Chapter 8
CHAPTER 8
Stalker
“So, kumusta naman? Anong masasabi mo sa Arco City?”
Napangiti agad ako sa tanong ni Aleisha. Pagkauwi rito sa apartment ay saka ko siya tinawagan para makausap.
“It's great! Ang ganda-ganda rito, Aleisha! Parang gusto ko na lang tumira rito habambuhay,”sabi ko at pabagsak na humiga sa kama.
Gumulong ako at tinanaw ang bintana. Mula sa aking puwesto ay nakikita ko ang madilim na kalangitan. Punong-puno ng bituin at malamig na ang hangin na pumapasok mula roon.
“I told you. Magugustuhan mo na talaga diyan. Plus, mababait pa ang mga tao. Hindi ka mahihirapang maki-interact sa kanila.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Naalala ko kasi iyong lalaking napagbintangan ko kanina sa plaza. Mabait ba 'yon? Parang hindi naman.
“Natahimik ka? May nangyari ba? May umaway sa 'yo?”sunod-sunod na tanong ni Aleisha.
Umiling ako kahit na hindi naman niya ako nakikita.
“Wala naman. Iniisip ko lang kung magkakaroon ba ako ng kaibigan dito,”sabi ko.
“Oo naman. Basta ingatan mo lang palagi ang sarili mo. Kahit naman sinabi kong mababait ang mga tao riyan, mabuti pa rin na mag-ingat ka. Ingatan mo rin ang puso mo.”
“Opo, Mommy,”biro ko.
Kung makabilin kasi siya, daig pa si mommy. Well, speaking of mommy, ni hindi pa niya ako tinatawagan o tini-text mula nang umalis ako sa bahay.
Parte ba ng pagpapaalis niya sa 'kin ang pagputol ng koneksyon namin sa isa't isa? Kung gano'n nga, mukhang kailangan kong magtiis talaga.
Pagkatapos naming mag-usap ni Aleisha ay saka ako kumain ng hapunan. Kumpleto na rin sa gamit pangkusina rito kaya nakapagluto ako.
Bandang alas-syete ay nasa kuwarto na ulit ako. Nakatulala lang ako sa kisame habang hinihintay na dalawin ako ng antok.
Maya-maya lang ay may narinig akong malumanay na tugtog mula sa kung saan. Hindi ako magaling sa instrumento pero sa tingin ko gitara ang gamit ng taong nagpapatugtog no'n.
Babangon sana ako para tingnan kung sino iyon pero unti-unti na akong dinalaw ng antok. Hilig ko talaga ang mga gano'ng klase ng musika. Iyon bang kalmado lang.
Hindi ko alam kung tinablan na ba ako ng pagod o dahil na rin sa magaang musika na naririnig ko kaya nakatulog na ako.
Kinabukasan ay nagising naman ako sa malakas na tugtog mula sa kadikit kong apartment. Kinusot ko ang aking mata bago tuluyang bumangon.
Nasulyapan ko ang orasan at nakitang alas sais pa lang ng umaga.
“Ang aga namang mangistorbo ng taong 'yon. Hindi man lang inisip na baka makabulabog siya sa kapitbahay.” Naiinis na bulong ko sa sarili.
Hindi na ako nagdalawang-isip at agad akong lumabas mula sa unit ko. Tama nga ako na kadikit unit ko lang ang nagpapatugtog. Agad akong kumatok sa pinto no'n.
Nakailang katok na ako ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Siguro hindi ako marinig dahil sa lakas ng speaker niya.
Balak ko sanang hampasin nang malakas ang pinto nang bigla iyong bumukas.
Bumungad sa akin ang isang bagong ligong lalaki. Natigilan ako nang mamukhaan kung sino 'yon.
“Ikaw?”gulat na tanong ko sa kanya.
Siya lang naman ang lalaking napagbintangan ko kahapon sa plaza. Kung mamalasin nga naman, kapitbahay ko pala ang isang 'to.
“Nice to see you again, Miss.”
Magsasalita sana ako ulit nang mapansin kong wala pala siyang suot na pang-itaas. Tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa kanyang beywang na nanganganib pang mahulog.
Agad akong tumalikod at hindi ko mapigilang mapatili.
“Bwiset ka! Bakit hindi ka man lang nagbihis bago mo binuksan ang pinto?!”naiinis na singhal ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.
Narinig ko ang pagtawa niya nangingibabaw pa rin kahit malakas ang tugtog.
“It's not my fault. Kung makakatok ka kasi akala mo magugunaw na ang mundo kaya hindi na ako nakapagbihis. Anyway, bakit ka nga pala nandito? Are you stalking me?”
Nanlaki ang mga mata ko at hinarap ko siya. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to.
“Excuse me—
“Puwede ka nang dumaan,”putol niya sa sinasabi ko kaya mas lalo akong nainis.
“Hindi kita ini-stalk, 'no. Baka ikaw 'yon? At saka, kinatok kita kasi sobrang lakas mong magpatugtog. Nakakaistorbo ka ng natutulog!”
Umakto siyang nagulat. “Really? Isang linggo na akong narito, Miss. Kaya hindi kita sinusundan.”
“Ha! Isang linggo? Siguro isang linggo na ring nagtitiis sa kaingayan mo ang mga tao rito.”
Ayaw ko talaga sa mga ganyang klase ng kanta. Iyong parang halos kalabugin ang buong sistema ko.
Ngumisi siya at sumandal pa sa pintuan.
“Well, do you know that I'm actually helping them?”tanong niya kaya kumunot ang noo ko.
“At paano ka naman nakatutulong? Don't tell me, you're helping them by waking them up early in the morning using that loud music of yours?"
“Exactly! Maaga ang pasok sa trabaho ng mga kapitbahay ko at hindi sila agad nagigising sa alarm nila kaya ako nagpapaingay,” mayabang niyang sagot.
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero hindi ko na itinuloy. Wala rin naman akong mapapala kung makikipagtalo ako sa lalaking 'to. For sure, lahat ng sasabihin ko may sagot siya.
“Ayan kasi, you judged me without knowing my reasons. Masama 'yon.” Umiiling-iling na sabi niya. “Sa tingin ko kailangan mo nang mag-sorry sa akin nang dalawang beses. Palagi mo na lang akong pinagbibintangan.”
I rolled my eyes. “Sorry...not sorry."
Napatingin ako sa loob ng unit niya at agad na may napansin. Kumunot ang noo ko.
“Teka, picture ko 'yon ah!”gulat kong sabi nang mamukhaan ang picture na nandoon sa sala niya.
Naka-frame na iyon agad at naka-display. Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko at mukha siyang gulat dahil nahuli sa ginawang krimen.
“Ano...let me explain—
“Liar! Ang kapal ng mukha mong hingian ako ng apology eh ikaw naman pala ang may atraso sa 'kin! Bakit may picture ako sa 'yo? Stalker talaga kita, 'no?”
Akala ko pa naman mabait siya. Sinungaling pala. Ako pa ang pinagmukha niyang masama dahil pinagbintangan ko siya. Tapos totoo naman pala!
Bubuka pa sana ang bibig niya para magsalita pero inangat ko ang kamay ko.
“Huwag ka nang magsalita. Kukunin ko ang picture ko at huwag mo na akong susundan o kakausapin!”
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at basta ko na lamang siyang itinulak para makapasok ako sa loob ng unit niya. Ngunit sa napalakas yata ang pagtulak ko dahil napasandal siya sa sofa at natanggal ang tuwalya sa kanyang beywang.
“AAAH!” Napatili ako at agad na nagtakip ng mata bago ko pa makita ang bagay na hindi ko dapat makita. “Bastos ka talaga!”
“Ako pa talaga? Ikaw nga itong tumulak sa 'kin at bigla na lang pumapasok sa unit ko,”rinig kong sabi niya.
“Anong nangyayari rito—Ay susmaryosep!”
Napatingin ako sa may pintuan nang may magsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang ginang na nakasilip doon.
“Kayong mga kabataan nga naman. Kung gagawa kayo ng kababalaghan, matuto kayong magsarado ng pinto,”sambit pa ng ginang kaya nagkatinginan kami ng lalaking hindi ko pa pala alam ang pangalan.
Mabuti na lang at nakatapis na siya ulit. Wala naman akong balak na madungisan ang mata ko 'no!
“Nagkakamali po kayo—
“At ikaw naman Iha, huwag kang masiyadong tumili. Hindi mo naman gustong malaman ng ibang kapitbahay natin ang ginagawa n'yo, ano?”putol niya sa sinasabi ko.
Napalunok ako habang umiinit ang aking pisngi sa kahihiyan. Iniisip ba niya na...OMG! Nakakadiri!
“Ma'am, salamat po sa bilin pero wala naman po kaming ginagawang kababalaghan. Aksidente po ang lahat,”nahihiyang paliwanag ko.
“Aba, kung wala kayong ginagawa, bakit ganyan ang itsura mo, Iho? At ikaw naman, anong ginagawa mo rito sa unit niya?”nagtatakang tanong nito kaya napakamot ako sa noo ko.
Narinig ko ang pagtawa ng lalaki sa tabi ko kaya nilingon ko siya.
“Pasensya na ho, Madam. Kakausapin ko na lang itong girlfriend ko na huwag masyadong maingay para hindi na po marinig sa labas kung anong ginagawa namin,”
Literal na napanganga ako sa sinabi ng hinayupak na lalaking 'to. At ang ginang agad namang sumang-ayon at umalis na.
Pakiramdam ko kumulo nang husto ang dugo ko at anumang oras ay sasabog na ito. Hindi naman ako mabilis magalit pero itong lalaking 'to, kayang-kaya niya akong galitin sa ilang segundo lang.
Napatingin siya sa 'kin at agad na nagtaas ng kamay na parang sumusuko na.
“Ninakawan mo na nga ako ng litrato. Nagsinungaling ka na nga sa 'kin. Tapos ngayon dinamay mo pa ako sa kadugyutan mo! Ang sabi ng kaibigan ko mababait daw ang mga tao rito, kaya napapaisip ako kung tao ka ba talaga?”
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.
“Of course, I'm a human. Kitang-kita mo naman, 'di ba—Aray!”
Agad kong hinila ang patilya niya. Ngayon magsisisi na siya na hindi maikli ang kanyang buhok.
“Aray ko! Bitawan mo 'ko, kun'di—
“Kun'di ano?”panghahamon ko sa kanya.
“Hahalikan kita.”
Wala pang isang segundo ay nakabitaw na ako sa kanya. Sa itsura niya, hindi naman malabong gawin niya nga iyon.
“Bwiset ka! Lumayo-layo ka sa 'kin at hindi lang 'yan ang aabutin mo!”
Pinanlisikan ko pa siya ng tingin bago ako lumabas mula sa unit niya. Napansin ko pa ang ibang kapitbahay namin na nakaslip sa kani-kanilang pinto.
Padabog akong naupo sa sofa at pinagkrus ang aking mga braso. Huminga ako nang malalim upang magpakalma. Parang napagod ako bigla. Nakakapagod makipagtalo sa lalaking 'yon.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pagpapakalma ay saka ko lang naisipan na mag-ayos. Hindi na rin naman ako inaantok kaya gagala na lang ako ngayon.
I'm now wearing a white puffed-sleeves crop-top matched with a pair of jeans. Naglagay na rin ako nang kaunting makeup para naman hindi ako pagkamalang multo sa sobrang putla ng mukha ko.
Nang makontento sa aking itsura ay saka lang ako umalis ng unit. Maingay pa rin sa kabilang unit kaya alam kong nandoon pa rin ang lalaking 'yon. Mabuti pang umalis na ako bago pa kami magpang-abot ulit.
Since hindi pa ako nag-aalmusal, I decided na magtungo muna sa isang coffee shop.
Tumunog ang door chimes pagkabukas ko pa lang ng pinto at naamoy ko agad ang mabangong aroma ng kape. Amoy pa lang ay nabuhay na agad ang dugo ko.
I really love coffee as much as I love arts. Pantay sila sa puso ko, walang lamangan.
“Good morning, Miss. May I take your order?" The lady behind the counter asked.
Binasa ko sa mismong counter kung anong mayroon sila. Mabilis kong sinambit ang order ko at agad naman niyang inasikaso iyon. Wala pang sampung minuto ay nasa akin ang kape at cake na in-order ko.
Binitbit ko ang tray at luminga sa paligid para maghanap ng mauupuan.
Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo nang may mapansin. Karamihan sa mga nandito ay mga mag-jowa! Hindi naman ako bitter ah, pero ang sakit nila sa mata. Nagsusubuan pa ng cake, hmp!
Iisa na lang ang bakanteng mesa dahil nasa sampu lang yata ang mesa rito. Maganda naman ang lugar at malaki ang space. Siguro dapat dagdagan pa ng owner ang mga mesa.
Nagtungo ako doon sa bakanteng mesa at naupo sa upuan na nakatalikod sa ibang mesa. Para naman makakain ako nang maayos. Ayos na sa 'kin na makipagtitigan sa pader.
I sipped on my coffee, closed my eyes and sighed. This is...heaven.
“Coffee lover, huh?”
Kumunot ang noo ko sa pamilyar na boses na narinig. Hindi ako puwedeng magkamali. Galing 'yon sa kapitbahay kong sumira sa umaga ko!
“Please lang, umalis ka sa harapan ko bago pa ako magdilat ng mata. Baka lalong masira ang araw ko, 'e. At hindi ba ang sabi ko, huwag na huwag mo na akong lalapitan o kakausapin?”
Narinig ko siyang tumawa kaya halos kilabutan ako. Kahit pagtawa niya, nakaiinis!
“For your information, I'm standing right behind you. So, kahit dumilat ka hindi mo ako makikita. Besides, sumagot ka rin naman so gusto mo rin akong kausap.”
Mabilis akong dumilat at totoo nga. Wala siya sa harapan ko.
“You look disappointed. Kung gusto mo akong makita, lumingon ka lang.”
Huminga ako nang malalim. “Puwede ba? I just wanna eat my breakfast, peacefully. Huwag ka munang mang-inis.”
Para akong ewan dito. Nakikipag-usap ako sa kanya nang nakatalikod. Sa paningin siguro ng iba ang bastos kong kausap. Pero ayaw ko talagang makita ang mukha ng lalaking 'to.
“Well, looks like you have to bare with my presence. Wala na kasing bakanteng mesa at iyang inuupuan mo ang usual spot ko rito. Puwede naman siguro akong maki-share?”
Umirap ako at hinarap siya. Agad naman siyang napangisi.
Argh! Bakit ba ako lumingon? Iisipin niya na ngayon na gusto kong makita ang pagmumukha niya!
“Sige, umupo ka na. Ako na lang ang aalis,”sabi ko at dinampot na ang aking pagkain. Ako na lang ang mag-a-adjust.
“You can't leave."
Naudlot ako ang pagtayo ko nang magsalita na naman siya.
I raised an eyebrow.“And why is that?”
“Ahm, there's this rule here. Hindi mo puwedeng i-takeout ang order mo. Kailangan dito mo ubusin 'yan.”
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Seryoso ang kanyang mukha kaya hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o niloloko niya lang ako. At saka, may gano'n bang rule? Bawal i-takeout ang order? At bakit naman?
“You think I would believe you? Bakit naman ipinagbabawal ang takeout? Paano kung nagmamadali na ako at kailangan ko nang umalis?”Sunod-sunod kong tanong.
He shrugged. “That's the rule. If you're in a hurry, you don't have a choice but to leave your food here.”
Magsasalita pa sana ako nang may staff na lumapit sa amin.
“Sir, Ma'am, may problema po ba rito? Kanina pa ho kasi kayo nagsasagutan at may ibang customers pong naiistorbo.”
Napalingon ako sa ibang mesa at nakitang nakatingin nga sila sa amin. Uminit ang pisngi ko at alanganing ngumiti sa staff ng coffee shop.
“Sorry, paalis na ako actually. Puwede ko bang dalhin itong order ko?” tanong ko.
Ngumiti ang babae bago umiling. “Pasensiya na, Ma'am. May rule po kasi kami rito na hindi po puwedeng i-takeout ang orders. Para maiwasan na rin po na kumalat sa labas ang waste ng shop.”
I glanced at the man in front of me and he was giving me the I-told-you look.
Wala tuloy akong choice kundi ipagpatuloy ang pag-a-almusal ko habang kahati sa mesa ang lalaking 'to.
“Since we're neighbors, I think it's just normal if we exchange names, right?”he asked and I stared at him, lazily. “I'm Pierce. Pierce Novicio. You are?”
Saglit kong tinitigan ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.
“Marilee Evangelista,”I told him and I shook his hand quickly.
He nodded. “Nice to meet you, Marilee.”
Hindi na ako umimik at itinuon na lang ang pansin sa pagkain ko. Binilisan ko talaga para makaalis na ako agad at nang makalayo na ako kay Pierce.
I don't really know what's with this guy that makes me irritated. Parang lahat ng tungkol sa kanya, naiirita ako.
Nang matapos akong kumain ay agad na akong tumayo at dinampot ang gamit ko.
“You're leaving?”he asked and I rolled my eyes.
“Yes! And please, don't follow me around. Gawin mo ang lahat para hindi tayo magkasalubong,” pag-utos ko sa kanya saka ko siya tinalikuran.
Paglabas ko pa lang ng coffee shop ay napabuntong-hininga na ako. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta. Binuklat ko ang mapa na galing sa bag ko.
“I think you'll be needing a tour guide,”
Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot si Pierce sa aking tabi.
“Bakit ka ba nanggugulat? At saka, 'di ba sinabi ko na sa 'yong huwag mo akong susundan?” Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi naman siya natinag.
Bumuka ang bibig niya para magsalita nang tumunog ang phone ko. Pinandilatan ko ulit siya ng mata bago ko ako lumayo at sinagot ang tawag.
“Hello, Aleisha.”
“Hi, Marilee! So, namamasyal ka na ba? Kumusta naman?” she asked on the other line.
I sighed and looked around. “Everything's great here...except to one person. He's annoying!"
I glanced at Pierce who's now looking at me.
“Wait...don't tell me may ñakaaway ka? Sino ba at baka kilala ko?”
“He's Pierce Novicio. Actually, malapit siya ngayon sa akin.”
Narinig ko ang pagtawa ni Aleisha sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. Nababaliw na naman yata ang babaeng 'to. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
“Ang sabi mo kasi annoying pero nandyan siya malapit sa 'yo? Diba dapat lumalayo ka sa kanya? And wait...alam mo na ang pangalan niya?”tanong niya at muli kong narinig ang mapang-asar niyang pagtawa.
Napabuga ako nang mabigat na hininga. “Duh! We exchanged names at the coffee shop earlier pero hindi ibig sabihin n'on, hindi na ako naiirita sa kanya. Besides, paano ko siya lalayuan eh magkatabi lang ang apartment ninyong dalawa?”
“Really? Is he handsome? Tell me, may guwapo ba akong kapitbahay diyan?”
Ito na naman tayo. Imbes na damayan niya ako, inuna niya pang alamin kung guwapo ba ang kapitbahay niya. Bakit ko nga ba siya kaibigan?
Pagkatapos nang halos walang hanggang pang-aasar sa akin ni Aleisha ay naisipan niya na ring putulin ang tawag. Napahinga na lang ako nang malalim at napailing-iling.
Sumulyap ako kay Pierce na nakatingin sa harap ng coffee shop. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para makaalis nang hindi niya napapansin. Agad akong naglakad papunta sa kung saan.
Kanina, habang binabasa ko ang mapa, may nakita akong antique shop o bookstore yata 'yon. Galleria ang name ng shop, so iyon na lang ang una kong pupuntahan.
“Galleria.”
Malungkot akong napangiti nang mapagmasdan ko ang harapan ng shop. Naalala ko kasi ang Art Gallery ko. Masakit pa rin sa tuwing naaalala kong naging abo na lahat ng pinaghirapan ko.
Kung hindi nasunog ang gallery, hindi ako pupunta rito. Edi sana, pinagmamasdan ko pa ngayon ang mga painting ko. Sana, hindi ko kailangang lumayo.
Pero gano'n talaga siguro ang nakatadhanang mangyari. Naniniwala naman ako na may dahilan ang lahat. Kailangan ko lang tatagan ang loob ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top