Chapter 2

Alzera Maghinang


CHAPTER 2

"Alzera Jan Maghinang, baka gusto mo lumabas ng kwarto mo? Para nang haunted house rito at iba narin ang amoy. Maligo karin sana kahit papaano. Apat na araw na ang nakakaraan, wala kang ginawa kundi manood ng Anime."

Napatigil ako sa pagkain ng matcha ice cream mula sa baso. Umusog ako palayo sa dulo ng kama ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap ng kumot sa katawan ko.

"Anak, sagutin mo ako. Aba, baka bigla kana lang mangisay dyan. Puro matatamis lang ang kinakain mo."

Tinapunan ko ng tingin ang Papa ko na nakatayo sa gilid ng pinto. Alam kong nag-aalala na sila dahil ilan araw na akong hindi lumalabas ng kwarto. Wala akong ibang ginawa kundi manood, kumain at matulog.

Kahit maligo ata hindi ko na nagawa. Naghihilamos lang ako at nagto-toothbrush pag ako na mismo nakakaamoy sa sarili ko.

"Ayoko, pa, wala po akong gana. Pakisara nalang 'yong pinto. Nanonood ako."

Ibinaling ko ulit ang atensyon sa TV. Favorite part ko na kasi ang susunod, mamamatay si Ace ng One Piece. Kahit ilan beses ko na ito napanood hindi ko parin mapigilan umiyak.

Patulo na ang luha ko nang bigla niyang buksan ang ilaw. Agad-agad kong tinakpan ng kumot ang buong katawan ko at humiga na parang cocoon.

"Pa, naman! Patayin mo na 'yong ilaw! Nasisilaw ako! Ayoko nga lumabas sabi, eh! Ayoko rin maligo! Ayoko rin ng tao! Ayoko sa lahat ngayon! Gusto ko lang matulog at kumain saka manood!"

Naramdaman ko ang pag-alog ng kama. "Wala kang mapapala sa pagmumukmok mo rito sa kwarto mo. Mas okay pa sa'kin maginom ka sa labas o makipag-date kahit sa mga tambay kaysa ganito ka."

"Ayoko nga, pa----"

"Ate! Ate! May tao sa baba! Mukhang mayayaman! Hinahanap ka nila! Kailangan ka daw nila makausap!" sigaw ng kapatid ko na si Lucky.

Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa sarili ko at napaupo. "Sino daw sila?"

"Esqueza raw sila, ate!"

Nagkatinginan kami ni Papa Andy. Nanlaki ang mata ko nang unti-unting mag-absorb 'yon sa isip ko.

"What the fuck! Bakit andito ang mga Esqueza?! May nagawa ba ako?! Pati ba dito hinahabol padin ako ng kaluluwang ligaw ni Zeus Esqueza?!" Hindi mapakaling lakad ko. "Wala naman akong ninakaw sakanila kundi---"

"Alzera, kalmahan mo nga!" suway ni Papa sa'kin. "Baka gusto kana nilang bumalik sa kompanya nila. Kaya sila andito."

"Pa? Ano gagawin ko? Hindi pa ako naliligo tapos mukha na akong inday kakatago rito sa kwarto ko!"

"Ate, maligo kana muna. Bibili nalang muna ako ng RC sa tindahan at magpapaihaw ako ng isaw. Si Papa nalang muna kakausap sakanila."

"Hoy, Lucky! Shunga ka! Hindi 'yon kumakaen ng ganyan!"

Ngunit huli na ang lahat. Nakatakbo na pababa ang walanghiya kong kapatid. Napatingin ako kay Papa nang hawakan niya ang balikat ko.

"Maligo ka muna. Ako na bahala sakanila sa baba. Dalian mo at baka mainip ang mga Esqueza," sabi nito. "Hindi pangkaraniwan ang ganitong pagdalaw nila. Ako nalang maunang magtatanong."

Tumango ako at deretsong tumakbo papuntang banyo. Mga five minutes lang ako naligo tapos nagpabango na ako at pulbo. Knowing Esqueza's, ayaw na ayaw nila pinaghihintay sila.

Pagkababa ko, nakita ko agad sila Sir Zach at Ma'am Iris Esqueza. Seryoso silang nakikipagusap kay Papa. Pangiti-ngiti naman ang Papa ko.

"Ay, wala hong problema sa'kin 'yon. Sinasabihan ko nga rin si Alzera na lumabas ng bahay dahil ilan araw na siyang nasa----"

"Pa, naman. Hindi mo na kailangan ikwento 'yon," sabi ko. "G-goodafternoon po, Mr. and Mrs. Esqueza. May papagawa po ba kayo sa'kin?" kinakabahan na tanong ko.

Ngumiti na pagkatamis-tamis si Ma'am Iris. Mas lalo siyang nagmumukhang bata sa suot niya. Who would have thought? She had six children already. Pero parang paatras pabalik ang edad niya.

"Alzera!" tumayo ito at niyakap ako. As usual, she was really polite as ever. Hindi talaga iyon namana ni Zeus Esqueza. "How are you, iha? Kailan lang namin nalaman ang ginawa sa'yo ni Zeus."

"Yes," sagot ni Mr. Esqueza mula sa likod. "We came here to apologize to what Zeus did."

"Nako, wala po 'yon! Sanay na ako kay Zeus kahit sobrang sungit n'on. Saka kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nagalit sa'kin." Umupo na kami pareho ni Ma'am Iris. Tumabi ako kay Papa dahil nanginginig ang mga tuhod ko.

Sobrang nakaka-starstruck lang na kausapin ka ng isa sa mga maimpluwensyang tao sa Pilipinas. Napasilip ako sa labas namin, ang daming tao at may mga lalaking nakabantay rito.

"Again, we are really sorry about that," nahihiyang sambit ni Ma'am Esqueza. "Pero andito rin kami para bigyan ka ng offer."

"Offer po? Anong klaseng offer?"

Inakbayan ako ni Papa. Kumikinang ang kanyang mata. "Anak, nasabi na nila sa'kin, gusto ko lang malaman mo na payag na payag ako."

"Ha?" naguguluhan tanong ko. "Ano po ba ang gagawin?"

"You see, I've never seen my son with someone else. Ever since his girlfriend died ten years ago. Halos wala na kaming makuhang emosyon mula sakanya. He's like a robot doing his usual routine for ten years, he'll always do what we wanted without asking anything." Sir Esqueza explained. "And it make us a little worried. We wanted to help our son and we're asking you to do the same."

Napakagat-labi ako. Alam ko kasi na puro galit at lungkot ang nararamdaman ng isang Zeus Esqueza. Never namin siyang nakitang ngumiti. Palagi lang nakakunot ang noo niya parang ang lalim ng iniisip.

Hinawakan ni Ma'am Esqueza ang kamay ng asawa. "Ayaw namin pahimasukan ang mga desisyon ng mga anak namin sa buhay. Pero nagaalala kasi kami para kay Zeus. Hindi na siya tumatandang pabata, wala siyang interes sa mga babae o anuman---"

"Baka po bakla ang anak niyo?" tanong ng echusero kong ama. Hinampas ko siya ng marahan sa hita.

"Pa, naman!" suway ko. "H'wag naman sa harap nila."

"No, okay lang," sagot ni Ma'am Iris. "Naisip nadin namin 'yan ni Zach. Kaya kung oo man, tatanggapin namin ng maluwag sa puso kung ano ang magpapasaya sa amin anak."

Napalunok ako kasi sobrang seryoso ng mukha ni Sir Esqueza. "Whatever it takes to bring back my son to his old self. It's better than seeing him emotionlessly doing everything we wanted and never argue." Ipinatong nito ang isang kamay sa asawa. "Now Alzera, we want you to marry my son."

T-they what? Para akong nabibingi sa sinasabi nila. Gusto nilang pakasalan ko ang napakasungit na sugo ata ng demonyo na si Zeus Esqueza?

"H-ha? Gusto niyong pakasalan ko si Zeus?"

Ma'am Iris smiled at me. "Hindi mo siya papakasalan talaga. We'll let him know that we arranged marriage him to someone."

"Arranged marriage?" napalunok ako. "Uso pa po pala 'yon? Saka ano pong konek sa emosyon ni Zeus?"

"We know how it works, Alzera," Sir Esqueza said to me then looked at Ma'am Iris, like they were still inlove. "And it save me. I know it will save my son, too."

"Okay po? Pero papakasalan ko talaga si Zeus?"

Hindi ko ma-imagine sa totoo lang. Zeus and me? What a chaos that would be. Our world would collide and explode.

"Hindi, iha. Gusto lang namin mapalabas ang emosyon ni Zeus. Kung ano ang gagawin niya kapag sinabi namin sakanya ang dapat niyang gawin na taliwas sa gusto niya."

Tiningnan ako ng seryoso ni Sir Esqueza. "We trust you on this, Alzera. You've been a loyal employee to us and we owe this to you. As a return, we will give you anything."

"Kami na ang bahala sa kinabukasan ng pamilya mo," sagot ni Ma'am Iris. "We're really desperate here. Gusto lang namin bumalik sa normal ang anak namin."

Naba-blanko ang isip ko. Paulit-ulit na naglalaro sa'kin ang mga sinabi nila. Ang sabi ni Papa, wala naman masama kung susubukan ko dahil maganda ang offer nila. New life for us and new hope.

Wala naman sa'kin 'yon dahil mahilig naman ako makipag-blind date dati. Pero kasi, isang Zeus Esqueza ang magiging fiancee ko? Sobrang sungit ng dragon na 'yon.

Baka maunahan ko pa siya mabaliw kung hindi ko siya matulungan. Napabuntong-hininga ako sa loob ng sasakyan nila Mr. and Mrs. Esqueza.

Kailangan ko lang magpanggap na magpapakasal kami kahit hindi. That's all. Sobrang easy kaya n'on. Para lang lumabas ang emosyon niya dahil sa'kin? Pero hindi ko ma-gets bakit ako ang napili nila?

Napahinga ulit ako ng malalim. Anyway, it's too late. I already made my decision, hindi naman isang chakang nilalang ang ta-trabahuhin ko. Huminto ang sasakyan nila sa isang malaking bahay.

Nakangiting hinawakan ni Ma'am Iris ang kamay ko at hinila papasok sa loob. Halos mapanganga ako sa ganda ng bahay nila. Sobrang taas ng ceiling at bawat floor may mga pinto.

Mukhang hindi na sila nagkakakitaan dito sa sobrang laki.

"Upo ka muna, Alzera. Tatawagain na namin si Zeus."

Tumango lang ako at umupo. Binigyan naman ako ng juice ng katulong nila, they were all friendly.

Maya-maya pa napahinto ako sa pag-o-obserba dahil naaninag ko ang rebulto ng katawan ni Zeus Esqueza.

Napalunok ako dahil halos tumulo ang laway ko.

Hindi dahil sa nakasimangot siyang bumababa mula hagdan kasi araw-araw ko naman 'yon nakikita dati. Kundi sa wala siyang pang-itaas.

Ang tanging suot niya lang ay grey jogging pants at ang towel na nakasabit sa pumuputok na balikat nito.

Hindi ko na-imagine dati na may pa-six packed abs si Mayor ng ganito. Puta. Kanin nalang, ulam na.

"What the fuck are you doing here?" nakasimangot na tanong niya sa'kin.

I crossed my legs. "Akala ko pinuntahan ka ni Ma'am Iris?"

Hindi dapat ako magpapakita ng kahit anong takot sakanya. Naka-back up sa'kin ang Nanay at Tatay niya!

"She did. Sabi niya bumaba ako dahil may sasabihin siya sa'kin, and I didn't know that it was you being involved. Nag-apply kaba ng bagong trabaho dito samin?" he crossed his arms then tilted his head, mocking me as always. "Tamang-tama, walang nagbabantay sa mga aso namin sa labas."

"Excuse me, for your information, mawalang-galang nadin sa bibig mong matatas. Hindi tayo close, Zeus Esqueza. Akala mo ba nakalimutan ko na 'yong ginawa mo sa'kin?" tumayo ako at lumapit, para pantayan ang tingin niya.

He just looked at me with bored look on his eyes. "Of course, Alzera, and still, I'm not even sorry about it. You deserved every inch of it."

Pwe. Kaya ka nawawalan ng emosyon, may pagka-demonyo kasi ugali mo. Kapag nakausap ko talaga si Lord, isusumbong kita na h'wag papasukin sa langit.

"Same here," pagmamatigas ko. "I'm sorry for what you felt to what I said but I will never be sorry for saying it. You truly deserved it, every single word of it."

Gumalaw ang mga mata niya pero hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Naka-crossed arms nadin ako sa harap niya.

"You know what, Alzera? I can plan your death na walang makakapansin. So if you keep opening your filthy mouth, kailangan mo narin magbilang papunta sa mga huling araw mo sa mundong ito. Get it?" mas lalong lumalim ang boses niya.

But I'm not backing out. Mas matangkad lang siya sa'kin pero hindi rason 'yon para matakot ako sa pinagsasabi niya. Iba na ang boss ko, hindi siya.

"Basta ba color pink ang suot ko sa burol tapos naka check eye at kilay ako. Walang problema sa'kin 'yon, Zeus Esqueza. I'm ready to die, I guess I have nothing to lose."

Nakarinig ako ng tawa mula sa lalamunan niya. But his face remained serious. "Is that so? Consider it done, Alzera. Walang sisihan kapag nakita ka ng pamilya mo na nakahalundusay na walang buhay sa kalsada."

"Zeus," tawag ni Ma'am Iris. Tinitingnan kami pareho nito na may pagaalala sa mukha. "Alzera, are you okay?"

Nanginginig ang bibig ko na ngumiti. "O-opo, okay na okay. Sobrang bait po kasi talaga ng anak niyo, Ma'am." I looked at him.

Humikab siya sa harap ko. "Kaka-gym ko lang pero kapag nakikita kita, inaantok ako."

"Zeus, stop it." sumulpot si Mr. Esqueza sa gilid namin. May ibinato ito kay Zeus na white t-shirt. "Ilan beses ko ba sasabihin sayo na magdamit ka?"

He just nodded. Isinuot niya sa harap ko 'yong damit na hindi bumibitaw ng tingin sa'kin. Parang gusto na niya ako talaga patayin at pina-plano na niya ang pagpatay sa'kin sa isip niya.

Napabaling ako ng tingin.

"Then why are we all here, mom and dad?" tanong nito at humarap sa mga magulang niya.

Naghawak kamay si Mr. And Mrs. Esqueza at huminga ng malalim.

"Zeus, you've been a perfect son to us. I know we won't have any problem here since you follow our advice and everything we wanted. . .after that incident," pagsisimula ni Sir. Esqueza. "We've known her for a years, we know her family history and how loyal she is to us."

"So what is this all about, dad?" naiinip na tanong ni Zeus.

Nanunuyo ang lalamunan ko. Parang mas kinakabahan ako sa sasabihin nila Mr. and Mrs. Esqueza.

"Anak," sagot ni Ma'am Iris. "Gusto namin pakasalanan mo si Alzera."

_______

Im so excited writing this one. Idk why. Baka 2013 feels to me kasi. Hayyy. How time flies. For my new readers, you can read Zeus' parents lovestory; Arranged Marriage to My Boss. Magpaka-explicit nga lang. Beware :P

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top