.

"Uh, salamat, Van-" Nang ikukuha ko na sana sa kanya ang gamit ko ay inilayo niya iyon sa akin. Kinuha niya rin ang bag na nakasabit sa balikat ko bago hawakan ang kamay ko.

Wala siyang naging imik hanggang sa makarating kami sa isang gazebo sa mini park ng school. Hindi ko naman alam kung paano simulan ang usapan kaya nanahimik na lang din ako.

"Sit here," he said, a little bit annoyed.

Nilapag niya sa upuan ang mga gamit. Galit niyang nilabas mula sa bag niya ang cotton, alcohol at band-aid. Sinundan ko ang bawat galaw niya hanggang sa pagluhod niya. Maingat at marahan niyang hinawakan ang binti ko para mas makita ang sugat na natamo ko sa tuhod. He examined it with his serious eyes before putting it on his leg to treat it.

"Galos lang naman-"

"Shut up."

Nagalaw ko ang binti ko dahil sa hapdi nang magdampi ang bulak na may alcohol sa galos ko. Matatag niya naman itong pinanatili sa posisyon. Saglit akong napatitig sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon kaya lang ay agad ring nabalik sa binti nang mapangiwi ulit ako sa hapdi.

"From now on, I will be with you during your vacant periods, lunch breaks and class dismissals," he said out of nowhere while putting the band-aid on my scratch.

"Hindi naman kailangan-"

"I'm not asking for your permission. I will do as I say," inis pa rin na pagkakasabi niya bago tumayo nang matapos na sa panggagamot sa binti ko.

"Galit ka ba sa 'kin?"

Naupo siya sa tabi ko. He carefully and gently hold my wrist to expose the scratch on my elbow. Napakagat ako sa labi nang hindi niya ako sagutin.

"Bakit?" dugtong ko, sinusubukan pa ring hulihin ang tingin niya.

Umiwas siya para kunin ang alcohol at bulak. Tahimik niyang ginamot ang galos samantalang ako ay nakatingin lang sa ginagawa niya, hinihintay ang pagsalita niya ulit.

Napatingin siya sa wrist watch niya. "Malapit na ang time mo."

Tumayo siya nang matapos na sa ginagawa niya. Inayos niya ang mga gamit namin. Mauuna na sana siya sa pag-alis nang pigilan ko siya.

"What did I do, Van?"

I can feel how his body tense by my hold and question. Nanatili siyang nakatayo, nakatalikod sa akin habang hawak ko ang kamay niya. I stood up. Naglakad ako papunta sa unahan niya saka siya walang alinlangang yinakap. I closed my eyes tightly to feel the warmth of the hug and give him the calmness and comfort that he's been asking for.

"I'm sorry," mahinang bulong ko kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang hinihingi kong tawad sa kanya.

"Fuck," he muttered a curse.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap. Narinig ko ang pagkabagsak ng mga gamit namin sa sahig at hindi pa nagtagal nang yakapin niya rin ako pabalik. I couldn't help but to create a smile while my eyes are still close.

"I'm sorry I couldn't stand it anymore, babe."

Inilayo ko sa dibdib niya ang mukha ko para tignan siya habang nakayakap pa rin ang mga kamay ko sa likod niya.

"What do you mean?"

He sighed then licked his lips, bahagyang iniiwas ang tingin sa akin.

"I've been watching you from afar since I met you."

I still couldn't get it so I remained silent, waiting for his next explanation.

"I've been watching you, letting them hurt you physically and emotionally. Sometimes, I came too late to save you but most of the time, I just can't get near you. I'm sorry I don't have the courage to be with you here in school."

"Van, okay lang naman sa akin kung ikinakahiya mo ako rito as long as your heart's still in me."

That was a foolish thought, Aislinn. You know that it pains you to see that he's avoiding you here.

"Hindi kita kinakahiya! I have my reasons! And..." humina ang boses niya. "I'm sorry. I really am. Walang kuwenta talaga ang rason ko."

Tuluyan na akong kumalas sa yakap para mas mapagtuonan ko ng pansin ang mga sinasabi niya. Akala ko wala siyang alam sa mga nangyayari sa akin dito sa school pero nag-aalala pala talaga siya sa akin.

"Don't feel sorry for me, Van. I already get used to it. Is that the reason why you got angry at me suddenly?"

"No, Aislinn! Don't you get it?" He ran his fingers through his hair as he turned his back on me. Pero agad din naman siyang humarap ulit sa akin suot na ang nakakunot na noo dahil sa galit. "I'm such a useless man for you! You don't deserve someone like me!"

Bigla akong nakahinga ng maluwag. I also gave him a smile full of assurance and trust. Naglakad ako palapit sa kanya saka marahang hinawakan ang pisngi niya para subukang pakalmahin siya.

"You're not useless, Van. You helped me a lot. You always makes me smile. You keep on staying at my best and worst moments. You continue to love me and grow with me everyday."

He closed his eyes to feel my caress on his cheek. Hinawakan niya rin ang likod ng palad ko.

"See? You're more than everything, Van. I appreciate your concern, but you don't need to do it for me. I can manage," pagpapatuloy ko.

He opened his eyes and removed my hand on his cheeks. "Don't lie to me, Aislinn."

Napangiti ulit ako. "Kailan ba ako nagsinungaling sa 'yo, Van? I managed to get through this without you in my life and it's a lot easier for me now that you're here."

"How long are you going to pretend?"

My smile faded. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya inalis ko na lang iyon. Tinatagan ko ang sarili ko na makipagtagisan ng tingin sa kanya pero hindi ko pa rin kinaya. I ended up looking away from him, swallowing the bump in my throat.

"You can't fool me. I can see it everything in your eyes," he added.

Parang may sumabog sa loob ko nang marinig ko iyon sa kanya. The walls that I keep on building everytime something bad happens crumbled for countless times again. Oh, my God! Please, not again. Not now.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya, trying to force my facial muscles to create a smile but it turned out fake.

"What are you saying, Van?"

"Aislinn naman! Tama na ang pagiging tanga-tangahan at masokista! It's already my job to protect you and always look for you! Hayaan mo naman ako, Aislinn! Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito!" sigaw niya na siyang nakaagaw ng atensyon sa ilang taong dumadaan.

I suddenly feel so embarrass kaya sinubukan ko ulit na pakalmahin siya pero mukhang mas lumala lang.

"Alright. Alright. I'm sorry, Van. I'm sorry. You don't need to shout."

"Damn it! You see? That's the problem!" Marahas siyang napasuklay sa buhok niya bago ako talikuran at tignan ulit.

"Hindi ka ba talaga marunong magalit kahit na sinisigawan ka na?! Aislinn naman! Subukan mo namang ipaglaban ang sarili mo! Ano ba?!"

I blinked several times while looking at his angry face. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa kamay niya na ngayon ay nakakuyom na. I sighed deeply and closed my eyes.

"Bakit, Van? Can't you see? I'm trying my best to understand you! I'm trying to be enough for all of you to the point that I couldn't recognize my own and true self anymore! Ayokong nagagalit ako sa mga taong mahal ko dahil ako lang din naman ang nasasaktan at nahihirapan! Pero bakit palagi na lang nauuwi sa ganito?" My voice cracked at the last question as my tears streamed down my cheeks. I saw his sudden change of emotion that made me weak even more.

"You need to stop trying, babe." He brushed his thumb on my cheek to remove the tears.

My legs wobbled but thankfully, he immediately pulled me to a hug. Mariin akong napapikit habang patuloy pa rin ang mga luha sa pagbuhos. Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kanya. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya sa ulo ko pababa sa likod ko.

"Baby," Oh, it feels so good to be called like that from the man you love. "I'm sorry I lost control again."

"I'm sorry, too," napapaos na bulong ko naman.

The hug lasted for minutes without us talking, trying to find our inner peace with the help of each other's comfort while fixing our wreck emotions. I couldn't ask for more.

The moment I hugged him earlier, I knew to myself that he's really the one. I made up my mind already. This time, I will choose to fight with love and courage. Oras na siguro na sarili ko naman ang pagbigyan ko ngayon na hindi iniisip ang iba at kung ano man ang mangyayari.

Kumalas kami sa yakap at napatitig sa isa't isa hanggang sa pitikin niya ang noo ko.

"Aray!" reklamo ko at agad napahawak sa noo.

"Drama mo kasi!" Tumawa siya kaya napanguso na lang ako pero natigilan ako at agad namilog ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi. It was just a smack but my heart skipped a beat.

That was also the first time he gave me a kiss on my lips! And he stole it without asking for my permission! Hmp! Gago talaga!

"Blame my adrenaline rush." He shrugged and just laughed again while I'm still in shock. Nakaawang ang labi ko habang hawak ko pa rin ang noo ko. Damn! I look so stupid!

Natauhan lang ako nang mawala na siya sa paningin ko. I cleared my throat and compose myself again even though my mind is shrouded with so many unhealthy thoughts.

"Let's go. You're already late."

Hinarap ko siya. Hawak na niya ulit ang mga gamit namin at handa nang umalis.

"You have class too?" I suddenly asked.

"Wala na. Kaninang umaga lang."

"Oh, okay," Napatango-tango ako. "Why are you still here, then?"

"For you," agarang tugon niya naman suot ang malawak na ngiti na parang walang nangyari kanina.

We started to walk while holding hands like an official couple. Pinagtitinginan din kami ng ilang estudyante. Nga naman, ngayon lang ako naging open in public kasama si Van. Kadalasan kasi kapag nagkikita kami dito sa school ay palitan lang ng ngiti ang nagagawa namin pagkatapos ay wala na. Naghihiwalay na agad kami ng landas. Pero palagi naman kaming magkatext. Minsan lumalabas din.

"Huwag na lang kaya akong pumasok?" bigla kong sabi sa gitna ng paglalakad namin habang nakatingin sa malayo.

Natigilan naman siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Don't tell me you're going to ditch your class?" Tinaasan niya ako ng kilay.

I just shrugged. "Ngayon lang naman."

Napabitaw siya sa akin at unti-unting napatakip ng bibig.

"Holy shit! Did you really just said that?"

I laughed at his reaction. Hinampas ko rin siya sa braso niya.

"Sira ka talaga!"

"'Di nga! Seryoso?"

Sumeryoso na ulit siya. I just gave him a nod as a response kaya tumawa na naman siya. Pagkatapos ay napailing-iling.

"Guess, I'm being a bad influence to you, babe. Where do you want to go, then?"

"Anywhere!" I said excitedly.

Hindi ko maiwasang mapatawa ng palihim habang naghahanap kami ng paraan para matakasan ang mga guard. Kapag oras na kasi ng klase ay hindi na sila nagpapalabas ng estudyante, puwera na lang kung emergency.

Napasigaw ako sa gulat nang hilahin bigla ni Van ang kamay ko para makatakbo kami. Napatingin naman ako sa direksiyon ng guard house. Nawala na iyong isang guard samantalang abala naman sa pakikipag-usap iyong isang guard sa kumpol na estudyante. Naku, napakabilis talaga ng lalaking ito pagdating sa mga ganito.

Iniwan niya ang sasakyan niya sa parking lot ng paaralan para daw hindi makahalata at mas mabilis kaming makaalis. Well, he has a point. Hassle nga lang pero wala naman iyong problema sa akin.

Mabilis na lumipas ang oras. We spend the whole afternoon eating, watching movie, playing the arcade games, roaming around the City and reading books in the library while holding hands and listening to the music. It was a happy and enjoyable afternoon for the both of us not until my Mom called me.

"Come home."

Dalawang salita lang iyon galing sa Mommy ko at agad niya nang pinatay ang tawag.

Naglaho ang mga ngiti ko sa labi. Ngayon ko lang din napansin na medyo madilim na pala. Nasa park kami ngayon habang nakaupo sa isang bench at kumakain ng ice cream.

"Van, I need to go home." Tinapon ko ang ice cream sa katabing trash bin at sinimulan kong ayusin ang mga gamit ko na nakalapag sa tabi ko. Bakit ba kasi hindi ko na lang iwan ang mga libro ko sa locker? Pinapahirapan ko lang ang sarili ko, eh.

"Okay," narinig ko namang sabi ni Van na medyo nautal pa. Nagulat ata sa biglaan kong kilos.

"Hatid na kita," he added as he also stood up and throw the cone in the trash bin. Tinulungan niya rin ako sa pag-aayos ng gamit pagkatapos ay siya na ulit ang nagdala.

"Van, okay lang! Ako na." Sinubukan kong kunin ang gamit ko sa kanya pero iniwas niya lang.

"Ihahatid kita."

"Hindi na!" Nataranta ako. "Magtataxi na lang ako."

"Magtataxi tayo."

I bit my lower lip and sighed. Kinakabahan at natataranta talaga ako sa hindi malamang dahilan. Did my parents found out that I ditched class with Van? Or is it because of Rad? Or my party? Or business again? Or family matters? Oh, gosh! I'm overthinking again.

We stopped from walking when we reach the side of the road, waiting for the taxi.

"Van, okay lang talaga. Uh, let's just meet again at my party."

Hindi ko alam kung paano ko napapayag si Van o sadyang hinayaan niya na lang talaga ako. I just found myself inside of the taxi alone habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone ko sa loob ng bag. Nabalik ako sa reyalidad kaya napabuntong-hininga na lang ako bago binuksan ang text. It's Van at hindi lang isang text iyon. He's been texting me since morning at ngayon ko lang iyon nakita. Hala! Ano ba naman 'yan!

Razvan:

Good morning, babe! I will wait for you at the gate.

He texted it early in the morning. Quarter to five! And I'm still asleep that time.

Razvan:

Sorry hindi na kita nahintay. Dumating na kasi ang prof. namin.

Ang pangalawang text niya naman ay noong kumakain na ako ng agahan. Kahit naman hintayin niya ako sa may gate ay hindi pa rin kami sabay sa paglakad.

Razvan:

Hey, what are you doing? Bakit wala ka pa?

Razvan:

You okay, babe?

Razvan:

Baby, please reply to me.

The other three was when I'm talking to Rad and wasting time overthinking things.

Razvan:

What's bothering you?

Kaninang hapon naman iyon kung saan pumasok na ako. Mukhang nakita niya na ako bago pa man ako madapa kaya lang ay hindi ko naman siya napansin 'non.

Razvan:

Please, get home safely. I'll see you later. I love you.

At ang huling text niya.

Napangiti ako habang paulit-ulit na binabasa ang mga texts niya sa akin. I felt my lungs inflate with a soft caress in my heart that causes calmness and certainty to me. Thanks to Van, I was able to fully determine what I should do later in the party.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top