Two
Mahina na ang buhos ng ulan at bumalik na rin ang supply ng kuryente.
Bumaling ako kay Ben at ngumiti ng mapakla.
Tama naman ang sinabi nito. Kababae kong tao pero ako ang dumadayo sa bahay ng lalaki para lang makipagtalik.
"Ganun talaga ang buhay, pag mahal mo ay gagawin mo ang lahat kahit magmukha kang tanga sa harap ng ibang tao ay wala ka ng pakialam." Tugon ko sa kanya sabay yuko ng aking ulo.
Natahimik si Ben mistulang nag isip at maya maya lang ay napabuntong hininga.
"Tama ka. Mukhang wala tayong ipinag kaiba." Bigla ay tugon nito, parang may laman ang sinasabi nito.
Napamaang ako sa kanya. Hindi ko kasi ma-gets ang sinabi niya.
"Bakit katulad ko din ba ang girlfriend mo?" Tanong kong natatawa pa sa himig na nagbibiro.
Pagak itong tumawa.
"Im referring to my wife." Natatawang saad nito.
Tumingin siya sa akin at grabe para akong malulusaw sa klase ng tingin niya.
So? May asawa na si Ben. Sa isip ko. Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko.
"Ah may asawa ka na pala." Medyo parang malungkot kong hayag, subalit di ko iyon pinahalata.
Bakit ba ako nadismaya nung sinabi niyang may asawa na ito? Tanong ko sa isip.
"Nasa Canada siya ngayon, long distance relationship kami." Parang malungkot ang tinig na pahayag pa ni Ben.
Bumuntong hininga ako. Bakit ba kami nag uusap ng lalaking ito, tanong ko ulit sa aking isip.
"Ang saklap naman. Buti kinakaya mo yang ganyang sitwasyon.?" Di ko namalayang lumabas sa labi ko ang tanong na iyon.
Pagak ulit siyang tumawa. Napatingin ako sa kanya, nakakunot noo.
"Tara may alam akong masarap na kainan ng mainit na lomi, baka gusto mong kumain muna bago umuwi,?" Paanyaya nito kapagdaka.
Ambon na lang ang kanina'y malakas na ulan. At tinatantiya ko kung seryoso ba ito sa pag iimibita sa aking kumain at nakita kong ang senseridad sa mukha niya, pa cute pa nga itong ngumiti.
Natawa ako ng mahina sabay tango.
Ewan ko ba parang hindi ko pa gustong matapos ang gabing yun na kausap ko siya, may kung anong damdamin agad akong naramdaman para kay Ben. Ibang iba sa nararamdaman ko ngayon kay Arthur.
Humantong kami sa isang kainan sa may Gen. Trias, at napansing kong iilan lang ang tao.
Pinagpag ko ang damit kong bahagyang nabasa ng ulan dahil umangkas ako sa motosiklo ni Ben.
"Halika dito tayo, Emma." Tugon nitong iginiya ako sa isang lamesang pandalawahan.
"Salamat." Saad ko at inilibot ang paningin sa paligid.
"Anong gusto mo? Masarap ang lomi nila dito." Tanong at hayag nito.
"Ikaw na lang ang bahala. Kahit ano." Nakangiti kong saad sa kanya.
"Walang kahit ano dito Emma." Nakatawang tugon nito na nakatitig pa sa akin. Iba ang paraan ng pagtitig nito, yung para bang nanunukso at nang aarok.
Napangiti ako ng tipid.
"Yung order mo, ganun na din yung akin." Saad kong nakangiti pa din.
Umorder na nga ito ng isang big bowl ng dalawang lomi, at grabe parang hindi ko mauubos yun sa dami. Hayag ng isip ko.
"Grabe naman ang laki ng bowl, di ko ito mauubos." Nanlalaki ang matang tugon ko.
"Kaya mo yan." Saad lang niya at nag umpisa na nga kaming kumain.
Masarap nga ang lomi doon. Sa isip ko. Nang matapos kaming kumain ay sandali muna kaming umupo.
"Gaano na kayo katagal ng boyfriend mo, Emma?" Tanong ni Ben sa akin.
Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot.
"Dalawang taon na din." Sagot ko.
"Gwapo siguro ang boyfriend mo at natiis mo siya ng ganong katagal." Saad pa niya naka smirked pa ito.
"Siguro, kasi kung ilang beses na din yung nambabae at lagi ko ngang nahuhuli." Nakatawang turan ko naman sa kanya.
"Sa tingin ko ang tanga ng boyfriend mo. Dapat pinapahalagan ka niya." Mahinang usal nito.
Natahimik ako at napansing nakatitig sa akin si Ben. Ang klase ng titig niya sa akin ay iyong tagos sa kaluluwa.
Nakaramdam ako ng pagkailang.
"Sa tingin ko ay kailangan ko nang maunang umuwi, Ben." Bigla ay tugon ko dahil naiilang na talaga ako sa kanya.
"Ihahatid na kita sa inyo, Emma." Saad nitong tumayo na rin at nauna nang lumabas ng kainan.
Dumiretso kami sa kinapaparadahan ng motor niya.
"Hindi mo na ako kailangang ihatid, baka kasi ma-out of the way ka." Pagpupumulit ko pa.
"Okay lang, basta ikaw Emma." Nakatawang tugon nito.
Napamulagat ako sa tinuran niya, pero nakita kong kumindat siya kaya nakaramdam na naman ako ng pagkailang.
Umangkas na ito sa motor at ibinigay niya sa akin ang isang helmet, isinuot ko iyon at saka umangkas sa likod ni Ben.
Kumapit ang kamay ko sa palibot ng baywang niya at shit! ang tigas ng mga kalamnan nito. Hiyaw ng isipan ko.
Pakiramdam ko ng sandaling yun ay lumulutang iba kasi talaga ang karisma ni Ben. The thought na may asawa na ito pero hindi yun nakabawas man lang sa paghangang bigla kong naramdaman.
Oh no! Ako humahanga sa lalaking ito? Tanong ko sa isip ko. Pero hindi pwede dahil taken na ito. Sabad ng isang side ng isipan ko.
Nang makarating kami sa bahay ay, bumaba na ako at isinauli ang helmet na tinanggal ko sa aking ulo.
"Salamat sa paghatid ha." Nakangiti kong tugon dito.
"Wala yun, ahm Emma pwede ko bang makuha ang number mo. Just in case maligaw ako dito sa bayan nyo. Actually kasi pansamantala lang akong na-idistino dito sa Cavite, Taga Batangas talaga ako. At medyo nangangapa pa ako dito sa lugar nyo." Hayag nitong napapakamot pa sa ulo habang nakangiti ng alanganin. Napatango tango ako sa sinabi niya.
"Ah ganun ba. A-ano bang trabaho mo, if you don't mind me asking? Tanong ko.
"Isa akong alagad ng batas, Emma at dito ako nakadestino ngayon." Sagot ni Ben.
Napa Ow tuloy ako ng malaman kong pulis ang loko. Ah pulis matulis, tawa ng isip ko.
"Ganun, kaya pala. May duty ka ba ngayon?" Tanong ko pa.
"Off duty na ako ngayon dahil diretsong dalawang araw ang duty ko noong nakaraan." Pahayag pa nito.
Ibinigay ko sa kanya ang number ko at nagpaalaman na kami sa isa't isa.
******
Pagkaraan ng ilang araw ay balik na naman ako sa nakakabagot kong buhay.
Pasok ako sa trabaho ng alas sais,dahil sa byahe, alas nuwebe ang duty ko sa mall hanggang alas sais ng gabi.
Hindi pa rin kami ayos ni Arthur, alam ko hinihintay ako nun maunang mag text o tumawag o puntahan sa apartment nito. Pero hindi ko iyon ginawa. Sa isip ko bahala siya.
Pauwi na ako ng gabing iyon, pasado alas sais na ang oras at habang naghihintay ako ng jeep na masasakyan ay naghihikab pa ako.
Biglang may humintong motorsiklo sa harapan ko na siyang dahilan ng pagkagulat ko dahil napakabilis nitong pumarada.
Napakunot noo ako at siniyasat ang sakay nun, laking gulat ko ng makilala kung sino.
Si Ben. Bakit ito nandito? Sa isip ko.
"B-Ben?" Nauutal kong saad.
"Halika na ihahatid na kita, Emma." Nakangiting tugon nito.
"Ha? Ehh---" At hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil iniabot na niya sa akin ang helmet.
Wala akong nagawa kundi umangkas na lang.
Dinala siya ni Ben sa isang class na restaurant. Isang hotel and restaurant iyon.
Nagtaka siya at bumaling dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top