Prologue

Prologue
The Debt

It is the most draining day. Ilang oras na akong nagtatrabaho rito sa bahay nina Tito Valir pero hindi pa rin ako nakapagpahinga. Pagod na pagod na ako dahil wala akong karapatang magreklamo dahil may utang si Mama sa kanila na nagkakahalagang twenty five thousand dahil sa pagpapagamot kay Papa no’ng inatake siya ng high blood. Nagkataon lang noon na nanakawan ako ng pera ng aking kaibigan kaya hindi ko sila nabigyan.

"Levina!" Merlina waved her hands outside. Ngumisi ako dahil kahit papaano, dinalaw niya rin ako sa bahay ni Tito Valir.

Nahihirapan na akong manatili sa bahay na ’to lalo na’t parang maid na lang ang tingin niya sa akin. Maliban lang kay Tita Cassy na tinuturing akong parang kapatid. Under si Tita kay Tito dahil napilitan lang naman si Tito na pakasalan siya dahil may anak sila. Sa tuwing may awayan sa bahay nila, napatakip na lang ako sa aking tainga dahil parang hindi ko matiis ang sumbatan nila. Nakabibingi ang mga salitang binibitawan nila sa isa’t isa.

Ngumisi ako sa kaniya at kumaway. “Tuloy ka, Merlina…” Ngumisi ako at humila ng upuan sa bakuran nina Tito Valir upang doon nalang kami mag-usap.

May dala siyang two cups of noodles and pandesal. Ewan ko ba kung bakit ito ang dinala niya ngayon. Kadalasan kasi ay kape at tinapay ang dinadala niya.

“Ayos ka lang ba? Parang ang hagard mo nang tingnan, Levi. Pahinga rin minsan,” she said. Paano ba ako makapagpahinga kung lahat ng gawaing bahay nina Tito Valir ay ako ang gumagawa? Ako ang nagbabantay ng tindahan, naglalako ng nilulutong taho ni Tita at ako pa minsan ang nag-aalaga ng anak nilang si Theara, David and Truze Rance. They were triplets. Busy kasi si Tita sa salon kaya iniiwan nila sa akin ang anak nila. Hindi rin ako makaangal dahil nga may utang sina Mama sa kanila.

“Huwag mo akong alalahanin. Kakayanin ko ’to.” Tiningnan ko siya sa mata at makikita ko talaga ang pagdaloy ng pag-aalala roon. May kirot sa aking dibdib. I am the only child of Cordovan but I was just like a maid. Ang hirap mabuhay sa ganitong sitwasyon.

Kaya ko namang magtrabaho sa mga Kompanya kaso may agreement sina Mama kay Tito na kapag hindi nababayaran ang utang, ako ang magbabayad sa paraan ng pananatili sa bahay nila at gawin ang lahat ng kanilang iniutos. I can’t complain because I loved my parents. I just also want to show them that I can do everything to valued their efforts sa pagpapalaki sa akin. Kahit na pinapatigil nila ako sa pag-aaral noon, hindi ko sila pinakinggan dahil pangarap ko talaga ang makapagtapos with or without their support. Kaya ang ending, na-hospital si Papa dahil inatake sa puso at naghihingi si Mama sa akin ng pera pambayad sa hospital. Wala akong nabigay noon dahil binayad ko na sa tuition fee ko.

Minsan, napapaisip ko na lang na…kung ganito lang din naman ang hahantungan ng buhay ko, sana hindi nalang ako ipinanganak nila.

“Baka mamaya…gagala kana sa kalye at magtitinda ng lata. Halatang-halata sa mukha mo na pagod ka na. Pahinga ka rin at huwag puro trabaho. Ilan ba ang sweldo rito? Sinabi ko na sa ’yo na sama na lang tayo sa bahay ni Sir Rasie. Mababait ang mga tao ro’n. Maliit lang ang gawain,” she said. Mababakas sa kaniyang pananalita na hindi siya napapagod sa mga ginagawa niya. Swerte niya, ’no?

“Tatapusin ko lang ’tong tatlong buwan na pananatili ko rito. Pagkatapos, kakausapin ko si Sir Rasie.” Aniko at ngumiti.  Hindi matibay ang kalooban ko. Pero sa tuwing nakikita ko ang magulang ko na galit sa akin dahil mas inuuna ko raw ang pag-aaral kaysa sa buhay ni Papa, naaawa ako sa sarili ko.

“Mas mabuti kung doon kana maghingi ng tulong kay Sir. Kilala mo naman ’yon, diba?”She raised her brows while asking.

I nodded. “Kilala ko siya.”

We’ve just met noong nagparty ang buong Campus namin. Kinuha siya bilang guest speaker dahil marami ang nai-donate niyang tulong sa amin. Isa na doon ang scholarship. Mabait siya at hindi pakitang-tao. Matulungin din siya sa kapuwa. He’s twenty-five years old now. Mayaman kasi ang pamilya niya kaya kahit nag outside Job training pa lang siya, marami na siyang natulungan. Isa na ako doon. Madalas na lang din kaming nagkikita dahil busy siya sa pag-aasikaso sa nakatatanda niyang kapatid na si Prince Dale Sandoval. Naaksidente kasi ito kaya hindi makalakad ng maayos. Marami silang Maid, pero hindi iniiwan ni Rasie ang kapatid niya.

“Crush ka no’n before. Once he'll know that you are working here, natitiyak akong hindi ’yon aayaw na doon ka magtatrabaho sa bahay nila. Baka doon ka pa niya patitirahin, e…” Natatawang wika ni Merlina sa akin.

Humilig nalang ako sa inuupuan ko at ilang beses humiling sa kalawakan. Hanggang kailan kaya ako makararanas ng ganito? Kailan kaya papabor ang tadhana sa akin? Ang hirap e-balanse ang mga bagay-bagay na gusto kong maranasan.

Bahagya akong napangisi dahil sa sinabi niya. Talaga lang ha? Hindi alam ni Rasie na rito ako nagtatrabaho. Of course, sino ba naman ako para alamin ang aking buhay? I am just a daughter of Cordovan na naghihirap dahil sa utang.

Matagal-tagal pa ang usapan namin ni Merlina. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa buhay niya, his crush, motivations, family and hobbies. Mga gano’n lang. Nakakainggit lang siya dahil buo ang pamilya niya at hindi katulad sa akin. Buo rin naman kaso nga lang, wang katahimikan.

“So...paano? Mauna na ako ha?” Paalam ni Merlina sa akin sabay dampot ng kaniyang bag.

Tanging tango lang ang naitugon ko sa kaniya at bumalik sa loob ng malaking bshay ni Tito Valir. Nadatnan ko sina Theara at David na nag-aaway na naman sa kusina. Pinag-aagawan nila ang pagkaing niluto ko kanina bago ako lumabas at nakiusap kay Merlina. Hindi ko naman ’yon akalain na uwian niya na pala. It’s just past two in the afternoon pero nakapagpahinga na si Merlina.

“Ate Levi, inagaw niya ang milk ko…” Sumbong ni Theara sa akin sabay nguso. Siya ang nag-iisang babae sa tatlo. Siya rin ang iyakin na katulad ko noon. Minsan, sa tuwing nakikita ko siyang inaaway ng mga kalaro niya, umiiyak ito ng patago. Kaya nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

“Siya kasi ate, inagaw ang niluto mong pancakes.” si David at nameywang.

Hinabol ni Theara si David upang bawiin ang gatas pero mabilis itong tumakbo sa hagdan patungo sa pangalawang palapag bitbit ang baso ng gatas. Pumapadyak si Theara at bumalik sa akin.

Naramdaman kong gumapang ang yakap niya sa akin. “Ate, ipagtimpla mo ako please…” She said and caressed my back.

“Okay, please have a seat.” Utos ko sa kaniya at dinampot ang tasa at thermos. Agad akong nagtimpla ng gatas niya at ibinigay ito.

“Thank you…” Ngumisi pa siya sa akin bago umupo sa mesa at sumimsim ng gatas niya.

Si Truze Rance ay nanatiling tahimik sa gilid. Nagbabasa lang siya ng kuwentong pambata at parang walang ka-problema-problema sa buhay. Ngumingiti ito mag-isa. Pero sa kanilang tatlo, si Truze ang matulungin. Madalas ding pinapagalitan ng ama. Pero hindi ito nakikipag-debate sa  kapatid sa tuwing nag-aaway sila.

Kaya nilapitan ko siya at tinanong, “Truce, gusto mo ng gatas? O kaya’y pagkain?”

Tiningnan niya ako nang seryoso. “Ayos lang ako ate, huwag mo akong alalahanin.” Wika niya habang seryosong umupo sa sofa at nakapang-dekwatro pa.

Inayos ko na lang ang suot kong apron at nilutuan ng pancakes si David. Pagkatapos ay nilagay ko na ito sa pinggan at tinawag ang dalawa. Naka-ilang hakbang pa lamang ako sa hagdan nang kumaripas na sa pagbaba si Theara at David at agad tumungo sa akin.

“Ate may pogi sa labas…” Kumindat sa akin si Theara. Hindi ko alam kung ano na namang kalokohan ang ginawa nitong dalawa. Ngayon pa ako nakarinig ng ganito sa kanila.

“Huwag nga kayong magbibiro,” angal ko sa kanila.

Nag-five hands ang dalawa na siyang ikinakunot ng aking noo. Sinubukan kong suriin kung ano na naman ang kalokohang ginagawa nila.

“Meron nga ate. Puntahan mo muna.” Utas ni David at naglakad patungo sa mesa. Dinampot niya ang niluto kong pancakes at tinawag ang kapatid. Kahit papaano, may puso rin naman pala itong batang ‘to.

“Diyan muna kayo, may titingnan lang ako sa labas. Tapos…uuwi muna ako sa bahay, huwag kayong lalabas ka? Baka malalagot ako sa Daddy niyo.” Isa-isa ko silang tiningnan at tumungo sa labas.

Hindi pa nga ako nakapagsuklay ng buhok at medyo pawisan pa ako. Nakasuot lang ako ng pambahay pero ayos na ’to. Hindi naman siguro celebrities ’yong nasa labas ng bahay namin.

Naglagay lang ako ng kaunting pabango at naglakad sa bakuran. Lumingon-lumingon ako at hinanap kung sino ang bisitang tinutukoy ni Theara at David.

“Wala naman, ah? Mga batang ’to talaga…” Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil nagpauto naman ako sa mga bata.

Gezz…They’re really having fun of me.  Nahihirapan na nga ako sa buhay ko, pinaglaruan pa ako ngbnga batang ‘to. Bumalik ako sa loob at nakita ko roon sina David na sumusubo ng pagkain.

“Ano ba ’tong pinaggagawa ninyo? Stop making stories, David and Theara. It’s not funny anymore!” Galit kong wika sa kanila at umakyat sa hagdan patungo sa pangalawang palapag.

Pumwesto ako sa terrace ng bahay nila na nasa pangalawang palapag at inilibot ang aking paningin. Palubog na ang kulay-kahel na araw at ang mga ibon ay tuluyan nang dumapo sa sanga ng malaking punong mangga. Medyo namumukadkad na rin ang nga bulaklak na itinamin ko sa bakuran ni Tito Valir. Nang dumapo ang aking mga mata sa ilalim ng puno ng mangga, doon ko napagtanto na may lalaking nakatayo roon. He even glimpsing on his wristwatch. Parang pamilyar ko ang lalaking ’yon kaya bumaba ako sa hagdan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance