Chapter 12
Guys, Alzera po name niya :D tapos #Alzeno or #Alzeus 'yung loveteam name nila. Hahaha charot! :p
___
Alam ko na mukha na akong pokpok sa ginawa ko, that's the problem with me. I make compulsive decision. Lalo na kapag kinakain ako ng galit ko. Bwisit kasi na Zeus Esqueza 'yan! Napakagaling magpaasa ng nilalang! Naramdaman ko ang paglalim ng halik sa'kin ni Zeno. He too, didn't back out. Nagulat siya pero hindi niya ako tinulak para tigilan namin dalawa ang kalokohan ito.
Kung si Zeus kanina, he tasted like mint and fresh candies. Si Zeno naman, he tasted like chocolates... sweet. Juskopo. Baka ipalibing ako nila Mr. and Mrs. Esqueza kapag nalaman nila itong pinaggagawa ko sa dalawang anak nila.
Pero alam niyo ang good news dito? Pareho silang magaling humalik. Ano ba ito? Nagpa-practice ba ang mga Esqueza sa paghalik kaya napapalambot nila ang tuhod ko? Idinantay ni Zeno ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko.
God... He's so gentle... Hindi gaya ng kuya niya na harsh pa sa harsh ang mga galawan. Nakalimutan ko na ata humalik dahil ninanamnam ko na lang ang mga labi niya na gumagalaw sa'kin.
Shit... Sana pala binuksan ko 'yong ilaw para nakikita ko ang reaksyon niya. Tanging ang pagtatama lang ng bibig namin ang naririnig ko ngayon. Tinulak ko siya ng marahan ng makaramdam na ako ng pagkahilo sa ginagawa ni Zeno.
"Wait, jusko po! I'm sorry!" sabi ko agad nang lumayo siya ng marahan sa'kin. I could sense his smile kahit madilim.
"You don't have to say sorry about it, especially if you enjoyed it, right?" Bumaba ang hawak nito sa gilid ng mukha ko. He's caressing it, mas lalo akong nanghihina sa ginagawa niya.
Shit. Zeno Esqueza! Bakit ka ganyan? Parang alam na alam mo ang ang dapat gawin? Hindi pwede! Malilintikan ako kapag nangyari 'yon. Isang malaking world war ito. Baka ipalibing ako ng buhay ng mga magulang nila.
"Mali ito, Zeno. Jusko talaga. Sorry! Nadala lang ako!" Lumayo na ako ng tuluyan sakanya at nagpalakad-lakad sa office ni Zeus. Shit talaga. Ang kapal ng pagmumukha ko, sa office pa mismo ng kapatid niya kami naghalikan.
Binuksan ko 'yong ilaw na makalapit ako sa switch. Baka ano pa mangyari sa amin sa dilim. Pero bes, very wrong move. Dahil nakita ko ng maliwanag ang mukha niya, walang halong konsensya sa ekspresyon nito. He did really enjoy it, too...
Napasabunot ako sa buhok ko. Mababaliw na ata ako!
"Alzera, hey..." palapit siya sa'kin nang itaas ko agad ang kamay ko para pigilan siya.
"Hey you too, wait. Dyan ka lang, bawal ka lumapit. Huhuhu!" Zeno stopped moving. "Mali kasi talaga, baka mapatay ako ng magulang niyo sa kalandian ito..."
"Hell. No," nagulat ako sa sagot nito. "If you want me, there's no problem with that. Kailangan lang natin sabihin kay Zeus na ayaw mo na magpakasal sakanya para hindi na siya matali sa'yo."
Napakunot ako ng noo. "What do you mean? Papayag si Zeus kapag sinabi ko na hinalikan ko 'yong kapatid niya?"
"It's obvious. Hindi ka niya gusto, Alzera. I'm saving you from this nightmare. Hindi mo rin kailangan sundin ang gusto ng magulang ko. Let yourself be happy, come on."
"Wait... Kasi may deal kami ng magulang mo, future ng pamilya ko ang nakasalalay rito," pag-e-explain ko. "Saka Zeno, hindi kaba nandidiri sa'kin? Jusko! Feeling ko ang baba kong babae!"
"No, you're not." Hahakbang na sana ulit ito ng lakad nang pigilan ko siya. "Okay, let's talk about it first. Clearly, walang gusto sa'yo si Zeus... And also, he wanted you out of the way. Ganito na lang, you have to get along with Zeus and you infront of my parents, pero tayo ang mag-de-date. How about that?" ngising tanong niya sa'kin.
Nagugugluhan ako sa sinasabi niya. Kasi naman, bakit nila ginagawa ito? Anong gusto nila sa buhay? Thrill? And Zeus Esqueza... May proposal pa siya na sinasabi sa'kin kanina, tapos ngayon ganito? Hindi ko ma-gets kung paano siya mag-isip!
"What games you are playing? Obviously, pinaglalaruan niyo ang utak ko. Kayo talaga mga Esqueza, iba mag-isip!" reklamo ko, alam kong halatang-halata parin ang pag-aalala sa mukha ko.
"Come on, wala naman mawawala sa'yo, Alzera. Choose me instead of Zeus, I promise, I'll make you happy more than anyone else."
Nakakunot ang noo ko. Naging slow na ang pag-iisip ng utak ko. Hindi kasi pumapasok sa'kin kung bakit niya ito ginagawa. Saka... Gosh. Ano oras lang ang pagitan nagbabago agad ang isip ko? Sabagay, ganon kabilis magbago ang isip ko at ganoon din ako kabilis magdesisyon sa buhay ko.
"Hindi ko alam..." I answered honestly. "Naguguluhan ako... Parang ang baba kong babae."
"You're not, Alzera, trust me," he said. "Ano bang gusto mong gawin ko para mapatunayan sa'yo na hindi talaga?"
"I don't know... May mali kasi sa set up. Parang nagpalit lang ako ng damit tapos kung ano ang nasa harap ko, iyon ang sinusuot ko."
"Then make up your mind," kinakagat ni Zeno ang labi niya. Shit. Nangaakit ba siya sa lagay na 'yan? Shit talaga. I'm weak, bes. Stop. "Or... Bibigyan kita ng oras para mag-isip, hindi mo ako kailangan sagutin ngayon."
"Yan... Mas bet ko 'yan," pag-a-agree ko na may halong takot.
Ngumiti si Zeno sa'kin, lumalabas ang dimple niya sa pisngi. Shit. "But first, let's get you out here. I'll take you home, gaya ng sinabi ni Kuya sa'kin, take a rest and think of it," dagdag pa niya. "No rush, Alzera baby. No rush."
___
Nagpagulong-gulong na ako dito sa kama pero tangina. Hindi talaga matahimik ang pag-iisip ko sa pangbubulabog ng magkapatid sa'kin. Shit. Bakit ko ba hinayaan na maging ganitong klaseng babae ako ulit? Bakit, self, bakit?
Napatingin ako sa kisame. Hindi ko parin makuha ang kasagutan sa tanong ko. Hindi ko parin mapakalma ang sarili ko. Alam mo 'yon? Kahit na sinasabi ko na mali ito, 'yong adrenaline rush sa katawan ko buhay na buhay sa pagdaloy.
Shitness overload. Tinalikuran ko na ang pagiging ganito klaseng babae simula nung nagtrabaho ako, eh. Career goal oriented na dapat ako. Ayon lang dapat ang nasa isip ko, pero ang hirap pala. Kapag ilan taon kana hindi nakakalasap ng atensyon... Jusko. Bakit ngayon pa kayo lumalapit. Bakit? Nasa lahi ko pa man din ang pagiging ganito... Magpapatalo nanaman ba ako?
Tumayo ako bigla ng kama at lumabas sa terrace. Nagbabakasakali ako na nasa labas si Zeus, dahil hindi talaga ako titigil sa pag-iisip hangga't hindi ko siya nakakausap. Pero shit, wala siya, nakapatay na ang ilaw ng kwarto niya. Tulog na ba siya?
Pumasok ulit ako sa kwarto at sinara ang pinto nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Sa kusina na lang ako, baka maabutan ko pa si Zoey roon, kailangan ko ng kausap. Sakto naman, pagkalabas ko nang may lumabas din mula sa kwarto ni Zeus.
It's him, Zeus Esqueza. He's wearing jeans and a black t-shirt, and also a black cap. Pareho kami may ekpresyon na pagkagulat sa mukha. Hindi ko rin inaasahan na gising pa siya at mas lalong hindi ko inaasahan na mukhang aalis siya.
"Hoy, saan punta mo?" Inirapan niya lang ako at ni-lock ang pinto ng kwarto niya. Lumapit ako sakanya. "Pagkatapos mo ako bigyan ng proposal, iwan at... at..." napapalunok ako. "Halikan kanina, hindi mo ako kakausapin? Ano ka, highschool?" naiinis na tanong ko.
He looked at me, annoyed. "Something came up awhile ago. Kaya inutusan ko si Zeno na sunduin ka. Pasalamat ka nga, pinasundo pa kita."
"Malamang, dong!" galit na sigaw ko. "Kung hindi mo ako pinasundo, malamang, ganitong oras andoon padin ako!"
Kumunot ang noo ni Zeus. "Tanga ka ba? Bakit ka maghihintay kung wala naman dadating?"
"Mas tanga ka. Kasi sabi mo maghintay ako tapos hindi ka naman pala dadating. 'Yong logic mo pang-tanga!" inis na sabi ko sakanya. "So, saan kana pupunta niyan? Gabing-gabi may lakad ka?" Naalala ko bigla 'yong sinabi niya sa'kin kanina about sa bar na pinupuntahan niya.
"It's none of your business," he said irritatingly. "Nag-usap na ba kayo ni Zeno? He told you, right? I don't even like you so stay away from me."
Napahinto ako ng mga one second lang naman at bumalik ang katarayan ko. "So, nag-usap din kayo ni Zeno tungkol sa'kin? Hoy, teka, anong trip niyong magkapatid at pinaglalaruan niyo ako? Gago ba kayo?" nanlalaki na mata na sabi ko sakanya. "Akala niyo papabilog ako sa inyo porket nahalikan niyo ako pareho---"
He looked shock.
I looked like I'd seen a ghost.
He blinked.
I bit my lip.
"You and Zeno, huh?" Hindi makapaniwalang saad nito. "That was fast... Akala ko ba iba ka?"
"It's not like that!" depensa ko agad sa sarili ko. "Kaya nga gusto kita makita dahil gusto kita makausap sa kung ano ba talaga ang putanginang gusto mo mangyari. You're pushing and pulling me down to you but I don't know what I want!"
Shit. Kanta 'yan. Sana hindi niya mahalata. Nakakainis naman kasi na ugali 'yan, I wanted to talk to him to clear everything out. Para narin matigil ang pag-iisip ko, gusto niya ba ako o hindi? May tinatago ba siya kaya ganito?
He was taken aback. "That's bullshit. Sinusubukan lang kita kung mahuhulog ka sa patibong ko. Hindi ko naman alam na mabilis ka mahulog sa mga pangbobola sa'yo."
"Hayop ka." Hindi ko na napigilan sabihin.
"A what?" Gulat nanaman na tanong niya.
"You're an animal! Akala mo ba madali na pakisamahan ka? No, you're not! Ilan buwan ako nagtitiis sa ugali mong pabago-bago tapos ngayon sasabihin mo sa'kin pinaglalaruan mo ako? Sige, Zeus. Mag-usap tayo ng matino, gusto mo ba ituloy 'to o hindi?" hamon ko sakanya at nag-cross arms ako.
"In the first place, Alzera. It's never my idea, this whole arranged marriage. You shouldn't have agree with it." Lumapit siya sa'kin at napaatras ako ng bahagya. "Secondly, you agree too for the benefits but little did you know, it comes with conflicts. So here it is, Alzera. Enjoy the fucking part of it."
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tinulak ko siya nang mukhang iko-corner niya ako sa pinto. I couldn't risk to be near him. It's too dangerous.
"My girlfriend ten years ago, who I thought died... is now alive. That's why I didn't want you in the picture anymore."
Nawindang. Nangatog. Nanlumo. Nasaktan. Nanlamig. Nagulat. Ayan ang reaksyon ko... Na-speechless ako sa sinabi niya. Pero... Shit. Pero, paano nangyari 'yon? Napatingin ako kay Zeus, hindi ko parin mahanap ang boses ko.
"Again, you heard it right. The love of my life is back. She's back."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top