Chapter 26
"Nag-kiss na kayo?" Tanong ni Athana at ininom ang alak sa baso.
Kinindatan ko siya, mukhang tinatamaan nadin ng alak ang sistema ko. "Di pa ah," sabi ko.
"Yung totoo?! Bagal mo naman, sis." Tinapik niya ako sa braso. "Kung ako sayo, sineduce ko nayan si Zeus. Daming may bet dyan e at ikaw ang binigyan ng chance nila Tita..."
Pinanood namin pareho ni Athana ang magkakapatid na casual na nagkekwentuhan sa couch. They were drinking too pero hinila lang ako ni Athan dahil may mga tanong daw siya saakin.
Uminom ulit ako. "Oo, nagkiss na kami," pag-amin ko.
Nanlaki ang mata niya at himapas ako sa braso. "Wow! That's my girl! Next move na! H'wag na patumpik-tumpik pa at baka maunahan ka!"
Nakatulala lang ako sa mukha ni Zeus. Nakakataba nng puso panoorin siya na makipag-usap sa mga kapatid niya na nakangiti.
"I'm taking it slow. Slowly but surely."
"Ah, magkaiba tayo ng diskarte. Me? I'm always after something kahit walang label basta may keber!"
Tumawa kami ng sabay at tinulak na niya ako dahil tumayo na si Zeus papunta sa direksyon namin. He was in the good mood the whole night. I thought he was that KJ kapag mga ganitong bagay. Pero hindi, game na gamae siya sa gustong gawin ng mga kapatid niya.
"Can I have my date now?" Inilahad ni Zeus ang kamay sa direksyon ko.
Umirap si Athana. "Sana all sinusundo!" Sabay lakad palapit sa pwesto nila Zeno.
"Enjoying the night huh?" Sumandal si Zeus sa bar counter. I was smiling when he turned his head on me.
"Syempre. Hindi ko akalain ganito ka kasaya makasama sa ganito."
"We used to do this often before. Si Zoey laging pasimuno. Though are parent's are really strict. Si Zeno ang laging gumagawa ng paraan para makatakas kami sa bahay then I'll be the one taking everyone home safely."
Nagulat ako nang biglang tumayo si Zeus sa harap ko. Putting his hand on both of my sides. Napalunok ako sa ginawa. Para siyang walang pakialaman na ginagawa nanaman niya saakin ito. He's really flirty when drunk.
"Ginagawa mo?"
He kissed the side of my head and laughed.
"Chill, baby... You want this game, don't you?"
Tumayo ang balahibo ko. Ngunit hindi ko pinakita sakanya na naapektuhan ako sa mga mata niya, sa boses niya at sa ginagawa niya.
"No, I just want you." tapang-tapangan na sagot ko.
He giggled and bit his lips. "I'm yours, Alzera."
"Label muna bago landi." Irap ko at tinulak siya ng marahan pero hinapit lalo ni Zeus ang bewang ko palapit sakanya. "Ayan ka nanaman ah..." nanghihinang sabi ko.
"Hmm. Be my girlfriend then?"
I blinked. Hindi alam kung paano ipoproseso ang sinabi niya. Binibigyan na niya ako ng label? Totoo ba ito? O dala lang ng kalasingan? Para akong hindi makahinga.
"Hoy! Zeus! H'wag mo akong pinagti-tripan ah." Umaasa kasi ako... Ano ba naman ito?!
"I'm not, let's make it official. Satin dalawa, Alzera. What do you think?"
Umiwas ako sa mga tinginan niyang makalaglag panty na. Shit. Shit. Shit. I didn't expect this! Why all of a sudden he's asking me to be his girlfriend?!
"Pag-isipan ko muna..." Lumihis ako ng tingin.
"Oh okay, I'll wait then." Akmang lalayo na siya nang hawaka ko ang laylayan ng damit niya. He raised his eyebrow.
"Okay na. Tayo na. Tapos na ako mag-isip. Walang bawian ah. Pinky swear. Tapon susi sa dagat hindi na mahahanap."
He laughed loudly while nodding his head. "Okay, girlfriend."
Hinampas ko 'yong dibdib niya ng marahan at kinagat ang labi. "You're so malandi, boyfriend."
"Am I, girlfriend? Sayo lang ako ganito."
"Hindi ka naman ganyan dati. Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?"
"Zoey and Zeno talked to me. Pinaliwanagan din nila ako sa mga bagay-bagay. They said I should enjoy my life now. Ang daming nasayang dahil sa pagmamahal ko sa maling tao. I think this is the time I should give myself the chance to be happy again."
"Walang halong echos ah?" paninigurado ko.
"Walang halong echos."
Gaya niya sa sinabi ko. Tumawa ako ng malakas. Nagulat ako nang hilahin ni Zeus ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. We were heading to Zoey's table. Parang nabilaukan pa si Zoey while sipping her drink. Si Zeno naman nanlaki ang mata pero napalitan din ng malawak na ngisi like he was proud on what he was seeing while Athana, giving us a slow clap.
"See? I told you, guys! Ako ang panalo! Tonight is the night! Give me your bet!" sigaw ni Athana sa dalawa.
"You are betting on us now?" Chill padin na tanong ni Zeus.
"Medyo lang. Wala naman masama. Atleast something good happened tonight."
"I know right? I'm so happy for my brother!" Akmang yayakap si Zoey pero hinarangan agad ni Zeus ng kamay niya.
Tumawa kaming lahat. Hindi parin makapaniwala sa nangyari. I can't wait to tell his parents about this. I know they will be happy too. Pakiramdam ko, ito na ang simula ng bago namin kabanata. I couldn't be any happier.
"Dahil dyan, we will celebrate tonight! I got your drinks! Let's go!" hiyaw ni Zeno.
Everybody cheered. We drink and dance all night as if we were teenagers na ngayon lang nakawala sa hawla. Athana cried pa nga dahil nakita niya ang boyfriend niya na may kasamang ibang babae. But Zoey and Zeno to the rescue comforting her.
I was a little tipsy. NagCR lang saglit si Zeus kaya nagpahinga muna akonsa bar counter to ask some water. But then someone slipped a drink on my side.
"Enjoying the night?" he smirked, a tall guy asked.
"Hindi ba halata?"
I rested my hand on the counter table while waiting for my water. Pinapanood ko lang sila Zoey na sumayaw at wala nang pakialam sa paligid.
"Are you new here?"
"Yeah, I'm with my friends," turo ko kay Zoey at Athana na parang wala nang bukas kung sumayaw.
His mouth formed an 'o'. "I know them. Are you their new friend?"
"You can say that."
Dumating na 'yong bottled water ko, I was about to pay for it nang unahan ako ng lalaking kumausap saakin.
"You don't have to," sabi ko sa lalaki. Ngumiti siya saakin ng nakakaloko at pilit padin nakikipag-unahan sa pagbayad.
"No, I insist. A beautiful woman like you deserve a treat."
"Hindi na kailangan. Kaya ko naman bayaran," sabi ko ulit. "And it's just water."
"Let me. Hindi nanaman tayo magkikita. Unless you are single--"
"She's hundred percent taken."
Nagulat ako sa pagsulpot ni Zeus sa gitna namin ng lalaking nangungulit at deretsong binayaran ang inorder ko. He looked damn serious. Mukhang may nabadtrip ngayon, ah?
"And you are?" The man smirked.
"Her boyfriend and fiance," seryosong sagot nito.
"I don't see any ring," komento ng lalake. "O baka it's too small I can't see it in the dark."
Zeus turned to him, nagtiim ang bagang. Napahawak na ako agad sa braso niya para pigilan siya. Hinawakan ni Zeus sa kwelyo iyong lalaki.
"You can't see it in the dark? Right. That will happen to your vision if you won't stop talking."
"Chill, bro. I'm just playing around."
Marahas na binitawan ito ni Zeus. Iiling-iling naman 'yong lalaki at gustong bumawi. Zeus and I started walking nang susuntukin bigla ng lalaki si Zeus pero mabilis na nakaiwas si Zeus at hinawakan ang ulo nito at inuntog ang lalaki sa bar counter.
"My goodness! Tigil, Zeus! Shocks!" sigaw ko.
Napahinto ang iilan sa pagsayaw ang ilan naman ay di napansin ang nangyari. Nagpanic agad ako at pilit hinihila palayo si Zeus. Nakangisi lang ang lalaki na hawak ang sa ulo niya na may tumutulong dugo.
"Who the fuck are you?" tanong nito.
"The one you don't want to mess up with," sagot ni Zeus. "Let's go, Alzera."
Hihilahin palang ako ni Zeus nang magsidatingan ang mga bouncer at nagaalalang lumapit sa lalaki. Tinuturo nito si Zeus. Hahakbang palang ang mga bouncer nang makilala nila sino ang kasama ko, tiningnan lang sila ni Zeus nang masama sabay hinila ang lalaki palabas.
"The fuck! Bakit ako! 'Yong gago na 'yon dapat!"
Hindi ako mapakali sa nakita. I could feel how powerful he is even without saying a single word. Mukhang nasira na ang gabi ni Zeus dahil hindi na maipinta ang mukha niya.
"We're going home."
Pagpapaalam nito sa mga kapatid. Na walang kaalam-alam sa nangyari dahil sa kalasingan. They maybe thought it was someone they didn't know dahil napaligiran kami ng madaming tao kanina.
"Aga naman! Kayo nalang muna umuwi. Later pa kami, oks?" said Zoey while still dancing.
"Yeah, bro. I got them."
"Said someone na nagpabuhat samin ni Zoey ng hindi na makalad dahil lasing na lasing," aniya ni Athana.
"You want to go home? Go then?"
"Ikaw naman, hindi kana ma-joke, Zeno!" Tinapik ni Athana ang braso ni Zeus. "I got them. Go home safely, okay?" she winked at me.
Hinila na ako ni Zeus palabas ng bar. Bumalik nanaman iyong sungit sa mukha niya. We went to the parking lot. Binuksan ni Zeus yong passenger side ng sasakyan and he waited for me hanggang sa makapasok ako.
I buckled my seatbelt. Pumasok sa driver's seat si Zeus. His face was really serious right now. Ano ba naman itong lalaking ito, paiba-iba talaga ng ekspresyon sa mukha.
"Okay kalang ba?" Nag-aalalang tanong ko.
"No, I want to kill someone tonight."
Tumawa ako. "Selos?"
He raised an eyebrow. "Assuming too?"
"Come on, girlfriend mo na ako. Don't be shy, baby." I joked trying to light up the mood.
"I'm not." Pagsisinungaling nito.
"So hindi ka nga nagselos kaya mo nagawa 'yon? Okay lang na may lalaki na lalapit saakin ng ganon? Okay, noted, Zeus."
He put his hand on my chin. "Gusto mo makapatay ako ng tao?"
Tumawa ako ng malakas. "Kilig ako dyarn ah?"
He bit his lips and it turned pink. Bumalik na sa pwesto niya si Zeus.
"Ayoko na may umaaligid sayo, Alzera. Now that you are my girlfriend. Matino ako sa matino. But I can do the most impossible things when jealous."
"Oh okay, boss. Ano pa po ang inyong gusto?" Kinikilig na sakay ko sinabi niya.
"You."
"Dito?" hamon ko.
That caught him off guard.
Natahimik kami pareho ni Zeus at nagkatitigan. We could feel now the rising tension between us. Feeling ko dahil sa alak. O dahil sa opisyal na kamin ngayon gabi. Hindi ko alam. But I've been waiting for this since day one. Who wouldn't want this?
"Here?" he murmured.
Tumingin ako sa paligid. "Paano kung may makakita?"
His lips curled in a small smile. "Paano kung wala?"
"Paano kung mayroon?"
"You started this," he pointed out. "Or you want us to go home first?"
I didn't answer.
I rushly sat on his lap.
And kissed his lips.
At this moment?
Who cares kung may makakita?
If we never try, we'll never know, right?
__________
Wow nabuhay ako???? Hiiiii! Kamusta ang lahat? Hahahahaha. Just a quick update. Sana na-enjoy niyo parin. Hahahaha next update i dont know when kapag sinipag ako i'll try, okay? But for now, ayoko mag-promise. XD
I hope everyone is safe. Thank you rin sa pagsuporta ng story na ito. I've been reading comments kaya nabuhayan ulit ako. Hahaha.
Until next time. :) 🖤
Facebook: Yana Esqueza
Twitter/Instagram: esquezayana
FB Group: xMissYGrayx' Stories
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top