Chapter 8: Doubts
Chapter 8
Doubts
"Lev...tara na!" I was staring at my room when Prince pulled me closer to him. He moved his eyes from my face and traveled it down. I quickly covered my chest when I noticed that his eyes moved down there.
Mabilis akong napatayo ng maayos habang namumula ang aking pisngi. Pauwi na kami at ang sasakyan namin ay naghihintay na raw sa labas ng hospital. Si Prince naman ay nanatili ang tingin sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"T-Tara na," maharan kong wika sa kaniya, "Bakit ka ganiyan 'pag tumingin sa 'kin, Prince? Ang pangit ng aksyon mo..." I laughed a bit.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinihit ang doorknob. "Tara na. Natulala ka pa, e." Siya pa itong may lakas-loob na sabihing natulala ako. Bago ako naglakad, tiningnan ko siya sa mukha. He was blushing and I don't know why. Wala naman yata akong ginawa sa kaniya na ikinapula ng pisngi niya.
Kumindat siya sa akin bago ulit naglakad. Ang lalaking 'to talaga. Ang daming alam. Puwede naman sanang sumabay lang sa akin ng maayos. Huwag na 'yong may kindat-kindat pang nalalaman. This is our last day here in hospital and we will head home now. Sa bahay ni Prince muna ako titira ng isang buwan dahil ito ang napag-usapan namin para makabawi ako sa kaniya.
"Ang tahimik mo naman, Miss," usal ni Sebastian. Napabaling ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din pala siya sa gawi ko. Nginitian ko lang siya at muling ibinalik ang tingin sa labas.
"Tulog ba si Prince?" tanong ko sa kaniya. Napansin ko kasing natahimik ang lalaki sa likuran namin. Hindi ko rin siya magawang lingunin dahil may salamin naman sa harapan.
Nakapikit ang kaniyang mga mata at parang mahimbing nga ang natutulog.
"Napagod siguro. Siya kasi itong panay titig sa 'yo sa tuwing natutulog ka sa hospital bed, Miss." Ani Baste at inilagay ang kaliwang kamay niya sa bintana ng kotse.
"Tapos na ba kayong magkuwento?Ikaw Sebastian, ha? Ang daldal mo." Hindi ko namalayang nakabukas na pala ang mga mata ni Prince at nakatingin din siya sa salamin. Nagsalubong ang aming mga mata kaya agad kong inalis ang tingin ko ro'n.
"Uhm...anong sabi mo, Sebastian? Tinitigan niya ako? Baka natatawa na siya dahil gano'n ako kapag natutulog, 'no?" Tiningnan ko si Sebastian ngunit ramdam ko ang tingin ni Prince sa 'kin.
"Oo Ma'am. In love siguro sa 'yo,"si Sebastian.
Tumawa ako dahil sa aking narinig. That's...weird. Paano nasabi ni Sebastian na in love si Prince? Ni hindi nga niya alam ang iniisip no'n, e. Ang daldal ng driver na 'to. Tsaka...akalain mo bang nakasama ko ang kumag na 'to? Pero palagay ko, mabait siya.
"Maniwala ka diyan, Lev." Prince smirked meaningfully.
Natahimik ako. Paano ako maniwala na gusto ako ni Prince kung si Sebastian naman ang may sabi no'n? I just massaged my temple and leaned myself on the car' seat.
I took a nap after we have a small conversation. Natahimik din si Sebastian kung kaya't may kapayapaang namayani sa mga sandaling 'yon.
I opened my eyes when there was a light which strikes my eyes. Napamulat ako at nakita ko si Prince na kinukuhaan ako ng picture gamit ang DSLR camera niya. Nakakahiya! Hindi ko nga alam kung tumulo pa ang aking laway.
Pupungas-pungas pa ako bago tumayo. Kinusot ko ang aking mata at umayos ng pagkakaupo.
"Sarap ba ang tulog mo rito sa kwarto ko? Mantika ka kung makatulog, Lev." Tumawa siya habang nakatingin sa DSLR niya. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at hinampas sa kaniya.
"Aray! Lev..." Napatili siya sa ginawa ko. Inusog niya palapit sa 'kin ang wheelchair niya at hinuli ang aking mga kamay.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwadto niya. Ang ganda ng mga kulay. Paborito ko pa talaga. I love gray and black colors. Because for me, it symbolizes tranquility. Sa tuwing nag-iisa kasi ako sa bahay noon, tanging gano'ng kulay lamang ang aking nakikita.
"You love taking pictures with me, huh?!" I said before finally standing beside him. I looked at his eyes. It was really attractive. It melts my heart. Ang gwapo niyang tingnan. Ang hugis ng kaniyang kilay at labi ay nakakaantig talaga. Parang diyos nga siya.
"Then...you love staring at me?"He raised his brows. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya. "Nahuli na kita, Levina Sky Cordovan..." He laughed hysterically and hold the edge of my shirt. Tatanggalin ko pa sana 'yon ngunit no'ng tumapat ang kamay ko sa kamay niya, bigla na lamang nag-iba ang kulay ng mundo. There was a kaleidoscope colors in my eyes when I found him smiling at me. Gumapang ang init sa aking pisngi at parang natulala na naman ako sa kalawakan.
Dumistansya na ako sa kaniya ngunit sunod nang sunod pa rin siya. Nang akmang pupunta na ako sa pintuan, nahuli ng aking mga mata ang litratong nasa isang frame lang. He was with his family. Hindi pala questionable kung bakit gwapo si Prince kaysa kay Rasie. He was really good-looking like his father. Si Rasie naman ay mamang-mana sa Ina niya.
"Ang saya niyo rito, ah? Pero...parang ikaw lang ang kakaiba." I laughed and nudged the side of cheeks with my tongue.
His brows furrowed. "Bakit?"
"Kasi...hindi ka ngumiti rito."
"Pero at least...pogi pa rin," aniya.
I just smiled. Honestly, he was the most beautiful among them. Nasa gitna siya ni Rasie at ng Ama nila. Ang saya siguro kapag gano'n din ang pamilya ko? Masaya...at sama-sama. Ang swerte ni Prince. Bukod sa mayaman na, buong pamilya pa. How about me? Perhaps...I am destined to be the loneliest person in this world.
"Umiiyak ka na naman? May masakit ba sa 'yo, Lev? Just tell me, okay?" he was trying to make me calm. I didn't noticed that my tears started to fall again. How pity Prince is! Hindi niya alam na isa akong anak ng gambler.
I shook my head and smiled forcefully. "Ayos lang naman ako. Natutuwa lang ako na...masaya kayo," I said and tried to hold on my sobs.
Bakit kasi napaka-emotional ko? It's just a photo album of his family, right? Gosh... Levina! I may be the miserable person in this house, for sure. Kasi...they were happy together tapos sisiksik pa ako. But...it was just one month. Pangbawi lang naman 'to kay Prince dahil sa pag-aalaga niya sa 'kin. tamang-tama, maging maayos na rin siya.
"You don't seem good," he said in disbelief.
I just wiped off my tears and looked at the ceiling. "I'm okay, Prince. Parang ang OA mo," aniko pero nasa bubong ang aking mga mata.
How can I moved on from thinking about how cruel my family if...they made scars to me? Sariling pamilya ko sila pero walang pake? Ang hirap ng kapalaran ko sa mundong 'to! Kung puwede lang sanang bumalik sa sinapupunan ni Mama, e di...noon ko pa ginawa!
Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad kong kinapa ito sa bulsa at tiningnan kung sino ito.
I was about to answer my phone when Prince pulled my hand. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung sino 'yon. Masama ang titig niya roon no'ng kinuha niya pa lang. Pero no'ng bakita na niya, agad namang nagbago ang ekspresyon niya.
"Merlina, napatawag ka?" Merlina is my friend. Siya itong pumunta sa bahay ni Tito Valir at kinumusta ako. Alam niya na siguro na nasa bahay ako ni Prince.
"Your Tito is looking for you. Nawala ka raw sa hospital," bakas sa boses niya ang pag-aalala. I bite my lower lip to suppress my cry.
Hinanap na naman ako ni Tito tapos sasaktan? Siguro...nasa relatives na nila ang pagiging mapanakit. Ako lang yata ang naiiba sa kanila. Ako? Hinahayaan kong masaktan ang sarili ko kaysa ang ibang tao. Bugbog-sarado naman ako sa kanila.
"Saan kana ba? Gusto kitang bisitahin, e..." Magsasalita pa sana ako, pero inunahan niya na.
Prince took out my phone and answered it. "Hi Merlina, it's Prince. Alam mo naman siguro kung ano ang ibinilin ni Rasie sa 'yo? Mind to shut your mouth up?!" He raised his voice and tightly hold my phone. Kung ipagpapatuloy niya iyon ay parang masisira na ang cellphone ko sa higpit ng pagkakahawak niya. "Didn't he told you already about us? May maid kami rito tsaka... everything she needed is here. You have nothing to worry about her. She's safe...as long as she will stay beside me."
Hindi niya isinauli sa akin ang cellphone at agad itong pinatay. Pagkatapos no'n, bago niya pa binalik.
Naguguluhan talaga ako sa nangyari! Anong pinag-uusapan nina Prince at Rasie? Tapos...tinuruan nilang maglihim ang best friend ko? Ang daming sinasabi ni Prince pero hindi kaagad na-register sa utak ko dahil bigla na lamang sumakit ang ulo ko at parang nahihilo.
I was about to fall when a man's hands grapped md towards him. It was Prince who caught me through his hands that's why I didn't fall into the floor.
"As long as I am beside you, you are safe. Nobody can take you away from me. You are under my protection, my Sky. No one can harm and devastate your life, as long as you stay beside me." In his eyes, I found the sincerity of his words. His arms were carefully holding me so as not to fall. Naramdaman ko na lang ang unti-unting paggapang ng init sa aking pisngi.
I was trying to stand when he hold me firmly. Hindi ako makakawala kaya kitang-kita ko kung paano nahulma ang ngisi sa labi niya. Para bang nang-aakit ang mga 'yon sa 'kin.
"Papatayin mo ba ako? Nasasakal ako," kahit hindi naman, sinabi ko lang para makatakas sa kaniyang mga bisig.
He scoffed. "Kung papatayin lang naman pala kita, e di...noon pa. No'ng panahong tinakasan mo ako. Do you remember that days when I often head to your room just to check if you were okay? That day when you don't have food then...I ordered a tray for you? Noon pa lang, Levina...wala sa aking intensyon ang pakawalan kita. Kahit na mawala ka sa aking paningin ay ipinapahanap kita sa mga bodyguards ko. Pero...nawala ka no'n, Lev. Ilang taon kitang pinahanap ni Rasie sa inyo pero wala ka roon. Sinasabi niya lang sa 'kin na hindi ka niya naabutan."
"You don't know me well, Prince. Pero..." I trailed off. "But I was happy because I met a person like you," I know that my heart will chose him always. But my mind would not. How can I love a person like him? He don't know me deeply. I was born in a low class family while he was in upper class. Ano ang laban ko ro'n sa babaeng mas mayaman kaysa sa akin?
I was afraid before that's why I ran away from his eyes and didn't gave him my sweetest answer. Because the only thing that I had before is bitterness. Hindi ko puwedeng sagutin si Prince dahil alam kong may mas babaeng deserve niyang mahalin kaysa sa akin.
"I can wait you, Sky. Hanggang sa huling patak ng buhos ng ulan at sa huling patak niring taksil kong luha, hihintayin kita. Mula sa pagsibol ng mga halaman at pagsikat ng araw mula sa silanganan, hihintayin kita. Mamahalin kita katulad ng pagmamahal ko sa karagatan. Hindi masusukat ang kailaliman at hindi mababatid ang hanggangan." I can feel his words entering into my mind. Isa-isa kong pinapasok ang mga 'yon sa nakabukas kong isipan. Ang sarap niyang magmahal. Pero...ang pait lang siguro kung malalaman niya ang estado ko.
Until now, hindi niya 'yon alam na mahirap lang ako. I can work but...all of my dreams has been destroyed because of my parent's will. Hindi sana ako aabot sa ganito kung hindi sila masyadong ambisyoso.
"Kung makatula ka, parang nasa entablado ka," I just notice that silence envelope us thus, I destroyed it. Tumawa pa ako at dahan-dahang tumayo mula sa mga braso niya. Ang pangit ng posisyon ko ro'n, e. Para akong batang dinuduyan ng Ina sa kaniyang mga braso.
"Because it's an honor for me to love a person like you. You are the best place for me to live, Levina Sky Cordovan. I love you, even though I can't have the word that you love me, too." He said with an amusement in his eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top