Chapter 7
Zeno Esqueza
CHAPTER 7
"Puta naman. Ang sakit!"
Nagising ako na hawak-hawak 'yung noo ko habang nasa sahig ang katawan ko at nakadapa. Ito nanaman ang kalikutan ko sa kama. Nahuhulog na lang ako bigla ng walang sumasalo. Itinungkod ko ang kamay ko sa carpet at kinuha rin ang bimpo na nahulog din mula sa noo ko.
Ang sama ng pagkakabagsak ko. Kasi ramdam ko parin 'yung impact sa mukha ko hanggang ngayon. Napaupo ako at sumandal sa kama. Teka, anong oras na ba? Pagkalingon ko kung saan nakalagay 'yung relo bigla ko naaninag ang rebulto ng katawan ni Zeus Esqueza.
He was standing near the terrace, facing me with a serious expression on his face. Hindi ako nakaramdam ng hiya. Nayamot nga ako, eh. Kupal kasi talaga 'tong lalaking ito, hindi man lang ako tinulungan.
"Kanina kapa andyan, boss?" tanong ko at umupo na mismo sa kama.
"Yeah, nakita rin kita paano mag-dive sa sahig namin."
Umirap ako. "Thanks for the info, ha? Thanks din for the concern, mahal na prinsipe." I yawned kahit kagigising ko lang. "Sorry about kanina, Zeus, sobrang sama talaga ng pakiramdam ko."
"It's not a big deal. Okay kana ba?" he asked. "Kanina pa kita hinihintay na magising. It's been twelve hours, Alzera."
Nanlaki ang mata ko. "Wow, really? Ganon ako katagal natulog? Shit. Anyway, okay na naman. Masakit lang 'yong mukha ko sa pagkaka-dive sa sahig niyo." Isinuklay ko ang buhok ko. "Salamat pala sa paghatid sa'kin pauwi."
"Hindi kita hinatid. Nasaktuhan lang talaga na pauwi na ako. Don't expect as if it is something because it's not," seryosong sagot ni Zeus sa'kin.
Humiga ako sa kama habang nakatingin padin sakanya. Madilim na sa labas pero nagbibigay liwanang lang sa kwarto ang ilaw sa terrace pati ang lampshade sa tabi ko. Ibig sabihin ba hinintay niya talaga ako magising?
Oops, bawal mag-expect. Dahil kapag nag-expect ka ng mataas na wala naman basehan at pag-amin, masasaktan lang ako. Yeah, advance talaga ako mag-isip.
Nilagay ko na lang ulit 'yong bimpo sa noo ko. "Saan ka pupunta bakit nakasuot ka ng ganyan?"
"Going for a run?" sagot ni Zeus na parang natatangahan sa tanong ko.
"Bakit ba nambabasag ka. Nagtatanong lang naman ako," hinila ko 'yong kumot sa katawan ko.
Kasi naman naka-jogging pants siya na black at naka-gray t-shirt. Malay ko ba, kung pangtulog na pala niya 'yon, 'di ba? Kasi nakita ko na siya pagnag-gi-gym, nakahubad siya, eh. So, malay ko talaga. Epal epal nitong ni Zeus sumagot minsan.
Kinikilig na nga ako kanina dahil sa paghatid niya at pagbuhat niya at sa panaginip ko. Tapos isang buka lang ng bibig niya, naglaho na ang lahat.
"Yeah, baka naapektuhan na ng lagnat mo 'yan utak mo," he said then walked towards me. "Baka late na ako makabalik. Don't wait for me."
"Wow, jowa lang ang peg natin? Improvement, boss ha? Nagpapaalam kana." I mocked while smiling. "Anyway, kahit gaano kapa ka-late umuwi since jowa-jowaan ang peg natin ngayon. I'll wait and cook for you."
Puta. Gusto ko matawa. Kung posible lang umirap ang isang Zeus Esqueza ginawa na niya ngayon. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, pero ako? I like it very much. How landi of me.
"Stop saying stupid things, Alzera. It's not funny. At h'wag mo narin ako hintayin kakain ako sa labas. Magpahinga ka nalang. May mga kailangan pa tayong tapusin bukas sa opisina."
Hinagis ko ang kumot sa gilid at tumayo ako papunta sakanya. I am facing him again. "Tapusin, huh?" I teased. "Oo nga, mayroon tayong unfinished business kaya maaga ka umuwi para makapagpahinga karin kung hindi ikaw naman ang magkakasakit saka. . ."
He breathed heavily. "Anong sunod na nakakabadtrip na salita na lababas sa bibig mo?"
"Saka. . ." I slowly said. Oh, looked at that! Dumidilim ang aura ni Zeus Esqueza, mukhang naiinis na siya ng tuluyan mga kaibigan sa pananampalataya! Hinawakan ko siya sa braso. "Saka. . .magluluto ako. Hihintayin padin kita kahit gaano kapa katagal."
Tinapik ni Zeus ang kamay ko sa braso niya. "Goodluck to that, Alzera." May kinuha ito sa bulsa at nilagay sa kamay ko.
"What? Para saan ito?"
"It's a wish you luck coin. It seems like you're expecting something from me. Just to make it clear, I might marry you but I can't love you, understand that? You should. Para hindi ka masaktan sa huli."
Natulala ako sa sinabi niya. Pinanood ko nalang siya na tumalikod sa'kin at lumabas ng kwarto. Hanggang sa pagsara niya ng pinto, nakatulala parin ako ng parang tanga.
Harsh. Zeus. Harsh. Nagngingitngit akong umupo ulit sa kama. Ang hirap naman paamuhin ng isang Zeus Esqueza! Sabihin na natin may itsura ako, palagi akong nagiging muse dati noong nag-aaral palang ako.
May brain ako pero hindi ako belong sa matatalino. Sabihin na natin I'm more on wise kind of person. Pero isang Zeus Esqueza? Hihindian ang alindog ko? Kahit wala akong boyfriend ngayon madaming nagpaparamdam sa'kin kahit multo.
Hindi ko lang sila pinapansin dahil career muna ako bago lovelife. Pero talaga, Zeus Esqueza. Ako, nanggigigil na sa ugali mo. Kailangan ko na talagang iangat sa next level ang aurahan ko.
Mga dapat gawin kung paano mapapahubad ang isang Esqueza sa harap mo:
3. Ipagluto. Wala nang mas i-intimate pa sa pagluluto ng isang tao sa kanyang lalaking hinahangaan. Ang sabi nga, "The key o a man's heart is through his stomach." kaya kapag nagustuhan niya ang pagkain na naluto mo.
Malaki ang tsansa na magustuhan ka niya at hahanap-hanapin niya ito. Cook from the heart.
ADVANTAGE: May chance na ito ang pagsisimula ng pagba-bonding niyo. You'll talk about food, recipes and secret menu. You can cook together. Laugh together and taste it together.
DISADVANTAGE: It won't absolutely work if he's really health conscious. Choose your food wisely.
Hardworking akong tao pero spaghetti lang talaga ang alam kong lutuin. I asked Zoey to use their kitchen for me to cook. Pumayag naman siya agad nang malaman niya para kay Zeus ang ginagawa ko.
"Uggh. Shit that man, he's like always copying my work. Could you imagine?!" Pero syempre, habang nagluluto ako nagra-rant si Zoey about sa lalaking kalaban ng kompanya na hawak niya.
Hindi ko na maalala 'yong pangalan agad.
"Lahat ng ideya namin nakukuha niya basta-basta! And I don't even know how or why! Nakakainis lang. Magpaplano ako na magpatayo ng bagong establishment sa isang lugar and the next thing I knew, he's planning to do the same!"
Inilagay ko na ang hotdog na prinito ko kanina sa sauce ng sa spaghetti na niluluto ko. "Zoey, baka naman may hindi loyal sayo sa office mo. Lahat ng napaguusapan niyo, kinekwento niya doon sa kabila."
Napahinto si Zoey at natahimik sa tabi ko. "Oh, my goodness! You're right!" sigaw nito at naglakad na palayo sa tabi ko. "May nagli-leak ng infromation ng mga strategy namin. And I have to find out about that!" sabi pa nito.
"Hey, where are you going?" Bigla naman ang pasok ni Zeno sa kusina habang papalabas si Zoey.
"Somewhere! Gonna find some traitor!"
"Okay. Okay. Take care, sis. Kahit malalaki na tayo, ayokong mapagalitan ng mama at papa dahil pinayagan ko kayong umalis ng dis-oras ng gabi."
"Bye! See you guys when I see you!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingin na lang ako kay Zeno habang patuloy na naghahalo ng sauce sa kawali. He's smiling genuinely. Bakit ba hindi na lang naging magkapareho ng ugali itong magkapatid. Edi sana, mas napadali ang trabaho ko.
"You know, my bros and sis are like that. Kapag wala sila mama at ang ibang mas bata namin kapatid. Kung saan-saan sila nagpupupunta," sabi ni Zeno sa tabi ko.
He's cute though. Nag-spark ang mata niya na para bang interesado sa niluluto ko.
"Oh, spaghetti. That's actually my favorite, Alzera!" sabi nito na parang bata. "Where have you been my whole life? Bakit ngayon ka lang naligaw sa bahay namin."
Tumawa ako. Kasi sobrang carefree ng aura ni Zeno, hindi ka nakakaramdam ng kahit anong stress pag siya ang nasa tabi mo, kapag siya ang kausap mo. Goodvibes lang ganon.
"Hindi ba kayo nilulutuan ng mga katulong niyo?" natatawang tanong ko at isinalin ang sauce sa malaking lalagyanan.
Sumunod naman agad si Zeno sa tabi ko.
"Nilulutuan pero hindi kasing bango ng niluluto mo. Hey, are you a chef? Because it looks like it."
"Oh, come on, Zeno. H'wag kang magsalita ng ganyan, mabilis ako maniwala."
"Go on, wala naman akong planong magsinungaling."
Hala. Look. Inilalabas niya pa ang dimple niya sa'kin. Kumuha agad si Zeno ng plato at tinador at serving spoon para sa niluto ko. I was shocked at the moment. Dahil kahit sa bahay namin kapag nagluluto ako hindi sila ganito kainteresado sa ginagawa ko.
"Zeno, hindi 'yan masarap. Ano kaba. . ." nahihiyang sabi ko.
"Mukha naman, eh. I should try it. Para ba kay Zeus ito?" he asked while putting some on his plate.
"Y-yes, actually. Kaso umalis siya, mag-jogging daw."
"Oh, don't believe him. Mangbababae lang 'yon."
Napahinto ako sa sinabi niya. Si Zeus? Mangbababae? Marunong ba siya n'on? Parang may tumusok na kaunti sa puso ko nang marinig ko 'yon. No, no, no. Hindi naman talaga kami lovers para pagbawalan siya sa kung anong gusto niyang gawin.
"Hey, it caught you off guard?" tanong ni Zeno habang kinakain na ang spaghetti na niluto ko na parang bata. "Ooh, you like my brother, don't you?" pang-aasar nito sa'kin.
Feeling ko tuloy bigla akong namula. Puta. This is not the right time for that!
"Don't worry, kung hindi kami magkapatid, I think I'll like him too."
Bigla na lang akong natawa ng malakas sa sinabi niya. "You're so funny, Zeno." umupo ako sa tabi niya. "Pero seryoso ka ba na nangbabae si Zeus ngayon? Kasi sabi niya mag-jogging lang siya?"
"I don't know really. Nakipagkwentuhan lang siya saglit sa'kin. Sabi niya pupunta lang muna siya sayo at kapag nagising kana saka siya aalis," sabi nito habang ngumunguya. "Anyway, how do you feel?"
"I-I'm good. Nilalagnat lang ako ng konti kanina."
"Aah, you're cool kapag nilalagnat ka. Bigla ka nagko-confess ng pag-ibig mo."
"Huh? Did I really say something? Seryoso ka ba dyan?" Napaisip ako bigla. Ang naalala ko lang kasi 'yong panaginip ko at pagbuhat ni Zeus sa'kin. "Wala naman akong sinabi na kinagalit ni Zeus, ano?"
"Nah, ah, ah," he answered. "Why did you agree to this set up by the way? Alam ko naman na kinausap ka ng magulang namin para ilabas ang emosyon ni Zeus. May money involve ba?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. I felt guilty about it. "Oh, don't get me wrong. I'm just curious that's all. I'm not going to judge you. Pero gusto lang kita sabihan na guard your heart. Because Zeus will always be Zeus he's like the definition of a cold hearted. I know my brother well, kapag ayaw niya ayaw niya."
"A-ah, Zeno. . .gusto ko lang talaga siyang tulungan. You know, it's better to feel something than nothing. Pagpakiramdam ko natulungan ko na siya, then I'm out of his life."
Umangat si Zeno at nanlaki ang mata. "Oh, don't do that. Andito ako. Kung hindi mo man makuha ang isang Zeus Esqueza. Alzera, there's a Zeno Esqueza waiting in wings," he winked.
Biglang.
Tumigil.
Ang.
Mundo.
Ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top