“Magkita naman tayo pagdating mo ha? Hihintayin ka namin,” sabi ni Pheobe sa kausap niya sa phone. Alam niyang matutuwa si Miles kapag nalaman niyang magkikita sila muli.
Ang dating pag-ibig.
Pero hindi niya muna sasabihin kay Miles habang nasa session pa ito. Alam niya na siya ang dahilan kung bakit nagsuicide si Miles. Kaya hindi niya ito dapat biglain. Dapat kapag naayos na ang lahat, doon na niya ito sasabihan na may gustong makipag usap sa kanya. At kapag makita siya ni Miles...
Alam ko na magugulat si Bestie at biglang tatalon, susuntukin siya at ilalabas ang lahat ng hinanakit nito.
Kilala na niya si Miles. Kapag ito ay nagugulat, bigla nalang nanununtok. Kaya dapat siguro mag ingat siya para hindi siya masuntok ng bestfriend niya.
“Kailan mo balak na magkita tayo?” Tanong ng boses sa kanya.
“Free naman ang schedule ko for this month. Ikaw nalang ang bahala,”sagot ni Phoebe na may kasamang ngiti sa mga labi.
Cancel ko na lang ang lahat. Total, mas mahalaga sa akin ang sawing puso ng friend ko.
“Okay... Maybe next week? Kung okay lang sa iyo?”
Tinignan agad ni Phoebe ang malapit na kalendaryo. Next week.
“Anong araw?” Phoebe.
“Saturday?”
Agad hinanap ni Phoebe ang Saturday next week. Sakto din, ang huling araw ng session ni Miles sa psychologist niya.
Perfect timing.
“Sige, next Saturday,” sagot ni Phoebe sabay baba sa phone.
Next Saturday? Hmmm... Alam ko na may binabalak kang gawin. Hay, sana naman maamin mo na rin kay Miles na gusto mo siya.
Hindi na siya makapaghintay. Kumuha siya ng isang marker at minarkahan ng malaking ekis ang araw na kung saan magkikita sila muli. Isang linggo nalang. Magkikita na sila uli...
***
Lumabas si Tristan mula sa CR ng kwarto. Bigla kasing may tumawag sa kanya kaya kailangan niya itong kausapin ng pribado. Iniwan niya muna si Miles na mag isa sa sofa habang tinititigan ang hangin.
Kung ano man ang nakikita niya doon, ayaw ko nang malaman pa.
Isinara na niya ang pinto at nilagay sa bulsa ang phone niya.
“Pasensiya na kung naabala ka. Emergency call kasi yun,” sabi ni Tristan na humingi ng paumanhin sa dalaga. Tulala parin ito, nakatingin sa ding ding. Kung hindi lang talaga alam ni Tristan ang problema ng babaeng ito, sasabihin niyang sinapian o kinulam ito.
“Mga lawyers din... meron ding ganyan,” sabi ni Miles na tinignan si Tristan.
“Talaga? Mga private calls galing sa mga clients?” Umupo na si Tristan sa sofa kaharap sa upuan ni Miles. Tumango ito.
“Pero hindi!” Biglang hinampas ni Miles ang mesa na halos napa atras si Tristan.
Eh? Ano na namang drama ito?
“o-okay lang yan. Sabihin mo kung anong nangyari... Huwag mo naman sirain ang lamesa,” sabi ni Tristan na umatras nang kaunti. Tumawa si Miles.
“Dahil yun sa best friend ko... Dahil sa kanya... Nalaman ng boyfriend ko na boyfriend ko siya.”
“Bakit... Sinabi ba ng best friend mo sa kanya na may gusto ka sa kanya?”
Umiling si Miles.
“Hindi...”
“Eh? Pero sabi mo...”
“Shhh! Magku-kwento nga ako diba? Kaya wag mo akong pangunahan!” sabat ni Miles.
“Sabi ko nga... sige, nakikinig ako,” sagot ni Tristan na napagdesisyunan nang makinig nalang kaysa sa makipag away sa babaeng ito.
Naging mahinahon uli si Miles.
“Noon kasi, wala akong cellphone. Hindi naman sa mahirap ako- pero mahirap talaga ako. Ako nalang kasi mag isa sa buhay. Wala na sila mama at papa na gagabay sa akin. Ako nalang ang mag isa...”
Naramdaman ni Tristan na mag da-drama na naman si Miles kaya pinutol nalang nito ang sasabihin pa nitong mga salita.
“Ah... Pagkatapos, nagkaroon ka ba ng cellphone?” Tanong ni Tristan.
Natahimik si Miles. Parang inaalala kung saan siya huminto.
“Ah, oo. Nagkaroon ako ng cellphone. Mga high school na ako nun. Bigay yun sa akin ni Tita para kung may problema, tatawag lang ako sa kanya. Dahil nga sa hindi ako sanay sa cellphone, nagpaturo ako kay Phoebe.”
“Sino si Phoebe?”
“Hindi mo pa ba nakikita si Phoebe?”
“Magtatanong ba ako kung nakita ko na siya?”
Napataas kilay si Miles.
“Siya yung sikat na model. Hindi mo kilala?”
Of course, kilala ko ang Phoebe na sinasabi mo. I mean duh. Just continue the story.
“Please go on...”
Nag ahem muna si Miles. Then nag isip uli.
“Kaya ayun. Nalaman ko na pwede ka palang mag text gamit ang phone. Pwede kang tumawag kahit gaano pa kalayo ang taong kakausapin. May games rin tulad nung space impact at snake. Naadict nga ako sa mga larong iyun.”
That brought back the memories.
Napangiti nalang si Tristan. He misses the classic arcade games.
“Pagkatapos? Anong sunod na nangyari? Diba sabi mo na nagpaturo ka sa kanya? Ginamit ba niya number mo?” Tanong ni Tristan na hindi na makapag hintay sa susunod na mangyayari.
“Binilhan niya ako ng Sim Card. Sabi ni Phoebe na gamit ang sim card, pwede ko nang tawagan ang gusto kong tawagan. Pero dapat may load ako. At dapat kilala ko lang daw ang pwede kong tawagan. In short, bawal akong magdial ng random. Sinabi rin ni Phoebe na wag mag text sa ibang network dahil kakainin daw nito ang load ko.”
Napabungisngis si Tristan na wala sa oras. Natigil tuloy si Miles sa pagsasalita.
HA HA HA HA! EWAN KO NALANG SA IYO!”
Mangiyak ngiyak pa nga si Tristan habang tinititigan lang siya ni Miles na tumawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ni Miles. Talagang matindi ang throw back na ginagawa nito.
Ngayon, meron nang android tablets at phones na nag do-download ng kahit anong apps. Tulad nalang ng angry birds, plappy birds, twitter o kahit anong ibon pa diyan. Pero ang hindi talaga matatalo sa lahat ay ang larong snake at space impact.
“Pag pasensiyahan mo na ang pagtawa ko. Sadyang nakakatuwa lang talaga na bumalik sa nakaraan,” sabi ni Tristan na pilit itinatago ang tawa. Si Miles naman hinyaan lang siyang mamatay sa kakatawa. Kung alin man sa mga sinabi niya na talagang nakakatawa, then, okay. Ganun pala?
“Pwede na ba akong magsalita?” Tanong ni Miles sa tumatawang doctor.
“Sige, tatahimik na ako...” Pero rinig na rinig parin ang kanyang bungisngis. Hinayaan na lang ito ni Miles. Nagpatuloy nalang siya sa pagku-kwento.
Hawak hawak niya ngayon ang pinaka unang cellphone na natanggap niya sa buong buhay niya. Dapat magsaya siya dahil ni minsan di niya maiisip na magkakaroon siya ng cellphone. Si Phoebe naman ay tuwang tuwa rin sa bagong cellphone niya.
“Yan, dapat ipasok mo ang sim card mo dyan. Huwag mong iwawala yan,” sabi ni Phoebe na tinuturuan si Miles. “Dapat ma-memorize mo rin ang number mo para hindi hassle kapag gusto mo mag load or di kaya kapag may taong gustong humingi ng number mo.”
“Talaga?” sabi ni Miles.
“Oo naman. At tsaka mahirap na kapag hahanapin mo pa sa contacts ang number mo.”
Napatango nalang si Miles. Tinignan niya ang contacts niya, tita lang niya ang naka register.
“Uy, Phoebe, pahingi naman ng number mo,” sabi ni Miles.
“Number ko?”
“Yes. May cellphone ka naman diba?”
“Meron... Ah... Wait lang... wait...”
Kinuha niya ang phone niya pagkatapos ay tinignan ang screen. Bigla nalang siyang ngumiti na parang joker.
“Okay... kay.... Sige, i-type mo ha... #09*********” sabi ni Phoebe. Isa isa naman itong sinunod ni Miles. Pagkatapos, save.
“Yan... text mo lang ako kung gusto mo. Pwede rin tawag,” sabat ni Phoebe na para bang may kakaiba sa binigay niya. Hindi naman ito pinansin ni Miles. At least, may dalawang tao na sa contacts niya.
Habang tinitignan niya ang phone niya, bigla nalang na may umakbay sa kanya.
“Uy bagong cellphone!” sabi ni Trey.
“EH?! Umalis ka nga!” sabi ni Miles na inalis yung braso niya.
“Ehhh... May bagong cellphone na masungit na agad... Ehhhhhh... so bad,” sabi ni Trey.
“Psssh,” inarapan lang siya ni Miles.
“Sayang, gusto ko pa naman ibigay ang number ko,” nilabas na ni Trey ang phone niya nang pinigilan siya ni Phoebe.
“Uy, Trey! Tinatawagka pala ng ka-team mates mo! Bilis!” sabi ni Phoebe na pinagpilitang itinaboy si Trey.
“Eh? Talaga? Sige, aalis na ako,” umalis na siya.
Tinignan nalang nila si Trey na naglakad palayo. Pagkatapos ay kinurot ni Miles ang best friend niya.
“Bakit mo naman siya pina alis?!” sabi ni Miles.
“Eh? Akala ko gusto mo siyang umalis?” smile ni Phoebe.
“Ibibigay daw niya number niya sa akin eh...Kainis ka...”
“May number naman siya sa akin... Gusto mo?”
“Talaga?! Sige sige...”
“Eto number niya 09********”
Patalon talon si Miles nung makuha na niya ang number ni Trey.
“Then anong kinalaman nun? Paano nalaman ng boyfriend mo na boyfriend mo siya?” tanong ni Tristan na nakikinig lang sa kwento ni Miles.
“Paano niya nalaman? Paano nga ba...” Natahimik si Miles. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya talaga sa doctor na ito ang dahilan.
“Sige na, sabihin mo na. Para naman malaman ko kung anong problema mo.”
“Okay. Pero wag kang tatawa ha?”
“Promise,” promise ni Tristan. Pero alam niyang tatawa na naman siya kapag narinig na niya ang susunod.
Isang araw, naglalakad si Miles hawak hawak ang cellphone niya. Sakto rin na may load ito. Maaga pa pero nasa school na siya. Sa daan, nakita niya si Trey.
“Uy, good morning,” bati ni Trey sa kaniya.
“Uy, good morning din,” sagot ni Miles.
Dahil nga sa athlete si Trey kaya nasa school na siya.
“Ano... see ya’ later,” kaway ni Trey na sumama na sa mga team mates niya.
Dahil sa may bagong cellphone si Miles at sa gusto niyang i-share sa best friend niya ang nakita niya sa araw na ito...
*toot* toot* toot*
[May sumagot sa phone]
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! PHOEBE! NAKITA KO SI TREY! WAAAAAAAAAAH! BAKIT ANG GWAPO NIYA?! ANG CUTE CUTE NIYA?!” Sigaw ni Miles na halos nakita na ang ugat niya sa leeg.
Pero walang sumagot. Tahimik lang ang kabilang linya.
Nabingi kaya si Phoebe dahil sa sinigawan ko siya?
“Hello? Phoebe? Uy, Phoebe? Nandyan ka pa ba?”
Idiniin niya ang tainga niya sa phone dahil baka nagsasalita si Phoebe pero hindi lang niya marinig.
“Uy, Phoebe? Buhay ka pa-“
“Miles...”
Huh?
Nagtaka si Miles kung bakit parang boses lalaki ang sumagot sa kabilang linya.
“Phoebe? Bakit iba ang boses-“
“Miles...”
Bigla nalang siya nakaramdam na para bang ang tinatawagan niya ay nasa likod lang niya. At para patunayan kung tama ang kutob niya...
“PHOEBE!!”
Narinig niya ang kabilang linya sa may dapit likod...
Paglingon niya, nakita niya si Trey na may hawak hawak na phone at nasa tainga niya ito. Parang binuhusan siya ng yelo sa likod dahil sa bigla nalang siya namutla. Nang magsimulang maglakad si Trey papunta sa kanya, para naman siyang hinagisan ng apoy dahil sa biglang uminit ang pakiramdam niya.
“Ahhhhh!” sigaw ni Miles na nagsimulang tumakbo palayo.
“Teka lang! Miles...” habol naman sa kanya ni Trey.
“Ha! HA! Ha! Ha!” tawa ni Tristan sa mga sinabi ni Miles. “Hindi ko naisip yan ha! Ha ha ha! Yan na ang pinakanakatatawa na joke na narinig ko!”
Mangiyak ngiyak na tumawa si Tristan sa upuan niya na tila ba wala nang bukas. Si Miles naman ay tulala parin. Isa lang ang nasa isip niya ngayon. Kapag natapos na ang lahat ng acting na ginagawa niya, ipapakulong niya talaga ang nakakainis na doctor na ito.
“Ang talino ng best friend mo! Pwede ko ba siya ma meet sa personal?” Ngiti ni Tristan na hindi maka move on sa story.
“Sabi mo hindi ka na tatawa? Nag promise ka pa! Kakasuhan kita,” sabi ni Miles sabay turo sa kanya. Itinaas ni Tristan ang kamay niya na para bang nag surrender.
“Okay okay... Nice one,” tumayo siya at pinuntahan si Miles na naka upo. “Our last two meetings will be our last sessions at hindi ko pa nalalaman ang puno’t dulo kung bakit nagsuicide ka. Pwede ba na sa next meeting sabihin mo na ang dapat mong sabihin? Dahil sa last meeting natin, may test ako na gagawin.”
“Sure... I think I can do it,” sabi ni Miles na parang hindi pa sigurado sa gagawin niya.
“Okay, that will settle everything,” Tinignan ni Tristan ang relo niya. Napangiti siya na wala sa oras.
The right time will come soon.
Tumunog na ang buzzer. Ibig sabihin, tapos na ang session nila ngayon.
“Well, aalis na ako. Bye Miles. See you next time,” Pumunta na siya sa may pinto.
“Oh, by the way, get ready for the test. It will be fun.”
Then he closed the door.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top