2002 || 0.3
||※ Amadeo's POV ※||
・*:.━━━★━━━.:*・
「GC ka Soju」
●Active Now●
11:48 A.M.
Blue Ranger (Guthrie):
Mga tol
Naiinip na ako sa lesson namin
Last week pa ata namin pinag-aaralan 'yun
Red Ranger (Amadeo):
Bobo! Anong last week pinag-aaralan?!
Ibang topic na 'yan, pre
Tsaka last month ka huling pumasok, tanga
Blue Ranger (Guthrie):
Kailangan may insulto kada chat?
Green Ranger (Roux):
Bakit nag ce-cellphone kayo?
Wala kayong Prof?
Blue Ranger (Guthrie):
Meron
Pero ang boring niya mag turo par
Inaantok ako sa boses niya
Red Ranger (Amadeo):
Malamang aantukin ka talaga
Hindi ka nga nagsusulat eh
'Wag kang kokopya sa 'kin kapag may quiz
Green Ranger (Roux):
Bakit? Nagsusulat ka ba, Amadeo?
Red Ranger (Amadeo):
Hindi rin
Nakakatamad eh
Blue Ranger (Guthrie):
OH KITAMS
Tapos kung makareklamo, kala mo nagsusulat din
Green Ranger (Roux):
Minsan gusto kong itanong sa magulang ko kung kapatid kita, Amadeo
Blue Ranger (Guthrie):
Uy totoo 'yan par
Parang hindi talaga kayo magkapatid
Mas pogi ka kasi par kaysa sa kaniya
Green Ranger (Roux):
Haha'di tayo talo par
Red Ranger (Amadeo):
Ampon ka siguro kuya
Mas pogi ako kaysa sa'yo eh
Loko Guthrie! Anong mas pogi si kuya kaysa sa akin?
Blue Ranger (Guthrie):
Hangin mo par
Mas mahangin ka pa sa super typhoon
°˖✧◝✿✿✿✿✿✿◜✧˖°
12:13 P.M.
Red Ranger (Amadeo):
Hoy mga pandak
Tara kain sa labas
Sawang-sawa na ako sa pagkain ng school
Ang alat ng adobo tapos ang tabang ng sinigang. Tapos 'yung kanin 'di luto
Blue Ranger (Guthrie):
HAHAHAHAHAHAHAA laitero!
Green Ranger (Roux):
Makikikain ka na nga lang, nagrereklamo ka pa. Mayaman ka ba, mayaman ka ba? Lol
Red Ranger (Amadeo):
Nagsalita ang nagreklamo dahil kinulang sa dugo 'yung sauce ng spaghetti na binili
Green Ranger (Roux):
Luh!
Bakit, totoo naman ah?
Ang putla ng spaghetti sa cafeteria!
Kinulang sa Tomato Sauce
Wala na ba silang pambili?
Blue Ranger (Guthrie):
HAHAHAHAHAHA
Mga bwisit kayo! Mga reklamador!
Red Ranger (Amadeo):
Bakit may minion na sumulpot diyan?
Blue Ranger (Guthrie):
Kapag hindi sinipot, wag magsalita 🤣
Red Ranger (Amadeo):
Luh, hindi ka lang kinausap eh
Blue Ranger (Guthrie):
Edi wow 😒
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
☆・*:.。. ・・.。.:*・☆
||※ Narrator's POV ※||
Nang makababa ang tatlo sa ground floor, agad na nagtungo si Amadeo papunta sa harapan ng kaniyang locker.
Pinagtitinginan sila ng lahat ngunit dinedma na lang nila dahil wala naman silang pake.
Nagtitilian pa ang mga babaeng bangaw.
"Una na kayo mga pre. Susunod ako. May kukunin lang ako dito saglit."
Utos niya sa dalawa na agad naman nilang sinunod. Nakipag fist bump muna si Amadeo, bago tuluyang umalis sina Roux at Guthrie.
Habang kinukuha ang kaniyang relo at wallet sa jacket na nasa loob ng kaniyang locker, may babaeng nakabangga sa kaniya dahil tumatakbo ito.
Napansin ni Amadeo ang wallet na nasa lapag kaya't hinanap agad ng mata niya ang babaeng nakabangga sa kaniya.
Pero dahil sa bilis tumakbo nito, hindi na niya natanaw kung saan nagtungo ang babae.
Isa pa, nahaharangan din kasi ng ibang estudyante ang dinaanan ng babae.
Dahil do'n, wala siyang nagawa kundi ang ibulsa muna ang napulot na pitaka at ibalik na lang mamaya pagkatapos ng lunch nila.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
☆・*:.。. ・・.。.:*・☆
||※ Willow's POV ※||
・*:.━━━★━━━.:*・
「Powerpuff Girls」
●Active Now●
12:34 P.M.
Buttercup (Lucy):
Willow, pasapak nga isa lang
Kanina pa nandidilim paningin ko sa 'yong bruha ka!
Blossom (Willow):
Beh promise nasa bulsa ko lang 'yon 😫
Nalaglag ko ata kanina huhu
May nabangga kasi akong estudyante sa sobrang pagmamadali T_T
Buttercup (Lucy):
Kairita ka talaga beh!
Sa dami ng pwedeng mawala, pitaka pa talaga!
Mamaya na tayo magpunta sa Faculty Room
Kaburaraan mo kasing babae ka
Blossom (Willow):
Lucy, Haneul
Hanapin na natin wallet ko pls!! 😫
Bubbles (Haneul):
Ate Willow, nagugutom na rin ako
Mamaya na 'yon plsss
Kain muna tayooo
Promise, sasamahan kitang hanapin 'yung wallet mo. Punta tayo sa FR after ng klase
Blossom (Willow):
Kairita kasi self!
Bakit ba ang burara mo? HAHAHAHHAH
Ay shunga bakit ko tinawanan sarili ko, abnormal talaga HAHAHAHAHHA
Buttercup (Lucy):
Ay mabuti at alam mong burara ka teh
Tapos abnormal pa jusmeyo talaga!
Saang planeta ka ba nakatira?
Paano kung tarantado 'yung nakapulot sa wallet mo?
Bubbles (Haneul):
Oo nga ate Willow 😫
Tapos gagamitin nila sa hindi magandang bagay. Like baka ibigay sa mangkukulam 'yung mga ID mo o kaya sasabihin na wanted ka huhu
Buttercup (Lucy):
Ang OA Haneul ha 😒
Iniisip ko lang baka gipit 'yung nakapulot sa wallet mo. Eh 'di ba nando'n 'yung mga credit card mo?
Blossom (Willow):
Kaya nga hanapin na natin eh. Pleaseeee...
Buttercup (Lucy):
Mamaya na nga 'te, ano ba!
Nagugutom na ako. Bwisit ka kasi eh!
Lumabas ka na diyan sa banyo Willow, ako na magbabayad ng pagkain mong bruhilda ka
Ang tagal mo diyan sa banyo!
Na flush ka na ba diyan!?
Blossom (Willow):
Eto na po pababa na huhu
Buttercup (Lucy):
Ikaw rin Haneul lumabas ka na diyan sa Science Lab at bumaba ka na rito.
Nag e-experiment ka ba diyan!?
Bubbles (Haneul):
Sorry ate Lucy, ako kasi ang inutusan na mag ayos ng mga gamit pang experiment eh
Pero tapos na po ako, pababa na hehe
Buttercup (Lucy):
Ang babagal naman!
Nagugutom na ako at kayo na lang ang hinihintay ko. Naka order na din ako
Dalian niyo hangga't 'di pa nagbabago ang isip ko at may pasensya pa 'ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top