Chapter 3: Crying Shoulder
Chapter 3
Crying Shoulder
“I won’t leave you again, okay? Stop crying now.” He didn’t stop caressing my back. Sa tuwing lumalandas ang kamay niya paitaas-baba sa likuran ko ay nakaramdam ako ng panandaliang katahimikan. Ang daling tumahan sa bisig ni Rasie.
“Saan kaba kanina? Hinanap kita pero wala ka roon.” Kumawala ako sa pagkakayakap sa kaniya at humarap. Palipat-lipat kong tiningnan ang kaniyang mga mata na ngayo’y namumula at may halong pag-aala.
“I just went outside kasi tumawag ang kapatid ko. Medyo natagalan ang usapan namin dahil marami siyang hiniling sa akin. But...sad to say, I still undecided for him. May hinahanap daw kasi siyang tao pero hindi niya makita sa ngayon.” He stopped and hold my hands tightly. Ibinaba ko ang tingin ko roon. “I don’t know who is she. But he said that...she was kind and gorgeous. That’s how he define that girl.” Napangisi ako sa sinabi niya. Hindi ko lang mapigilang ngumiti dahil kahit nasa bahay lang si Prince, he still searching for the woman he loved.
“Ang swerte niya, ’no?" I laughed a bit while my eyes were on his gray eyes.
“Did someone hurts you before? Bakit ka na-collapsed kanina? May masakit ba sa ’yo?” He didn’t even replying my words. He caressed the back of my palm using his thumb.
“Uhm...nothing. No one hurts me, you know... I’m strong.” I’m now a great liar! Nagawa kong itago ang sakit na nararamdaman ko. I know that Rasie is my trusted friend. I just can’t bear watching him worry about me.
“I care about you because...” he trailed off. "...because I just don’t want someone to hurt you. So, tell me.” I just smiled at him. His words made me feel like someone really cares about me.
“Just don’t leave me next time lalo na sa crowded people. I’m not safe while standing on there. Para kasing nakikita ko ’yong mga taong nakikita ko noon,” I honestly said. Sino bang mag-aakala na sa edad kong ’to ay takot pa sa maraming tao? Besides, may past ako. Ayaw kong bumalik sa gano’ng sitwasyon.
“Okay, okay…” He gestured me to calm. “May binili nga pala akong chicken tsaka rice dito. Gutom ka na ba?” he asked me.
Tiningnan ko ang cellphone ko. It was now past 9:00 in the evening. Medyo nakaramdam ako ng gutom after kami nag-usap. Walang tubig kaya hindi pa rin ako makakain. I need some water while eating. Nang inilabas na niya ang pagkain ay agad namang gumalaw ang mga bulate ko sa tiyan. Gusto ko agad lantakin ’yong pagkain sa harapan namin.
“Mauna ka na lang...wala kasing ano...” Ayaw kong madisturbo siya sa pagkain ng dahil lang sa akin.
“Tell me. Anong kulang? Bibili ako,” he said. He took out his wallet at muli na naman akong tiningnan sa mata.
That stares. Kamukhang-kamukha sila ng kapatid niya. Parang ang OA ko sa part na ’to but... honestly, I can’t eat without my water. Paano kung mabilaukan ako? Saka na tatakbo tapos bibili ng tubig?
Kinapa ko ang wallet ko at tiningnan ang laman. May kaunti pa akong pera. Ayaw ko namang ubusin ang pera ni Rasie dahil lang sa akin.
“Walang tubig? Bibili muna tayo,” aniko.
Tumango siya sa akin at inilapag muna ang pagkain sa upuan. Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan at umurong siya para makadaan ako. Ayaw ko rin namang maglakad mag-isa sa buong kalye lalo na’t gabi na. Baka mabastos pa ako sa daan. Gusto ko siyang isama.
“Ano?” Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansin niyang hindi ako gumalaw.
“Samahan mo na ako. Takot nga ako mag-isa ngayon, e...” Halos magsalubong na ang kilay ko. Ngumisi lang siya sa akin saka bumaba.
“Oo nga pala. Baka mabigwasan pa ako ni Prince pag may nangyari sa ’yo,” humagikgik siya. Anong Prince? Hindi nga kami masyadong close no’n, e. I just pouted while walking after him.
Ang laki ng hakbang niya. Dalawang hakbang ang gagawin ko para maabutan ko siya. Hindi man lang siya naawa sa akin kahahabol sa kaniya? Ang lamig ng buong paligid. Giniginaw na ako sa lamig ng hangin. Medyo wala na ring mga tao na gumagala pero ang kinatatakutan ko ay ang tambay sa tindahan.
“Rasie...hintayin mo ako...” Binilisan ko na nga ang hakbang ko para maabutan ko siya.
Lumingon siya sa akin at saka na niya napagtanto na may kalayuan na kami. Huminto siya at kumaway sa akin. Niyakap ko lang ang sarili ko habang humahakbang palapit sa kaniya. Suddenly, the moon showed up. Laging ito ang karamay ko sa pag-iisa. If no one stays, the moon will. Kapag hinang-hina na ako, I just talked to God. I know that He will listen to me.
Nang makarating na ako sa kaniya, hinawakan niya agad ang nanlamig kong kamay. Nagulat na lamang ako nang umakbay siya sa akin. Hanggang kili-kili niya lang ako kaya kailangan niya pang iyuko ang mukha niya para makita ang mga mata ko.
May nakita na kaming tindahan sa ’di kalayuan ngunit may mga tambay doon. Nakasuot ng sumbrero si Rasie kaya tumingkad ako para maabot iyon. Nagulat pa siya no’ng inagaw ko ngunit nang bumaling ako sa mga nag-iinuman ay agad niya namang naintindihan ang nais kong ipahayag.
He really understands me. He wrapped his hands around me at naglakad na kami papunta sa tindahan.
“Magandang gabi po, may tubig kayo?” si Rasie.
“Meron ho, sandali...” Tumalikod ang Ale at may kinuha sa reef. “Ilan po?”
“Dalawa po.” Sagot ko sa kaniya at kinuha ang pera sa aking bulsa.
“Chix pre!”
“Wetwew!”
“Ganda ah?”
Nangunot ang noo ko sa sinabi ng mga tambay. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Rasie sa aking balikat. Agad namang ibinigay ng Ale ang tubig at binayaran ko na.
“Pare...ang ganda ng chix mo ah?” Medyo lasing na ’yong isa na pa-ekis-ekis na ’yong lakad.
“Ano ngayon? Correction lang ha? She’s not chix, she’s binibini,” Rasie clasped our hands while gritting his teeth. I held it tightly.
“Baka puwedeng...e-table muna natin?” Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi no’ng isang mataba. Ang pangit pa naman ng hulma ng katawan dahil ang laki ng tiyan. Ang dami pang tattoo. Nandidiri talaga ako habang nakatingin sa kaniya.
“Table mo mukha mo!” Sigaw ni Rasie at hinila niya. Halos matisod na ako katatakbo para hindi lang kami mahabol ng mga lasing na ’yon.
Ang malas ng gabing ’to! Gusto ko na lang ibaon ang sarili sa lupa dahil sa hiya ko kay Rasie. Tinawag pa naman akong chix no’ng mga kutong-lupa na ’yon samantalang binibinini naman ang turing ni Rasie sa akin.
I can see Rasie’s hyperventilating. Parang siya pa yata itong na-nervous. Panay takbo lang kami hanggang sa makarating na kami sa sasakyan. Agad niyang binuksan ito at sinara.
“Ayan kasi... ba’t ang ganda mo?” I don’t know if he was just teasing me or asking me such question. Kung ako ang mag-define sa sarili ko, I am not either beautiful nor ugly. Wala akong mapipilian sa dalawa. I am just contented of who I am today. Just simple.
“Hindi naman ako maganda, Rasie. Sadyang bastos lang ang mga ’yon,” wika ko.
He chuckled. “Maganda ka kaya ka tinawag na chix.”
“Iba iyang nasa isip mo.” I laughed. “I’m not beautiful as Aviana and Beverly. I’m just simple, poor and palamuni—"
“Pssh... don’t blame yourself kung bakit ganiyan ka ngayon. You’re beautiful than those girls. They’re beautiful but...deep inside, ibang-iba ka sa kanila.”
Parang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Saan ka ba nakakakita ng lalaking susuportahan ka kahit na alam mong mas lamang ang iba sa ’yo. Parang espesyal ko kapag si Rasie ang kaharap ko.
“Kain na tayo?” yaya niya sa akin sabay ngiti.
He was the first who opened his food box tapos sinunod ko na rin. Nilagay ko lang sa aking hita ang lalagyan ng pagkain at nagsimulang magsubo.
“I forgot to thanked you, Rasie. For...for being a good friend of mine.” I looked at him then he stopped chawing.
He looked at me. Tinutok niya sa akin ang plastic spoon at nagsalita, “That’s nothing. Kain ka na lang diyan at uuwi na tayo.”
Pagkatapos naming kumain ay uminom na ako ng tubig. Sapat na ang araw ko basta may libre ni Rasie. Ngayon lang siya may panahon ulit para dumalaw sa akin. Wala namang kami pero ang ganda ng treatment niya sa akin. Kapag hindi ako nagparamdam sa kanila ng ilang araw, binibisita nila ako. Pero hanggang sa daanan lang siya. Hindi niya pa kasi alam na doon ako kina Tito nagtatrabaho. Trabahong walang kasweldo-sweldo dahil lahat ng araw ko sa pagkayod doon ay nakalaan sa utang nina Papa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top