Chapter 6
CHAPTER 6
Leave
“Oh my God! Is this for real? Your Mom is pregnant?”
Bumuga ako nang mabigat na hininga bago isinubsob sa aking palad ang mukha ko. Hinilot ko ang aking sentido dahil pakiramdam ko ay sasabog na ito anumang oras.
Nang sabihin sa akin ni Mommy ang tungkol sa pagbubuntis niya ay parang mas nadagdagan ang problema ko. Ngayong buntis si Mommy, mas mahihirapan akong paalisin si Tito Lance. Paniguradong hindi papayag si Mommy at pareho nilang gagamiting dahilan ang bata.
Pinagpahinga ko na muna si Mommy bago ako umalis ng bahay at nagtungo rito sa bahay nila Aleisha. Kailangan ko ng makakausap ngayon bago pa ako masiraan ng bait kaiisip.
“Ano ng gagawin ko, Aleisha? Litong-lito na ako,”sambit ko at muling napabuntonghininga.
Umupo si Aleisha sa aking tabi at umakbay sa aking balikat. “Marilee, don't get me wrong, ha. Pero baka naman mabuting tao talaga iyong Lance—
“No, he's not,”I cut her off while remembering what Lance did to me last time.
She looked at me suspiciously. “How can you say that? May ginawa ba siya sa 'yo kaya ganyan na lang ang paratang mo sa kanya?”
Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa pananakit ni Tito Lance. Ayaw ko na kasing mag-alala pa siya nang sobra.
Umiling ako. “Wala. Basta alam kong hindi siya mabait.”
“May hindi ka sinasabi sa 'kin, Marilee.”
“Ha? Wala naman—
“You're lying,”she cut me off this time. “Alam kong nagsisinungaling ka dahil pinipisil mo ang hinliliit mo. Palagi mong ginagawa 'yan sa tuwing nagsisinungaling ka.”
Bumaba ang tingin ko sa aking kamay at napansin nga iyon. Napabuntonghininga na lang ako ulit dahil wala talaga akong maitatago kay Aleisha. Kilalang-kilala na niya ako.
“So, tell me. Anong ginawa niya sa 'yo?” Muli niyang tanong.
Ilang segundo ko siyang tinitigan habang nag-iisip kung sasabihin ko ba ang totoo. Sa huli ay napagdesisyunan ko nalang na umamin.
“He...he threatened me. Iyon lang,” sabi ko ngunit hindi pa rin ako nilubayan nang mapanuri niyang tingin. “Fine. He hurt me. Sinakal niya ako habang binabantaan.”
Napayuko ako pagkatapos sabihin iyon. Bigla akong nahiya sa kanya. Nahihiya ako sa lahat ng pinagdaraanan ko ngayon. Nahihiya ako sa kanya dahil pati siya nadadamay sa problema ko.
“Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Akala ko ba hindi tayo maglilihim sa isa't isa? Puwede natin siyang ireklamo sa ginawa niya. Sasabihin ko kay Daddy—
“Huwag na. Si Mommy nga hindi inisip na big deal 'yon, kaya hayaan mo na. Iiwasan ko na lang siguro na maiwan sa bahay kasama siya. Para hindi na kami magpang-abot,”saad ko.
“Wala ka bang balak na umalis ng bahay ni'yo? Nasa tamang edad ka naman na.
Umiling ako. “Hindi ko iiwan si Mommy. Ngayon niya ako mas kailangan.”
Hindi rin naman ako makakampante na iwan si mommy kasama ang lalaking 'yon. Kahit pa sabihin nating magkakaanak na sila, hindi ko pa rin iiwan ang mommy ko.
Aleisha sighed before hugging me again. “You know that I'm always here, right?”she asked and I nodded. “Kapag naisipan mong lumayo, sabihan mo lang ako. May alam akong lugar na puwede mong puntahan.”
Pagkatapos naming mag-usap ay naisipan ko nang umuwi bago pa ako abutan ng gabi. Tahimik pa rin ang bahay pagbalik ko kaya inisip ko na baka wala pa rin si Tito Lance.
Ngunit pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang tatlong bagahe ko. Nandoon si mommy sa sala at nakayuko. Mukhang kanina pa naghihintay.
“Mommy,”pagtawag ko sa atensyon niya.
Nag-angat siya ng paningin sa akin at napansin ko agad na namumugto ang mga mata niya. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang kamay.
“Mommy, anong nangyari? Bakit po naka-impake ang mga gamit ko? Aalis na po ba tayo?”sunod-sunod kong tanong.
Umiling si mommy at nag-umpisa nang humikbi.
“I'm sorry, Marilee. Kailangan mo nang umalis.”
Napabitaw ako sa kamay ni mommy nang dahil sa narinig. Pinakatitigan ko siya at hinintay na sabihing biro lang ang lahat.
“M-Mommy, you're kidding, right?” I asked but she shook her head. “Pero bakit? May nagawa po ba ako? Maayos pa naman po tayo kanina, ah. Bakit ni'yo po ako pinapaalis? Ayaw ko Mommy, dito lang po ako.”
Yumakap ako sa braso ni mommy ngunit agad siyang lumayo. Tumayo siya at kinuha ang mga gamit ko. Sinundan ko siya nang dalhin niya iyon sa labas ng pinto.
“Kailangan mong umalis. Para sa ikabubuti ng lahat. Pakiusap Marilee, huwag mo na akong pahirapan!” bulyaw niya sa 'kin kaya natigilan ako.
Lumapit siya at hinila ako sa aking braso. Sapilitan niya akong pinapalabas ng bahay.
“Mommy!” Iwinaksi ko ang kamay niya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. “Huwag namang ganito! Ayaw ko pong umalis. Maaatim ni'yo ba talagang palayasin ako? Dahil ba sa lalaking 'yon? Mommy naman masiyado ka nang nabubulag sa kanya—
“Oo na! Bulag na kung bulag! Gusto mo bang lumaki rin itong kapatid mo nang walang ama? Gusto mo ba siyang maging katulad mo?”
Napakurap ako nang dalawang beses. Maging si mommy ay natigilan.
Ito na naman. Nararamdaman ko na naman ang sakit. Para na naman akong sinasaksak sa puso ko.
“Bakit, Mommy? Ano bang mayroon sa 'kin? May mali po ba? Ginagawa ko naman po ang lahat, e. Alam kong hindi ako perpektong anak pero sinusubukan ko po. Gusto ko pong maging proud kayo sa 'kin pero bakit parang kulang pa rin? Ano po bang problema sa 'kin at kayang-kaya ni'yo po akong ipagtabuyan?!”
“Marilee, please. Kung talagang nag-aalala ka sa 'kin, lumayo ka na muna. Huwag mo nang palalain ang sitwasyon.”
Pumikit ako nang mariin kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago tumango. Mukhang wala nang patutunguhan itong usapan na ito.
“Siguro nga po ako ang problema. Ako ang nagpapalala ng sitwasyon. Kaya sige po, aalis na lang ako. Kung ang pag-alis ko ang magbibigay ng katahimikan sa inyo, gagawin ko.”
Dahan-dahan akong lumapit kay mommy at niyakap siya nang mahigpit.
“Mahal na mahal kita, Mommy. Mag-iingat ka po palagi.”
Mahirap para sa 'kin na iwan si mommy. Siya na lang ang tanging pamilya na mayroon ako. Pero gusto ko rin siyang sumaya.
“Babalik po ako, Mommy. At sana po sa pagbalik ko, maging proud po kayo sa 'kin.”
Matapos sabihin iyon ay kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay mommy. Tinitigan ko siya saglit ngunit nanatili siyang nakatungo.
Pinunasan ko ang aking luha bago isa-isang dinampot ang mga bagahe ko. Lumabas ako sa aming gate at muling nilingon ang bahay namin.
Ang bahay na naging saksi ng buhay ko. Ang bahay na kinamulatan ko mula nang magkaisip ako. Ang bahay kung saan ako lumaki. Ang bahay namin na ngayon ay iiwan ko na.
Nilakad ko lang ang kalsada patungong bus stop sa may kanto ng subdivision namin. Wala naman kasi akong masasakyan dito dahil alas-otso na ng gabi.
Pagdating sa may shed ay naupo muna ako saglit.
Nakakapagod. Hindi ang paglalakad kundi ang mabuhay. Nakakapagod kapag paulit-ulit na lang talaga ang mga nangyayari.
Palagi na lang ako ang ipinagtatabuyan. Palagi na lang ako ang hindi pinipili. Gano'n ba talaga ang silbi ko sa mundo? Ang palaging maiwan?
“Kahit madilim na kitang-kita ko hanggang dito ang luha mo.”
Napalingon ako sa nagsalita at doon ko napansin ang isang lalaki. Nabuhay sa puso ko ang pag-asa na baka si Blue-eyed man iyon. Ngunit nang lumingon siya sa 'kin ay agad na naglaho ang pag-asa ko. Hindi naman kasi kulay asul ang mga mata ng lalaking 'to.
“Here.” Inabot niya sa 'kin ang isang panyo ngunit hindi ko iyon tinanggap.
“May sarili akong panyo,” sabi ko at muling tumingin sa kalsada.
Madalang ang mga pampasaherong sasakyan na dumaraan. Palibhasa kasi may curfew dito sa lugar na 'to.
Narinig ko ang pagtawa ng lalaki sa tabi ko.
“May panyo ka naman pala, bakit hindi mo punasan 'yang luha mo? Feeling mo ba nasa isang palabas ka? O kaya music video? Gusto mo ako na ang kumanta para sa 'yo?”
Umirap ako bago ko siya tinapunan nang masamang tingin. Sino ba siya? Kung umasta akala mo close kami.
“Alam mo, mukhang mas kailangan mo ng panyo,” sabi ko at tinasaan niya ako ng kilay.
“Why? Hindi naman ako umiiyak.”
“Hindi mo naman ipamumunas sa luha, e. Bubusalan kita gamit 'yang panyo mo kapag hindi ka pa nanahimik,” pambabanta ko sq kanya.
I'm just kidding, though. Mukhang hindi naman siya natakot. Ngumisi pa nga ang loko. Muli ko siyang inirapan bago ko ibinaling ang paningin sa kalsada.
Saktong may paparating na bus kaya tumayo na ako. Binitbit ko ang aking mga gamit at pinara iyon.
“It's nice to see you, Miss.”
Nilingon ko ulit ang lalaki. Nagkibit-balikat na lang ako bago sumakay sa bus.
And now, where to go?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top