2002 || 0.1

||※ Willow's POV ※||

*:.━━━★━━━.:*

Powerpuff Girls

●Active Now

8:13 A.M.

Buttercup (Lucy):
HOY WILLOW
BANGON
MAY QUIZ TAYO

Bubbles (Haneul):
Willowwwww!!
Gising na!
Willow! Mamaya ka na matulog sa pillow!
Beh gisinggg!!

Blossom (Willow):
Napasarap tulog ko shocks! Late na ako mga beh!

Buttercup (Lucy):
Ante ko, alas otso pasado na ho
Baka pwedeng pakibilis ano ho

Blossom (Willow):
Shh!

Bubbles (Haneul):
Ate, mamaya na chat!
Takbo na!
Kilos na po agad!

08:20 A.M.

Buttercup (Lucy):
Si Willow parang pagong
Ang bagal!
Naliligo ka pa ba?
'Wag ka na maligo
'Di naman uso sa'yo 'yon!

Blossom (Willow):
Manahimik ka nga!

Nagsalita ang naliligo ng dalawang beses lang sa isang linggo. Bale, sampung beses sa isang buwan ka lang naliligo. Eww yuck! Dugyot!

Buttercup (Lucy):
Hoy! FYI! Two times a day akong naliligo
'Wag mo ngang ipasa sa akin kadugyutan mo
Bes dalian mo na lang!

Blossom (Willow):
OTW na ako

Buttercup (Lucy):
Eme parang timang
OTW na daw pero On The Water

Blossom (Willow):
Shunga! Hindi
Legit OTW na ako
Tumatakbo na ako mga bruha!

Bubbles (Haneul):
Saan? Sa hallway ng school?

Blossom (Willow):
Hindi
Palabas ng apartment
Hehe

Buttercup (Lucy):
Kairitang hehe 'yan
Dalian mo!
Wala pa si madam sungit

Late daw siya pero nag message siya sa president natin na may quiz daw tayo today

Mga beh di ako nag review
Sana kayo rin xD
Samahan niyo 'kong bumagsak plss!!

Bubbles (Haneul):
Same!
Bahala na si batman, stock knowledge na lang

Pero kung hindi kinaya ng stock knowledge ko, goodbye to my family and all!

Mahal ko kayo :>>
Magkita-kita na lang tayo sa bundok

Blossom (Willow):
Sana all stock knowledge
Hindi kinayang i-save ng memory ko ang lesson ni madam sungit
Kaya out of stock ako today

Buttercup (Lucy):
Kahit naman 'di ka mag review, nakakapasa ka. Kairitang utak 'yan, saan pwedeng bumili?

Bubbles (Haneul):
Lucky charm niya 'yung pangalan niya
Daya kasi! Bakit Aethra pangalan ko?!

Blossom (Willow):
Bakit ano ba gusto mo?

Bubbles (Haneul):
Aethra Haneul
Hehe

Buttercup (Lucy):
Nakakairita 'yang 'hehe' na 'yan ha
Tigilan niyo nga!
Hindi niyo bagay

Blossom (Willow):
Kasi bagay sa'yo?

Buttercup (Lucy):
Hindi rin, ang corny lang
Pero bes dalian mo!
Mamaya na chat!

Blossom (Willow):
Oo eto na! Babush

Delivered ● 08:28 AM

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Oh my gosh talaga! I can't believe myself! Na-late ako ng gising! Dapat pala hindi ko na muna tinuloy 'yung pinapanood ko kagabi!

Tumakbo na ako palabas ng apartment. Nakakainis! Dapat pala sa bahay ako natulog kagabi para kung sakaling late ako ngayon, magpapahatid na lang ako kay Mang Tasyo na siyang taga-hatid namin. Malas mo self!

Okay, mag b-bus na lang ako. Sana naman hindi traffic o sana makasakay ako agad.

°˖✧◝✿✿✿✿✿✿◜✧˖°

No'ng umulan siguro ng kamalasan, gising na gising ako no'n. Nakasakay nga ako agad, sobrang traffic naman! Sobrang late na late na late na ako mga inday! Dapat hindi na lang ako pumasok. Dapat nagdahilan na lang ako na nagtatae ako kaso ilalaglag ako nung dalawang panget kaya huwag na lang.

Inayos ko ang buhok ko habang nakaupo. Kailangan kong magkaroon ng mahabang pasensya. Huminga ako nang malalim at ngumiti habang nagpipigil sa inis.

Napalinga-linga ako sa paligid, hindi umuusad! Baka sign na 'to para tumakbo na lang ako. Agad akong nagsabi sa driver ng bus na bababa na ako. At pagkababa ko, agad akong tumakbo papunta sa school namin.

Shems! May quiz pa naman ngayon! Hindi ako nag review, malay ko ba kasi! Kaasar!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top