Chapter 31: A Birthday Cake
Chapter 31: A Birthday Cake
Pinangako ni Prince sa 'kin na ipapahuli niya si Amor at ang mga kasamahan nito. Hindi ko akalaing siya ang mag-aasikaso sa kasong 'yon. Ako lang dapat ang humarap no'n dahil ako ang biktima pero si Prince ang gumawa ng lahat. He even skip his duty just to process the case.
"You have to take your medicines, I'll have to go now!" Agad tumalikod si Prince sa akin, walang emosyon at lumabas sa kuwarto. Nilapag niya lang pagkain sa harapan ko at kinuha ang double-breasted with four buttons na business attire niya at lumabas.
Tinapunan ko nang tingin ang pagkaing nilapag niya. It was my favorite food. Ramyeon and cheesecake.
Inintindi ko naman ang ginawang pagtalikod ni Prince dahil nga busy siya. The only thing that I do today is to glimpse outside, waiting for him to come home. Evo is with Prince because he will be the one to stand as a witness.
While waiting for them, I took my phone and trying to search Merlina's name. Pero kinapitan ako ng katamaran, ibinaba ko na lang ulit ang cellphone at kinain ang binigay ni Prince na pagkain bago siya umalis.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako para magpahangin. Nasalubong ko rin si Adam ngunit ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya. Dumako ako sa GreenLand kung saan doon kami pumunta ni Prince no'ng first date namin.
"Ma'am, wait!" Napalingon ako nang tumawag si Adam sa 'kin. Huminto ako at hinintay nga siyang makalapit sa harapan ko. "May itanong lang po sana ako, sana huwag kayong magalit, ano?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. What's wrong when the person is asking? Wala namang masama ro'n, ah?
Humarap ako sa kaniya at nginitian. "Ano iyang tanong mo, Adam? Hindi naman ako magagalit. Tanong lang naman 'yan, 'di ba?"
He scratched his nape and put down the broomstick and the cup of coffee he was holding. Umupo kami sa isang maliit na upuan sa GreenLand at hinintay kong magtanong siya.
"Ma'am, do you know the man with you last night?" His brows creased while his eyes darkened. "Kasi ano...parang kakaiba ang titig niya sa 'yo, eh."
Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya pero hindi pa rin ako umimik at hinintay siyang magsalita pa. Evo is my ex-boyfriend but Adam didn't know about it.
"Ma'am, kagabi kasi...sinundan ko siya. He was about to enter in your room but he suddenly stepped back when he found you sleeping in the bed with Sir," he said, pouted and I can see in his eyes that he wanted to tell something. "When he went outside, he clenched his fists and shouted your name. Hindi ko talaga alam Ma'am kung bakit ka niya kilala."
Sa sinabi niya, bigla ko namang naisip ang nagiging reaksyon ni Evo. Ako ang nakipaghiwalay sa kaniya noon dahil wala na siyang oras para sa 'kin. Although I understand his busy days, but even update, I didn't receive anything from him. Ni kahit sulyap niya, hindi ako nakatanggap noon.
Humarap ako kay Adam at ngumiti. "H-He's my ex, but he saved me that night." Mabuti na lang at hindi ako nauutal habang binabanggit 'yon. Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko habang ako'y patuloy na hinahampas ng malamig na hangin.
Seryoso lang akong tiningnan ni Adam at kalaunan ay ngumiti rin ito. Tumayo siya at kinuha ang tasa. Tumango-tango siya bago pa man umiwas ng tingin sa 'kin.
"Ma'am, aalis na ako. Salamat sa impormasyon. Mukhang tsismoso ko na, 'no?" He laughed and walked away from me. Gusto ko pa siyang saguting totoo ang sinabi niyang tsismoso siya pero nakalayo na siya, eh.
Huminga na lamang ako ng malalim at tiningnan ang pagtaas ng araw. Ganito pala ang pakiramdam na may taong nagpapahalaga sa 'yo. I am happy and grateful. Pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang matakot. Matakot na mawala ang mga taong nagpahalaga sa 'kin at takot na agawin ng iba.
Sa likod ng mga bundok, tanging liwanag ang aking nakikita sa ngayon. Sa kulay asul na kalangitaan ay lumilipad ang mga ibong noon pa ma'y ninais ko nang tularan. Gusto kong magkaroon ng pakpak nang sa gayon ay marating ko na ang lugar na ninais kong puntahan. But in my situation, I couldn't get why I need to suffer just to get what I want. Tanging ingay ng mga ibon ang naririnig ko sa lugar na pinapahingaan ko ngayon. Walang gulo at payapa.
I closed my eyes and felt the breeze of the wind when someone hugged me from behind.
"Happy 29th birthday, love!" Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya. Si Prince! Akala ko may pupuntahan siya? Bakit siya nandito? Then...why does he know my birthday? Hindi ko naman sinabi sa kaniya ito, ah?
Humarap ako sa kaniya at nakita kong lumawak ang ngiti niya sa akin. He tightened his hug from me and kissed my forehead.
"Prince...how do you know that today is my birthday?" I asked him, looking at his hazel yet addictive eyes. He smiled at me and caressed my back. "H-How do you know? Akala ko...ako na naman ulit mag-isa."
Hindi siya nagsalita at hinayaan lamang ang sarili na idikit sa akin. Niyakap ko rin siya at inangat ang ulo sa kaniya. His eyes glistened while it was landed on my face. Kung nakatutunaw ang mga titig niya, kanina pa sana ako natunaw rito.
Kumalas lang ako sa pagkakayakap sa kaniya nang dumating si Evo bitbit ang maliit na cake na strawberry flavor. I love the icing. It was designed like a rose with my name engraved at the bottom.
"Happy birthday!" Evo handed the cake to Prince and smiled at us. "I always remember the day you were celebrated your birthday alone, before. So, I decided to go outside with Prince to buy your favorite cake. He was the one who put your name on it. Isn't it beautiful, Sky?" Sa boses ni Evo ay hindi ko matukoy kung masaya ba siya o hindi. Sa pandinig ko'y may bahid na pagsisisi 'yon.
"Today, since Evo told me about your past, I am happy because I learned a lot from you. Natutunan kong lumaban kahit na pagod na ako, Sky. Dahil sa 'yo, nagiging matapang ako. Tingnan mo, ang hina ko no'n, tapos ang tapang ko na ngayon." Prince pointed himself and get the lighter from his pocket.
Bago pa man niya sinindihan 'yon, pinaupo niya ako at tinawag niya si Adam para magdala ng upuan ro'n. Dahil sa problema, muntik ko nang makalimutan ang birthday ko. Fourth in November, is the date I was born.
Tumabi sa 'kin si Prince at hinawakan ang aking kamay. Si Evo ay umupo sa harapan namin ni Prince habang nilalaruan ang kaniyang mga daliri. He was biting the side of his lower lip while his eyes is on the cake.
Umawang ang bibig niya at nagsalita. "I am very happy for you, Sky. I am happy because you found the man who really loves you. A man who knows how to value their woman. A man who will do everything just to make you smile and that man is...Prince. Thank you for making her feel the meaning of love, Par." Hinarap niya si Prince at tinapik ang balikat nito. Ngumiti ang lalaki habang mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. "You filled her with love and...I am so happy to the both of you," Evo added and finally, he looked at me.
Hindi ako nakapagsalita dahil sila lang ang nag-uusap. Gusto ko mang sumabad, pero parang ang bastos ko na kung gano'n. Nanatili lang akong tahimik habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Prince chuckled. "Thank you rin sa 'yo. You taught me how to make her fall in love with me. Gusto ko na sa bawat birthday niya, imbitado ka. Kasi...'di ba sabi mo sa 'kin, buong birthday niya, wala ka? Kaya...bawiin mo na lang."
Si Evo ay hindi na nagsalita. Patango-tango lang siya at minsan, sumusulyap sa 'kin. He was also handsome pero hindi siya 'yong tipong lalaking lumalabas ang pagiging childish sa tuwing nanlalambing. Unlike Prince, when he found that I am sulking, he often pouted, hugging me from behind and asking for coffee. Mga gano'n ang ginagawa niya sa tuwing nagtatampo ako. Evo is kinda serious and mysterious.
I didn't expect that even I was celebrating my birthday alone before, Evo notices it. Pero hindi niya ako sinasabayan sa tuwing nagce-celebrate ako ng birthday no'n. Nilalagpasan niya lang ako at malamig ang tingin sa akin. Siguro hindi siya masaya na girlfriend niya ako. Oh, destiny knows about it.
"Thank you...Prince and Evo for this beautiful cake. I want to say...thank you to Prince because you got the idea of making me fall deeply into you," I said while my heartbeat jumped in happiness. I giggled and turned my eyes to Evo who was silently sitting on the chair. "And to you, Evo. I didn't regret of meeting you. 'Tsaka alam mo, hindi pa sapat ang sabihing...salamat para lang mabayaran ko ang pagligtas mo sa 'kin kahapon. Thank you rin pala sa pagtulong ni Prince, ah?"
He nodded and managed to smile. Even though his eyes were seems to drown in pain. "You deserve what Prince made to you, Sky. You deseve to be love and valued. I'm so... happy because finally, you experienced to be loved by... someone who deserves you. Prince deserves you."
Akmang sasagot pa ako nang makita ko si Adam na patakbong lumapit sa 'min. Nangunot ang noo ko dahil sa nagiging galaw niya.
"Sir, there was bad and good news," aniya at humarap kay Prince. "Si Thalia ay nakatakas pero si Amor ay nakulong na." He breathed heavily, handed us his phone.
Nagulat ako sa naging balita niya. Si Prince ay nangunot din ang noo, gano'n din si Evo.
Prince massaged his temple while gritting his teeth. "Paanong nakatakas? Akala ko magaling 'yong mga pulis na 'yon? Damn it."
Iniyuko ko ang aking ulo habang kinakagat ang pang-ibabang labi. Kung gayong nakatakas si Thalia, hindi pa rin ako ligtas lalo na ang pamilya ko.
Prince looks not good. Hindi siya ngumiti habang nakatingin siya sa malayo. Parang siya pa 'ata 'tong mas may malalim na problema ngayon, ah?
Hinawakan ko ang kamay ni Prince kaya napalingon siya sa 'kin. Pinilit niyang ngumiti at isinandal ang ulo sa 'kin. "Kahit gano'n, tuloy ang birthday."
"Sir, sabi sa ating secret agent, lumuwas daw ng bansa si Thalia. Someone helped her which is under in government position," dagdag pa ni Adam.
Prince gestured to him to sit. Ginawa niya naman 'yon at tiningnan ang cake sa harapan ko.
"Puwede makikakin?" Natatawa ako dahil sa naging tanong ni Adam. Parang sabik na siyang lantakin ang cake na 'yon.
Prince growled. "Si Sky muna ang kakain niyan. Ang matira, sa 'yo."
Tumawa ako sa sagot ni Prince.
How beautiful having a person who make us laugh. While gazing at Prince, my heartbeat jumped in happiness. He filled the space in my heart.
Agony...is just a trials, a challenge and a way to veil the truth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top