CHAPTER EIGHT: Let's talk like we are colleagues

8:00 AM

Breakfast

Kagigising lang ni Miles. Minsan, alas singko gising na siya. Ngunit sa araw na ito, para bang sinabi ng katawan niya na mamaya na. Kaya, ang nangyari, alas otso na ng umaga nang siya ay bumangon. At dahil nga sa late na siyang nagising, late na rin siya kakain ng breakfast. Kasama niya si Phoebe ngayon.

“Bakit hindi mo ako ginising?” Tanong ni Miles.

“Humihilik ka pa kasi,” sabi ni Phoebe.

Alam ni Phoebe na nagkukunyari lang ang best friend niya. Na sense niya ito nung pagkatapos ng after two sessions. Kung talagang baliw itong best friend niya, sana matagal na siyang pinatay nito dahil sa mga kalokohan at atrasong mga ginawa niya noon.

Hayaan na natin ang nakaraan. Ang importante ay ang mangyayari sa hinaharap.

Marami silang nadadaanan na mga nurse. Wala naman masyadong tao dahil nga sa umaga pa. At tsaka, sa mga oras din na ito kumakain ang ibang mga staff na sa hula nila ay nasa canteen na ngayon. Makikisabay nalang sila.

Pagdating nila sa canteen, nakasalubong nila ang mga patapos na kumain. Hindi naman malaki ang canteen. Hindi rin naman maliit. Parang normal fast food chain lang ang dating. Ang mga upuan ay tulad ng isang picnic table na kung saan magkadikit ang upuan sa mesa. Gawa sa bakal ang foundation at nakadikit sa sahig. Mga twenty five to thirty ang rami nito na nakahilera, parallel sa may counter. Sa counter naman, may dalawang cashier ang nakatalaga. Ang isa ay para sa mga disabled at ang isa ay sa normal customer lang. May tatlong chef ang nagluluto; ang isa ay graduate sa course na Food Tech. Ang dalawa naman ay HRM. Ang niluluto nila ay mga pagkain na pumapaloob sa food triangle.

Pumunta sa may counter si Phoebe nang maghanap ng upuan si Miles.

Sa counter...

“Ano po order niyo?” Tanong ng isa cashier na Shelly ang name.

“Diet meal please,” sabi ni Phoebe sabay turo sa menu.

“Okay, Ma’am.”

Umalis muna ang cashier at ihinatid sa cheif ang order. Naghintay muna si Phoebe dun. Sakto rin na sa mga oras na yun, nandun si Tristan. Nang makita niya si Phoebe agad niya itong nilapitan.

“Hey, ikaw ba si Phoebe? Yung best friend ni Miles?” Tanong ni Tristan.

“Huh?” Tinignan siya ni Phoebe. Nanlaki ang mga mata nito.

“I am Tristan, ang psychologist ni Miles,” nakipagshake hands siya kay Phoebe.

“Oh, ikaw pala... Ha ha ha,” tumawa lang si Phoebe. Ang laki rin ng smile ni Tristan sa mukha niya.

“Nasaan si Miles?” Tanong nito.

“Teka...”

Hinanap ni Phoebe sa paligid si Miles. Pagkatapos nakita niya itong nakaupo sa may dulo.

“Yun... Nandun siya,” turo ni Phoebe. Nakita naman ito agad ni Tristan.

“Sige, pupuntahan ko lang muna,” sabi niya sabay pat sa balikat ni Phoebe. Ngumiti lang si Phoebe at hinarap ang babae sa counter.

Nagmadaling naglakad si Tristan papunta kay Miles. Nakita niya itong tulala sa labas ng bintana. Kung ano man ang tinitignan nito o kung ano man ang iniisip nito- wala siyang paki alam. Basta, para sa kanya, malalim mag isip si Miles. Siyempre, bakit pa siya naging abogado kung agad agad naman siyang nauuto diba?

Umupo siya ng walang pasabi. Hindi man lang siya tinignan ni Miles. Hindi rin naman ito nagreklamo. Siguro inakala ni Miles na si Phoebe yung umupo dahil ang kasunod niyang sinabi ay...

“Alam mo, may naaalala ako noon,” sambit ni Miles- hindi parin inaalis sa bintana ang tingin. Tumango lang si Tristan. Hindi siya nagsalita dahil baka mahalata ni Miles na hindi si Phoebe ang kausap niya.

“Naaalala mo yung dati? Yung nagalit nalang ako bigla sa iyo?” Napabuntong hininga si Miles. “Hindi naman ikaw ang dahilan. Sa totoo pa nga, hindi ako nagagalit. Nasasaktan ako ng mga panahon na iyon.”

“Bakit?”

Nagtaka si Miles kung bakit boses ng lalaki ang narinig niya. Paglingon niya, nakita niya si Tristan na nakatingin sa kanya, napakalaki ng ngiti sa kanyang mga labi.

“Bakit ka nasaktan? May nanakit ba sa iyo?”

Hinampas nalang siya ni Miles bigla.

“Bakit ka nandito?! Sinusundan mo ba ako?” Tanong ni Miles.

Naku, muntikan ko nang masabi yun!

“Dito kaya ako nagtatrabaho kaya normal lang sa akin na nandito. Ikaw, bakit nandito ka? Bakit, baliw ka ba?” Tanong ni Tristan.

Hindi nakasagot si Miles. Pero pinagpatuloy lang ni Tristan ang pagsasalita. Alam niyang hindi yun kayang sagutin ni Miles.

“Mga baliw lang ang pwede dito. Bawal dito ang mapagkunyari,” sambit niya. Tinignan siya ni Miles ng masama.

“Eh bakit pa ako nandito kung hindi ako baliw? Pssh, akala ko matalino ka na,” sabi ni Miles.

“Hindi ka baliw,” sabi ni Tristan, but this time, he gave Miles a wide grin.

“Baliw nga ako, diba?! Hindi ka ba nakakaintindi?”

“Hindi nga. Papatunayan ko yan.” May pambabanta sa boses ni Tristan. Para bang sa likod ng mga ngiting kanyang ipinapakita, isang katauhan ang nagtatago. At malamang, makikita yun ni Miles. At baka dahil dun, baka aminin ni Miles na hindi nga siya baliw.

“Papatunayan... Bakit, ano ba ang gagawin mo?” Panghahamon ni Miles.

“Eh kung sasabihin ko baka malaman mo. Basta, alam ko na hindi ka baliw. Nagkukunyari ka lang. Kilala ko ang mga taong mahilig magkunyari...”

“Blah blah blah, hindi ako nakikinig!”

“... Sila yung mga taong nagbabaliw baliwan...”

“... Wala akong naririnig...”

“... Mga taong nagbi-bingi bingihan...”

“... Do re mi fa so la ti...”

Tinabunan ni Miles ang taenga niya. Habang ginagawa niya ito, biglang hinablot ni Tristan ang braso niya. At dahil dun, napaabante siya sa mesa. Nilapitan rin naman siya ni Tristan. At kung iyung titignan, mga ilang sentimetro nalang at dadampi na ang kanilang mga labi.

“... At ang mga taong wala nang ginawa kundi ang iwasan ang mga bagay na dapat matagal na nilang hinarap. Diba Miles? Sinubukan mong iwasan ang sinasabi ng puso mo. Tignan mo ngayon...”

Tinitigan niya ang mga mata ni Miles.

Gaya parin ng dati. Walang pinagbago. Kumikinang parin na parang bituin sa umaga at araw sa gabi. Parang ulan sa bahaghari at liwanag sa dilim.

Si Miles, na kanina ay gustong paalisin ang doctor ay nakatingin rin sa mga mata nito. Pamilyar. Parang nakita na niya ito noon. Mga mata na parang matagal na niyang nakilala ngunit hindi nga lang niya maalala. Hinawakan ni Miles ang kamay ni Tristan na ngayon ay hinahawakan ang braso niya.

“Sino ka ba Tristan? Bakit parang kilala na kita?”

Ngumiti lang si Tristan.

“Talaga?”

Lumayo na si Tristan. Umupo na siya ng maayos. Iniwan niya si Miles na nakatunganga parin doon.

“Oi... Kumusta,” dumating na rin pala si Phoebe na may dala dalang tray. Napatingin siya sa dalawa. Nakita niya si Tristan na may malaking ngiti sa mukha samantalang tulala parin si Miles.

“May bagay ba akong nakaligtaan?” Tanong niya.

“W-wala,” sabi ni Miles na umupo.

“uh—Okay,” umupo na si Phoebe sa tabi niya. Inilapag in Phoebe yung tray sa mesa. At pagkalapag nito, agad naman niyang kinuha ang plato na para kay Miles.

“Eto... Para sa iyo para hindi ka naman maging matamlay.” Tinignan ni Phoebe ang doctor. Napansin niyang nakatitig ito kay Miles habang nakangiti.

“Doc, gusto niyo rin? Mag o-order ak-“

“No thanks. Okay lang. Malapit narin naman kasi yung trabaho ko.”

“Ah...Okay.”

Kumain na si Phoebe. Nagtaka siya kung bakt hindi pa gumagalaw yung dalawa. Tinignan niya si Miles- Masama ang tingin nito kay Tristan. Tinignan naman niya si Tristan- nakangiti habang nakatingin kay Miles. Walang kumukurap sa dalawa. Walang pumipikit. Basta nagtititigan lang sila.

Ano ito, staring contest? O di kaya nag uusap sila gamit ang utak?

“Ahem... Kanina ko lang napapansin... Bakit tinititigan niyo ang bawat isa?” Tanong ni Phoebe.

“Talaga lang?” sagot ni Tristan.

“Sinong tinititigan ko?” Sabi ni Miles.

Nagpatuloy parin ang dalawa.

“Ano ba ang problema niyo ha? Wag niyong sabihin marunong kayo ng telephaty? Kasi parang nag uusap kayo gamit ang utak,” reklamo ni Phoebe na gustong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Tumawa nalang si Tristan.

“Hala, sino kaya ang baliw diyan na bigla nalang tatawa,” sabat ni Miles na nagsimula nang kinuha yung kutsara niya.

“eh? Sino naman kaya yung hindi baliw?” Sabat ni Tristan. Inikutan lang siya ng mata ni Miles.

“Umalis ka na nga at magtrabaho ka na doon,” sabi ni Miles na nagsimula nang kumain. Nag smirk si Tristan.

“Hindi mo ako kayang utusan. Kaano ano ba kita?”

“Pssh, alis na nga sabi eh.”

Itinaas ni Tristan ang mga kamay niya.

“Okay, okay. But be ready for the next meeting. Kailangan na nating matapos ang tests,” tumayo na si Tristan.

“Mabuti pa at naisipan mo nang umalis,” sambit ni Miles na padabog pang kumain.

“Hindi naman talaga ako aalis, Miles. Well, see you later. Masaya ako at naka usap kita bilang kaibigan ngayon at hindi bilang pasyente ko.”

“Anong kaibigan? Kaibigan ba kita?”

Ngumiti si Tristan.

“Minsan, hindi mo na nalalaman na ang taong lagi mong tinataboy ay ang taong matagal nang naghihintay na makilala mo siya.”

“Anong gusto mong ipahiwatig ha?”

“Wala. Wala naman.”

May tumunog na bell sa buong building.

“Calling the attention of Mr. Tristan....”

“Oh, tinatawag narin pala ako. Sige, Aalis na talaga ako. Good bye Phoebe,” tinignan niya si Phoebe. Next si Miles. “And goodbye my dear patient.”

Naglakad na siya paalis. At nang mawala na siya sa paningin niya, nakahinga na ng maluwang si Miles. Si Phoebe naman ay parang kiti kiti na kinikilig dun.

“Oh my gosh! May crush yata sa iyo yung doctor mo,” sabi ni Phoebe.

“Yun? Pssh, mahilig lang talaga yun mang inis. Imposible yung sinasabi mo.”

“Weee? So ano yun? Wala lang? At sa pagkaka alam ko, single pa yang si Doctor. Baka pwede kayo.”

“Phoebe... Hindi naman sa ayaw ko sa kanya... Ayaw ko lang talaga...”

“Ano? Ayaw mong magka-boyfriend dahil hinihintay mo pa SIYA?”

“Ewan ko saiyo. Kakain nalang ako.”

Hindi na nagsalita si Miles. Kumain nalang siya.

Isa lang ang laman ng isip niya.

Nakilala na niya si Tristan noon. Ang pakiramdam niya, hindi lang basta basta ang doctor na iyon. Hindi siya isang client na tinulungan niya o isang image na nakita niya lang sa TV. Mukhang mas malalim pa. Mukhang isang ala ala na matagal nang nawala na ngayon ay bumabalik at pinahihirapan siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top