Chapter 15
"What. The. Fuck. Are. You. Doing?"
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Of course, I knew when he was really mad. He was my boss. Alam ko kapag iritado siya at alam ko rin kapag galit siya. Sino bang hindi magagalit sa ginawa ko? I popped up out of nowhere.
I bit my lip. "Z-Zeus, may nakalimutan lang kasi ako sabihin sa'yo that's why I came here..."
Hinila niya ako upang mapaharap sakanya nang tuluyan. Lalong dumiin ang pagkakahawak ni Zeus sa braso ko.
"Paano mo nalaman na andito ako. Huh? Are you a member? Hindi lahat nakakapasok ng basta-basta dito," he pointed out. "Unless... Someone from my family betrayed me."
Nasaan ba kasi si Zoey? Akala ko ba she got my back? Bakit tila multo na naglaho siya kung kailan kailangan ko na siya?!
"N-no one betrayed you!" sagot ko. Napansin ko rin na napahinto ang mga nagluluto at pinapanood ang makapigil paghinga namin komprotansyon. "We're just trying to help you and save you from her. She's no good for you, Zeus."
Mas lalong nagdilim ang kanyang aura at tumawa siya ng mapakla sa kagagahan sinasabi ko. "Who are you to tell me that? When my family only paid you to get stuck with me?"
Napahinto ako sa sinabi niya. Okay, sobra na itong mokong na ito, ha? Masakit na mga sinasabi niya. Kung iyakin lang ako, naluha na ako ngayon. Truth hurts naman kasi talaga. Bakit? Ano bang masama sa nagpabayad ako kung para sa pamilya ko rin naman ito kaya ko ginagawa ito. Sabihin na natin, oo, para rin naman sa akin ngunit slight lang naman. Hindi ako ganoon ka-selfish.
"Mapanakit kana, ha," sabi ko sakanya. "Ikaw lang naman inaalala nila tapos ikaw pa ang galit diyan!" pagdadahilan ko. "Paano kapag may nangyari sa'yo? Lahat sila nag-aalala sa'yo, Zeus."
"You saw her?" Inilapit niya pa ako nang tuluyan sakanya. His gorgeous mad eyes staring at me. "Does she looks like a threat to you?"
Napatikom ako ng bibig dahil hindi naman talaga. Mas mukha pa nga akong manloloob ng bahay kaysa sa babaeng iyon. She seemed harmless, too. Now I'm hating myself as to why I'm acting this way.
"H-hindi... Pero---"
"Just go home, Alzera," bulong niya sa akin. "Pinagbigyan ko ang mga magulang ko sa gusto nila but it doesn't mean I can't do what I want. If you really care for me like what you're saying, you'll let me be with her tonight."
Para naman akong sinampal ng katotohanan. Labas na labas ang katotohanan na pinipilit ko ang sarili ko sa taong hindi naman ako bet.
"O-okay," pumiyok ang boses ko.
Hindi ko narin nahanap ang lakas ng loob ko kanina na magpunta dito. Ang sabi naman kasi ni Zoey siya ang bahala sa lahat. Pero wala sa plano ko na makipag-usap sa kapatid niya ng seryoso.
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita niyang nangingilid ang luha ko sa mata. Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla akong nahiya sa nagawa ko.
"Let's talk tomorrow," he said like a businessman. "Go home now. Call Zeno para sunduin ka dito."
"Okay, pasensya na, Zeus..."
Pagkatapos noon'y tunalikod na ako at nagtatakbo palabas ng building. Ni hindi ko magawang tingnan ang mga taong lumiligon sa akin dahil sa nagawa kong katangahan. I thought I'm smart enough but then he made me do irrational decision. Nakakabobong tunay nga talaga kapag nandito sa ganitong sitwasyon. Wala kang magawa kundi ngumawa nalang hanggang sa mawala ang sakit na iyong nadarama.
_____
"Bakla! Ang sakit-sakit padin sa ikabuturan ng aking kalooban!"
Ilan araw na ata akong nag-iinom pagkatapos ng trabaho. I tried my best not to have any contact with Zeus. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya hindi rin ako nage-effort na makipag komunikasyon sakanya. While Zoey that night, she said she bumped to someone she didn't expect, kailangan niya lang talagang i-confront iyong tao kaya bigla siya nawala. And Zeno... He changed like seasons... Bigla nalang siya nawala na parang bula at hindi rin nagpapakita ng ilan araw.
Ininom ni Daniela ang alak na nasa harap namin. Sukang-suka na siya sa page-emote ko ng ilan gabi sakanya. Pasigaw itong nakikipag-usap sa akin dahil nadin sa lakas ng tugtog ng banda sa likuran namin.
"Bakla! Basta lagi mo lang tandaan kaya ka andyan sa sitwasyon na 'yan dahil kasalanan mo rin!"
"Gagang 'to!"
Sinabunutan ko siya nang marahan. Tumawa naman ang bakla sa reaksyon ko. Susuko na ata ang mga liver namin sa kakainom gabi-gabi.
"Joke lang, bakla! Ilan ulit ko bang sasabihin kasi sa'yo, na dapat chill kalang kay Papa Zeus. Dahil ang mga ganyan lalaki kapag binibigyan mo lalo ng atensyon mas lalo lang silang lalayo sa'yo."
"Hindi naman iyon ang iniiyak ko. Nasaktan lang ako kasi napahiya ako! Tapos hanggang ngayon, parang hindi na niya ako kilala... Is this the end of my contract with them?" tanong ko at tumungga ulit ng napakadaming alak.
"Bakla, this is the end of our session. Sasabog na atay ko sa kakainom natin at ikaw lang naman ang nalalasing!" Sinamaan ko siya ng tingin. "But on the other hand, just give him time to process. Gaya nga nasabi ko, kung hindi epektibo ang pagbabagong anyo mo sakanya. Then... It's time to give him what he wants. Suportahan mo si Papa Zeus, kunin mo ang loob hangga't ikaw na ang nasasabihan ng problema niya."
"Sa mga pocketbook lang nangyayari ang mga ganyan, bakla! Magsasayang nanaman ba ako ng oras para makuha ang loob niya?"
Binuksan ko muli ang isang bote ng alak at saka tinungga. Buti na lamang, wala pa sila Ma'am Iris at Sir. Zach, kung hindi, pag nalaman nila ang mga nagyari baka bawiin nila ang napag-usapan namin.
"Excalty, baklang 'to! It takes time... Ganyan talaga kapag sumusugal ka, 'di ba? Minsan talo, minsan winner! Pero atleast, you tried!"
Gegewang-gewang nanaman akong umuwi ng bahay nila Zeus. Buti na lamang nauso ang grab ngayon dahil nahahatid ako nito hanggang dito. I tried my best para hindi nila mahalata na lasing ako. Nakakahiya naman kasi kapag nalaman nila na lasenggera talaga ako sa totoong buhay.
As much as possible, mahina ang hakbang ng mga paa ko. Pati narin ang pagbukas ko ng pinto ay dahan-dahan din. As usual, tahimik na sa bahay ng mga Esqueza dahil may kanya-kanyang pinagkakabusyhan ang mga tao dito.
Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto ko agad ko itong binuksan at sinara ng marahan. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil mas gusto ko umiyak sa dilim.
Isa-isa kong hinubad ang suot ko na office uniform. Sinipa ko papasok sa kama ang sapatos. Ibinaba ko ang aking palda. I unbutton my polo shirt and threw it elsewhere.
Dumiretso na ako ng hilata sa kama. Wala na naman akong gustong gawin pagkatapos mag-inom kundi umiyak at isipin ang lahat ng mali na nagawa ko. I untied my hair at ginulo-gulo ito kaya ng pagiging magulo ng utak ko nitong nakaraan araw.
Nanigas ako dahil sa hangin na pumapasok mula sa terasa. Humahangin ang kurtina na nakasabit dito. Kahit nahihilo, tumayo ako and immediately look for the switch. Dahil ganito katanga iyon napapanood ko sa horror movie, hindi nagbubukas ng ilaw kahit na may killer na umaaligid sa bahay nila.
When the light turned on. Tila naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang bumungad sa akin ang nakaupo na si Zeus Esqueza sa swivel chair sa tapat ng study table. Natulala ito sa halos hubad ko na katawan at nang yakapin ko ang sarili ko agad siyang nag-iwas ng tingin at namula ng bahagya.
"Pakshet. Anong ginagawa mo dito, Zeus? Ang creepy!" tanong ko sabay talon sa kama at ginawang pangtakip ang kumot.
"Why are you undressing like that when our room's conncected?" maang na tanong nito at nakayuko parin.
"Why are you entering this room like that, puwede naman kumatok muna!" suway ko sakanya at hinila pa lalo ang kumot hanggang leeg ko.
Hindi naman sa hindi ako sanay na may makakita sa akin na naka bra at underwear lang. Kasi iba ito, eh, it was no other than Zeus Esqueza. Ilan gabi ko na siya iiyakan tapos makikita niya ako ng ganito? What?
"Ilan gabi kana kasing lasing. I'm a little concern," he said.
Tumayo ito at kumuha ng damit mula sa drawer sa gilid. Hinagis niya iyon sa direksyon ko nang hindi ginagalaw ang ulo.
"Concern your face," sabi ko sakanya at inabot ang pajama at t-shirt na binigay niya. Nagtalukbong ako ng kumot at doon nagsimula magbihis. "It's none of your business naman, 'di ba? As long as hindi ako nale-late sa work, we're good."
"My dad and mom wouldn't be please if they hear about this. I don't want to get in trouble."
Sinipa ko ang kumot pagkatapos magbihis. I stood up and faced him. Bumalik ang confidence ko at nawala na ang hiya ko dahil natakpan ko nanaman ulit ng damit ang katawan ko. Nakataas ang kilay ko sakanya na tila ba jina-judge siya sa sinabi niya.
"But are you please?" balik-tanong ko sakanya.
"Me neither."
Napalunok ako dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at tuluyan isinara ang pintuan sa terasa.
"So... Bakit ka andito? After ilan araw lang saka mo naisipan mag-alala sa akin?" pag-usisa ko.
Huminga ito ng malalim. "How about you sit here first? So we can talk."
Napasunod agad ako sa manly na boses niya. I sat at the bed, facing him. Zeus crossed his arms at pinagulong ang upuan papalapit sa akin. Hinarang ko agad ang paa ko sa tuhod niya bago pa siya tuluyan dumikit sa kinauupuan ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. I mimicked it. "Ano?" hamon ko sa mapanuya niyang tingin.
"Careful though, baka iba madampian ng paa mo."
Mabilis kong binawi ang paa ko sa tuhod niya. I behaved like an adult. Baka nga madaplusan ko pa ang alaga niya. Mahirap na. Baka magalit.
"Bakit kaba kasi andito? Aside sa concern-concern na sinasabi mo?" may pagtatampo parin na tanong ko.
"Vanny's back," he started.
"And so? Wala nabang bago?" pang-aasar ko. As if naman masasaktan ako sa sinasabi niya. As if naman, mapapaatras niya ako dahil 'she's back'.
"I love her, Alzera," malumanay na page-explain nito. "And I'll do anything to be with her. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit pineke niya ang pagkamatay niya but I love her enough to trust her."
"And so do I, Zeus," sagot ko. "I love myself. At kung feeling mo ngayon, aatras ako sa laban na sinimulan ko, I wouldn't."
"I know. . ." he trailed off, mukhang may nagbago na sa pananalita niya.
I didn't expect him to be this calm. Ang na-imagine ko na pag-uusap namin ay sigawan at awayan. Hindi ganito. Mas nakakatakot kapag ganito siya kakalma kausap.
"I'm still willing to marry you. But, we can get a divorce afterwards when Vanny and I are both settled."
I tried to calm my beating heart. Nabibingi ako sa salitang binibitawan niya. Okay. I get it, hindi naman talaga pang forever itong relasyon ko kay Zeus. His parents wanted me to show his emotions and now here he is. Ito na ba ang katapusan ko? Did we reach the end now? Sobrang bilis naman... Hindi pa ako handa.
Maybe, I'll just go with the flow. Kung saan nalang ako mapadpad ng desisyon nila sa akin, doon ako.
"I'm willing to do anything you want, just to keep it a secret. 'Yong sa amin ni Vanny..."
Nanlaki ang mata ko. "Sa tingin mo ba hindi malalaman ng magulang mo iyan, Zeus? Your brother and sister knew about it. Hindi naman sila ganoon katanga para hindi sabihin kay Mr. and Mrs. Esqueza."
"They won't. Nakausap ko na sila... I told them to give me time. We got each other's back, Alzera. Hindi nila ako ilalaglag lalo na't ikapapahamak ko." Tumayo si Zeus at isinukbit ang kamay sa bulsa ng pajama na suot. He started pacing back and forth.
"At ako? Paano ako? Saan kangkungan ako pupulutin kapag nalaman ng mga magulang mo na nagsisinungaling ako?" kinakabahan na tanong ko.
"I got you. Ako ang sasalo ng galit nila if that day comes... I think they alreay have an idea na nagbalik na si Vanny. Dad already assigned one bodyguard to follow me around."
Pakshet. Seryoso ba siya? Ganoon ba talaga kadelikado si Vanny kaya ayaw na ayaw ni Mr. Esqueza dito?
"Hindi na ako magiging masungit sa'yo, kung anong gusto mo, susundin ko. Basta makisama kalang sa plano ko. That's all I'm asking, Alzera."
Tumigil sa paglalakad si Zeus sa harap ko. Nakatingala ako sa seryoso niyang mukha. Grabeng swerte naman ng Vanny na iyon. Zeus was really a wholepackage kind of guy. Ang ganda ng mata, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi and plus, he's still in his youth... Ang mga lalaking katulad niya ay naglalaronpa sa pag-ibig. But here he was now, loyal and crazily inlove with someone. Sana all, 'di ba?
Kahit masakit. Kahit mahirap. Kahit nakakaapak nanaman sa pagkatao. I would agree to this. Pero hindi ko mapapangako na hindi mahuhulog sakanya. Tama nga ang sinabi ni Daniela, kailangan kong kunin ang loob niya para bandang huli, ako ang magwawagi sa problemang pinasok ko.
"S-sige, mabilis naman ako kausap. Sabihan mo lang ako kung anong dapat kong gawin, susunod ako. But. Isang malaking BUT, Zeus. Sa public, ako ang fiance mo. So act like one. Para ma-enjoy ko naman itong arrangement na ginawa ng magulang mo kahit papaano."
For the first in forever, ngumiti siya sa akin na walang halong inis. Walang halong galit. He puts his thumb up at marahan niya akong itinayo.
He gave me a soft hug na nagpalambot ng tuhod ko. Dahil nadin sa amoy papi niyang perfume at sa sobrang lapit ko sakanya ngayon.
"We can be good friends, Alzera," he said.
"Yes, Zeus Esqueza. We will."
But at the back of my mind there were scenarios waiting to happen. Just watch and learn, Zeus. Kung hindi kita makuha sa santong paspasan. Sige, babagalan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top