Chapter 29
Hindi makatingin ng diretso 'yung attendant sa amin ni Zeus. Putek kasi 'tong lalaking 'to. Bigla-bigla nalang anong naiisip. Nakapulupot ang kamay ko sa braso niya habang pinapanood namin 'yung babae.
"Sir, we'll just send it to your house, is that okay?" tanong nito.
"No, just give us a box or anything we can put this." Zeus was still holding the damn gown on his other hand."
"Sir, it's not for sale kasi. That one is for fitting only and it's not brand new," sabi ulit ng babae na tila kinakabahan.
"Miss," singit ko. "Okay lang naman sa amin. Nagko-collect kasi kami ng mga gown kaya kahit hindi bago, okay lang. Hindi naman kayo siguro lugi kapag inuwi namin ito at babayaran in full?"
"No, Ma'am," she answered.
"Then give us a box," utos ni Zeus dito.
Gusto kong tumawa ng malakas sa pinaggagawa nitong lalaking ito eh. Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin sa amin dalawa. Good sign na siguro ito, ano? Siguro seryoso na siya kahit papaano?
"Okay, Sir. If that's what you want."
Grabe ang tawa ko nang makapasok kami sa sasakyan niya. Sobrang tahimik lang ni Zeus at ang lalim ng iniisip. Kahit anong kwento ko sa nangyari, hindi sumasagot ang mokong sa akin.
"Hoy, ano nanaman iniisip mo?" Hampas ko sa braso niya.
"What if there's a CCTV inside?" tanong niya ng seryoso.
"Edi mag-trending tayo!" Tawa ko ulit. "Gusto mo 'yon? Zeus Esqueza huling-huli sa pagsukat sa fiance niya!" Gaya ko sa tono ni Boy Abunda.
Hindi siya tumawa sinabi ko. "It's not funny, Alzera. You know we have a reputation to take care of."
"Bakit mo kasi ginawa?!" reklamo ko.
"Because you're always so hard to resist! And you didn't say something. Ah I got it, you like it."
"Bakit ikaw ba hindi?" tanong ko. "O, 'di ba? It's a yes. Huwag na tayong masyadong mag-overthink at nangyari na ang dapat mangyari," sabi ko nalang at tinapunan muli ng tingin ang gown sa likuran. "Ikaw magsuot niyan."
Tiningnan niya ako ng masama. "You're such a childish sometimes."
"And so are you, Mr. Esqueza. Hindi gawain 'yon ng matured na lalaki."
Nakauwi kami sakanila na bitbit padin ang gown. Naabutan namin si Tita Iris at Zoey sa sala, they were doing their nails. Lumiwanag ang mata ni Zoey nang makita ang dala namin. Mabilis siyang lumapit sa amin.
"What's inside? Holymoly! Is that a gown? Can I see?!" Kukunin na sana ni Zoey 'yon sa kamay ni Zeus nang itago ni Zeus ito sa likuran niya.
Pinipigilan ko ang matawa. Kung alam lang ni Zoey kung anong mayroon sa gown na 'yon, malamang ihahagis niya 'yan sa sobrang pangdidiri.
"Don't, Zoey. Hindi sa'yo 'yan," sabi ni Zeus dito. "Can you stop being annoying for a second?"
"Why you're being so moody? Gusto ko lang naman makita kung anong itsura ng gown ni Alzera!" sabi nito. "Right, Mom?" tanong nito kay Tita Iris sa likuran.
Ngumiti ng matamis si Tita Iris. "Yes, pero kung ayaw ni Zeus ipakita sa'yo, let him. We've to respect that decision, Zoey," malumanay na sagot nito sa anak.
"Gusto ko lang naman makita! But anyway, sige." Humarap siya sa akin. "Did you invite Alzera for the reunion?" tanong nito kay Zeus.
Zeus body stiffened. Hindi nakasagot.
"Zoey, okay lang naman sa akin. Kailangan ni Zeus ng time for himself, he can enjoy that reunion alone," sabi ko agad baka kasi bigla silang mag-away sa harap ko.
"No, you should come. Lahat ata ng tao roon dadalhin ang partner nila," pangungulit nito. Hindi ko alam kung bumabawi lang siya o nagsasabi ng totoo eh. "Right, Zeus?"
Huminga ng malalim si Zeus at tumingin sa akin. "Can you come?" tanong nito sa akin. "If you don't want to, I'll understand."
"Kung gusto mo akong pumunta, why not?" sabi ko sakanya. "Ikaw ang magdesisyon, Zeus."
"Okay, you should come," sabi nito pero may pag-aalinlangan padin sa mukha. "You should buy a dress too."
"Pwede ko bang suotin 'yan gown?"
Mas lalo niyang tinago sa likuran ang hawak. "But not this one."
Sobrang kumunot ang noo ni Zoey. "Now, nahihiwagaan ako kung anong laman talaga ng box na 'yan!"
Nauna na si Zeus dumiretso ng kwarto dahil nawala nanaman sa mood ang lolo mo. Nakipagkwentuhan muna ako kay Tita Iris at Zoey. Nang maiwan kami ni Tita, she was giving me a sweet smile.
"I can see improvements, Alzera," sabi niya sa akin nang maupo ako sa tabi niya.
"Ako rin po, hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula. Bigla ko nalang naramdaman," pag-amin ko.
"You're really good for him and his mental health. We owed you alot for that."
"Tita." Hinawakan ko ang kamay niya. "Okay na po 'yong natulong niyo sa amin. Sobra-sobra na po 'yon..."
Na-miss ko tuloy ang mama ko. Sayang lang, wala na siya para makita kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon. Sana proud siya sa akin kung nakikita man niya ako. Dahil ang katagumapayan ko ay katagumpayan din ng pamilya ko. Kahit feeling ko minsan, maling paraan na.
Kumatok ako sa kwarto ni Zeus. Naka-unlock naman 'yong pintuan kaya binuksan ko na 'yon. He was on his laptop. Naks, boss na boss na talaga. Pwedeng-pwede na talaga palitan ang tatay niya sa pagiging CEO ng kumpanya.
"You need something?" tanong niya na hindi lumilingon.
Lumakad ako at tumungo sa kama niya. I sat there. "Wala naman. Mukhang busy na busy ka ngayon eh."
"I've to review all the proposed plans for the next project," sabi niya. "May kailangan kaba? Hindi ka naman pupunta rito kung wala."
Humiga ako sa kama niya. "Gusto ko lang manggulo," sabi ko.
Pero na-overwhelm lang talaga ako sa pag-uusap namin ni Tita Iris kanina. Hindi ko alam kung paano ire-release ang emosyon ko. Gusto ko lang na malapit ako sakanya para mapirmi ako sa iisang pwesto.
"You hungry? We can buy Starbucks," he offered.
"Wala naman silang delivery," sagot ko habang nakatulala sa kisame.
"We can go there," he suggested.
Tumingin ako sakanya kahit nakahiga parin. "Late na saka may ginagawa kapa."
He shut down his laptop and stood up. Nanlaki ang mata ko. Aba, my goodness. Nagbago na nga talaga ang isang Zeus Esqueza!
"I can do it later or tomorrow. Let's go to Starbucks," he said. "Ayokong nagugutom ka."
"Grande mocha frappuccino blended beverage and an Iced Caramel Latte for Alzera," sigaw ng barista.
Mabilis akong tumayo sa table namin ni Zeus at kinuha ang kape. He ordered a Cinnamon roll since it was his favorite. Ako naman ay Sausage Roll dahil nagutom talaga ako sa ginawa namin kanina.
Nang mailapag ko ang kape sa table. Siya na ang tumayo para ibalik ang tray doon sa bar counter. Pinagtitinginan naman siya ng mga barista at sabay thank you na may halong kilig.
Hay nako. Kahit saan talaga gumagana ang charm ng isang Esqueza.
Umupo na siya at nagsimula na kami kumain. "Bakit hindi ko madalas makita ang mga kapatid mo sa bahay niyo?"
"They're always busy and some of them don't leave their room or they have their own mini house inside our place," sabi niya habang ngumunguya.
"Edi sana all!" sabi ko. "Sainyo kasing magkakapatid kayo-kayo lang nila Zeno madalas ko makita eh."
"Ngayon lang 'yan, Alzera," sabi niya. "But once we get married, we've to move out and find a place. Zeno will going to states too and take his masterals. While Zoey, I don't know, she might get a condo for herself."
Nagningning ang mata ko. "Kung magkakabahay tayo, ayoko ng masyadong malaki. Gusto ko sakto lang para magkikita parin tayo."
He smirked. "Yeah, I thought of that too. And I want to live in a small town too and have a neighbor like a normal person."
"Hindi ba kayo madalas lumabas like a normal person?"
"We grow up being followed by our bodyguards. Dad is very protective, the only thing he would allow us to travel is to have one."
Nakapalumbaba ako. "Hindi talaga lahat nakukuha, ano?" Tumahimik kami saglit. "Kapag ba kinasal na tayo sa iisang kwarto na tayo matutulog?"
He laughed. "It's up to you, Alzera. I want a three room. One for you. One for me. And for my mini office, that's it."
"Bakit hiwalay pa? Pwede naman iisa?"
"Again, it's up to you. If you want to sleep inside my room, you can," sabi niya.
"Paano mo ako kasi magagapang?" Tila nabilaukan si Zeus sa sinabi ko. "Joke lang, Zeus!" Natatawang bawi ko. "Ikaw paba? Kapag want may paraan!"
"I'll just sneak in your room," he said. "Then ask you to make love to me, is that fine, Alzera?"
"Huh? Ask me? Mahal na prinsipe, makita mo lang ata ang katiting sa balat ko 'yan kamay mo parang ahas, gagapang na agad. The next thing I knew, wala na finish na tayo pareho." Tawa-tawang sabi ko.
"I've the right, don't I?" tanong niya. "You're always seducing me with your move. The way you walk, the way you talk. Lalo na kapag naka-redlipstick ka at nakalugay ang buhok mo, Alzera. Hindi ko alam bakit nag-iiba pakiramdam ko."
Kinilig naman ako sa sinabi niya. Hiniwa ko 'yong sausage roll at sinubo sakanya. Gulat si Zeus sa ginawa ko.
"Deraerved mo ng part ng sausage roll ko dahil pinakilig mo ako. I don't share it unless special ka sa akin."
Ngumuya siya. "I know you've a crush on me since then. Huwag mong baliktarin, Alzera."
He sounded like a carefree child. "Ang kapal mo, Zeus Esqueza! Hindi nga kita kilala talaga. Pero nung naging boss kita parang gusto ko nalang magbigti kasi lagi kang badtrip."
"Don't blame me. There's too much pressure on my shoulder and you guys don't do your job that well."
"Ay ang taas ng standard talaga! Tao lang po kami, boss mapagmahal. Hindi kami perfect."
He laughed again. "I should ask you for a date like this more often. I love talking to you like this."
Tumayo ako para kumuha ng tubig. "Next time, may bayad na makipag-date saakin."
He giggled. "Noted on that, Ma'am."
Palabas na kami ng Starbucks, magkahawak kamay pa kami ng Kuya Zeus mo. Todo ngiti naman ako dahil sa kilig na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na mabilis magbabago ang ihip ng hangin sa amin dalawa. Hindi ko pa natapos 'yong list pero gumana na agad. Swerte ko naman this time.
Papunta na kami sa parking kung nasaan ang sasakyan niya. Ngunit napatigil kami nang makita namin na may printed spray sa wind shield ng sasakyan niya. Napatakip ako ng bibig. May patay na pusa sa gilid nito, it was too fresh since tumutulo pa ang dugo nito.
This was too brutal! Pinigilan agad ako ni Zeus nang lalapit sana ako. I stayed in my place while he called his bodyguard for assistant while I was just staring at the sprayed words written for me.
DIE BITCH ALZERA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top