KathReid 4

Nang magsawa kalalangoy ay parehas nakaramdam ng gutom ang dalawa. May perang dala si James pero hindi rin niya magagamit iyon dahil wala naman silang nakikitang tindahan kanina pa.

Naglakad sila nang naglakad hanggang sa makahanap ng isang kubo. Masuwerte nilang nakilala ang nag-iisang nakatira roon na si Aling Melinda na nagpakain sa kanila ng mainit na kanin na pinaresan ng native na ginataang manok.

"Saan ba kayo galing na mag-asawa at kayo ay napadpad sa aming kabukiran?"

Kapwa napatigil ang dalawa sa pagnguya. Si James pa nga ay muntik nang mabulunan.

"Hindi po kami mag-"

Naantala ang pagsasalita ni Kathryn nang muling magsalita ang ginang. "Bagay na bagay kayong dalawa. Paniguradong guwapo at magaganda ang magiging mga anak ninyo."

Nahihiyang nagsulyapan lamang ng tingin sina Kathryn at James. Lingid sa alam nila ay kapwa namumula ang kanilang mga pisngi dahil sa tinuran ng ginang.

Tirik pa rin ang araw nang mapagpasyahan nilang bumalik na sa set. Kinagabihan ay tinapos na nga nila ang pag-shoot ng commercial.

Ilang linggo matapos ang araw na iyon ay nai-release na ang TV Ad. Marami ang natuwa sa chemistry ng dalawa. Kakaiba raw ang kanilang palitan ng ngiti at tinginan.

Naging matunog ang kanilang tambalan kaya marami ang nag-demand ng projects para sa dalawa. Dumami rin ang fans nila na kung tawagin ay KathReid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top