Chapter 21


"Okay, first things first, I need space."

Tinaasan ako ni Zeus ng kilay but still his expression look entertained. He bit his lip slowly.

"Like move, Zeus Esqueza," tila nauubusan ng hiningang suway ko. "Your room is too big para ilapit ang mukha mo na ganyan kalapit."

"You said we need to talk?"

"Oo, pero hindi ko sinabi na makipaglandian ka saakin dahil una sa lahat. We are only fixed to be together!"

Tumango-tango si Zeus at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Isn't your job to steal me from everyone?"

Napaubo ako. "Everyone? Saka all of a sudden talaga? And bakit willing victim ka? Anong nangyari at nabago agad ang ihip ng hangin, Zeus Esqueza? Nag-aadik kaba?"

Mabilis ko siyang tinulak palalayo saakin. I ended the too close space between us and sat on his study table instead. I put my right leg on my left.

"What? This is what you want, Alzera. You want me to notice you and pay attention to you..." he said sexily.

Nagsisimula nanaman ang kumag sa pagtuyo ng buhok niya. My cheeks flushed and I tried my best not to stare down to that body.

"I don't know what your game is, hindi siya normal lalo na kapag ikaw gumagawa. Stop doing something if you don't mean it."

Tumawa ng mapakla si Zeus. "Coming from you, Alzera?"

"Yes!" Hinataw ko iyong gilid ng table. "Coming from me talaga. Para ka kasing sinasaniban kapag nilalandi mo ako. I don't know what's the point kasi alam naman natin dalawa na I am not your type at may girlfriend ka and, and, and, and—" I paused and gave him an judgemental look. "Theoratically, you cheated on her."

It didn't bother him. Tumungo lamang ito sa kabinet niya at kumuha ng gray na t-shirt at sinuot. He looked back while putting his black short and threw his towel.

"Everybody cheats. No big deal."

"No big deal, my ass!" Tumayo ako para makipagtitigan sakanya. I raised my brow too high. "You're cheating on her by using me! Anong akala mo saakin papayag maging mistress? Your other woman?!"

He took one step closer to me. "You're not a mistress, Alzera. Theoratically speaking, you are my fiance. And, she cheated on me first. I call it quits."

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bunganga ko sa balitang sinabi niya. Holyshit. Paanong mangyayari na may babae na lolokohin pa si Zeus Esqueza, diba? The ever masungit at sensitive na si Zeus.

"How come," kumalma ako at inayos ang sarili. "Kanino? Kailan? Saan? Saka paano mo nalaman? Sure kaba dyan? Baka fake news 'yan ah."

"She told me awhile ago." Tumalikod na ito at humiga sa kama niya and turn on his laptop infront of him. "She made me choose between her and my family. You know who I will choose. Then she told me afterwards to leave you instead. I said no. I told her stop acting like a child then she bursted and told me that cheated on me a year ago."

Natawa ako sa sinabi niya at umupo sa harapan ni Zeus. "Dahil akala mo, patay na siya. Saka hindi naman kino-consider na kayo parin non noh."

He stopped typing and met my eyes. "Are you on her side?"

"Of course not," mabilis kong sagot at humiga ulit sa kama niya habang nakatingin sa black ceiling. "Nandito lang naman ako para tanungin iyong nangyari kanina. You half-half me."

"Nadala lang ako, Alzera. You kept on poking and seducing me," he pointed out.

I remained calm and rose my leg. "Ang sabihin mo, bumabawi kalang sakanya." Humarap ako sa kanya at ipinatong ang kamay sa gilid ng ulo. "Gusto mo bawian natin? Kaya kitang tulungan," nakangiting offer ko.

"Nope. Once is enough." Ipinatong ni Zeus iyong paa niya sa hita ko when he stretched it.

I slapped it away. "Epal! Ang bigat ng paa mo, Zeus!" reklamo pero mas lalo niya lang binigatan ang pagkakadantay non saakin. "Zeus Esqueza! Stop it!"

Nakangisi siyang natutuwa na nakikita akong naiirita sa pinaggagagawa niya. So, so childish of him! Hindi ko alam na may ganito pala siyang side.

"What if I don't want to?" he challenged.

Hinawakan ko ng mariin ang paa niya at pilit padin tinatanggal. "Sige ka—"

"What? Anong gagawin mo?"

"Itutuloy natin iyong kanina!"

"Challenge accepted."

Mas lalo pang binigatan ng mokong iyong paa niya. Tawa naman ako ng tawa dahil kinikilita niya ang bewang ko. I tried my best to shoo him away but he was way stronger than me. Ginilid ni Zeus ang laptop niya and held my hands hostage. Pumaibabaw siya saakin hahang ang isang kamay ay patuloy parin akong kinikiliti.

Sobrang lakas na ng halakhak ko at nag-uumpisa narin ako manghina sa pinaggagagawa niya saakin. I did my best to kick him off of me but I lose. Para lang ako lumalaban sa isang robot na hindi man lang napapagod at nasasaktan sa ginagawa ko.

"Tama na kasi— fuck, Zeus!" Tawa parin ako ng tawa at hinihingal na. "Gago, hindi na ako makahinga! Ano ba—" I kept on giggling.

"Promise me something first before I stop tickling you."

"What do you want Mr. Zeus Esqueza?!"

"Promise me we'll start from scratch. A clean slate for a clean break."






Few weeks had passed. Walang Vanny ang gumugulo saamin ni Zeus. It was a good thing though dahil nakaka-usap ko na ng matino si Zeus nitong nakaraan linggo. He was very open and approachable kaya kapag kinakausap din ako ng magulang niya ay natutuwa sila sa progress nito.

Since alam nadin sa opisina na fiance niya ako, everyone were nicer than usual. Kapag uuwi na si Zeus at kailangan namin mag-overtime, hindi nila ako pinapayagan kahit na ine-explain ko sakanila ng paulit-ulit na okay lang.

"This is the third time na may nag-iiwan ng box of chocolate sa labas ng gate niyo, Zeus."

Dala-dala ko iyong redbox na may laman chocolate sa sasakyan. Kakauwi lang namin ni Zeus but we decided to have dinner outside. Binuksan ko ang box at bumungad saakin ang white flavor ng twix. It was so big na hula ko ay sa ibang bansa pa binili o pinasadya dahil hindi pa ako nakakakita ng ganito sa Pinas.

May letter sa gilid non, Zane's name was written on it. Hindi na ako magtataka, si Zane ang sikat sa pamilya nila at maraming fangirls. Kaya kung ano-ano ang iniiwan ng mga fans sa labas ng bahay nila kapag nalalaman ang address nila.

"H'wag na natin ibigay kay Zane 'yan chocolate. He probably won't eat it anyway. Knowing him, he doesn't accept gifts from stranger."

Tinaasan ko siya ng kilay. "And you do?"

"Why not?"

"Gusto mo lang 'yong chocolate kamo! Dami mo pa sinasabi. Oh, hati tayo ah," ngiting sambit ko sakanya. "Paano 'tong letter?"

"Lagay mo nalang sa likod muna. Ako na magbibigay sakanya."

I did what he tell me. We ate the white chocolate together and went to Glorietta para kumain sa favorite Chinese Restaurant niya. As usual, kahit naka-white polo lang si Zeus agaw-tingin nanaman siya at nagmukha akong alalay sa tabi niya.

Siniko ko siya. "Tanggalin mo nga shades mo, nagmumukha kang hunky-punky at ako ang iyong julalay."

Huminto si Zeus sa paglalakad at tinanggal ang salamin. "Okay naba kapag ganito, madam?"

Damn it. Ang unfair minsan ng buhay noh? 'Yong iba, todo effort sa pagpapapogi while itong katabi ko kahit saan anggulo nakakaasar yung mukha parang hindi uso 'yong salitang panget sakanya.

Isinukbit ko ng mariin iyong bag sa balikat ko. "Suot mo nalang pala 'yong salamin ulit. Kaasar na mukha 'yan..."

Tumawa siya ng malakas sa gilid ko. "Hindi kita maintindihan minsan, ang gulo ng isip mo. Ano ba talagang gusto mo?"

Napahinto ako. "Sa ngayon?"

He stopped walking too. "Yeah, sa ngayon, what?"

"Kumain."

Kinindatan ko siya sabay pasok na sa restaurant. Abot-tainga naman ang ngiti ko habang nauuna sa paglalakad nang makaaninag ako ng pamilyar na mukha. Nabunggo pa ako ni Zeus mula sa likod ko.

"What now, Alzera?"

As if on cue, Vanny stared in our direction and gave us a sweet smile. No, it cannot be. Nahanda ko nanaman ang sarili ko kung makita ko siya ng biglaan na kasama si Zeus.

What shocked me right now was the guy sitting beside her.

It was Zeno Esqueza.



_______

Sorry for not updating. I've been busy with work. :( (

Anyway, kamusta kayo? Keep safe guys wherever you are. Always wear your mask and sanitize, oki? Till next update. 🖤

Twitter and Instagram: esquezayana
Facebook Page: Yana Esqueza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top