Chapter 8



Awkward. It was really awkward. Ano bang iniisip ni Zeno para sabihan niya ako nang ganon? Alam naman niya na andito ako para kay Zeus dahil 'yon ang utos ng mga magulang nila.

Hindi ako mapakali habang naghuhugas ng pinggan. Zeno on the other hand, was roaming behind me. Inililigpit niya ang mga niluto ko.

We had an awkward silence afterwards. Gusto ko na tumakbo pataas dahil hindi ko talaga alam anong dapat i-react ko sa sinasabi niya.

Ayoko ng ganito. Ayoko tumingin sa mga mata niya. Ayokong maging malandi na magkagusto sa kanilang dalawang magkapatid. Kahit na dati pa, may gusto ako kay Zeno dahil mabait siya at palagi siyang dumadaan sa floor namin para mag-alok ng burger, hindi parin ito tama.

Kahit na magkasing age lang kami. Ayoko parin. Parang may mali. Teka, bakit ba ang haba na ng naisip ko? It's just a normal pick up lines, Alzera. Get over yourself. Wala lang 'yon kay Zeno. Yeah, tama. Baka madalas lang talaga siya bumanat kasi ayon ang pagkatao niya.

"Are you done, Alzera? You seem preoccupied. Dahil ba sa sinabi ko kanina?"

Muntikan ko nang mabitawan ang hinuhugasan ko. Puta. Nag-iiba ang pakiramdam ko ngayon.

Tumawa ako ng pilit at lumingon ng kaunti pero sa paa niya ako nakatingin. "Hindi 'no, Zeno. Inaantok na kasi ako, gusto ko na magpahinga."

I heard his cute laugh. Don't look at the face. Don't look at his mouth. Just don't look, self. Kung ayaw mong maging malandi.

"What if I told you I'm serious about it? About you? Na kaya ako nagbakasyon ngayon para makita ka?" Lumapit siya sa'kin na hawak-hawak ang isang kaldero.

Napahigpit ako ng hawak sa hinuhugasan ko. I bit my lip. No, Zeno, no. This is wrong. Clearly wrong.

"Para bigyan ka ulit ng kahit anong pagkain sa opisina? That it was all planned and it's really because I like you?"

I know he was smirking and looking at me. Nagmumukha akong istatwa sa ginagawa niya. Puta naman, Zeno Esqueza. Go away. Ayoko magkasala.

"H'wag ka nga mag-joke." napalunok ako at dahan-dahan iniangat ang mukha ko sakanya. He was smiling, showing his deep dimple to me. "H-hindi kasi nakakatawa."

"I'm not joking. Come on," he said then out his hand in between my side. "I'm serious, kung ayaw sayo ni Zeus, pwedeng-pwede ka sa'kin. But you have to wait until I become an official M.D."

Nanunuyo lalo ang lalamunan ko. Nahihirapan akong huminga. He was too close, too close for me to breathe normal. Hindi ko na kaya ito. Nagpa-palpitate na ang buong pagkatao ko.

He raised his right arm then held my shaking hands. Tinaggal niya ang hawak ko na plato. Pero hindi parin niya tinatanggal ang pagkakatitig sa'kin kaya nanginginig padin ako.

"I'm not a bad guy here. If you want I'll persuade my mom and dad that instead Zeus, it will be me you'll marry. How about that?"

Nakarinig kami ng yapak patungo sa kusina. Agad binitawan ni Zeno ang kamay ko at pinatay ang gripo mula sa likuran ko.

"Yeah, ganyan pagsara ng gripo, Alzera. Next time, alam mo na?" sabi niya habang may ngiti sa labi at humiwalay na ng tuluyan sa'kin.

"Zeno? Alzera? What are you doing here?"

It was Zeus. Pawis na pawis siya ngayon ar basang-basa ang damit niya. Nakakunot ang kanyang noo habang naglilipat-lipat ang tingin samin ni Zeno.

"I'm trying to help her, brother. Hindi pa masyado pamilyar si Alzera sa mga gamit dito sa bahay. You should teach her some time," sabi nito.

Nakatingin padin si Zeus sa'kin agad naman ako nag-iwas ng tingin. I felt like cheating kahit wala naman kami.

"Zeus, nagutom kanaba? I cooked something from you." nilapitan ko siya agad at kinuha ko 'yong towel sa gilid ng mesa.

Kanina ko pa inihanda ito para sakanya. Just in case na dumating siya.

"Here, magpunaa ka ng pawis mo. Nakalimutan mo kasi magdala nito kanina."

"I'm good, Alzera," sabi ni Zeus at kinuha agad twalya na hawak ko. "Thanks." sunod niya nang hindi ako magsalita.

"Oh, well. Mauna na ako umakyat. I guess, I'm envading your privacy. See you around, Alzera." lumakad na ito at tinapik ako sa balikat. "And you, brother. Have a good night."

Para pagtakapan ang pagiging hindi ko ka-komportable. Kumuha ako ng plato at inilagay sa mesa para kay Zeus.

He was just standing away from me like a statue. Mukhang pinag-aaralan niya ang mga kilos ko. Puta. Wala akong ginagawang masama pero bakit ako kinakabahan ng ganito?

"Kakain ka ba?" tanong ko habang kumukuha ng tinidor at inihahanda ulit ang sauce at pasta. "Naisip ko kasi talaga baka nagutom ka. Alam mo naman, ayokong nagugutom ka. Nagiging dragon ka."

He walked towards me and sat on the chair. "Maybe yes, maybe no. Depende sa mood." kinuha na ni Zeus ang pasta.

Ako naman ang naglagay ng sauce sa plato niya. Kumuha rin ako ng cheese sa ref at pang grind nito.

"You really waited for me and it's past midnight," puna nito habang hinahalo na ang lahat sa plato. "Bakit parang disturb ka?"

"Huh? Hindi naman ah. Grabe ka. Wala naman akong ginagawa. Disturb agad?" pagde-depensa ko. "Hinintay lang naman kita pa-thank you sa ginawa mo kanina."

"Again, Alzera---"

"I know, Zeus," pagputol ko sa sasabihin niya. "Wala 'yon at wala rin ito. I'm not expecting about us. Don't worry. H'wag mong isipin 'yon."

Natahimik na si Zeus at kagaya ni Zeno kanina ino-obserbahan nito ang kilos ko. Ang pagkakaiba lang niya, sobrang seryoso ng kanyang mukha.

"You okay?" he asked.

Nagulat ako at napakunot ng noo. "You okay ka dyan. Kailan kapa nagka-interest sa nararamdaman ko?" natatawang tanong ko. "Kumain ka na nga lang. Nakapag-jogging kalang eh, naging mabait kana."

His lips moved a little. Napatitig lang ako kay Zeus. Sobrang aloof niyang tao at sobrang tahimik pero hindi siya mahirap intindihin kahit na madalas siyang nakakataas ng presyon.

Kung si Zeno, happy go lucky ang attitude. Siya naman, serious type. Parang ayaw niya magsaya. Ayaw niyang ngumiti. Parang malaking kasalanan 'yon kapag ginawa niya.

"Hey, stop staring at me like that. You're not allowed to do that," suway nito sa'kin. "I'm still your new boss---"

"And my soon to be husband." pangbabasag ko sakanya. "Boss, boss, kapa dyan. Nasa bahay tayo ng magulang mo 'no. Kaya walang boss satin. Sila ang boss, hindi ako, hindi ikaw."

"Ako ang tagapagmana nila, Alzera. Next to Zoey, so my power and wealth are still the same as them," sabi ni Zeus at tumigil sa pagkain. "You know, when I was a kid, I saw something in Dad's library. A contract. I think it's between him and mom."

"Contract? Ha? Para saan naman?"

Ang weird. Bakit may kontrata sila Mr. and Mrs. Esqueza?

"It's an arranged marriage. May nakasulat pa roon na may rules na kailangan sundin at mga dapat at hindi dapat gawin."

I was shocked. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin, arranged marriage rin sila? Pero bakit nila ginagawa kay Zeus ito?

"And they think that if it worked for them. It'll work for me too." Sumandal si Zeus sa upuan. "Hindi ko nga lang alam paano sila na-inlove sa isa't isa. Dahil kapag naiisip ko ang ginawa nila, it's making me feel uncomfortable."

"Ano ba 'yon? Ang bitin mo naman magkwento, Zeus!" reklamo ko. Pashnea. Magke-kwento lang may pa-cliff hanger pa si Mayor. "I-kwento mo na ng buo!"

Tumayo na ito at hindi pinansin ang sinabi ko. "I'm done eating. This food is good, Alzera. Thank you for the effort."

"Wow!" napatayo ako ar nakalimutan na ang pangbibitin niya sa'kin. "Nag-thank you ka sa'kin, nilalagnat kana rin?!"

Pinitik ni Zeus ang noo. "Aray, bes, ha!"

"Tch. Na-appreciate ko lang itong ginawa mo. You don't have to do this to please me."

"Syempre naman, it's a part of life, of being a woman," sabi ko habang hawak-hawak ang noo ko. "Ang hirap-hirap mo kasi k-please, Zeus. Try mo maging mabait paminsan-minsan para matuwa ako sayo."

"Like who?"

And for the second time around. Nawala agad ang boses ko at mukha akong guilty sa itsura ng mukha ko. Kahit wala siyang sinasabi na pangalan, parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang banggitin niya ang sumusunod na tanong, "Like Zeno?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top