Chapter 24
"Goodevening, Tito. Nandito lang po pala si Alzera."
Hindi niya inalis ang tingin saakin. Shit! Gusto kong kainin ng lupa sa ginawa ko! Todo akting pa ako kanina tapos maabutan niya lang ako dito sa bahay namin. I crossed my arms. Kasalanan din naman niya kung bakit ko nagawa 'yon. Yeah, right. Kung hindi niya ako iniwan hindi naman talaga ako magsisinungaling sakanya.
"Akala ko ba may lakad 'tong si Zeus, Alzera? Bakit ka hinahanap ngayon?" nagtatakang tanong ni Papa.
"Someone called me, Tito, that she needs my help. The caller said she's out there drinking."
Natawa si Lucky sa gilid ko. Agad kong siniko ang kapatid ko para manahimik siya.
"Teka, teka, tagalog lang tayo. My nose is blooding, anak," tatawa-tawang sabi ni Papa. "Uso na talaga mga manloloko ngayon. Ano ba tawag don? Lagi ko napapanood sa facebook. Ah, punk call!"
"Prank call 'yon, Pa!" pagtatama ni Lucky. "Saka hindi naman talaga totoo na nag-iinom si Ate--- Aray!"
Kinurot ko si Lucky sa tagiliran. "Ang daldal mo naman, Lucky. Bumalik kana sa taas. Wala kang skin sa'kin sa ML ah." nanggigigil na pagbabanta ko sakanya.
Kamot-ulo naman umakyat ang kapatid ko.
Hinarap ko si Zeus at tinaasan ng kilay. "Pwede kana umuwi sainyo at puntahan 'yong pupuntahan mo. Niloko kalang ng tumawag sa'yo."
Hinampas ako ni Papa sa braso. "Hoy, umayos ka nga. Bakit ganyan ka makipag-usap kay Zeus?"
Lumapit ito at hinila si Zeus para umupo sa sofa. Kumunot ng todo ang noo ko.
"Madami talagang siraulo ngayon, hindi siguro napalaki ng maayos 'yon ng magulang niya kaya naging ganon," sabi pa ni Papa. "Kakarmahin din 'yon tao na 'yon. Mukhang may mahalagang lakad ka pa man din ngayon."
"It's alrigth, Tito. Gusto ko lang din puntahan si Alzera at malaman kung safe ba siya nakauwi."
They both stared at me. Nanlaki ang mata ni Papa saakin si Zeus naman nang-aasar 'yong tingin.
"Safe naman. So... Uwi kana," pagmamaldita ko sakanya.
Mabilis na lumapit saakin si Papa at hinampas ako sa braso. "Bibig mo, Alzera Jane ah! Sumusobra na!"
"Aray naman, Pa! Kanina mo pa ko hinahampas naman."
Hawak-hawak ko 'yong braso ko na nakanguso. I was caressing it and checking kung may pasa ba.
"Totoong anak mo ba ako? Bakit mo ako tinatrato ng ganito?"
Pero wala na ang atensyon saakin ng Tatay ko. Nasa labas na ng pinto.
"Oo! Nandito 'yong manugang ko na mayaman! Hala sige, uwi na kayo. Wala naman shooting ngayon. Hindi sanay 'to sa madaming tao. H'wag na kayo sumilip dyan sa bintana! Anak ng teteng naman, Marideth! Wala naman balikbayan box na dala 'yan!"
"Tinitingnan lang naman namin kung pogi. Aba, pogi nga! Katulad ng sasakyan! Napakaswerte ni Alzera nakabingwit ng mayaman. Love is blind na talaga. Jusme!"
"Aling Marideth, Hindi na ako natutuwa sa lumalabas sa bibig mo ah!" suway ko sa kapitbahay."
"Totoo naman. Hindi ka naman maganda. Mas maganda pa anak ko sa'yo noh!"
Susugod sana ako sa sobrang inis ko pero nagulat ako nang hilahin ako ni Zeus paupo sa sarili namin sofa. Mabilis na sinara ni Papa iyong pinto at nakapameywang na humarap saakin.
"Maganda ka, anak. H'wag ka naniniwala sa mga inggitera natin kapitbahay."
"Alam ko 'yon, Pa," sabi ko ng naiinis padin.
"Ay teka! 'Yong niluluto ko, nasusunog na!"
Naging busy si Papa sa pagluluto at naiwan kaming dalawa ni Zeus dito sa sala. Nakahawak padin ang kamay niya sa braso ko habang patuloy ang mata ko sa pag-irap.
"They're not worth it," suway nito saakin to lighten up my mood.Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bitawan mo ako. Hindi tayo close."
Tumingin muna ito sa nakatalikod na si Papa bago ako hawakan sa baba at pinalapit sa mukha niya ang mukha ko.
"How about this? Are we close enough?"
"Pauso ka!"
Hinataw ko 'yong kamay niya paalis saakin. Hindi dahil sa naiinis padin ako sakanya dahil sa kilig na binibigay ng mga tingin niya saakin. Tumayo na ako para lumayo sakanya at umupo sa kabila nang hawakan niya ang laylayan ng damit ko.
"Party my ass," he whispered, mocking me.
"Vanny my ass," I talked back.
"Ihahatid ako ng mga kaibigan kong lalaki my ass."
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Closure my ass. Wala kang maloloko dito. Ano ba middle initial mo? M? Stand for Marupok?"
"Why are you jealous?" he smirked.
I reacted so quickly at pinandilatan siya. "I'm not! Assuming ka, Zeus Marupok Esqueza!"
"Yes, you are, Alzera Jane."
"Don't call me Jane, hindi naman kita kaano-ano," pagtataray ko sakanya.
"Okay then, baby."
He answered back. I was speechless for a second. Sasagot pa sana ako pero wala na ako maisip na maisagot. I was taken aback with his answer. Ang harot nitong Zeus na 'to! Well, kung marupok siya, h'wag na ako itulad sakanya. Strong woman ako.
"Don't call me baby either. Hindi kita anak."
"But you breastfed me, so I'm your baby." he reasoned out and smirked.
That's it. Zeus Esqueza one. Zero for me.
Zeus decided to sleep over. Sabi ko nga sakanya hindi naman siya makakatulog dito sa bahay dahil maliit lang ang kama ko. So, si Papa, binigay nalang 'yong hindi ginagamit na foam sa kwarto niya at nilatag sa gilid ng kama ko. Kumukuha ako ng bedsheet para hindi mangati si Zeus nang magsalita si Papa.
"Papalitan mo pa, Alzera? H'wag na. Ikaw lang naman matutulog dito."
"Anak mo ba talaga ako, Pa?"
"Sabi ko sa'yo, Ate, ampon ka eh."
I heard Zeus chuckled. But then he said na siya nalang talaga sa sahig. Buti naman noh. Kasi hindi ko naman igi-give up itong kama ko sa isang Zeus Esqueza! Si Lucky naman sa baba matutulog kasama si Papa.
I was watching One Piece again sa kwarto ko. It's been awhile! Na-busy ako sa trabaho at hindi ko naman naiisip manood ng ganito kela Zeus. I'm always conscious kapag nasa bahay nila. Kasi si Zeus bigla-bigla sumusulpot din at nanggugulo saakin nitong nakaraan.
Bumukas ang pinto sa kwarto ko. Kanina ko pa talaga inaantay si Zeus mula sa pagkakaligo dahil pinahiram siya ng damit ni Papa. I was expecting that it was too funny kapag siya ang magsusuot ng damit ni Papa dahil hindi babagay sakanya. But I was wrong. Oh boy. Sobrang ganda parin sakanya kahit hindi fit sakanya iyong oversized gusot-gusot shirt ni Papa.
"What?" naiirita nanaman tanong ko kasi seryoso ang mukha niya.
"Ayaw bumaba ng tubig sa shower room niyo."
"Shower room ka dyan! CR lang tawag namin don. Grabe ka." Tumawa ako at nakalimutan ang pagiging unfair ng mundo. "Saka pina-pump kasi 'yon."
"Do I have to do it?" tanong niya, expecting me to do it instead.
Parang mas gusto ko pa siya asarin. "Bakit ako? Hindi naman ako 'yong naligo? Hindi naman ako may kasalanan bakit nagbara?"
He looked at me in disbelief. "Are you being serious?"
"Dead."
Buti nalang pagbaba namin ni Zeus, lumabas si Papa. Busy lang si Lucky sa paglalaro ng ML sa cellphone niya. Hindi niya nakita na kinuha ko iyong pang pump ng inidoro at binigay kay Zeus. Ngingisi-ngisi akong pinapanood siya habang pina-pump niya 'yong butas na nagbara.
"Why are you laughing?" Pinagpapawisan na tanong niya at nagpunas ng pawis sa noo.
"Kasi it's entertaining. Isang Zeus Esqueza, nagpa-pump ng baradong kubeta. Hello, acting CEO ng company tapos nauutusan ko. Kaaliw."
Tumayo si Zeus ng deretso. "Babawian kita once we get home."
"Walang ganon, Zeus." Sumandal pa ako sa gilid ng pinto, ngumisi pa lalo. "Sarap sa eyes."
Nilabas ko 'yong cellphone ko para videohan siya. Remembrance rin 'to! Papanoorin ko 'to kapag nalulungkot ako. Lalo na siguro kapag nabibwisit ako sakanya, na kahit papaano nakabawi ako sa pang-aapi niya saakin simula nong siya naging boss sa kompanya nila.
"Entertaining. Huh?" he pumped harder, medyo lumalabas ang muscle sa braso.
He looked contented nang matanggal na 'yong bara. Binitawan niya na 'yong toilet pump at hinila ako papasok ng banyo.
"In exchange, we can shower again. But together this time."
Tinulak ko siya, medyo namumula na ang pisngi ko. "Tigilan mo nga! Nandyan 'yong kapatid ko."
He laughed, enjoying my reaction. "You really think I'll shower with you? Here? With your brother around? Masyado mo na 'ko pinapantasya, Alzera. I'm just kidding."
Pinagpag ko ang damit ko at lumabas na ng banyo. "Kidding my ass. Alam ko naman din pinapangarap mo ko kaya pumayag ka na maging fiance mo ko," sabi ko habang umaakyat sa hagdan.
Sinundan naman ako ni Zeus. "Ang taas naman ng pangarap mo, Alzera. Why would I do that? Anong meron ka?"
Tumigil ako nang matapat na ako sa pinto ng kwarto ko. "Ikaw. Mayroon akong ikaw, Zeus," I flirted.
I caught him off guard so he shuts his mouth. I smirked.
All one, Esqueza.
"You really want that game, Alzera?" He tilted his head and tucked my hair under ny ear.
Halos tumayo ang mga balahibo ko sa pagbabago ng tono ng boses niya. His manly voice giving me chills.
"Alright, I'll give you a good playing game then. Watch out for it, my baby."
____________
Dadagdagan ko pa sana 'to. Kaso di ako umabot. 🙃 Monday na bukas huhu. Sana na-enjoy niyo parin. 🖤
Next week ulit. 👻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top