Chapter 30
Wala akong ibang maisip kung sino ang gagawa nito kundi ang ex niya lang na si Vanny. May history sila sa pagiging brutal ayon kay Tita Iris kaya isa rin iyon sa rason kung bakit hindi sila boto rito para kay Zeus.
Tinawagan agad ni Zeus ang mga bodyguards nila kanina para sunduin kami. Si Tito Zach ang pinaka nag-aalala ngayon dahil sa nangyari. He even asked for a CCTV footage para makita kung sino ba ang gumawa but too bad, hindi abot ang camera sa parking lot ng kinainan namin.
Ang tanging nakita lang ay taong naka-blackhoodie ngunit hindi kita ang mukha dahil nakatalikod ito. My hands were shaking a bit but I tried to hide it.
Zeus entwined our hands nang maramdaman niya ang takot na bumabalot saakin. "You're safe, Alzera," he assured me. "I won't let anyone hurt you. Kung sino man ang may kagagawan niya, I'll let him or her pay for this."
I bit my lip. "I-I'm not scared," sabi ko. "I'm just shocked. First time kong makaranas ng ganito."
Tumingin saamin si Tito Zach, seryosong-seryoso ang mukha nito. "I'll ask our private investigator to look into this. If this is a prank, this isn't funny to begin with."
Kapag si Tito Zach talaga ang nagsasalita na, makikinig ka talaga at matatakot. Siya iyong tao na ayaw mo makabangga dahil paniguradong pagsisisihan mo.
"Sino naman kaya ang pwedeng gumawa nito?" tanong ni Tita Iris habang nakatingin sa screen. "That look like a guy."
"Or someone's trying to deceive us," sagot ni Tito Zach sabay tingin kay Zeus. "We know she's back, Zeus. There's a huge possibility that she did this."
Nanigas ang katawan ni Zeus. Hindi alam ang sasabihin. I pressed his hand nang hindi siya sumagot. He was trying to hide it from his parents. Pero ano bang sikreto ang hindi nila alam?
"Dad, we're not together. Let her live in peace," mahinahon sagot ni Zeus sa ama.
"You know I won't but if I find out that she's involve to this. She have to face the consequence."
"Dad," mariin na sabi ni Zeus. "She's not as bad as you think."
"Zeus, you don't know a thing about her background."
"I fucking know everything, DAD."
Pumigitna na si Tita Iris sa dalawa. "Calm down you two. Let's not jump into conclusion, let the investigator do his job and wait for it."
Mabilis na umatras si Tito Zach nang hawakan na siya ni Tita Iris. She was the only person who could calm a dominating man like him. Buti nalang nandito siya. Pilit ko na hinila si Zeus para umakyat sa kwarto. Humiwalay ito agad at hindi na ako kinibo pa.
I let him. Wala akong ideya kung anong mayroon sa nakaraan nila talaga. How tragic it was at kung bakit ganoon ang reaksyon ni Tita Zach kay Vanny. Hindi ako nakatulog ng maayos buong magdamag kakaisip kung sino ba iyon at naiisip ko nanaman baka kaya siya naaapektuhan dahil mahal niya parin si Vanny.
Bakit hindi? Ang tagal din nila naging magkasintahan. Bigla na lamang ako sumulpot kung saan eh. But I shoo the thoughts away when morning came. Hindi kami sabay pumasok kaya nagpahatid nalang ako sa driver nila.
Zoey was reminding me about the reunion that we needed to attend next week. I don't know... But I'm a little nervous about it.
"Your gown is the real bomb, Alzera. Mukhang hindi lang si Zeus maglalaway sa'yo," she said.
Nasa loob na kami ng sasakyan. It's been weeks pero ang layo parin ng loob ni Zeus saakin. Ganoon naman 'yong lalaking 'yon, napaka-moody. Hindi ko na muna pinilit ang sarili ko sakanya. Kaya kami ni Zoey ang nagsabay papuntang reunion. Si Athana naman at Zeno ang magkasama sa kabilang sasakyan.
"Oh, oh, look who's here!" sigaw ng isang lalaki nang makita kami ni Zoey.
"The famous Zoey Esqueza, how are you dear?" Nakangitintg bati nito kay Zoey.
I excused myself and looked for Zeus dahil wala rin naman akong masyadong kilala dito. Nakaantabay ang mga bodyguards ng Esqueza's sa paligid dahil nga sa nangyari saamin nitong nakaraan.
I saw him drinking cocktails with his friends, nandon din si Jeremy na nakikipagtawanan. I slightly adjusted my long gown, hahakbang pa lamang ako nang biglang lumapit si Vanny kay Zeus. I stopped walking towards them and followed them when they started walking from the crowd.
Para akong tanga na nagtatago nanaman sa tabi habang nakikinig sa usapan nila.
"You know it wasn't me, I won't do that. Hindi ko alam bakit pinipilit ng tatay mo na ako gumawa non. Why would I? Dahil hindi parin ako nakaka-move on sa'yo?" galit na sabi nito.
"He didn't say that, Vanny. We were just investigating since wala naman kaaway si Alzera," sabi ni Zeus dito.
"And buti nga sakanya. She deserved that," sabi pa nito. Tiningnan ito ni Zeus nang masama. "Oh okay, you like her, don't you?"
Nag-iwas ng tingin si Zeus dito. "We're getting married."
Tumawa ng mapakla si Vanny. "Kasi 'yon ang gusto ng tatay mo. I get it."
Umiling si Zeus. "No, we're really getting married. I already asked her. And this isn't for the show."
Napaawang ang bibig ni Vanny. Hindi rin ako mapakaniwala sa sinasabi ni Zeus. Oh Lord... Seryoso na ba talaga siya saakin? I let my guard down too kahit hindi naman ako sobrang sigurado sakanya.
"What the fuck?" natatawang sambit ni Vanny. "You fucking told me to wait for you! And now, now, you, fuck!" Sinabunot nito ang buhok na tila gulat na gulat sa balitang narinig. "Fuck!"
"Vanny, calm down," pang-aalo ni Zeus dito. "We already talked about us. We are over."
"We're not!" sigaw nito. "And you know that!"
"I'm sorry if you have to go through this again...." mahinang sambit ni Zeus. "But I made up my mind. We have to part ways for real..."
"How about me, Zeus?! Anong gagawin ko kung wala ka?!"
"I no longer part of your life, Vanny."
Napatakip ako ng bibig nang biglang sampalin ng malakas ni Vanny si Zeus. But Zeus didn't move, he just looked down and let Vanny slapped his face again and again. Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. How dare she hurt Zeus like that?!
Hindi ko namalayan na nakalapit na ako sakanila. I was holding Vanny's hand, stopping her from hurting him.
"You don't have the right to do that to my fiance," I emphasized it. Para isampal sakanya ang katotohanan na wala na talaha sila.
"Alzera..." Hinawakan ako agad ni Zeus para umawat. Binitiwan ko naman ang kamay ni Vanny na ngayon nanginginig na sa galit.
"Pokpok!" sigaw niya. "Isa kang puta na magpapakasal sakanya dahil lang sa pera!"
"Vanny, stop," awat ni Zeus dito. "Don't talk to my fiance like that."
Mas lalong lumakas ang tawa ko. "Narinig mo 'yong sinabi niya? Kaya dapat matuto kang dumistansya."
"Dumistansya saan? Sa pagpupumilit mo sa buhay niya? You're not even in my level. You can't replace me. You can never be me!" nanggagalaiti na sabi ni Vanny.
I tried to push Zeus away but he was blocking me from her.
"Oo naman! I will never be you! Dahil hindi ako baliw na tulad mo! At kailangan mong itatak diyan sa isip mo na hindi na kayo magkakabalikan pa!" Naiinis na sabi ko. "And don't you ever hurt my fiance like that! Dahil kahit sa lamok hindi ko pinapakagat 'yan!"
Vanny laughed sarcastically. "Baliw kana kung naniniwala ka na mahal ka talaga niya."
Pinanlakihan ko siya ng mata. Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito ha. Ayaw ko talaga gumawa ng eksena rito dahil nakakahiya pero inuubos ng babaeng ito ang pasensya ko.
"Oh? I was right? Totoo naman. Don't be surprise if one day, you'll wake up alone because he'll come back to me!"
Itinaas ko ang middle finger ko sakanya. "Hibang kana talaga!"
Sinubukan ni Vanny lumapit saakin ngunit mas hinarangan pa nito lalo ni Zeus. Hindi katulad nang dati na hinayaan niya lang na malditahin ako ng ex-girlfriend niya. Atleast ngayon, he was protecting me! I appreciate that kahit nanggigigil na ako sa babaeng ito!
"Bakit? Ano bang kaya mong ibigay sakanya? E isa kalang naman hampaslupa!"
"Alzera, enough. Let's go outside," suway ni Zeus saakin.
"No, let me. Gusto atang makatikim nitong babae na ito ng kamalditahan ko e." Pilit kong pinapaalis si Zeus sa harap namin pero mahigpit niya akong niyayakap.
When I looked around, everyone was staring at us. Iyong iba, nagbi-video na. Si Jeremy ang unang lumapit para hilahin si Vanny palayo.
"Tinatanong mo ako kung anong kaya kong ibigay sakanya?!" sigaw ko nang binubuhat na ako palayo ni Zeus sa impaktang babae.
"Well guess what?! Buntis ako at si Zeus ang ama! Anak ang kaya kong ibigay sakanya na wala kayo!"
________
Guys, im a bit busy huhu but im still trying to update kasi need q na matapos 'to kahit papaaano. huhu
advance merry christmas, y'all! 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top