Five
Pagkaraan ng isang linggo hindi na nagpakita sa akin si Ben, ni hindi din tumatawag the fact na kinuha nito noon ang mobile number ko.
Naging hungkag ang pakiramdam ko sa sumunod na mga araw, parang laging hinahanap ko ang presensya ni Ben.
Nang gabing iyon pag uwi ko ng bahay nadatnan kong naghihiyawan na naman sila nanay at mga kapatid kong may mga asawa na at nakapisan pa rin sa amin,. Yung kuya kong tatlo ang anak na iniiaasa pa rin kina nanay at tatay ang buhay. May trabaho din naman si kuya Nato kaso nga lamang ay hindi talaga sapat ang kita nito kaya hanggang ngayon sa bahay pa rin ito nakatira.
Minsan nauumay na ako sa ganung eksena at para bang gusto ko nang umalis doon.
Pagpasok ko sa loob nakita ako ni nanay.
"Oh ikaw Emma. Ano na hanggang ngayon ba ay hindi ka pa niyayang magpakasal ng boyfriend mong si Arthur? Jusko nakakasawa na ang pasanin ko pa kayong lahat dito.!" Saad ni nanay na halatang imbyerna na naman.
Pakiramdam ko ay ayaw na nitong nandoon ako dahil siguro nagiging pabigat na rin ako sa mga ito.
Itinirik ko ang mga mata at piniling wag na itong sagutin dahil mag aaway lang kami nito.
"Wag kang mag alala nay malapit na akong umalis sa bahay na ito." Saad kong masama ang loob.
"Gusto kong manahimik ka na sa lalaking yun tutal doon din naman ang punta ninyo." Biglang kambyo ni nanay.
"Opo nay, sige at matutulog na po ako." Paalam ko na lang para hindi na ito ngumawa pa.
Pagdating ko sa loob ng aking silid ay doon ko pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigil.
Pakiramdam ko kasi wala akong kwenta, mula pa noong bata ako ay ganun na ang ipinapakita sa akin ni nanay mistulang ayaw niya sa akin.
Masakit yun sa parte ko dahil mahal ko silang dalawa ni tatay pero ano pa bang magagawa ko.
Laging ganun ang nararamdaman ko para akong hindi nag e-exist sa mundo.
Naalala ko bigla si Ben at ang sandaling kasama ko siya.
Ipinaramdam kasi niya sa akin na kahit paano ay mahalaga din ako, nakikinig siya ng buong tiyaga sa mga kwento ko kahit wala naman iyong kabuluhan. Isang gabi lamang kaming nagkasama ngunit parang matagal na kaming magkakilala. Alam kong mali ang mahumaling ako sa isang lalaking may asawa na pero shit!! Gusto ko si Ben.
Ipinikit ko ang mga mata ko at naghanda na para matulog ngunit mukha pa rin ni Ben ang nakikita ko sa aking balintataw hanggang sa ako'y dalawin na ng antok.
Nang sumunod na araw ay naging abala ako sa aking trabaho at bandang tanghali ng tawagan ako ni Arthur.
"Bakit ka napatawag?" Malamig kong tugon dito.
"Na miss kita Emma, punta ka dito sa apartment ko mamayang paglabas mo hihintayin kita." Saad ni Arthur, napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Busy ako wala akong oras pumunta diyan." Sagot kong agad nang nagpaalam dito at ibinaba ang aking cellphone.
Hindi na ako nasasabik makipagkita kay Arthur, nawala na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Papalabas na ako sa mall nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Emma!" Tawag ng kung sino, hinanap ko ito at shit!! Parang lumundag ang puso ko pagkakita kay Ben.
Papalapit siya sa akin. Di ko alam kung ano ang gagawin ko basta nakatingin lang ako sa kanya.
Ikinurap ko ang aking mga mata ng tuluyan na siyang makalapit.
"B-Ben anong ginagawa mo dito?" Tanong kong kunot noo na tumingin sa kanya.
"Na miss kita." Nakangiting tugon niya, at darn! Parang tumalon yung puso ko sa sinabi niya.
"Hahaha.... patawa ka talaga." Kunwari ay pagbibiro ko but the truth ay affected ako sa sinabi nito.
"Tara, may pupuntahan tayo." Yakag pa ni Ben at hinila na ang kamay ko.
Pumunta kami sa parking space ng mall at hindi na motor ang dala nito kundi kotse na.
Bumaling ako kay Ben sa nagtatanong na mga mata.
"Iniwan ko muna ang motor ko Emma, nag file kasi ako ng 2 weeks leave at balak kong pumunta ng Benguet, at yayain sana kita. Kahit isang linggo lang." Saad nito sa nagsusumamong tingin.
Nawindang ako sa paanyaya nito, bakit ako nito yayaing sumama dito sa malayong lugar at isang linggo pa?.
"May trabaho ako Ben." Tipid kong sagot pero taliwas yun sa gusto ko. I want to go with him. Gusto ko siyang makasama.
"Gusto kitang makasama Emma." Turan nito, nakasakay na sila sa kotse nito at kasalukuyang tinatahak ang kahabaan ng highway.
"B-bakit mo sinasabi yan, Ben m-may asawa kang tao." Tugon kong bumaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Mahirap ipaliwanag sa ngayon. Kung magbabago ang isip mo sabihin mo sa akin." Saad pa ni Ben at iniabot ang isang maliit na papel may nakasulat na number.
"Emma, alam kong mali ang makipag kita pa ako sayo, pero aaminin kong gusto kitang makasama at alam kong ganun din ang nararamdaman mo." Ben said na tumingin sa akin ng matiim.
"H-hindi ko alam Ben. Sagot ko ulit.
Ginagap ni Ben ang kamay ko na siyang dahilan kaya ako biglang napalingon sa kanya.
"I want you Emma, I want you so bad." Saad nito at kita sa mukha ang paghahangad. Napalunok ako hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Inihinto ni Ben ang sasakyan nito sa isang gusali at pumasok sila roon, sumakay sila sa elevator at huminto sa ikaapat na palapag.
Sa panglimang pinto na parang apartel doon binuksan nito iyon gamit ang susing nasa bulsa nito.
"Dito ka nakatira?" Tanong ko kay Ben pagpasok, nagtanggal ito ng jacket.
"Oo, welcome sa maliit kong apartment. Just feel at home." Nakangiting turan nito.
May maliit itong kusina at doon ito tumungo at binuksan ang maliit nitong ref, saka naglabas ng inumin and handed the coke in can to her, samantalang beer naman ang ininom nito.
"Gusto mo bang kumain? Magpapadeliver ako." Tanong ni Ben sa akin.
"Hindi na sa bahay na lang." Sagot ko dahil nahiya na ako sa kanya.
"Teka tatawag ako ng pizza delivery, mayroong malapit dito." Tugon nito instead at tumawag na nga ito ng delivery.
Nang maya maya nga lamang habang naghuhuntahan kami ay dumating ang pizza at nag umpisa na kaming kumain.
Naglabas pa ng beer si Ben.
"Gusto mo ba ng beer Emma?" Tanong pa nito na tinanguan ko naman.
Habang kumakain ay nag kukwentuhan kami.
"Kumusta na kayo ng boyfriend mo Emma?" Tanong nito.
Napahinto ako sa pagnguya at bumaling dito.
"Hindi pa kami nagkikita, magmula noong una tayong magkakilala." Sagot niya at ininom ng diretso ang beer.
"Na miss mo ba siya?" He asked again.
"Hindi ko alam." Sagot ko.
Katahimikan..... Nagpapakiramdaman kami.
"Kumusta yung asawa mo?" Bigla kong tanong din sa kanya.
"Busy daw siya sa mga lingong to, marami daw pasyente doon ngayon." Sagot nitong lumapit sa kinauupuan ko.
Bigla akong nailang kaya umusog ako sa upuan.
Pero maagap si Ben hinapit niya ako at isinandig sa balikat nito ang ulo ko.
"Much better this way, Emma." Bulong nito, tumaas tuloy lahat ng balahibo sa katawan ko.
"B-Ben." Saad ko at tumingala para tignan ito sa mata.
Nagsalubong ang mga titig namin. I saw in his eyes the sadness na pilit nitong itinatago.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
Narinig kong bumuntong hininga siya.
"I felt lonely Emma. At ewan ko kung bakit." Tugon nito.
"Na-mimiss mo siguro yung asawa mo." I uttered at bahagyang inihimlay ang aking katawan closer to him.
Ewan ko ba pero ang sarap sa pakiramdam na madikit ako sa katawan niya, I felt warm and comfort.
"Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko, pakiramdam ko kasi ay ni hindi naman ako nun inaalala." Malungkot na tugon nito.
Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Ben, pareho pala kami ng pakiramdam? at doon napagpasyahan kong sumama sa kanya.
Gusto kong kahit sandali ay makalimutan namin ang lungkot na aming nadarama.
Just this once, I will free myself, just this once gusto kong maramdaman kung paano pahalagahan kahit alam kong mali sa una pa lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top