Chapter 16



"Lucky you, day! Nahalikan mo na tapos ngayon magiging asawa mo pa?! Totoo ba, isang Zeus Esqueza papayag?! Si Mr. Zach Esqueza nga ang pinapantasya ko kaso mukhang malabo kasi hindi na single! Kung sino pa 'yong bata, 'yon pa makukuha mo?!"

Tinakpan ko agad ang bibig ni Tricia nang ikwento ko sakanya ang mga pangyayari sa buhay ko. Ang daldal talaga ng babaeng ito. Kakasabi ko lang ng huwag maingay, ang lakas naman ng boses kung makakomento.

"Bakla ka! Hinaan mo boses mo! Baka may makarinig sa'yo!" suway ko sakanya.

Hinampas ni Tricia iyong kamay ko sa bibig niya. "Hayaan mo, para magreyna-reynahan tayo dito at malaman nang iba na ikaw ang lucky one!"

"Shh!" Binato ko siya ng papel sa bibig, agad iyon nasalo ni Tricia at binato pabalik sa akin. "Pero kasi ang problema nga pumayag ako na magkita sila ng ex niya basta sa akin siya uuwi."

"Ay yun lang, tanga kalang sa part na 'yon, 'day." Tricia crossed her arms. "Dapat kapag ikaw ang pinili, ikaw lang, huwag kang pumayag nagmagswimming siya sa magkaibang pool. Unfair 'yon. Lugi ka diyan!"

"Ms. Alzera Maghinang po?"

Napatigil kami ni Tricia sa pag-uusap at napatingin sa lalaking may hawak na isang bouquet ng sunflower. Dahan-dahan nanglaki ang mata ko tumango sa lalaki.

"K-kanino galing?" naguguluhan tanong ko at sinulyapan si Tricia, she shrugged her shoulder.

"Ma'am, tingnan niyo nalang po ang nakasulat. Ang sabi kasi huwag sabihin ang pangalan kung sino. Pa-sign nalang po nito na na-receive niyo na."

I signed the paper at hindi parin makapaniwala sa nagbigay. Wala naman akong manliligaw ngayon para effortan ako ng isang tao na bigyan nito. Right then, I saw the card on the side. Kahit naguguluhan, binuksan ko iyon.

Truth or Dare?
Truth - I'll tell you why.
Dare - I'll date you tonight.

-Z

Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko pagkatapos ko mabasa ang sulat niya. Shit. Galing kay Zeus ang bulaklak at may pa-Truth or Dare pa ang lolo mo. Talaga naman. Mga galawan ng isang Esqueza, kakaiba! I smelled the sunflower and couldn't stop myself from smiling.

"Putangina, 'day! May suhol agad galing kay Papi!" gulat na gulat na saad ni Tricia pagkatapos basahin ang card. "May pa-truth or dare pa siya! I'm so naloloka na!"

"Diba?! Kaya mas okay pala talaga na pumayag ako sa gusto niya... He's nicer." I said, habang hinihimas isa-isa ang bulaklak.

"And a soon to be billionaire, 'day!" hampas nito sa akin. "Pero, 'day. Kung ako lang naman nasa sitwasyon mo, ano? Hindi ako papayag na maging front lady. Pero kapag nakatalikod, iba talaga ang mahal."

"Nice, ang galing mo naman talaga sumira ng mood!" Irap ko dito at saka tumalikod.

Ayoko na marinig ang susunod na sasabihin niya dahil alam kong sasampalin niya lang ako ng katotohanan na iba ang mahal ni Zeus sa totoong buhay.

"Pinapaalalahan lang kita, huwag kang mag-settle sa hindi mo deserve. I know, Zeus Esqueza's a real catch, a big fish in the sea. Hindi lang big pala, unique fish, special fish, rich fish! Panalong-panalo kana sakanya kung kayo talaga magkakatuluyan. Kasi ang gwapo, bata, mayaman... Kaso daks ba?"

Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Buti nalang lunch time at walang ibang tao kundi kami lang. Walang mga echuserang froglet ang magtatanong kanino galing ang bulaklak na ito.

"Hindi ko alam, 'day. Pero feeling ko naman, it's a yes!"

Naghampasan kami kakatawa dahil pareho kami ng iniisip. Hanggang sa hindi na ako makahinga at sinubukan ko nang pakalmahin ang sarili ko dahil baka masugod pa ako sa hospital nang wala sa oras.

"Uy, alamin mo, ha. Tapos share mo sa akin kung oo o hindi. Pero talaga, 'day, ito lang ang masasabi ko sayo," lumapit na siya sa tainga ko at bumulong. "Win that big fight kahit anong mangyari. Dahil parang nanalo kana sa lotto kapag nakuha mo siya."


<(----___~~~)>


Natapos ko narin ang mga dapat kong tapusin sa office. Sobrang good mood ang lola mo today dahil nadin may bitbit ako na flowers pauwi. Panay bati ng mga tao sa bulaklak ko at sobrang ganda raw napapa-sana all nalang sila kanina.

I was now waiting for my grab sa labas ng building. Nauna na kasi si Tricia umuwi sa akin dapat magga-grabshare kami. There was a black Lamborghini that caught everyone's attention. Nagkatinginan pa kami ng mga tao nang huminto iyong sasakyan sa harap ko.

Naglakad ako papunta sa gilid dahil baka makaharang ako sa sinusundo ng bonggahin sasakyan. To my surprise, umandar nanaman iyon at  tumigil sa harap ko.

Ay, mukhang tanga naman ito! Napaka-feelingero. Akala siguro nito masisilaw ako sa sasakyan niya at sasakay ako. No. No. No. No.

Naglakad na lamang ako palayo dahil baka hindi ko mamalayan iyong grab na hinihintay ko. Agad nanaman umandar ang Lamborghini at nagpasikat padin sa harap ko. I creased my forehead and double checked my grab's car and plate number baka nga naka-Lamborghini si grab driver. Pero nagulat ako nang rumehistro ang pangalan ni Zeus sa phone ko.

"Hey, problema?" tanong ko agad nang sagutin ang tawag niya.

"Hop in," he said in a cheerful tone that I hadn't heard ever since.

"Hop in?" nagtatakang tanong ko.

Bumusina ang Black Lamborghini sa harap ko. My mouth hanged open. "Ikaw nasa loob niyan?!"

"Stop stating the obvious. Just hop in," iritado nang sambit nito.

Mabilis kong inayos ang mga hawak ko at binuksan ang pinto. Nagdalawang isip pa ako kung papasok o hindi dahil natulala ako sa nakasalamin na Zeus Esqueza habang nakapatong ang kamay sa manibela ng sasakyan. Shit. May ipapanget ba itong lalaki na ito? Kahit naka-formal attire, pajama, t-shirt at nakahubad, panalong-panalo talaga ang lahi, eh.

"What are you waiting for, Alzera?" he now smirked because he caught me admiring him. "Mahirap ba sumakay sa akin?"

"Ay... Hindi tayo sure diyan," sagot ko. "Pero puwede naman nating subukan," pang-aasar ko sakanya.

I lowered my body and hopped in. Hindi ko parin maiwasan na hindi siya titigan ngayon na magkatabi na kami. Nilagay ko ang bag sa gilid at ang bulaklak sa hita. Napatigin tuloy ulit ako sakanya nang maalala ko iyong letter.

"May dumi ba ako sa mukha?" he asked habang nagkakabit ako ng seatbelt.

"W-wala..."

Nag-iwas ako ng tingin. Eyes on the road, Alzera. Why all of a sudden, para akong bata na first time pansinin ng crush niya? Matagal ko naman siya nakasama. Puro inis nga nararamdaman ko sakanya, eh. Pero bakit ngayon, biglang nagbago ang lahat?

"Then why are you looking at me like that?"

"Like what?" I asked defensesively.

"Like you are starstruck."

Pinangliitan ko siya ng mata. "I'm not starstruck! Hindi ka naman star kaya hindi ka nakaka-struck. Assuming nanaman tayo, mahal na prinsipe!"

"Hmm..."

But he kept driving while teasing me. Ano bang nakain nito ni Zeus at ang bait-bait sa akin ngayon? Dahil lang sa usapan namin? Ganoon siya kadesperado na isikreto ang nalalaman ko?

"Hmm... Alzera. Really... Hmm..." pang-aasar nito habang nagpipigil ng ngiti.

Sige lang, Zeus. Ilabas mo lang 'yan dimple mo para ma-hmm-hmm kita diyan. Ako, desente akong tao. Ayoko nagpapakita ng motibo sa lalaki pero kapag di ako nakapagpigil talaga dito sa mokong na ito. Baka makalimutan na niya pangalan ng ex niya.

"Hmm-hmm ka diyan," sabi ko at kinancel ang binook ko sa grab. Kanina pa pala tumatawag si kuyang driver sa akin, hindi ko napansin. Ito kasing Zeus na ito, eh. "Hindi ka naman nag-hmm-hmm before, ha?"

"Does me saying hmm-hmm mean something?" Hindi ako sumagot. Napalingon tuloy siya sa akin kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. "Hmm..."

"Annoying!" sabi ko at hinampas siya ng marahan sa braso niyang matipuno. "Stop saying hmm-hmm."

"It's not a big deal," he told me. "Hmm..."

"Muntanga!" sabi ko at pinakawalan na ang kanina pa na nagpipigil ko na tawa. "Thank you pala dito..." Inilapit ko ang sunflower ng kaunti sakanya. "Very much appreciated. Feeling ko tuloy babae na ulit ako."

He felt proud when I mentioned it. "Is that so? Araw-araw ba kitang kailangan bigyan ng bulaklak para maramdaman mo na babae ka?"

"Stop it!"

Medyo kinikilig na kasi ako. Tama na, Zeus. Prang kailan lang, torn ako sa inyong magkapatid. Ngayon naman bumabawi ka sa akin.

"Hindi naman iyon 'yong point. Kasi matagal na 'yong last relationship ko. And I never got any after that," kwento ko sakanya sabay ipit ng buhok sa tainga ko.

"I see. Bakit kayo nag-break ng last boyfriend mo?"

"Kasi bakla siya," natatawang sambit ko. "Lalaki rin ang gusto niya. Mas bet niya raw ang hotdog kaysa pancake. So ayun, I set him free."

Parang nabulunan ito sa sinabi ko kahit wala naman ngininguya. "Is that a real story?"

"Yeah... Just my luck?" tanong ko sakanya at hindi na inalis ang mata sa naka-side view na mukha ni Zeus.

"Yep. Lucky you." May namayapang katahimikan saglit sa amin. Like he wanted to ask something but couldn't find the courage to start it.

"Your family..." he started afterwards. "Aren't they strict when it comes to dating?"

"H-hindi naman. As long as mahal ako nung tao at maganda iyong intensyon sa akin, boto lang sila. Support lang ng support."

Tumahimik muli si Zeus like he was in a deep thought right now. May nasabi ba akong mali? O may naalala lang siya na hindi maganda? Nagkukumpara ba siya dahil hindi niya makuha ang suporta ng magulang niya sa taong mahal niya at mahal siya? Totoo nga talaga ang kasabihan. We couldn't have it all.

Rolling in the deep. Char.

"Truth or dare," basag ko sa nakakabinging paligid.

Kinagat muna ni Zeus ang ilalim labi niya bago sumagot, "truth."

"You have all the money in the world. You can do what you want. You can easily runaway. Pero bakit sinusunod mo parin ang magulan mo?"

"Hmm..." Nagbuntong-hininga ito at sinulyapan ako ng mabilis. "Because they're my parents. They raised me well and spoiled me not just with material things... But also with unconditional love. Kahit na laging pinapatawag si dad sa guidance back then, hindi siya nagagalit sa akin. He'll only tell me the pros and cons of what I did. And the consequence if it affects other people. But the rest, they're a chill parent. Pwera lang kapag alam nila na ikakasama namin. Like with Vanny."

Ganito pala talaga magpalaki sila Mr. and Mrs. Esqueza. Ine-explain sa bata kung ano ang pagkakamali nila at puwedeng maging dulot no'n sa mga taong nasa paligid mo. Kasi sa'min mahihirap, palo agad ng hanger.

But I didn't get it sa Vanny part. Paano ba kasi naging delikado si Vanny sa buhay ni Zeus? I didn't want to push further question but my curiousity striking again.

"Can I ask one more?"

Umiling na siya. "One question at a time."

Tumahimik na lamang ako. Dahil akam ko naman na wala akong makukuhang sagot kahit pilitin ko pa siya. Zeus is Zeus. He had one word. Napatalon ako nang mag-vibrate ang cellphone nito sa gilid. Mabilis iyon nakuha ni Zeus pero bago pa man, nabasa ko na ang pangalan ng tumatawag. It was Vanny.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nagkunwari na wala akong nakita. Bakit ang awkward sa pakiramdam? Eh, nag-usap na naman kami about this at kung paano ang set-up.

"Uhmm, Alzera. My parent's are back, too, from vacation. And they're waiting for us, kaya kita sinundo."

Nanigas ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Zeus. Nanlalaki ang mata ko siyang tinitigan. Hala! Ano na lamang ang ire-report ko sa tatay at nanay niya kapag tinananong ako? Pakshet. Goodluck to myself.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top