Chapter 13


Hi guys! Sorry for not updating. I've been super tamad these days. Haha. Anyway, follow me here for more hanash to life:

twitter: yanayanaxxx - fb: Yana Esqueza - IG: xmissygrayx


____


"Oh, tapos? Bakit kailangan mo pa sabihin sa'kin? Ano gagawin ko? Ako ba pumatay sakanya dati? Kailangan isasampal mo sa'kin 'yong katotohanan na bumalik na siya? Bakit feeling mo ba magwawala ako dito at hahabulin kita? Kasi bakit? Ako 'yong nakatalaga sa'yo para pakasalan ka? Kasalanan ko ba na wala kang emosyon dahil sa pagkawala niya? Kasalanan ko ba lahat? Maka-she's alive, she's alive ka sa'kin akala mo naman apektado ako sa pagbabalikan niyo?" deretsong-deretso ang mata ko na nakatingin sakanya.

Anong akala nito ni Zeus? Papaapekto ako sa kanila ng jowa niya? As if naman, bes, masakit pero kaya ko ito! Hindi ko ipapakita na apektado ako sakanila. Hindi sila kawalan. Saka magandang babae ako. Kayang-kaya ko maghanap ng lalaki na papakasalan ako at magmamahal sa'kin ng totoo kahit hindi na kasing yaman niya.

Nakunot ang noo ni Zeus at hindi makasagot sa sinabi. 

"Ano, Zeus? Natameme ka dyan? Akala mo luluhod ako sa'yo at iiyak? Ay, asa! I'm not like the other girls... I'm different," taas-noong saad ko sakanya.

"I just want to let you know, so you won't be shock if one day, you see us together. And please, don't tell mom and dad as we are trying to fix things first."

Napaatras ang ulo ko. "Tapos inuutusan mo pa ako na h'wag sabihin? Sino ba boss ko rito? Nako, Zeus, arranged marriage tayo, ha? Pero hindi ako marunong magsinungaling. Kaya h'wag mo ako dinadamay dyan sa kalokohan mo. Kasi in the first place, sampid lang ako dito. Baka mapagalitan pa ako ng magulang mo kaya ayoko nga."

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. His face was pleading and serious. Hindi ako magsisinungaling, ito ang first time na magmakaawa siya sa'kin ng ganyan. Sobra bang importante ng pagkakabuhay ng girlfriend niya kaya nagmamakaawa siya sa'kin ng ganito?

"Please, Alzera, this means alot to me. Please, do me a favor, please," he said again and again. "I'll do what you want. But please, h'wag mong sabihin sa magulang ko."

Parang tanga rin si Zeus Esqueza. As if naman din masabi ko sa magulang niya, eh nasa bakasyon nga sila. Saka kung may choice ako between to tell them the truth or not. I would tell them the freaking truth dahil hindi ako papayag na iwan na parang isang basura na pagkatapos gamitin ay itatapon na lang!

"K, sige," pagmamatigas ko. Pilit ko tinatago ang totoong emosyon ko sakanya. Ayokong makita niya na apektado ako sa sinasabi niya. "Wala naman ako magagawa, hindi ko naman mababalik sa kamatayan 'yan. So go na. Another proposal has been made. What a good night, isn't it?"

"Alzera, thank you. I'll explain everything to you. I'm sorry for dragging you." Mas diniinan niya ang hawak sa kamay ko.

Hinila ko naman na 'yon. Once was enough. But two touch were freaking too much. I wouldn't let him to touch me like that easily. Hindi ako mababang babae.

"Just go," seryosong sabi ko pero deep inside, umiikot na mata ko sa likod ng utak ko.

Nakakagigil na gabi! Bakit nagkaganito?! I feel so used! Bakit?! Bakit?! Agad na tumalikod si Zeus sa'kin at iniwan ako na may tumutulo na luha mula sa mumunti kong mata. I didn't love him but nasaktan ako at ang pagkababae ko. Sa unang pagkakataon na kwestyon ko ang sarili ko.

Panget ba ako?


__


Pagkatapos n'on, buti na lang at lumabas si Zeno ng kwarto. Naabutan niya ako sa sala na tulala habang nanonood ng balita. Walang ni-isa sa mga katulong nila ang gusto kumausap sa'kin dahil para akong baliw ngayon na nagsasalita mag-isa.

Pinakita niya ang picture ni Zeus at ang girlfriend nito na si Vanny at napa-oo na lang ako sa tanong ko kanina. Panget nga ako kung iko-compare sakanya. Kaya pala tuwang-tuwa si Zeus sa pagbabalik niya dahil mukhang model si ate girl mo. Ang haba ng biyas at makinis ito sa picture. Walang wala ang pagiging bessy ko sakanya.

"I don't know but dad is super against her. Alam kong kwento lang 'yong magulang ni Vanny, kaaway nila mom and dad dati. It may sound so mean but Zoey told me, na may lahi silang baliw." kwento ni Zeno sa tabi ko.

Tumango ako sa sinabi niya. "Hindi ko lang ma-gets, kung buhay pala siya bakit kailangan nila ako ipakasal kay Zeus, dahil lang ba talaga sa emosyon?"

"Hindi ko rin alam, Alzera. Pwede rin isa 'yan sa rason nila o pwede rin ayaw na nila ipakasal si Zeus kay Vanny. You know my dad, he's very controlling when it comes to this family. Sobrang protective niya rin," Zeno said, ibinaba na nito ang cellphone na hawak kanina.

Kinuha ni Zeno ang chips na pinakuha ko sa imbakan nila na kinuha ng yaya niya sa stock room nila para sa'kin. He was sitting pretty and chilled like nothing big was about to happen. Anyway, ano nga ba ang papel ni Zeno dito? Alam ko pinoprotektahan niya lang ang Kuya niya kaya siya lumalapit sa'kin.

Huminga ako ng malalim. Napatingin si Zeno sa'kin. Kung makatingin ang loko akala mo wala kaming ginawang kababalaghan kanina, ano po? 

"Yes, Alzera? Anything you want to ask?"

Humarap na ako ng tuluyan sakanya. Ngumunguya parin ito. "Hinalikan mo ba ako kanina para mapawi ang atensyon ko sayo o dahil sa may gusto ka sa'kin? Totoo o hindi?"

Ngumisi si Zeno na labas ang dimple. I liked him though. Kasi mabait si Zeno, eh, mahilig siya magbigay ng burger dati sa office. Isa akong babae na food digger, eh, bigyan mo lang ako ng pagkain, mapapasunod mo na ako. 

"How about you guess it first?" sabi nito at sinubo ang isang malaking chip sa bibig.

Umirap ako sakanya. "I'm so used to kissing someone. Duh, Zeno, hindi ako marupok na babae." pagsisinungaling ko sakanya. "Kung wala lang sa'yo 'yong kiss na 'yon, wala lang din sa'kin. 'Di ba? Sanay karin naman siguro sa ganoon kasi nag-a-abroad ka. Liberated sila roon."

"Yeah, yeah, yeah," he agreed. "But I like you. I truly do. Walang halong utos ng kapatid ko. I don't know, I've never been attractive with someone before, dahil din siguro sa pag-focus ko sa pag-aaral o wala lang talaga pumapasa sa standard ko. But after knowing you, I like you, Alzera. Wala kang arte sa katawan. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko."

Napaatras ako sa sinabi niya. Aba, magaling, Zeno Esqueza. That line though 'Iba ka sa babaeng nakilala ko' na-overused na ata ng mga hinayupak na lalake 'yan, eh. Wala na bang iba?

"Weh? Mga banatan mo, ha? Magkaiba talaga kayo ng kapatid mo. Ikaw, chill-chill ka lang tapos siya halos seryoso sa lahat ng bagay."

"I was born this way." He winked. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "And about Zeus? Oh, Alzera, you don't know him when he become playful, you won't like it, he's different."

"Wala na akong pakialam sa kuya mo," sabi ko sakanya at kinuha ang chips na hawak niya. "Hindi lang siya ang lalaki sa mundo noh. Hindi naman maguguho itong sa'kin kapag nawala siya. Isang malaking A.S.A., Zeus Esqueza."

He eyed me suspiciously. Binato ko sakanya 'yong chips na hawak ko. Nahulog ang iba nito. Agad tumayo si Zeno para pagpagan ang damit niya. Ako na ngayon ang nakatingin sakanya na may pagdududa sa mata.

"Gwapo mo," sabi ko. "Pero bakla kaba Zeno?"

Nanlaki agad ang mata nito sa sinabi ko. "Do I look like gay to you?"

He actually sound offended. Ito ang moment na wala akong pakialam sa mga nasasabi ko. Ganito ako minsan kapag may galit akong nararamdaman. May natatanong ako na hindi ko dapat tinatanong.

"No, not gay. Just bisexual."

"What the fuck?" gulat na gulat na tanong nito sa'kin. Seryoso parin ako na nakatingin sakanya. "After I kissed you? You still think I'm bisexual?"

"Hindi naman kita idya-judge, friend."

"You're being funny," he told me.

"Yeah, I'm funny." I chuckled when he said that. Nag-adjust ako ng upo para lumayo sakanya. 

Natatawa na ako sa sinabi ko. Sino magtatanong kay Zeno Esqueza ng ganito? Ako lang naman, 'di ba? He was like the perfect/chill guy in my mind. Well, halos lahat naman ng mga Esqueza perfect ang itsura. Pero siya... May pagka-playboy. So bakit ko nga ulit siya tinanong ng ganito? Kasi, wala lang. Gusto ko lang mang-asar.

Tumayo na ako bago pa siya mainis sa'kin ng tuluyan pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin papalapit sakanya. Tinadtad ko ang natitirang chips sa bibig ko. He was too close again, too close... I'm losing my senses. 

"Why do you think I'm bisexual?" he asked me seriously. Nakatingin na seryoso ang mata niya sa'kin. Hindi ko magawang bumitaw ng tingin. Shit. Ano bang nagawa ko?

"Because you're too gentle for me..." mahinang tugon ko.

Bumaba ang hawak ni Zeno sa bewang ko at mas lalong inilapit sakanya. "Oh, you like it rough, baby?" 

Ang isang kamay naman niya ay dumako papuntang braso ko at umakyat sa balikat ko habang makarating ito sa leeg ko at nahawakan na ng tuluyan ang mukha ko. Napalunok ako sa init ng hawak niya. Am I being unreasonable again? Dahil ba ito kay Zeus kaya ko nagagawa ito?

"It depends...in the situation," Hinahabol na paghinga na sagot ko.

He locked his both hands to each side of my face. Sobrang dilim ng pagkakatingin niya sa'kin. Sobrang nakakapanghina. Sobrang nakaka... shit. Naiihi ako sa ginagawa niya. Ang lapit-lapit na ng mukha niya sa'kin. Nakalimutan ko nanaman huminga.

He then whispered like a moan to my ear. "Alzera baby... All you have to do is ask."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top