Chapter 23


"So you and Zeus are?" usisa ni Isaiah pagkatapos ko patayin ang cellphone ko.

"Friends?" natatawang sagot ko.

He smirked at me. "You don't seem the type who will date an Esqueza."

"Ha? Mayroon ba pamantayan kapag makikipag-date sa isang Esqueza?" taas-kilay na tanong ko pero natatawa parin dahil sa ginawa ko kay Zeus. 

"Wala naman. Pero alam natin pareho na business lang ang rason kung bakit konektado ang mga tao sakanila. They're really a powerful family. I don't think you're related to him in a deeper connection knowing that he and Vanny aren't over yet."

Nawala ang ngiti sa labi ko. I looked at him, trying to stop myself from saying such a stupid word. Sino ba siya? At bakit parang alam na alam niya kung sino ako sa buhay ni Zeus? But then, naalala ko na opisyal na kaming pinakilala ni Zeus. Maybe, he heard the news? Pero parang bakit nagmamaang-maangan siya?

"Sabi mo nga 'business', 'di ba?" I rose my index and middle fingers and folded it back and forth.

Tumawa si Isaiah. "Did I offend you? I'm sorry. I tend to voice out my opinion all the time."

"Ayos lang, brad," sabi ko nalang to hid my irritation. "Since you're being honest, I'm Zeus's fiance pala." Ngumiti ako ng peke sakanya at inilahad ang kamay. "Nice meeting you again."

He chuckled. "Okay, I'm sorry Alzera Maghinang. I didn't mean to offend you."

We were silent for awhile dahil biglang nawala iyong mood ko. Bigla nanaman napalitan ng lungkot na isang option lang ako ni Zeus Esqueza. I don't actually think of the future alot pero ngayon, gusto ko silipin kung ano ang mangyayari sa huli at saan ba talaga papunta itong kwento namin. 

"Close ba kayo ni Zeus?" tanong ko after ko ituro sakanya kung saan siya liliko.

He was trumping his fingers to the driving wheel. "Back in highschool, yes. But we lost contact after we graduated. Nag-aral ako abroad, kakabalik ko lang ngayon dahil may nagpadala saakin ng invitation that we will have a highschool reunion."

Napalunok muna ako bago pakawalan ang kasunod na tanong ko. "Kumusta sila ni Vanny dati?"

"Truly, madly and crazy inlove. Hindi mo mapaghihiwalay 'yong dalawa na 'yon dati. Kaya akala ko sila parin ngayon pagkatapos bumalik ni Vanny sa pagkamatay  niya. Pero hindi na ako magtataka kung magkabalikan nila. They say first love never die, right?"

That last statement shut me out. Wala naman akong karapatan makaramdam ng ganito pero bakit parang nagseselos ako? Sabi na nga ba eh. Bandang huli, ako rin mismo ang mahuhulog sa patibong na ginawa ko. Shit naman this life. 

"Salamat sa paghatid," sabi ko sakanya nang maaninag ko na ang kanto ng bahay namin. 

"Anytime, Alzera. See you around."

Bumaba na ako tila sabog padin sa pag-iisip ng mga bagay na posibleng mangyari. I don't want to fall for someone who isn't sure about me. Sobrang lugi ako! At alam kong sobrang masakit 'yon! Ugh. 

I stopped and lowered my head to face him. "Bakit?" he asked.

"Kapag nagtanong si Zeus kung saan mo ako hinatid can you tell him I told you to dropped me off along the way at nag-grab nalang ako?"

Ngumisi siya. "Okay, no problem with me."

I said my goodbye to him. He's a nice guy though. Mukhang magkakasundo kami kapag nagkita ulit in the future. Nadaanan ko pa ang mga kapitbahay ko na nag-iinuman. Tuwang-tuwa sila nang makita ako feeling nila may pinatago silang pamasko saakin kung makahingi ng pambili ng alak. Ayoko sana uminom pero napa-shot ako ng ilan beses bago dumiretso sa bahay namin. 

"Anak! Bakit nandito ka ngayon?! May nangyari ba? Nag-away ba kayo? Pinalayas kaba sakanila?"

Gulat na gulat si Papa nang makita ako. Iniwan niya pa iyong pinggan na hinuhugasan niya at tumakbo papalapit saakin. 

"Wala naman, Pa. Na-miss ko lang kayo kaya umuwi ako. Saka may pupuntahan din si Zeus, eh. Kaya nag-decide ako dito nalang muna matulog."

"Sigurado ka? Hindi kayo nag-away?"

"Pa, bakit naman kami mag-aaway hindi namin kami."

Tumahimik si Papa at pinanood na lamang ako umakyat sa kwarto ko na nakasimangot. Sakto naman naabutan ko si Lucky na naglalaro sa cellphone niya at prenteng-prente na nakahiga sa kama ko.

"Ate, bakit nandito ka?" tanong nito habang nakatutok padin sa cellphone. "Nag-away ba kayo?

Napamasahe ako ng noo ko. Gusto kong tuktokan 'tong kapatid ko ngayon eh. Hindi ko siya sinagot at umupo ako sa gilid ng kama. Wala naman pakialam 'to kapag naglalaro kaya binuksan ko nalang ulit ang cellphone ko para i-check ang sagot ni Zeus.

Zeus: Where the fuck are you?

Zeus: Seriously, Alzera?

Zeus: You shut off your phone for what?

Zeus: Alzera?

Zeus: Fuck.

Me: Yes?

Yes. Sobrang ikli talaga ng reply ko dahil naiinis padin ako sa ginawa niya saakin.

Zeus: Where are you?

Me: Hindi ko naman tinatanong kung nasaan ka. Bakit kailangan mo malamang kung nasaan ako?

Zeus: Stop acting like a child, Alzera.

Me: Then stop acting like my boyfriend!

Zeus: Fyi, I'm not your boyfriend. Correction. I'm your fiance.

Napairap ako. Fiance my ass! Fiance kapag kailangan niya ako kontrolin pero pag nasa harap ng ibang tao hindi man lang ako mapakilala ng Zeus na 'to?!

"Ate, baka masira cellphone mo. Grabe panggigigil natin ah," komento ni Lucky sa gilid ko.

Me: I'm drinking tonight. See u on Monday, Esqueza!

Zeus Esqueza calling...

Nanlaki ang mata ko. Shit! Natataranta akong hinampas si Lucky sa likod ko at pilit siyang pinapatayo. 

"Ate, ano ba! Bakit ka namamalo?!"

"Tumayo ka dyan dali! Connect mo spotify mo sa bluetooth speaker! Tapos magpatugtog ka ng party song! Dalian mo!"

Kakamot-kamot ito ng ulo. "Naglalaro ako, ate! Mare-report ako. Ang baba na nga ng credit score ko kasi ang bagal ng wifi natin dito sa bahay, eh!"

"Lucky ah, dalian mo na! Sunod ka nalang!"

"Bilan mo muna ako skin ng bagong hero."

"Oo na, kahit ano!"

Mabilis na tumakbo si Lucky pababa at kinuha ang bluetooth speaker. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Papa baka raw kasi mahulog siya sa hagdan sa kakamadali. Agad niyang kinonek sa phone niya at pinatugtog mga kantahan ni Beyonce. Yes, crazy inlove talaga 'yong kanta!

"Hello?" Tumayo ako at sumayaw ng parang baliw. "Hello? Zeus? Ikaw ba 'yan? Hello? Hindi kita marinig!"

"Ate, anong ginagawa--" 

Tinakpan ko ang bibig ng kapatid ko at nagpatuloy sa pagsayaw para mukhang totoo 'tong akting ko.

"Where the hell are you? Sino nagsabing pwede kang hindi umuwi sa bahay?" he sounded angry now. 

"J-just hanging out with my friends! Na-miss ko kasi 'to, Zeus. You know naman, naka-focus lang ako sa'yo at sa trabaho siguro naman deserve ng isang tulad ko ang magliwaliw paminsan-minsan."

"Hindi nakakatuwa, Alzera. Nasaan ka? I'll pick you up."

"Pick me up? H'wag na! May mga kaibigan ako ditong lalaki! Papahatid nalang ako sakanila mamaya pag hindi ko na kaya umuwi at lasing na lasing na ako."

He was silent for a second and I heard his deep breathing. "The fuck with that? You're not allowed to go party, Alzera. Not unless kasama mo ako."

"Ha? Nabago na? Kailan pa, Zeus? Last time I check, fiance mo ako. Hindi kita amo. Ang amo ko mga magulang mo."

"Where. Are. You?"

Kung nasa harap ko lang si Zeus ngayon, alam kong nagtitiim na 'yong bagang niya. Huh. Suck that! He deserved this treatment. Sinunod-sunod ko pa siya nitong nakaraan tapos isang pakiusap lang sakanya ni Vanny, sunod agad?

"Hindi ko alam!" sigaw ko at sinenyasan ni Lucky na nakaupo lang sa kama at nawi-weirduhan akong pinapanood. Nilakasan niya lalo 'yong music. "Ha? Shot pa? Sige, wait lang! After nito! Oo, sayaw tayo! Zeus? Hello? Tawagan nalang kita ulit ah--"

"I'm counting one to three, Alzera. Tell me where the hell you are."

"Hindi mo na kailangan malaman, malaki na ako, Zeus Esqueza."

"One."

"Hindi, friend! Gusto ko 'yong bacardi. Oo, haluan niyo ng kung ano-ano," sabi ko pa para lalo siya mainis.

"Two."

He really sounded so serious now. Feeling niya naman matatakot ako sa ganyan niya ngayon? Like hello? Ang layo-layo ko sakanya. Saka ano ba pwede niyang gawin? Magsumbong sa nanay at tatay niya na nag-iinom ako tapos ano? As if naman, may magagawa siya. 

"Three. That's it. We're ending this bullshit."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. "Anong ending?"

"Ayoko na. I'm calling this engagement off."

"Are you for real---"

Binabaan ako ng hinayupak! Napakatalino talaga ni Zeus Esqueza! Alam mo 'yong ikaw dapat nagtatampo tapos bigla siya 'yong nagkaroon ng karapatan na suyuin? Like what the hell, di ba? Ano naman sunod na gagawin ko? Uuwi sakanila para suyuin siya at mag-sorry?

"Lucky, hinaan mo nga 'yan! Ang lakas-lakas mo magpatugtog!" sermon ko sa kapatid ko.

"Bakit naging kasalanan ko, ate?"

Pinatay ni Lucky iyong sounds at padabog ako na umupo sa tabi niya. Nangingig ang kamay ko na nag-type sa cellphone ko.

Me: Okay, let's end it. Salamat nalang sa lahat!

Zeus: 👍

Halos umakyat ang dugo sa ulo ko sa nabasa kong reply. The nerve of this guy! Gusto ko lang naman piliin niya ako dahil sa Vanny na 'yan tapos ngayon, ganito? We ended that engagement! Di bale, hindi naman bigdeal saakin. Sapat nanaman 'yong binayad ng magulang niya saamin para magsimula kami ng panibagong buhay. Maybe, pang-abroad talaga ako, eh. Yes. Doon nalang ako maga-apply tapos pe-petition ko sila Papa at Lucky para mas gumanda 'yong buhay namin. 

Makakalimutan ko rin ang lahat na nangyari na ito na parang isang panaginip lang. Umay na umay na ako sa ginagawa saakin ni Zeus Esqueza. Saka totoo naman, hindi ko na kaya intindihin 'yong ugali niya. Ang hirap niya kaya pakisamahan!

"Break na kayo, ate?" Kinakabahan na tanong ni Lucky sa tabi ko. "H'wag ka makipag-break, mag-sorry ka nalang."

"Bakit ako magso-sorry, hindi ko naman kasalanan?"

"Kung sino 'yong mas nagmamahal diba, siya 'yong laging nauunang mag-sorry kahit hindi niya naman kasalanan?"

"Alzera! Alzera! Bumaba ka nga dito!"

Napatalon kami ni Lucky sa pagpa-panic ng boses ng tatay namin. Mabilis kami na tumakbo pababa ni Lucky dahil baka ano na nangyari kay Papa. Halos madulas pa nga ako sa kakamadali pababa. Pero nawala ang pag-aalala ko sa tatay ko nang maaninag ko kung sino ang nakatayo sa harapan ng pinto namin.

"Zeus," I said, out of breath.





____________

Mej na-late lang 'yong update ngayon weekend kasi natulog ako maghapon. Lol. Thank you for supporting this story kahit mabagal ang update. See y'all sa next update :)

Facebook Page: Yana Esqueza

Instagram and Twitter: esquezayana

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top