KathReid 3

Nagningning ang mga mata ni Kathryn nang marating nila ni James ang isang ilog.

"Tara, ligo tayo!" Sabik na tinanggal ng dalaga ang puyod kaya humampas ang bagsak nitong buhok sa kaniyang mga balikat.

"Excited na ak—"

"Sandali." Napatingin si Kathryn sa kamay ni James na pumigil sa isa niyang braso. Mayamaya ay unti-unting umakyat ang mga mata niya patungo sa mukha ng binata kaya ngayo’y magkasalubong na ang kanilang mga mata.

Nang bumalik ang daloy ng isip ng binata ay unti-unti niyang ikinalas ang kamay sa braso ng dalaga.

"Tuso ang ilog sabi ng lolo at lola ko. Kailangan nating maging maingat. May mga bahagi itong nagkukunwaring mababaw pero malalim pala." Inalis ni James ang fitted na t-shirt kaya lumuwa ang nagsusumigaw nitong kagandahan ng katawan.

Ilang na napaiwas ng tingin si Kathryn. Kunwa’y inabala ang sarili sa paglagaslas ng rumaragasang tubig.

"I’ll check the water to make sure it is safe to swim here."

Wala nang nagawa ang dalaga dahil sumisid na si James sa tubig.

Mayamaya ay lumitaw ang ulo ng binata. Itinaas nito ang isang kamay at nag-thumbs up sign, ibig sabihi’y ligtas silang makapaglalangoy sa parte kung nasaan sila.

Napahinuhod siya ni James sa kondisyon nitong dapat ipaalam sa crew na magkasama sila ngayon. May kontrata sila sa kumpanya at para maiwasan ang pagpa-panic ng mga  iniwan sa taping ay ipinarating nila sa mga ito na walang nangyari sa kanilang masama.

The management agreed and gave them the rest of the day to enjoy. They have to go back before night. May ishu-shoot pa kasi silang scene mamayang gabi.

Pinanood lang ni Kathryn sa paglalangoy ang kasama habang siya nama’y nakaupo sa malaking batuhan habang nakatubog ang dalawang binti sa tubig. She’s enjoying the moment.

Medyo ibinaluktot niya pahiga ang katawan. She wants to sunbathe but the leaves of coconut trees cover the sunrays. Gayunpaman ay may ilang sinag na nakatatakas at iyon ang tumatama sa mukha ng dalaga.

"Kath, maligo ka na!" Winisik-wisikan ni James ng tubig ang mukha ng dalaga kaya napaupo ang huli habang  pinupunasan ang mukha.

"James, ano ba?!" yamot na sabi ni Kathryn habang tangkang bumabalik sa kaninang puwesto. "Nagmo-moment ’yong tao, eh."

"Mag-swimming ka na rin kasi." Hinila ni James ang dalawang kamay ni Kathryn kaya napadausdos ang katawan ng huli sa malaking bato.

"Ayyyy!" Bumulusok ang dalaga sa tubig na hanggang baywang ang lalim.

Dali-dali siyang tumayo at pinanlisikan ng nga mata ang may kagagawan no’n.

"Jaaaaaaaames!"

Pumailanlang sa paligid ang sigaw ni Kathryn na sinundan ng paghalakhak ni James na lumalangoy palayo sa dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top