Chapter 19

"Anong sinabi mong bruha ka?! Enjoy the rest of the night?"

Hinila ko ng mabilis ang kakasuot niya lang na sumbrero at binato sa sahig. Napalingon nanaman siya saakin na galit na galit ang mata. She's gritting her teeth and hands were balled into fist.

"Listen to me, Impakta. Since nasa baba na si Zeus mag-realtakan tayong dalawa."

Pinagpagan ko ang dress ko na tinapunan niya. Nagkukuyom padin ang bagang ko sa babae ito.

"Ikaw ang mag-e-enjoy ngayon gabi. Panoorin mo kung gaano kami ka-sweet ni Zeus Esqueza habang pinapakilala ako ng magulang niya as fiance niya! Tandaan mo, hindi ka gusto ng magulang niya para sa'yo. Kaya't habang nandito ako matuto kang makisama kung ayaw mo bandang huli, uuwi ka ng luhaan!"

Padabog ako na naglakad at binangga siya sa balikat. Walang nasagot ang bruha. Nagtinginan kami ng masama na kung posibleng magbuga ng apoy ang mga mata namin ay nangyari na.

"Kilalanin mo muna sinong kinakalaban mong bruha ka. H'wag ako. Mabait ako sa mabait pero kapag tinatarantado na ako, lumalabas ang pagkademonyo ko."

"Fuck you!" sigaw nito saakin.

"No, fuck you. And one day, he will fuck me too, Impakta!"

Mabilis ako na lumakad at sinipa papalayo lalo ang sumbrero niya na hinagis ko sa sahig. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang gigil sa babaeng 'yon! Grabe lang, ha?

Nakakaubos siya ng pasensya! Halos mabalian na ako ng buto ko sa sobrang bigat ng paa ko habang bumaba ng hagdan. May iilan na nakatingin sa damit ko at nagtatanong ang mga mata nila kung anong nangyari. Wapakels.

Dumiretso na lang ako sa loob at agad na hinanap si Zeus. Buti nalang medyo madilim na dito at busy ang mga tao sa pakikipag-usap.

"What? She did what?"

May kausap ito sa cellphone. Hula ko nagsusumbong na si Vanny sa ginawa ko. Kinagat ko ng mariin ang labi ko at hinila ng marahan ang dulo ng laylayan ng kanyang coat. Lumingon siya saakin na nakakunot ang noo.

He raised his hand but stopped midway when he saw me crying and looking wasted because of his girlfriend.

"She did that?" he mouthed.

Inumpisahan ko na ang pag-akting ko. Mabilis naman tumulo ang mga luha sa mata ko.

"O-oo..." sagot ko na mas lalong kinagat ang labi tila ba nagpipigil ng iyak.

"Pinagkakaingatan ko 'tong damit, Zeus. Wala akong ginagawa sakanya, bigla nalang niya ako binuhusan ng orange juice!"

Tila naiba ang tema sa ekspresyon ng mukha ni Zeus.

"I'll call you later, Vanny."

Huh. Vanny! Hindi niya tinawag na baby ang girlfriend niyang baliw. Mukhang epektib ang akting ko ngayon gabi, ah? Kahit na nag-iinit padin ang dugo ko sa babaeng 'yon.

Kailangan kong gamitin ang pagkakataon na ito para makaganti sa kamalditahan niya.

"Gusto ko nalang umuwi, ayokong humarap sa mga tao na ganito. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko, Zeus," panimula ko habang nakatingin sa paanan.

"Let's talk here."

Pumasok kami sa isang stock room. Biglang tumahimik ang kapaligiran namin tila nanginig ang katawan ko dahil dalawa lang kami sa loob nito. I was torn between acting and validating my feelings. Sobrang seryoso ng mukha ni Zeus, nakapameywang pa siya para bang alalang-alala sa nangyari.

Huminga muna ako ng malalim. "Like I said, gusto ko na umuwi. Like Zeus, I was talking to her nicely tapos bigla niya ako bubuhusan ng juice?!" reklamo ko.

Wait totoo 'yan part nayan.

"Alam mong iniingat-ingatan ko 'tong dress na ito dahil una, bili mo 'to saakin, may sentimental value ito! Dahil hindi ako madalas nagsusuot ng mamahalin damit!"

Pumiyok ako kunwari at tumalikod sakanya. Humawak ako sa railings ng lalagyan ng mga box dito.

"Alzera..." his voice was soft. "I'm sorry about that. I'll talk to her and set some bounderies. Bibilan nalang kita ulit ng damit bukas. We can go shopping after work so I can make it up to you dahil sa nagawa niya."

Napangisi ako. Better. This was better than I expected it to be.

"P-pero kasi Zeus... Nasaktan 'yong pride ko."

Humarap na ako sakanya. Shit. Dapat pala hindi na ako humarap dahil nakaka-distract ang kagwapuhan niya kapag kausap siya ng ganito.

"Alam mo naman na pumayag na ako na gamitin niyo akong dalawa, 'di ba? Pero sana alam niya rin na may damdamin ako na nasasaktan. Pakisabi kay Vanny kung hindi niya ako kayang galangin bilang nagpapanggap na fiance mo, galangin nalang niya ako bilang tao. Kahit 'yon nalang, Zeus--"

Shit! Napatalon ako papalapit kay Zeus nang mamatay ang ilaw sa stock room.

Naramdaman ko agad ang paninigas ng katawan niya at pag-alalay niya sa bewang ko. Agad naman akong bumitaw nang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa nagdikit namin katawan.

"You okay?" tila ba nahihirapan ang boses nito.Lumunok ako upang basahin ang panunuyo ng lalamunan.

"Oo naman... Ganito ba talaga kainit dito? Teka, labas na tayo."

Humakbang ako papalay sakanya pero nauntog ako sa dibdib niya dahil lumakad din si Zeus sa direksyon na pupuntahan ko. We both don't have any idea paano kami kakapa sa dilim kahit na alam kong dapat sina-suggest ko na ilabas niya iyong cellphone niya.

Biglang lumiwanag. Voila. Nilabas na nga ni Zeus ang cellphone niya at binuksan ang flashlight n'on. Hindi ko sinasadyang mapahawak sa braso niya nang lumakad na siya papunta sa pinto. Shit. Muscles... He tried to turn the door knob but it was locked. Shit. Swerte...

He knocked kung may nakakarinig ba saamin ngunit wala. I eavesdropped outside. Sobrang tahimik din. Mukhang nagtotal black out sa parte ng hotel na ito. What the heck? Anong nangyayari sa labas?

'Brownout ata. Nawala rin 'yong sounds sa labas, eh."

Nilagay rin ni Zeus ang tainga sa pinto habang nakatutok saakin 'yong flashlight. "I think so. Wait, I'll ask for help."

He was about to type something nang pigilan ko siya. "Sure kaba na may tutulong saatin? I don't wanna get stuck here all night."

He raised his brow. Mukhang nakakahalata na sa ginagawa ko.

"Not a chance."

'There, there... Nagbago nanaman mood mo. Parang kanina lang ang bait mo na saakin, ah?"

"Dahil may kailangan ako na dapat ayusin," sabi niya.

I crossed my arms. "Ganyan naman kayong mga lalaki, kapag may kailangan lang saka nagiging mabait."

"H'wag mong nilalahat, marunong ako manuyo."

That shut me up. Sana all marunong manuyo... Ang swerte naman ni Vanny kay Zeus. Kahit na nakakagigil siya. Tadhana lang talaga ang humaharang sa pagmamahalan nila.

Sinubukan na tumawag ni Zeus upang humingi ng tulong. Isinandal ko naman ang likod ko sa pinto habang pinapanood lang siya na napu-frustrate dahil walang sumasagot. Panay ang paghinga ko ng malalim dahil habang tumatagal, mas lalo akong naiinip.

"Fuck this shit. Kung kailan kailangan saka wala!" bulyaw nito.

Pinagpapawisan na ako sa init. "Text them instead. Bumalik na 'yong music sa labas pero 'yong ilaw dito sa loob wala parin."

"You text them since it's your idea," masungit na sabi nito saakin.Napatayo ako ng deretso.

"Wait, bakit mo ako pinipilosopo? Inaano kita dyan, ha?"

"You're annoying."

"And you're moody," balik-asar ko sakanya.

"Midget."

Ngumuso ako sa sinabi niya. "Anong midget ka dyan?! Gusto mong masaktan? Matangkad ako! Pero mas matangkad kalang saakin. Napakayabang mo naman!"

"Tsk. Where's your phone? Baka gusto mo rin tawagan sila?"

Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya ako nakikita.

"Nasa lamesa 'yong bag ko at doon nakalagay 'yong phone ko, mahal na Prinsipe. May utak naman ako kaya maiisip ko agad 'yon kung dala ko lang. Kaso wala eh, kaya okay na? Tigilan mo na pagiging masungit mo hindi nakakatulong---"

"Ang daldal mo, Alzera. Mas lalo lang ako naiirita sa boses mo."

"Ikaw nga dyan ang bilis magbago ng mood mo porket hindi lang umaayon sa gusto mo 'yong nangyayari. Chill kalang, dude. Makakalabas din naman tayo dito--"

May kumalabog sa gilid namin. Pareho kaming napalapit sa isa't isa at naging alerto ang katawan.

"Ano 'yon?" tanong ko agad.

"I fucking don't have any idea."

Pero mas lumapit pa siya saakin. Napahawak agad ang kamay ni Zeus sa bewang ko tila pinoprotektahan ako sa kung anuman susugod saamin.

"Daga kaya?" sabi ko. "Ipis? Ahas?"

"You're not helping, Alzera!"

Sigaw nito at mas lalo akong nilapit sa katawan niya. Shit. Ang bango-bango ni Zeus Esqueza. Kung pwede lang forever na kaming stuck dito, kung pwede lang talaga.

"Alupihan? Palaka, Aso, Pusa..."

"Quiet, Alzera."

"Elepante, Giraffe, Koala, Paniki..."

"Shut your mouth, Alzera."

"Isda, Baboy, Baka---"

He shut my mouth.
Yep.
Using his.




_______

Thank you for waiting for mi update. I will try to finish this by the end of August. Sana saniban ako ng kasipagan. Hahaha.

Don't forget to like/follow my facebook page: Yana Esqueza

(I will be giving giveaway whenever I go live there. You can also ask me any questions. Mas magrereply ako roon kasi mas madali pumunta sa inbox ng page. Hiihi)

Twitter and Instagram: esquezayana

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top