2002 || 0.4
||※ Willow's POV ※||
・*:.━━━★━━━.:*・
「Powerpuff Girls」
●Active Now●
7:13 A.M.
Bubbles (Haneul):
Mga ate, gala tayo
Sabado naman ngayon eh
Na-miss ko na mag arcade
Blossom (Willow):
Uy gusto ko 'yan! G lang
Naboboring na din ako dito sa bahay
Kairita walang magawa!
Buttercup (Lucy):
Ay wow, himala, ang aga nyo magising
Wala daw magawa kaloka, 'yung assignment natin ang tapusin mong bruhita ka
May quiz na naman kay madam sungit sa Monday. Bwisit na quiz 'yan, parang akala mo napakadali eh ang hirap-hirap naman
Bubbles (Haneul):
Tapos na 'yan si ate Willow, sure ako!
Tsaka kahit naman hindi na sya mag review, papasa pa din siya kasi matalas memory niya
Blossom (Willow):
Fake news ka Haneul AHAHAHAHAHAHA
Anong matalas ka dyan, makakalimutan na nga eh!
Buttercup (Lucy):
Pa-humble pa ang babaita
Makakalimutin daw pero pag dating ng test, sasabihin "ay hala, naalala ko lahat 'to"
Shunga!
Sinungaling!
Bubbles (Haneul):
Umagang-umaga, ang init na agad ng ulo ni ate Lucy huhu HAHAHAHAHA kinukulit ka nanaman ba nung lalaking mukhang paa?
Blossom (Willow):
Hoy Haneul 😭
Anong mukhang paa 😭 HAHAHAHAH
Loko kang bata ka AHAHAHAHH
Buttercup (Lucy):
Totoo naman
Kainis
Sinabi ko nang tantanan ako at wala akong gusto sa kaniya tapos ayaw pa ding tumigil
'Di ko nga type 'yun. Ang sahol pa ng ugali
Araw-araw may kausap na ibang babae tapos sasabihin na "ikaw lang gusto ko, Lucy"
Tse!
Tigil-tigilan niyo 'ko sa mga kasinungalingan niyong mga walang ambag sa mundo!
Bubbles (Haneul):
Sabi kasi namin sa'yo ate Lucy, do'n ka na lang sa lalaking nasa kabilang section eh
Blossom (Willow):
Ay oo nga beh
'Yung pinakamatanda sa tatlong chill bros
Mas pogi 'yon kaysa diyan sa nangungulit sa'yo. Mas mukha pang matalino!
Bubbles (Haneul):
Trueeeee!!
Buttercup (Lucy):
Edi jowain niyo!
Ipapasa niyo pa sa akin
Wala akong pake sa mga 'yan
Pake ko kung kasama sila sa chill bros
Mukha nga silang mga jumbo hotdog
Kala mo matatangkad, ang liliit naman
Bubbles (Haneul):
Bakit ate Lucy, ano ba height mo?
Buttercup (Lucy):
5 flat
Ang tatawa, iki-kick ko sa GC
Blossom (Willow):
Hehehehehehehehhehehehehh
Lucy Clementine Vernize
removed you from the group.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
「Kyeopta Haneul <33」
●Active Now●
07:23 A.M.
Eommarites ^_^:
Haneulllllll
Pa-add sa gc ulit plsss
Tinotopak na naman kasi si Lucy
Kasalanan talaga 'to nung mukhang paa eh
Kyeopta Haneul <33:
HAHAAHAHAHAHAHAHA
Bakit ka po kasi nag reply 🤧
Kaya nga sineen ko na lang eh
Alam ko kasing aatakihin ulit siya ng kabaliwan niya kapag may nag reply pa
Eommarites ^_^:
Sorry na nga eh huhu
Pa-add na me plss HAHAHAHAHA
Sasabay ako sa inyo papuntang arcade
Kyeopta Haneul <33:
Sige na nga, add na kita ulit
Kawawa ka naman eh
Baka bigla kang umiyak
Hehehehehehe
Eommarites ^_^:
Hoy lokaret anong baka umiyak!?
Sus! Kaya ko kayong hindi kausapin ng ilang araw 'no! Kahit nga taon pa kaya ko eh
Basta 'wag na rin kayong tatapak sa pamamahay namin. Lalo na do'n sa resort namin sa Laguna. Banned na kayo
Kyeopta Haneul <33:
Sus! May resort din kami uy!
Nasa korea at japan nga lang
Eommarites ^_^:
Ay, wala na talo na ako
Pasensya na anak, nagmamayabang ang magaling mong ina ngunit 'di niya alam na anak ng isang mafia ang kaniyang anak
Kyeopta Haneul <33:
HAHAHAHAHAHAHAHA
Para kang buang ate Willow 😂
Pero ia-add na talaga kita
Naiimagine ko kasi 'yang pag nguso mo eh
Pakitigilan po Eomma, 'di mo kasi bagay
Eommarites ^_^:
HOY WALANG HIYA KA TALAGA!
Kyeopta Haneul <33:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Peaceee!! ✌
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
「Powerpuff Girls」
●Active Now●
7:35 A.M.
Aethra Haneul Bellevue
added you to the group.
Buttercup (Lucy):
Oh? Bakit may bubwit na nakapasok sa GC natin, Haneul? Bawal ang hayop dito. Layas!
Blossom (Willow):
Makasabi ka naman ng hayop, kala mo naman walang kalahing tigre sa Manila Zoo.
Lucy Clementine Vernize
removed you from the group.
Buttercup (Lucy):
Subukan mong i-add siya ulit Haneul
Tatanggalin din kita dito
Bubbles (Haneul):
Ate huhuhu
May gala pa us
Tuloy pa po ba?
Want daw sumabay nung tinatawag mong bubwit eh. Tinatamad daw kasi siyang mag commute. Add ko na ba ulit? Hehe
Buttercup (Lucy):
Oo tuloy pa din at kailangan kong magpalamig ng mainit kong ulo
Bubbles (Haneul):
Add ko na ulit si ate Willow ha
Lucy Clementine Vernize
added you to the group.
Bubbles (Haneul):
Ay ayan, okay na pala!
Blossom (Willow):
Napaka rude mo talaga, Lucy!
Buttercup (Lucy):
Naku beh, isa pa, iki-kick kita ulit dito at hinding-hindi na ia-add pang muli! Isa pa...
Blossom (Willow):
Jowk lang! HAHAHAAHAHAH
Eto naman, highblood masyado!
Sabay ako sa inyo plssss
Maliligo na ako promise dahil alam ko namang ako lagi ang matagal kumilos
Bubbles (Haneul):
Ay mabuti po at alam mo, ate Willow
Kaya dalian mo nang kumilos ate
Buttercup (Lucy):
Nasaang apartment ka ba?
Kainis ka kasi, andaming apartment
'Di makuntento sa isa
Kailangan paiba-iba eh
Blossom (Willow):
Malapit sa ZVU
'Yung lagi nating tina-tambayan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top