Chapter 10
"Aislinn!"
Taranta akong napatayo habang unti-unting nawawala ang mga ngiti sa labi ko. Naramdaman ko ang pagbagal ng hininga ko dahil sa pagtambol ng puso ko.
"Rad!"
It sounded so surprise and bleakly, reason why my face turned sour but he just ignored it. He's looking at Van so I slowly turned my head to see what Van's doing. He stood up with a dark and serious expression on his face.
I heard the footsteps of Rad getting closer to us. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Wala man lang akong mabakas na kahit na anong emosyon sa mukha niya na siyang lalo lang nagpapakaba sa akin.
"I see you have a visitor, Aislinn." Rad's still looking at Van. "But we need to talk." He turned his head to me.
"Uh, sige. But, uhm, will you give us a minute to talk? Mag... magpapaalam lang ako sa kanya." Parang hindi ko makilala ang boses ko dahil sa sunod-sunod na utal. Napakuyom ako dahil doon, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya kahit na may kakaiba sa titig niya.
"Magpapaalam? What is he to you?"
Oh, damn!
Rad took steps forward to Van without losing his composure and the looks that he's giving to him. Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi ko magawang makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
"What is your relationship to Aislinn? Classmate? Schoolmate? A friend? Or just a bodyguard?" seryosong sabi ni Rad na halatang nang-iinsulto.
"Ikaw ano ka niya? Driver?" gatong naman ni Van.
I closed my eyes because of that while wearing a faint smile. My gosh, Van! Now is not the time to be conceited. Okay lang na sa akin ka palaging nagiging ganito pero huwag sa ibang tao. Huwag kay Rad at lalong-lalo na huwag dito.
"Van, stop." Binigyan ko ng mahinang iling si Van para patigilin na siya. Please lang, huwag mo nang patulan si Rad. Ayoko ng gulo.
"And, uhm, Rad, let's go to my room to talk. Iyon ang pinunta mo rito, hindi ba?" Kay Rad naman ako ngayon nakatingin.
Pumagitna ako sa kanila saka marahang hinawakan ang kanilang dibdib na malapit na magdikit. Itinulak ko palayo si Van kay Rad na siya namang ikinainis niya.
"Van, uh, okay lang ba sayo na iwan ka na muna namin?" dugtong ko pa nang bigyan siya ng panandaliang tingin. Agad akong umiwas dahil sa ipinapakita niyang galit na ekspresyon.
"Ayoko." It was a deep and cold baritone voice from Van.
"Who are you to say no to her?" si Rad naman.
Napatili ako sa gulat nang hilahin ni Van ang kamay ko palapit sa kanya. I ended up on his massive chest while he's holding my left hand in between us, tightening it every second as if he's imprisoning me from something harmful and dangerous. But my right wrist was being held by Rad's hand too. I sighed as I tried to get away from Van but he immediately hug me.
Ano ba naman ito! Hello? Mababali na ang kamay ko!
"You're not going anywhere with this man," he whispered as he bit my earlobe. Namilog ang mga mata ko at agad siyang itinulak.
"Van!" I shouted angrily while creasing my brows.
Marahas akong hinila ni Rad. Napunta ako sa tabi niya. Muntikan na akong mapamura dahil doon. Na-stretch yata ang kamay ko. Narinig ko pa naman ang mahinang pagtunog ng balikat ko.
Sumama ang timpla ng mukha ko habang ginagalaw ang kaliwang balikat ko dahil sa sakit. I also tried to remove my hand on his grip but I failed to do so. He's holding it tightly and severely. Damn! They're treating me like I'm just an object na puwede lang hila-hilahin dahil sa gaan.
"What the fuck are you doing?" Van tried to reach for me but Rad hide me to his back.
Oh, my God!
"She's mine," it's Rad.
Narinig ko naman ang sarkastikong tawa ni Van. "She's not a thing to be considered as yours."
"She's also not your person so get your ass out of our lives. You don't have the rights."
"You also don't have the rights to hold her like that."
Hindi nagtagal ay nasa tabi ko na ulit si Van. Namalayan ko na lang na sinusubukan niya ulit akong agawin at ilayo kay Rad pero ayaw talaga akong bitawan ni Rad.
"Hey, asshole, let go of Aislinn's wrist!" Napasigaw na si Van dahil sa galit.
Lumingon si Rad sa amin, suot pa rin ang walang emosyon niyang ekspresyon.
"Rad, let go already. Nasasaktan na ako," mahina at nanlulumong sambit ko naman.
"What the fuck, dude?!" it's Van again as he pushed Rad's shoulder.
Susugod na sana si Rad nang mapatigil siya dahil sa sigaw ko.
"Tama na! Ano ba?!"
Rad gave me a brief look before looking at Van again. Damn! Hindi ko hinangad ang ganitong senaryo mula sa dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko. Kailangan ba talagang umabot sa ganito? At ano ba ang kinaiinit ng mga utak nilang talangka?
"Bitawan niyo ako, ano ba! Kung may problema kayo sa isa't isa huwag niyo akong idadamay dahil hindi ko kaya ang lakas niyo!" dugtong ko pa.
Mayamaya lang ay tuluyan na nila akong binitawan. Napahawak ako sa palapulsohan kong hinawakan ni Rad. Namula iyon at ramdam ko talaga ang sakit.
"What is all this commotion?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. There we saw my parents together with Van's parents standing at the doorway. Napamura ako sa isip ko. Huwag mong sabihin sa akin na kanina pa nila kami pinapanuod?
"One of the maids told us that they heard a scream coming from here," si Aunt Vienna suot ang mapag-alalang tingin sa amin.
"Pinag-aawayan niyo ba ang isang tao? Ano 'to love triangle?" si Uncle Leigh naman.
"Aislinn, sweetheart, what is this all about?" it's Dad.
"Don't make a scandal here in my mansion. Hindi na kayo mga bata. Nakakaabala pa kayo," malamig na sabi ni Mom na halatang-halata ang pagkairita sa mukha niya.
Wala sa aming nag-abalang sumagot sa mga sinabi nila. Nanatili akong tahimik habang sinusukat ang mga titig nila sa amin. Abot tahip na rin ang kabang nararamdaman ko. Bakit ba kasi nangbibigla na lang ang dalawang ito? Sigurado akong pagsasabihan na naman ako ni Mom pagkatapos nito.
I licked my lips then sighed. "Van, stay here. Rad, let's go." malamig na bulong ko sa kanila nang makabawi na ulit ako. I took a step forward to announce my leaving. "I'm so disppointed to the both of you."
Agad akong lumapit sa mga magulang namin.
"Sorry po. Excuse me po." Isa-isa ko silang binigyan ng tingin bago yumuko dahil sa kahihiyan.
Umalis na ako roon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na sila binigyan pa ng tingin. Sige, magpatayan na sila ngayon na wala na ako. May audience na rin sila. Wala na akong pakialam. Parehas nila akong dinismaya at ginalit dahil sa mga marahas na kilos nila. Hindi ko rin inasahan na gagatungan pa ni Van si Rad. Ugh! What is wrong with them?!
Ihahanda ko na lang ang sarili ko para sa sermon ng mga magulang ko mamaya. I just hope na hindi pa nila malaman ang kung ano mang namamagitan sa amin ni Van. Ayokong malayo kay Van. Hindi ko siya kayang pagtabuyan. It will surely hurt us.
I was standing on my room's terrace for a few minutes when I heard the door opened. Alam kong si Rad iyon kaya hindi na ako nag-abalang umalis sa puwesto ko. Nanatili akong kalmado kahit na nagsisimula na namang kabahan ang puso ko habang nakatingin sa malayo.
"Tell me, Aislinn, is that goddamn asshole your suitor?" Hindi pa nga siya nakakarating sa tabi ko nang magsalita na siya. Narinig ko ang pagtigil ng lakad niya kaya hinarap ko na lang siya.
"Ano bang problema, Rad? Why are you being like this?"
"Just answer my question!"
I can feel his rage that made my courage fell back at the pit of the fear.
I sighed in dismay. "I'm in love with him, Rad."
I bit my bottom lip to suppress my tears. I'm not trying to cause a misunderstanding because of not being honest to him. Kung iyon din ang ikatatahimik niya ay mas mabuting malaman niya na ang totoong nararamdaman ko habang maaga pa. Ayoko pa sanang sabihin iyon sa kanya lalo na't hindi ko pa naman tuluyang natutukoy ang nararamdaman ko. But I want this mess to be fix as soon as possible. Hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob at tiisin ang mga taong mahal ko.
"Love? Are you being serious right now, Aislinn? How can you love someone like him at a time like this?"
"Why? What's wrong with that? And he's not just someone, Rad! I love him!" inis na sabi ko naman, trying to defend Van.
"Goddamn it, Aislinn! Naririnig mo ba ang sarili mo?!"
Kumunot ang noo ko. "Bakit ba galit na galit ka? Ano naman ngayon kung mahal ko siya? Bawal na ba akong magmahal? Of all people, you're the one who can understand me, Rad! Kaya bakit ka nagkakaganito?"
Tinitigan ko siya sa mga mata niya pero wala akong mabakas na dating Rad na nakasama ko noon. Wala akong maramdaman kundi takot at pagkadismaya. He used to look at me with an enough love and assurance that causes wonderment and admiration to my heart but what happened? What is this?
"You have an arrange marriage!" he screamed, worried about it.
"Well, it's..." I stammered, trying to find the right words. "It's not yet finalize, Rad. I can still convince my Mom about it. I'll, uhm, I'll find a way to-"
"That's not a solution, Aislinn! Are you really going to lower yourself for that asshole?! Goddamn it! Why can't you see it?!"
I blinked several times and licked my lips to ease the formation of the storm inside me. Mas lalala ang sitwasyon kung pati galit ko ay paiiralin ko. This is why I can't tell Rad about Van.
"Why are you making this one a big deal, Rad? Why are you so desperate?"
"I love you, Aislinn! I've been loving you since the day I met you!"
My heart skipped a beat, trying to sink in what he just told me. I took a step backward to support myself. Alam kong darating ang ganitong araw na aamin siya pero hindi ko pa rin maiwasang magulat. Wala lang talaga sa timing ang lahat na mga nangyayari.
"I know." My voice is in quavery while looking at him.
"You know yet you keep on ignoring it for years!"
"I'm sorry..." Napayuko ako. "Hindi ko lang talaga alam kung paano ko ibabalik sa 'yo ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa akin. I love him, Rad." Napailing-iling ako kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
The different emotions in me are stirring me up to the point that I don't know how to exactly feel it. I just know that Rad is important to me and I don't want having this fight with him. Masyado itong masakit para sa akin pero alam kong mas masakit ito para sa kanya.
I heard his footsteps walking towards me and I can almost hear my heart pounding so fast. Mahigpit niya akong hinawakan sa mga balikat dahilan ng pag-angat ng tingin ko sa kanya.
"No, Aislinn! You are not allowed to flirt with someone or be in a serious relationship!" may diin niyang sabi. "You are also not allowed to fall in love with someone else! Ako lang dapat, Aislinn! Ako lang!"
Bumagsak ang mga balikat ko as the tears continuously streaming down my cheeks. He's... he's so desperate!
"W-what... are you saying, Rad?"
Unti-unti siyang napabitaw sa akin. Isinilid niya na lang ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya saka ako mariin na tinitigan. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at sa dibdib niya na lang mas piniling tumingin.
"Your relationship with that asshole will be useless because your parents know about my feelings for you. I'm just waiting for your eighteenth birthday before I officially announce my courtship to you." Malumanay na siya magsalita ngayon pero nandoon pa rin iyong pait at galit.
Wala akong naging kibo at imik, sinusubukan pa ring iproseso sa utak ang mga sinabi niya. Rad's always logical and affectionate but now, he's being selfish, inconsiderate and unreasonable. He keeps on disappointing me but I'm still trying to understand him. Life has been hard on him too and I don't want to be one of those reasons.
"Don't waste your life and tears for that asshole." He brushed his thumb on my cheeks to remove my tears and it gave me a little shiver. Bahagya kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at humugot ng malalim na hininga.
Why does it feel so different this time, Rad? Why do I suddenly feel so distant to you?
"I didn't mean to surprise you. Forgive me."
I remained silent. Puwede bang umalis na lang siya at huwag nang magpakita ulit? I want to be alone. Please.
"Nag-init lang talaga ang ulo ko nang makita kitang nakikipagharutan sa lalaking iyon," dugtong niya pa.
Nabalik ang tingin ko sa kanya. Parang gusto ko yatang matawa sa sinabi niya. Ano naman ngayon kung masaya akong nakikipagharutan sa lalaking mahal ko? Masama na ba iyon? He's just being a selfish jealous asshole. Nirespeto niya na lang sana ang pagkakaibigan namin.
"You're looking at me as if I'm your worst enemy. Iyan ba ang naging impluwensiya sayo ng lalaking iyon?"
"Ano ba, Rad? Will you stop bringing Van to this? It's not his fault that I fell in love with him," I managed to fire back on him. Natigil na rin ang pagluha ko.
"And it's also not my fault that I'm in love with you."
"You're my best friend, Rad. I treated you like a family. Kaya binigyan na kita ng senyales noon na hindi tayo lalagpas doon. Ayokong masaktan ka, Rad, so I'm being honest to you as always. Please, stop being like this."
"Sa tingin mo ba ay hindi mo ako nasasaktan ngayon at noon? Not all the time, honesty and truthfulness can put your heart at ease, Aislinn. It'll just cause more pain to you that soon will leave a scar."
Unti-unting napunit ang puso ko dahil sa sinabi niya at sa mga tingin niya sa akin. Now that he told me that, pain is evident in the depths of his eyes that cannot be fully seen if you don't focus on him.
"I'm sorry." Nabasag ang boses ko kasabay ng pagbagsak ulit ng mga luha ko. Napailing ako at napayuko. Hindi ko alam kung ilang ulit pa ba akong hihingi ng tawad sa kanya.
"I didn't mean for this to happen. Mahalaga ka sa 'kin, Rad. Please, don't lose our deep connection over something else," I begged.
"I cannot lose you either, Aislinn, so it's better this way."
Lalo lang akong nadismaya. "Please, Rad, don't be like this. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin," ulit ko.
I really don't want to ruin our friendship. I've been with him for years, but I just couldn't feel the sparks of intimacy between us. Hindi ko rin mapilit ang sarili ko na gustuhin siya kaya kahit man lang ang pagkakaibigan ay huwag niya sa aking ipagkait for the sake of his feelings.
"Hindi kita kayang mahalin, Rad. I'm sorry." And for the second time around, my voice cracked, still not looking at him.
"Then, choose. Love me or be with that asshole as I tell the truth to your parents."
Agad umangat ang tingin ko sa kanya. "You can't do that."
"Why not?"
"I trust you!"
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. I also saw the sudden jolt of softness on his face just like what I always see in him.
Tinalikuran niya ako. "Choose wisely, Aislinn. I cannot sacrifice my heart to something that will cause a kiss of death to me."
The door was shut in a gentle manner as he got out of my room. Bahagya akong natulala pero natauhan din naman agad. Pinunasan ko ang basang pisngi ko. Tumakbo ako palabas para habulin siya.
"Rad!" sigaw ko nang nasa may hagdan na ako. I saw Rad stopped from walking on the middle of the stairs.
Nakaramdam ako ng ibang presensiya kaya agad nabaling ang tingin ko sa baba kung nasaan ang salas. I saw Van looking earnestly at me. Parang hinigop ang buong lakas ko, reason for me to stiffened on my posture. I also saw my parents and Van's parents. Tuluyan na akong nanghina at hindi ko na magawang lapitan pa si Rad.
I slowly turned my head to Rad's direction. Hindi nagtagal nang magpatuloy ulit siya sa paglalakad without giving attention to his surrounding. Nang makalabas na siya ay siya namang pamamaalam ng pamilya ni Van.
I stood still, looking at Van until their car pass through the gate. I was too preoccupied to notice my parents' presence near me.
"Let's talk." it's Mom's rough voice without looking at me.
"Don't take it the wrong way, sweetheart. We just really want to talk with you," si Dad naman saka ako binigyan ng ngiti at mahinang tapik sa balikat.
Pagod akong napabuntong-hininga at nanlumo. Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay siyang pagbuhos ulit ng mga luha ko. Hirap ko iyong pinalis bago sumunod sa mga magulang ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top