Chapter 18
"Pa!" sigaw ko. "Papa! Andito rin pala kayo! Oh my, goodness!"
Namilog ang mata ko nang makita ko silang tumingin sa direksyon ko. Hindi magkamayaw ang ngiti sa labi ko. Dahil atleast, andito ang pamilya ko. Hindi ko kailangan magpanggap sa lahat ng tao.
Sinalubong ako ng tatay ko ng isang mahigpit na yakap. Kahit ilan araw palang kami ata hindi nagkakasama, sobra ko silang nami-miss. Iba pala talaga kapag kasama mo lagi ang magulang mo.
"Anak! Kanina kapa namin hinihintay ng kapatid mo!" saad nito nang bumitiw ng yakap at hinawakan ako sa pisngi. "Nako, ang ganda-ganda naman ng anak ko. Mukha kang prinisesa!"
"Oo nga, ate. Mukhang mamahalin 'yan suot mo, katulad nitong amin," sabat ng kapatid ko at inayos ang kurbata na suot nito.
Umakbay ako sa kanilang dalawa. "Parang dati lang, pinapangarap natin 'yong ganito, 'diba? Na sa ganitong kalaki magce-celebrate ng birthday si papa tapos ikaw, Lucky, sa hote tayo kakain kapag graduate mo."
"Oo nga, ate! Ang dami ngang pagkain! Hindi pa ako nakakakuha kasi wala pang pumipila."
"Mamaya, kumain ka ng madami, ha?"
"Nasaan ba 'yong mapapangasawa mo, anak? Ang sabi saamin ng mag-asawang Esqueza, ipapaalam na nila sa lahat na ikaw ang napili ng anak nila para mapangasawa." Inakbayan ako ni Papa nang mapansin niya ng nakakaagaw na kami ng atensyon ng ibang bisita. "Siya 'yon, mapapangasawa ng anak ni Mr. and Mrs. Esqueza, anak ko 'to!" sabi niya sa mga taong dumadaan sa harap namin.
Hindi ko maiwasan na hindi mamula. Kasi nga naman, hindi naman real ang mayroon kami ni Zeus. It's for the show at para ilabas ang emosyon niya. Paano na kaya 'yan? Bumalik na 'yong ex niya tapos ako, eto, tatanga-tanga na susunod lang sa gusto niyang mangyari.
Nako! Kung alam lang nila Papa ang totoo, ikakahiya nila ako. Wala kasi sa lahi namin ang maging sunod-sunuran. Lahi kaya kami ng mga palaban. Bigla naman sumulpot si Zeus sa harap namin at magalang niyang nginitian si Papa.
"Zeus Esqueza, sir. Nice to meet you." Inilahad ni Zeus ang kanyang kamay at nag-shakehands sila ni Papa.
"Ang pogi mo naman palang bata ka! Panalo na talaga anak ko sa'yo, lahi palang! Bigyan niyo ako ng madaming apo, ha?"
Mas lalo akong namula sa sinabi niya. Lumawak naman ang ngiti ni Zeus na tila may naisip na hindi maganda.
"Maybe, after the wedding, sir. Alzera and I will talk about it," he politely said. "Have you personally meet my parents, sir? Come, ipapakilala ko po kayo."
Iginiya ni Zeus si Papa papunta kung nasaan si Mr. and Mrs. Esqueza. Nawi-weirduhan na tuloy ako sa set-up na ganito. Baka mas masaktan pa si papa kapag sinabi ko sakanya ang totoo.
"Ate, iba pala itsura nung Zeus, ano? Gwapings. Kung ganon lang itsura ko, naging girlfriend ko na lahat ng crush ko."
Binatukan ko si Lucky, agad naman ito napakamot ng ulo. "Mag-aral ka muna, hoy. Bago 'yan pagjo-jowa. Hindi ka mapapakain niyan."
"Sinasabi ko lang naman na gwapings si Kuya Zeus. Siguro lagi kang natutulala sakanya kapag nag-uusap kayo noh?" pang-aasar nito at tinusok ang bewang ko.
Napaatras ako. "Tanga, hindi kaya!" depensa ko. "H'wag ka nga maingay dyan, mamaya may makarinig sa'yo at maniwala pa, eh!"
Sobrang sakit na ng paa ko sa kakatayo. Halos lahat kasi ng nadadaanan namin ni Zeus kilangan yakapin, ibeso at makipag-usap. Feeling ko tuloy, totoong kapamilya na nila ako. I've met too his cousins, ang lawak pala talaga ng pamilya nila at ang dami niyang pinsan.
Nakadantay ng marahan ang kamay ni Zeus sa likod ko, he was talking formally to his brothers and one of his cousin, I think her name was Rebecka. She's so pretty and classy tingnan, sobrang bait niya rin unlike sa itsura ng nanay niya na tinaasan ako ng kilay kanina.
"You really getting married, kuya? Nagbakasyon lang kami nila Mama pagbalik namin maga-asawa kana? Did you hit your head that hard, eh?"
It was his younger brother, Zand, at the age of eighteen, may girlfriend na itong kasama sa family gathering na ito. But I don't think it was serious, wala sa itsura nito ang magseryoso.
"What will you do if the situation is reverse, brother?" Zeus asked him, almost mocking. "Bet you'll shit on your pants dahil hindi kana makakapagdala ng iba't ibang babae—"
"Do you know where's mom? I want to go home. May shoot pa ako bukas."
Sumingit ang isa sa kapatid ni Zeus na si Zane. He was the quiet one sa kanilang lahat. He was modeling and into showbiz pero sa totoong buhay, according sa kwento ni Zeus, si Zane ang pinakamasikreto sakanila.
"Saw them going out awhile ago, kasama si Zab," sagot ni Rebecka, referring to Esqueza's youngest sibling. "Look Zeus, sila Tita Ash!" Hinila ni Rebecka si Zeus palayo at naiwan nanaman ako mag-isa dahil nagsialisan na ulit ang mga kapatid niya.
Babalikan ko sana sila Papa sa table nang harangin ako nang nakangisi na si Zeno Esqueza. He looked freaking gorgeous just like his brothers. Naka-white tuxedo ito, dinaig pa ang kapatid sa kaputian ng damit.
"What?" tanong ko sakanya pagkatapos ng ilan araw na hindi niya pagpapakita saakin. Ngayon ang lakas ng loob niyang ngisian ako. Like duh?
"So you've met my brothers," sabi nito at uminom ng wine. "See? Ako lang ang matino saamin."
"I don't think you are," seryosong sabi ko at naglakad palayo sakanya. One thing I noticed, he was drunk dahil namumula na ang pisngi nito.
"I fucked up, Alzera. I just need someone to talk to." he pouted his lips and made a face.
"Alzera!" boses ni Zoey naman ang narinig ko. "Come, you need to come! Lumabas si Zeus! Andyan ata 'yong babae niya. You need to stop them!"
Zeno shrugged his shoulder at dumistansya na saamin ni Zoey. Ano bang problema niya? Bakit siya malungkot ngayon? Hindi ko pa matanong dahil hatak-hatak na ako ni Zoey.
"Let that bitch know na ikaw ang pakakasalan not her, para lumayo na siya ng tuluyan kay Zeus," Zoey said habang paakyat kami ng hagdan. "I'll just wait you here pala sa baba..." sabi nito after awhile. "Nasa hallway sila, sabihin mo hinahanap na siya ni Daddy."
"Okay?"
Iyan na lamang ang tangi kong nasagot. Pakshet. Hindi rin alam ni Zoey na may kasunduan na kami ni Zeus kaya hindi ako dapat eeksena kung nag-uusap iyong dalawa. Nag-uusap lang naman, hindi ba? Unless, makita ko silang naghahalikan! Ay talaga! Need ko umepal kapag ganoon ang naabutan ko.
Pa-tiptoe pa ako sa paglalakad nang makaabot ako sa pinakataas ng hagdan. Hindi nga nagkamali si Zoey dahil dinig na dinig ko ang boses ng girlfriend ni Zeus na umiiyak.
"Is it her? The waitress last time?"
Nagtago ako sa dingding at sinilip sila ng maliit. Nakatakip ang kamay niya sa mukha habang umiiyak. Zeus on the other hand was comforting her. Pinipilit niyang yakapin ang babae ngunit itinataboy siya nito.
Teka, bakit may kumukurot sa puso ko sa nakikita kong eksena ngayon? Napadantay tuloy ang kamay ko sa dibdib ko. Bigla kasing bumigat na tila may dumagan.
"Nawala ako for many years, Zeus. So I can be a better person for your parents! I worked hard for it! Pero bakit ayaw parin nila saakin? Just because I was born in the wrong family?!"
"Babe, you know I can fight for you. It's just not the right time. You left and made us believe you're dead, hindi ganoon kadali i-explain sa magulang ko kung ano ang nagyari sa'yo. You knew them well, Vanny. We can't risk by telling them, I can't lose you again."
Oh shit. Niyakap na ni Zeus nang tuluyan si Vanny. Putangina naman this moment. Bakit masakit? Alam kong hindi naman totoo kung anong mayroon kami pero bakit ang sakit nga? Hindi ko alam. Baka kasi naiinggit lang ako kasi siya kayang ipaglaban pero ako pang-front lang?
Edi siya na may Zeus Esqueza! Siya na ang mahal! Siya nag ang gustong balikan at lalong siya na ang hanggang dulo!
"Magseselos ako kapag nakita ko kayong magkasama. How sure are you that you won't fall for her?"
Hinawakan ni Zeus ang magkabilang pisngi ni Vanny. "It's as sure as how much I wanted to be with you. In the end, babe, we'll have our happy endings."
They were about to kiss nang kusang lumakad ang paa ko sa direksyon nila. "Oh shit!" sigaw ko at mabilis na napahinto ang dalawa.
Bumitiw si Zeus sa pagkakahawak kay Vanny at gulag na gulat na lumingon saakin. "Alzera..."
"Oh gosh! Andito pala kayo," pilit ang tawa kong sabi sakanila. "Look, I'm really sorry, hindi ko alam at hindi ko napansin na may tao pala... Nakaistorbo pala ako..." Nakataas pa ang kamay ko habang nage-explain. "By the way, balik na ako. Sabi na nga ba, naligaw ako. Bye, guys!"
Patalikod na ako nang magsalita ang girlfriend ni Zeus. Sakit ng word na girlfriend. Pakshet. Tapos ikaw ang kabit sa totoong buhay.
"It's you..." she said.
I awkwardly smiled at her and nodded. "Yeah, awkward..." komento ko. I bit my lip.
"What are you doing here, Alzera?" tanong ni Zeus. "May kailangan ka?"
"Actually..." I tried my best to composed myself para hindi ako mautal sa mga lalabas sa bibig ko. I didn't want them to think I'm intimidated. "Pinapatawag ka saakin ng Daddy mo."
Nang sabihin ko iyon, tumingin ako kay Vanny. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sa sinabi ko. May galit akong nakita ngunit nawala iyon kaagad nang balingan siya ni Zeus.
"We talked already. Go home, babe. Just trust us on this one. Right, Alzera?" he asked me.
Lumapit na sila sa kinatatayuan ko. Tila nanginig ang tuhod ko habang lumalapit pa sila saakin. They weren't holding hands, halos magkadikit lang ang katawan nila ngunit hindi na naalis ang tingin ko sa sobrang lapit ng braso ni Vanny kay Zeus.
"...right!" Late na late kong sagot. "H'wag kang mag-alala, Miss. Zeus in safe hand. Hinding-hindi ko siya aagawin sa'yo. Nag-usap na kami about this set-up, and we're good!" Nag-thumbs up pa ako ng kamay. "Really good," I said again.
"Okay, mukha naman pagkakatiwalaan kita," sabi ni Vanny saakin after some time. Inabot niya ang kamay saakin. "Friends?"
Napalunok ako. Gaga ba 'tong babae na ito? Gusto niya ba supalpalin ko siya kung maka-friends siya saakin? Friends? But I'll marry her boyfriend? Fuck, yeah!
Pilit akong ngumiti. "Aw, yes. Friends," I said at inabot na ang kamay niya. Binawi ko agad iyon nang maramdaman ko ang higpit sa pagkakahawak niya. "Zeus let's go?" yaya ko kay Zeus.
"Wait, gusto ko lang siya makausap kahit isang minuto, babe. Mauna kana," she told him.
Napahinto si Zeus, nagpabalik-balik ang tingin sa amin dalawa. Oh no, hell no. Ayokong makausap itong babae niya noh! Baka masabunutan ko pa ng wala sa oras.
"Okay..." Hindi siguradong sagot ni Zeus. "One minute. Hahanapin din siya sa baba, babe. Make it fast. I'll go now."
He kissed Vanny on her forehead then started walking away. Naka-cross arms si Vanny ngayon sa harap ko. Gusto kong murahin si Zeus sa pagkakaiwan niya saakin dito. Kahit pa one minute lang, ayokong makausap itong Vanny na ito, eh!
"Mag-ingat ka, ha?" Vanny started. "I'm watching you. H'wag mong ahasin ang boyfriend ko saakin. Tandaan mo, pinahiram ko lang siya sa'yo at magkasama kayo dahil kailangan niyong magpanggap para puwede na kaming magkita..." Vanny tilted her head. "He's using you for me, so, kung may naiisip ka na gawin na hindi maganda, bettet think—"
"Twice?" putol ko sa pagi-impakta niya saakin. "Ako, girl, kumukulo dugo ko sa'yo, ha?" I stated honestly. "Bago ka magmaldita dyan, kilalanin mo muna kung sino kinakalaban mo. Tandaan mo rin, sa mata ng magulang niya ako ang legal hindi ikaw—"
Binuhos niya ang pinagkakingat-ingatan ko na puting damit ng orange juice! Nanlaki ang mata ko at napalayo nang mabilis sa babaeng impakta.
"Putangina! Anong ginawa mo? Alam mo bang ayokong dumihan ito?! Ibebenta ko pa ito bukas, eh! Bwisit ka naman!"
Tumawa si Vanny at isinuot na ang sumbrero. "Now you get what you deserve. Maaalala mo narin ako, enjoy the rest of the night, bitch."
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Facebook: Yana Esqueza
Twitter and Instagram: esquezayana
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top