Chapter 7
CHAPTER 7
Picture
“Arco City?” nagtatakang tanong ko nang sabihin iyon ni Aleisha.
Nandito kasi ulit ako sa bahay nila dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Nakakahiya na nga sa parents niya. Kulang na lang dito na talaga ako tumira.
“Yup,” she answered while nodding her head. Hinarap niya sa 'kin ang laptop niya at nandoon ang litrato ng napakagandang lugar. “Arco City is located in Palawan. Nadiskubre ko lang din 'yan nang magbakasyon kami sa Palawan last year. Nagandahan ako sa lugar kaya bumili ako ng isang unit sa apartment doon.”
Arco City. Pangalan pa lang parang ang ganda na. Maging sa mga picture na nasa harapan ko ngayon, masasabi kong iba talaga ang aura ng lugar na iyon.
“Pero ang layo. Gusto ko sana around Metro Manila lang din para at least puwede kong puntahan si Mommy, anytime.”
Bumuntonghininga si Aleisha. “Pero Marilee, 'di ba ang Mommy mo na rin ang nagsabi na lumayo ka muna. Baka hindi makabubuti kung dadalawin mo siya. Saka ayos na rin na malayo, ituring mo na lang ito na bagong buhay. Malayo sa lahat ng masasakit na naranasan mo rito.”
Maybe, she's right. Maybe, I should really start my life over again. Alam kong magiging mahirap pero kakayanin ko naman. Marami na akong pinagdaanan sa buhay, ngayon pa ba ako matatakot?
“So, it's decided?”she asked and I nodded. “Great! Ako na ang magbo-book ng ticket mo. May driver din kami doon na magsusundo sa 'yo para ihatid ka sa apartment ko.”
Tumango ako ulit. “Salamat, Aleisha. Don't worry kapag nakaipon na ako ulit, bibili na ako ng sarili kong apartment.”
“No worries! Saka nga pala, kung kailangan mo ng trabaho,puwede kang i-refer ni Dad sa mga kakilala niya ro'n. Tutal BS in Finance naman ang natapos mo. Tapos nag-fine arts ka pa.”
Mataman kong tinitigan si Aleisha habang nagtitipa siya sa kanyang laptop.
Hulog talaga siya ng langit aa buhay ko. She's one of a kind. Pakiramdam ko wala na akong mahahanap na kaibigang katulad niya. Iyong susuportahan ka at dadamayan sa anumang hinaharap mo sa buhay.
Napansin niya yata ang pananahimik ko kaya napatingin siya sa 'kin.
“Why are you looking at me like that? Baka na-i-inlove ka na sa 'kin, ah. Nako, Marilee.” Umiling-iling pa siya at ipinagkrus ang dalawa niyang hintuturo.
Natawa ako at bahagya siyang hinampas sa balikat.
“Sira ka. Iniisip ko lang kung totoo ka ba talaga. Baka kasi isa ka talagang anghel na ipinadala rito para sagipin ako sa mga problema ko,” sabi ko at umirap siya na parang nagtatampo.
“Sa tagal nating magkaibigan, ngayon ka pa nagduda sa existence ko, ha? Well, siguro nga anghel ako. Maganda na, mabait pa.”
“I agree,” I told her and we both laughed.
Dalawang araw lang akong nanatili sa bahay nila Aleisha at ngayon na ang alis ko papuntang Palawan.
Isinakay ko sa backseat ng sasakyan ni Aleisha ang aking mga gamit bago ako pumasok sa may front seat. Si Aleisha ang maghahatid sa akin sa airport.
“Hindi ka magsisisi Marilee pagdating mo doon. Sobrang ganda talaga. Malay mo doon mo mahanap si Mr. Right,”hirit niya pa kaya sumimangot ako.
Wala naman akong balak na hanapin doon si Mr. Right. Kung may hahanapin man ako, iyon ay ang sarili ko. Pero kung usapang love life, siguro hindi na muna.
Gusto ko kasi kapag dumating na ang taong para sa 'kin ay tanggap at kilala ko na nang buo ang sarili ko.
“Take care, okay? Call me anytime if you need help. Pupunta ako doon kapag tapos ko na ang pinapatrabaho sa akin ni Dad,” sabi ni Aleisha paghinto namin sa tapat ng airport.
“Mag-iingat ka rin. See you soon. Love you,”
“Love you, too. Bye!”
Pagkatapos naming magpaalamanan ay pumasok na ako sa loob. Bitbit ang mga gamit ko pati na rin ang pag-asa na magkakaroon ako nang mas maayos na buhay doon.
Lahat ng taong umaalis ay may dahilan. May ibang nais mahanap ang kanilang sarili sa ibang lugar. At may iba namang walang choice kundi ang umalis. At ako? Dalawa ang dahilan ko. Ang mahanap ang aking sarili at ang umalis dito bago pa ako tuluyang maubos.
“Miss Marilee, nandito na po tayo.” Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita ang driver nila Aleisha.
True to her words, may sumundo nga sa 'kin sa airport kaya mabilis lang kaming nakarating dito sa Arco City.
Bumaba ako mula sa sasakyan at agad na namangha sa paligid. Unang kita ko pa lang sa mga litrato nito ay alam ko ng maganda ang lugar. Hindi ko alam na mas maganda pala talaga ito sa personal.
Sinalubong ako ng sariwang hangin, malayong-malayo sa mapolusyong hangin sa syudad. Punong-puno ng kulay ang paligid. Para akong nasa loob ng isang painting na ipininta ng isang magaling na pintor.
Unang tapak ko pa lang sa lugar na 'to, alam ko na agad na dito ako nababagay. Sa mundo kong unti-unting nawawalan ng kulay, ito ang nararapat sa akin.
“Miss Marilee, iaakyat ko na ho ba sa apartment ang mga gamit mo?”rinig kong tanong ng driver.
Tumango ako kahit na nililibot pa rin sa paligid ang aking paningin. Napakaganda talaga. Ito ang lugar na matagal ko nang hinahanap.
Nang makontento sa nakita ay sumunod ako sa driver paakyat sa unit ni Aleisha. Nakita ko kanina sa labas na may limang palapag ang gusali na ito. Nasa ikatlong palapag ang unit ni Aleisha.
Pinagbuksan ko ng pinto ang driver dahil nasa akin ang susi. Bumungad sa amin ang malinis na unit ni Aleisha.
The walls were painted with mint green color. It was not that big but still spacious enough for a person.
May mini-kitchen sa kaliwang bahagi ng unit at sa kanang bahagi naman ang sala. May flat screen monitor na rin doon.
Napansin ko ang isang pinto sa harap ng sala kaya nagtungo ako roon. Bumungad naman sa 'kin ang kulay pastel pink na kuwarto. May kama sa gitna, bedside table, isang malaking kabinet at may sariling banyo rin ito.
Lumabas ulit ako mula sa kuwarto at nagtungo naman sa kusina. Kagaya nang sinabi ni Aleisha ay wala pang stocks ng pagkain dito dahil hindi naman siya nananatili rito. Kumbaga, bakasyunan niya lang ito.
“Pakilapag na lang po riyan ang mga gamit ko, Manong. Salamat po sa paghatid,” sabi ko sa driver nang mapansing nandoon pa rin ito sa tapat ng isang sofa.
“Walang anuman po, Ma'am. Pakisabihan na lang din po si Miss Aleisha na nandito na kayo. Mauuna na ho ako,”pagpapaalam niya bago lumabas.
Isinarado ko na ulit ang pinto bago ko binitbit patungong kuwarto ang mga gamit ko. Balak kong isalansan muna iyon bago ako magpahinga.
Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa pag-aayos at saka lamang ako natulog. Bandang alas tres na ng hapon ako nagising at kumakalam na ang sikmura ko sa gutom.
Dahil wala namang stock ng pagkain dito ay kailangan ko pang lumabas. Ayos na rin iyon para makagala ako.
Good thing na may mapa ako ng buong lugar. Ibinigay rin sa 'kin ni Aleisha ito. O 'di ba? Handang-handa talaga ang kaibigan ko na patirahin ako rito.
Habang naglalakad patungo sa plaza ay napapansin ko na ang maraming tao na patungo roon. Kahit nasa malayo pa ako ay naririnig ko na rin ang mga tunog mula sa tambol at iba pa.
Mukhang fiesta ngayon dito sa Arco City. Mas lalo tuloy akong na-excite na magtungo roon
Tinanaw ko ang mga tao sa gitna na may suot na makukulay na mga damit.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikitang nagkakasiyahan ang mga tao. Bata pa ako no'ng huling beses kaming dumalo sa piyestahan. Noong buhay pa si Daddy 'yun. Simula nang mawala siya, hindi ko na ulit naranasang magpunta sa ganito.
Habang nanonood ako sa mga tao ay may narinig akong tunog mula sa isang camera. Napalingon agad ako sa kaliwa ko at doon ko nakita ang isang lalaki. May hawak siyang camera at nakatutok pa sa 'kin.
“Excuse me, Mister. Pini-picture-an mo ba ako?”tanong ko sa kanya kaya ibinaba niya ang kanyang camera.
Mabilis kong pinagmasdan ang kanyang mukha. Medyo makapal ang kilay, malalim ang mga mata, bahagyang matangos ang ilong at manipis ang labi. Kulot naman ang medyo mahaba niyang buhok.
Ngumiti siya kaya lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi.
“Nagkakamali ka, Miss. Hindi kita pini-picture-an. Now, if you'll excuse me—
“Sandali lang,”pigil ko sa kanya nang akmang aalis na siya. Muli siyang humarap sa 'kin. “Paano naman ako makakasiguro na hindi ka nagsisinungaling? Nakita ko na sa 'kin nakatutok ang camera mo kanina. Alam mo bang may kaso 'yan?”
Ngumuso siya at nagkibit-balikat. Inilahad niya sa 'kin ang camera niya kaya nagtataka ko siyang tiningnan.
“Here, check my camera. Kapag may nakita kang picture mo, feel free to sue me. Kapag wala naman, magso-sorry ka sa 'kin,”panghahamon niya kaya nagdalawang-isip ako kung kukunin ko ba ang camera.
Sa huli ay nanaig pa rin ang curiosity ko. Kinalkal ko ang camera niya at wala naman akong nakitang picture ko. Well, mayroon pala. Nahagip ang mukha ko doon sa isang picture pero iba naman ang subject. Naka-focus sa isang mananayaw ang litrato.
Nag-iwas ako ng tingin habang ibinabalik sa kanya ang camera. Unti-unting uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.
“Did you see any photos of yours?”he asked.
I nodded. “Yes. Nahagip ang mukha ko doon sa isang picture. So, hindi ako magso-sorry.”
Tinaasan niya ako ng kilay bago natawa. Para bang natutuwa siya sa sinabi ko.
“Okay. Don't worry next time, ikaw na talaga ang pi-picture-an ko.”
Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng pagkalam ang sikmura ko. Maingay ang paligid pero alam kong narinig niya rin iyon. Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong nag-init ang aking pisngi.
Agad akong tumalikod at naglakad palayo. Nakakahiya!!
Bakit naman kasi wrong timing itong tiyan ko?! Nakakahiya talaga! Gusto ko nang magpakain sa lupa ngayon din!
Sana hindi ko na makita ulit ang lalaking 'yon! Paniguradong aasarin niya lang ako! Argh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top