Chapter 5
CHAPTER 5
As usual, napairap nanaman ako pagkalabas ko ng office niya. The ever sungit Zeus Esqueza. Kaloka talaga. Siguro n'ong nag sprinkle si Lord ng kasungitan nakikipag-unahan 'yan sa first line? Nakakainis! Kung hindi lang talaga sila Mr. and Mrs. Esqueza ang nakipag-usap sa'kin, susukuan ko na siya!
Demn! Napahinga ako ng malalim at ipinikit ang mata. Pero kasi, there's something about him that I wanted to know. Maybe he was too hurt about his past? Too broken? Hindi ko alam, ang sigurado lang ako sa ngayon kapag nakuha ko na ang loob niya, I would try my best to unfold it and help him the best way I could.
"Welcome back, bitch!" sigaw ni Tricia nang makita ako naglalakad mula sa entrance. Binigyan ko naman siya ng matinding yakap tipong hindi na siya makahinga dahil sa hindi niya pagtatanggol sa'kin nang palayasin ako ni Zeus.
"Impaktita ka!" sabi ko. "Kaibigan mo lang ako kapag sa ginhawa pero kapag nagkandaloko-loko na. Nag-gu-goodbye frienship kadin, ano?"
"Grabe ka sa'kin, Day! Syempre naman, ayoko madamay. May anak at asawa akong umaasa sa'kin. Sorry na, please, huh? Magtimpla ako ng kape habang nagta-trabaho ka."
"Hindi ko kailangan 'yon, nako, h'wag na nga tayo magkwentuhan about sa personal life ni Zeus kapag nasa office. Baka pag-initin nanaman ako ng koya mo."
"Buti nga, Day. Magtrabaho na lang tayo ng totoo." natatawang pagsang-ayon nito sa'kin. "Ano ba sabi sayo nila Mr. and Mrs. Esqueza? Buti naman nabago nila ang desisyon ni Zeus at pinabalik ka noh?"
"That's my luck, I guess. Osiya!" tumayo ako at nilakasan ang boses para makuha ang atensyon ng iba sa team ko. "Guys, we're back to business! Tuloy ang research for our new design, dapat makapagpasa kayo sa'kin ngayon linggo, ha? Ang hindi makapagpasa ililipat ko ng department."
"Grabe! Pinabalik lang sobrang bossy na!" rinig kong sigaw ng isa.
"Wala kang paki. Ginagawa ko lang trabaho ko para hindi ako ang mapagalitan kaya umayos-ayos kayo. Pass it before it's too late, alright? Come on! Back to work! Let's do this one more time!"
Habang busy ang lahat sa utos ko. Kinuha ko naman ang papel sa'kin ng kaibigan kong bakla. Kasi hindi naman nag-work 'yong unang nakalista roon. So it means, I should move on to the second on her list. Which is. . .
Mga dapat gawin kung paano mapapahubad ang isang Esqueza sa harap mo:
2. Ngiti. Isa sa pinaka makapangyarihan na weapon na hawak ng isang tao. Pwede mong mapa-ibig sayo ang isang tao sa pamamagitan ng isang ngiti. Kung nagawa mo na ang eye contact pwede mo rin ipag-combine itong dalawa.
Smile while you're staring at him. Use your eyes to smile, show him your perfect white teeth. Pero kung hindi kaputian ang ngipin at bad breath, okay na 'yong tipid na ngiti, sarado ang bibig.
Ipakita mo sakanya na hindi lang katawan ang nagpapa-sexy sa isang babae kundi isang ngiti rin. Sabi nga na ating tropa na si Bob Marley, "The most beautiful curve on a woman's body is her smile."
*May lagay ng redlipstick, 'yong tipong maha-higlight ang mala-pala mong labi.
ADVANTAGE: He will starts to look at it and can't stop thinking about it. Malay mo naman, bigla ka niyang halikan? Kaya bakla, mag-mouth wash ka!
DISADVANTAGE: Pwede rin hindi effective, kaya h'wag masyadong umasa. . .kasi masasaktan nga lang tayo, 'di ba?
Right after I read it, naglagay ako agad ng lipstick. When I finished my task lumabas muna ako para bumili nanaman ng pang trap sa isang Zeus Esqueza. Sakto naman pagkabalik ko nakita ko siyang na naglalakad sa lobby.
Nilapitan ko siya na may ngiti sa mukha. Kaya ko ito. Kaya ko ito. Magbubunga rin ang lahat. Kailangan ko lang siya ngitian at habaan ang pasensya.
"Hey, Zeus Esqueza," I called him while smiling widely. "Did you eat the food I gave you?" Teka, bakit ba ako nag-i-english? "O baka may kailangan kapa sa'kin. Let me know, gagawan ko ng paraan. Alam mo naman ayoko na nahihirapan ka." I bit my lip.
Effective kaya? Pero kasi, nakatingin lang siya ng seryoso sa'kin. Hindi na talaga nagbago ekspresyon ng mukha niya! Puta naman this boy. Hirap i-please!
"None, Alzera," he answered boringly. "Stop showing up randomly, again I don't need you."
I tucked my hair under my ear. Puta. Parang nagpapa-cute naman ako ngayon. Ughh. Bahala na! "Keshe nemen, Zeyes, beke neheheye ke leng seken?" maarteng sabi ko.
"I don't understand what you're saying. Para kang sinasaniban," sabi nito at tumingin sa orasan. "My time is gold. May kailangan ka paba sa'kin?"
Hindi parin nawawala ang ngiti sa labi ko kahit ang sakit-sakit na ng bibig ko. I shall not stop! Sinimulan ko ito, kailangan may mapala ako. Kahit ngayon araw lang, kahit konti lang.
"Ekew leng nemen," sagot ko. Sumimangot nanaman siya, kaya umayos na ako at umubo. "Kasi naman, binilan kita nito, oh," itinaas ko ang plastic na hawak ko.
"Again, Alzera, I don't need---"
"I heard you like chocolate?" I told him playfully and the smile on my lips turned like flirting.
Natahimik si Zeus, nakita ko na napalunok siya nang sabihin kong 'chocolate'. Oh, bullseye, baby! Nakuha ko rin ang weakness niya.
"Saan mo nakuha ang ganyan impormasyon? That's fake news," sabi niya pero napalunok ulit ito.
"Really? Sayang naman pala itong binili ko. Ang dami-dami pa man din. I guess, ako na lang kakain nito mag-isa." inilabas ko 'yong heshey na puti sa plastic.
I heard too he was into milk chocolate and caramel flavor. Basta anything sweets, hindi ko alam baka ito ang escape food niya.
Akmang kukunin ni Zeus 'yong plastic na hawak ko nang iatras ko ito palayo sakanya. Bilis ng Prinsipe, ah? Pagkachocolate pala, talo-talo. Nawawala ang pagiging young billionaire niya.
"Hep, hep, hep! Akala ko ba hindi mo kailangan?" pang-aasar ko sakanya. "Okay nga lang, Zeus, kung ayaw mo naman, walang pilitan."
"Fuck," mura nito. "Give me that and never show your again. I'm your boss here. Gawin mo kung anong gusto ko."
"Ano bang gusto mo, Zeus Esqueza?" I asked then slowly tear off the milk chocolate's package. Pinakita ko talaga sakanya at kinagat ko 'yon with feelings.
Napalunok nanaman ang koya mo! BWA. HA. HA. HA. Mas lalong nagsalubong 'yong kilay niya at nag-form ang labi niya ng hardline. Parang may pagpipigil na nagaganap, eh.
"I want that chocolates, all of it. I know this may sound weird or not so me. But I have a huge addiction to anything sweet. And I'm frustrated right now so I better take that than kick you out."
"Well, well, well, boss Zeus, ibibigay ko sayo ito sa isang kondisyon." I crossed my arms while giving him a huge smirk.
If Zeus Esqueza was smart, oh Lord, I'm wise. Minsan ko lang siya mapatiklop ng ganito. Achievement na ito kahit papaano!
He raised an eyebrow. "What do you want?"
"Simple lang, hahayaan mo ako magluto ng kakainin mo bukas ng umaga. Sasabay ka samin mag-breakfast ng mga kapatid mo at pagbabaunan kita. How's that?"
Humakbang siya sa'kin ng bahagya. Ako naman ang napalunok this time. Para akong nabulunan sa chocolate na kinakain ko. I need water!
Hindi kasi ako prepare, parang nawawala ang oxygen na binibigay ng mundong ito kapag lumalapit siya.
"I'm sorry if I underestimate you, Alzera. You're a devil who knows how to play her game." kinuha nito dahan-dahan ang plastic na nakatago sa likod ko, ibinigay ko na dahil biglang nangatog ang mga binti ko.
He looked at me straight in the eyes. Hindi ko magawang kumurap o huminga parang ginamitan niya ako ng isang sumpa na nagpapahina sa katauhan ko kapag malapit siya.
Napalunok nanaman ako. Hindi talaga ako makahinga. Puta, ano ito?!
"There's a reason why I'm one the youngest business man alive," he told me. Napatango na lang ako. "I'll agree to your term but I'll give you an additional job in return. You are required to buy me different kinds of chocolate everyday. Para naman may silbi ka kahit papaano. Now, do we have a deal?"
Lumayo siya sa'kin at iyon ang nag-iisang tsansa ko para huminga na ng normal ulit. "Wooh, what is that?" bulong ko sa sarili ko.
Ang bilis kasi ng pagtibok ng puso ko, napahawak lang ako roon pang suporta kasi pakiramdam ko bigla na lang ito mahuhulog.
"Alzera," he called my name once again.
This time was different. What the fuck? Anong nangyayari sa'kin? Bakit ako nagkakaganito dahil sa paglapit lang ni Zeus Esqueza sa'kin?
He offered me his hand. Kaya kahit nanginginig ang kamay ko, kinuha ako iyon.
"If that's what you want. Then we have a deal, Zeus Esqueza."
___________________
Hi, @-cinderelly this chapter is dedicated for you. Sobrang thank you for the support. Well appreacited, girl! :b
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top