Chapter 6







CHAPTER 6


Sobrang tuyot na ang utak ko kakaisip ng strategic plan saka new design for our project. Pero hindi ko parin magawang tumigil. Kailangan i-push ko pa ang sarili ko para maging creative. I needed to work harder than before.

Kailangan hindi masayang ang binigay sa'kin na chance ng mga Esqueza's. Kailangan patunayan ko sa kanila na higit pa ako sa babaeng nagpapanggap para pakasalan ang anak nila.

Kinuha ko ang tissue sa gilid at pinunas sa ilong ko. Kanina parin ako bahing ng bahing sa kinauupuan ko. Ang sakit pa ng ulo ko parang lalagnatin pa ata ako. Shit. Not now! Bawal ako magkasakit ng mga ganitong panahon.

Ang daming kailangan tapusin ngayon week. Ang dami ko rin kailangan habulin dahil ilan araw rin ako nawala.

"Inday, okay kalang ba dyan? Kanina pa kita napapansin na napapayuko." tanong ni Tricia at tumayo sa gilid ko.

Inihiga ko naman ang ulo sa mesa para ipahinga ng konti. "Okay lang, 'day. Medyo sumama lang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. May nanghawa ata ng sakit sa'kin kanina. Kainis."

Hinawakan niya ako sa noo. Tinapik ko naman agad 'yon. "Medyo mainit ka nga, eh, baka naman kailangan mo ng pahinga?" sabi nito. "Umuwi kana kaya, kami na muna bahala dito. Health is wealth, 'day."

"Uggh. I just can't. I need to finish this first before I leave." nakapikit na pag-e-explain ko. Nilalamig nadin ang katawan ko.

Pinilit ako ni Tricia tumayo. I shoo her away. "Kapag hindi ka nagpahinga ngayon. Baka ma-hospital kapa. Mas mabigat na problema 'yon, 'Day. Just take a rest---"

"Wait lang, anoba." nanghihina na pigil ko sakanya. "Oo na, sige na, uuwi na ako. Ang aga ko kasi nagising kanina. Nasira ata bodyclock ko." Kinuha ko 'yong bag ko sa lamesa. "Magpapaalam lang ako sa Dragon sa taas, baka kasi bigla ako bugahan ng apoy pagdating sa bahay---"

"Huh? Bakit ka naman bubugahan sa bahay?"

Nakagat ko ang dila ko bigla. "Wala. Basta. Akyatin ko lang si boss Zeus, baka ma-beastmode at ma-miss ang beauty ko agad."

Kahit nanghihina sinimulan ko na pumunta sa taas. Dala-dala ko narin ang bag ko just in case na payagan niya ako. Pagkakatok ko sa pungga niya, narinig ko ang boses niya na nag-uutos na pumasok ako.

When I entered the room he was busy eating chocolates I gave him. 'Yong iba ay nakakakalat pa sa table nito habang may binabasa mula sa laptop niya. Hindi niya iniangat ang kanyang ulo nang makalapit ako sakanya.

I inhaled heavily. "I know this is very untimely but I need to go home and rest. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Feeling ko umiikot ang paningin ko sa sobrang hilo."

Tumigil si Zeus sa pagkain ng chocolates at nilingon ako. His face was still serious though.

"Then go home, Alzera. You already know our company's policy, don't you? Bakit mo pa sinasabi sa'kin? Para ihatid kita?"

Wala ako sa tamang pag-iisip para makipagtalo sakanya ngayon. As if naman I'm expecting him to be a gentleman and take me home. But then again, ang mga magulang niya ang nagplano ng lahat na ito. Wala naman talaga siyang responsibility sa'kin.

"Okay. Gusto ko lang kasi i-check baka may kailangan kapa sa'kin. Saka mamaya hanapin mo 'yong instant fiance mo, you know? Baka bigla mo ako kailangan. Ayoko kasi nadi-disappoint ka sa'kin. Don't worry, gagawin ko parin 'yong project pagkauwi ko." tumalikod na ako at naglakad palayo sa bwisit na lalaki.

"Do you want me to call one of our drivers to drive you home?"

Napahinto ako saglit. So now he's offering something to me? Umirap na lang ako since hindi naman niya nakikita. "No thanks, baka mag-grab na lang ako, Zeus. Safe naman 'yon."

"Okay. Just text me when you get home."

Baliw ba siya? Paano ko siya maite-text? Wala naman akong number niya. Si Zeus gwapo na, eh, medyo may pagka-shunga lang talaga pagdating sa mga babae.

Humarap ako sakanya. "I don't have your number," I answered lazily, nahihilo na kasi talaga ako. "Tanungin mo nalang 'yong mga katulong niyo mamaya kung nakita nila akong pumasok ng bahay. Gusto ko na magpahinga."

He nodded. Then licked the chocolate stain on his fingers. "Just tell Zeno to text me. Andoon naman 'yon ngayon. Ayokong maging kargo kita kung may mangyari sayong masama."

I gave him a thumbs up and then stormed out the room. Ayaw maging kargo? Siraulo ba siya? Nagpapaalam lang ako sakanya dahil ayoko na hanapin niya ako mamaya. As if naman umaasa ako na ihahatid niya ako. Hindi naman niya ako girlfriend, 'di ba?

Nasa elevator palang nag-book na agad ako ng grab. Buti nalan may nag-accept agad pero puta, ten minutes away pa 'yong driver. Naghintay pa ako sa lobby. Shems. Bakit ngayon pa kung kailan nagmamadali naman ako umuwi. Ipinilig ko muna ang ulo ko at ipinikit ang mata.

Ilan minuto rin siguro ako nakaganon nang pigilan ko ang sarili bago ako makatulog ng tuluyan.

Nag-arrive na 'yong driver kaya lumabas na akong ng tuluyan. Iba talaga ang tama ng araw sa mga mata ko ngayon, nakakasilaw. Daig ko pa vampire sa pagtatakip ko.

Pinara ko agad 'yong sasakyan nang makita ko ang plate number. Pasakay na ako nang may biglang bumusina sa akin ng malakas. Napangiwi na lang ako dahil masakit na nga ang ulo ko, may maingay pa na nagpapasakit nito.

Muntikan na akong matumba nang makita ko kung kaninong sasakyan 'yon. Kay Zeus Esqueza. Haynako. Pag mga asaran talaga 'yong tipong mapipikon kana magaling talaga siya, eh.

"Ma'am ano po? Sasakay pa po ba kayo?" tanong ng grab driver sa'kin.

Hindi parin tumitigil sa pagbusina si Zeus mula sa likod. "Kuya, sorry. Sinundo kasi ako ng boyfriend ko. Thank you na lang. Pasensya na talaga."

Nakasimangot ito nang isara ko ang pinto. Buti na lang hindi nire-rate ang passenger star sa grab compare sa uber kung hindi, mababawasan rating ko. Agad akong lumapit sa sasakyan ni Zeus at binuksan iyon.

I could spend my life in this sweet surrender
I could stay lost in this moment forever 

He was wearing his dark shade again and I don't want a miss a thing was playing in the backgroun. Wow. Medyo weird? Ganito pala 'yong mga gusto ni Zeus na music?

"Hop in, Alzera. Ano bang hinihintay mo? Pasko o bagong taon?"

I rolled my eyes. Then slammed my body in the passenger seat, sinuot ko na ang seatbelt. Hindi ko na siya tinanong kung bakit niya ako sinundo bigla. Baka bigla pa siya mapaamin. Luh?

Saka wala talaga ako sa mood makipagkulitan sakanya kaya nanahimik na lang ako at hinayaan siyang mag-drive.

"May gamot kaba na dala? Para makainom kana agad."

"Uhmm. . .hmm," I answered. Sobrang hinang-hina na talaga ako. Gusto ko na matulog, sobrang umiikot na ang paningin ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa katawan ko dahil nararamdaman ko nanaman ang lamig.

"Here use it." hindi ko alam kung ano 'yon pero may ipinatong siya na tela sa balikat ko. "Pauwi narin ako kanina nang pumunta ka sa office kaya nagbago ang isip ko para isabay ko. This is not a big deal, I'm just returning the favor because you did something good for me today."

I peeked at him under sleepy eyes. Hindi ko naman siya tinatanong, bakit kailangan niya mag-explain?

"You know, in ten years. If someone is sick, it terrifies me. It's like a traumatic thing for me, that it would be my fault if something happen to them. So don't expect I did this for you, Alzera. I usually do this to someone who is sick."

Tumalikod ako sakanya at nagtago sa tela na inilagay niya sa'kin. As much as I wanted to hear his voice I didn't want to argue with him. Mas naka-focus ang utak ko sa pagtibok nito.

Ilan minuto lang, nakatulog na ako ng tuluyan. Nananaginip na nga ako ng maganda, eh. Ganito talaga kapag may sakit, kung saan-saan pumupunta ang imahinasyon.

Paano ba naman, wedding day na raw namin ni Zeus at hinalikan niya ako sa tapat ng madaming tao. Tapos syempre, may pagkamalandi kasi ako so naglu-look forward naman daw ako sa honeymoon namin kasi ilan beses kong iniisip kung anong pakiramdam na madikit sa'kin ang hubad na katawan niya.

Binuhat niya raw ako na parang pangkasal at humiga ako sa dibdib niya. I kept touching his throat and told him I couldn't wait to kiss it, too. Ang sabi ni Zeus sa'kin na tumigil daw ako dahil baka may makakita samin.

I told him 'okay' but I started kissing his shoulder. Mas mabilis daw na lumakad si Zeus papuntang kwarto namin. Andoon pa nga si Zeno Esqueza at tinanong ano bang ginagawa namin.

"Brother, I somehow conclude that she's sick or she's drunk," sabi nito.

Tumawa ako. Kasi feeling ko lasing lang ako na hindi makatayo at hindi makapag-isip ng deretso.

"She's sick. You have any paracetamol in there? I appreciate some help."

"Alright. I'm a soon to be an obstetrician, alam ko ang mga basic knowledge about basic medicine. Though I know, it's not about her reproductive system but I got this, bro."

Ibinaba ako ni Zeus sa kama. Pakshet naman, oh. Ngayon pa ako nahilo at ngayon pa ako nakaramdam ng pagkatamad kaya umikot ako sa gilid ng kama at dumapa. I needed them to make the throbbing stop.

"Hey," boses ni Zeus nanaman ang naririnig ko. "Inumin mo muna ito bago ka magpahinga. Dad and Mom will kill me kapag pinabayaan kita."

"Of course, bro. They'll think they raised an asshole. Wala 'yon sa patakaran ni papa." boses naman ni Zeno ang sumagot. "Alam mo naman ang papa at mama ayaw na ayaw ng kalokohan dito sa hacienda ng Esqueza."

Wala na akong maintindihan sa nangyayari. Hindi ko na alam ang totoo sa hindi. Pero ibinuka ko na lang ang bibig ko habang nakapikit. May mapait ako na natikman at may humawak sa bandang batok ko para alalayan ito.

"Drink this holy water, Alzera. As a soon to be obstetrician, binabasbasan kita na gumaling ka sa ngalan ng gamot na dala ko."

"Stop playing around, Zeno. This is not the right time for that. Come on, let her rest."

"Bro, hindi ba mas romantic kung babantayan mo siya? Mas matutuwa ang mama at papa kapag nalaman nila 'yon. Don't you think?"

"I still have alot of things to do, Zeno. Kung gusto mo, ikaw ang magbantay sakanya tawagin mo nalang ako kapag kailangan mo ako. How about that?"

"It sounded more like a sideline yaya kind of idea. But no worries, brother. Got the memo. Basta lutuan niyo ako ng pakainin bukas. Dahil sobrang sama ng ugali mo sa'kin kanina. Kailangan ko ng pambawi mo. Kababalik ko lang galing med school tapos kung tratuhin mo ako para basura? I don't deserved that."

"Stop being a drama king, Zeno Esqueza. You just came back and now you're still bombing me using your genius mouths."

"Of course, brother. I'm genius." I heard a loud laugh. "Kung alam mo lang kung ano ang nagagawa ng bibig ko. Bro, ang dami ko nang ike-kwento sayo. We need a bro-time real quick."

"Stop saying that. Baka naririnig ka niyan. She's like a loud version of you. Bukas makalawa, alam na nila Dad ang mga pinag-gagagawa mo." rinig ko ang paghinga nito ng malalim.  "But alright, after I'm done editing my proposal, we will. See you later, brother."

Pagkatapos n'on wala na ako masyadong madinig sa pinag-uusapan ng magkaptid. Pinag-uusapan ba ako ng dalawang magkapatid?

Teka kasi, kasal namin dapat ito, 'di ba? Bakit iba pinag-uusapan nila? Parang hinihila na ako ng antok. Hindi na ako lumaban dahil ginusto ko naman ito at unti-unti nang nawawala ang patibok sa utak ko.

May naglagay ng mainit na bimpo sa noo ko. I didn't bother to open my eyes to see who was it. The next thing I knew, naghihilik na ako ng malakas.





_______

Don't forget to VOTE, SHARE and COMMENT. It'll push me to update faster. Thank you! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top