Chapter 5
CHAPTER 5
Threat
Alam mo ba ang pakiramdam ng mag-isa? Iyong kahit napaliligiran ka ng mga tao, pakiramdam mo wala ka pa ring kasama? Naranasan mo na ba 'yon? Kasi iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Pakiramdam ko, mula nang mawala sa akin ang gallery, parang nawala na rin sa akin ang lahat.
Lahat ng pinaghirapan ko. Lahat ng mga pangarap namin ni Daddy. That gallery is my life. And now that it's gone, I don't know how to start over.
It's been a week since that incident happened. Nandito pa rin ako sa ospital dahil iyon ang in-advice sa akin ng doktor. Maayos naman na ang pakiramdam ko. Magaling na rin ang mga sugat at pasa ko sa braso.
I think, puwede na akong ma-discharge ngayong araw.
Bumuntong-hininga ako habang nakatanaw pa rin sa labas ng bintana rito sa kuwarto ko sa ospital.
Madilim ang kalangitan. Nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon.
Napalingon ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Aleisha at may hawak-hawak na papel.
“Ayos na ang bills mo. Kumuha ako doon sa trust funds mo gaya ng gusto mong mangyari. Aayusin ko na lang ang gamit mo then puwede na tayong umuwi,”paliwanag niya at agad na nagtungo sa mini cabinet ko rito sa ospital.
Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilang mapangiti.
“Thank you,”I muttered. Napahinto siya sa ginagawa at lumingon sa akin. “Thank you for everything. Alam kong may sarili ka ring problema na iniintindi pero hindi mo ako iniwan. Nahihiya na nga ako sa 'yo minsan. Pati ikaw nadadamay sa mga problema ko. Paano ba kita mababayaran sa lahat ng nagawa mo?”
Ngumiti si Aleisha at lumapit sa akin. Naupo siya sa aking tabi. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mata kasabay nang pamumula ng kanyang ilong.
Marahan niyang hinampas ang braso ko.
“Kainis ka! Alam mong ang pangit ko kapag umiiyak tapos pinapaiyak mo pa ako,”reklamo niya kaya natawa ako. “Pero seryoso, hindi mo kailangang bayaran ang mga itinulong ko sa 'yo. Just be happy and always protect your heart.”
I nodded. “I will. I promised.”
Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Aleisha habang inaayos ang gamit ko. Pagpatak ng alas-tres ng hapon ay saka namin nilisan ang ospital.
“Sigurado ka bang ayos ka lang dito?” Muling tanong ni Aleisha nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin.
Huminga ako nang malalim bago tumango. “Oo naman, Aleisha. You don't have to worry about me. Dito ako nakatira buong buhay ko kaya magiging maayos lang ang lahat.”
Hindi ko alam kung si Aleisha ba ang pinapaniwala ko o pati ang sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung magiging maayos nga ba talaga ang lahat.
“Fine, basta tumawag ka sa akin kapag kailangan mo ng tulong. Darating ako agad,”bilin niya.
I nodded. “Noted. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.”
Bumaba na ako mula sa sasakyan niya bitbit ang aking bag. Hinintay ko muna siyang makalayo bago ko hinarap ang bahay namin. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok sa gate.
Pagtapat ko sa pintuan ay nanginginig ang aking kamay nang pihitin ko ang siradura. Bukas iyon kaya sa tingin ko ay nandito si Mommy.
Madilim ang buong bahay pagpasok ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buong sala at may kung anong kumirot sa puso ko nang hindi ko abutan si Mommy sa sala.
Ano bang inaasahan ko? Na madadatnan ko si Mommy na nag-aabang sa pag-uwi ko? Bakit ba ako umaasa sa bagay na parang imposibleng mangyari? Sinasaktan ko lang ang sarili ko.
Napasulyap ako sa patungan ng mga picture frames at doon ko napansin na parang may nawawala. Lumapit ako roon at napagtantong nawawala nga ang family picture namin. Iyon ang huling litrato namin na buhay pa si Daddy kaya mahalaga sa akin 'yon.
At ang mas nakagagalit ay napalitan iyon ng ibang litrato. Litrato ni Mommy kasama ang isang lalaking sa tingin ko ay foreigner.
Ano bang nangyari rito habang wala ako?
Nakarinig ako ng mga yabag pababa ng hagdan kaya napalingon ako. Agad na sumiklab ang galit sa loob ko nang makita si Mommy habang nakalingkis sa lalaking kasama niya. Sa itsura nila ay hindi ko na gugustuhing malaman kung anong kababalaghan ang ginawa nila sa itaas.
Dumapo sa akin ang paningin ni Mommy at mukha siyang nagulat.
“Oh, you're here. Akala ko hindi ka na uuwi. Kailangan ko pa naman ng katulong dito,”sambit ni Mommy kaya mas lalo lang akong nainis.
“Nasaan ang picture natin kasama si Daddy? At bakit nandito siya? Don't tell me, dito na rin siya nakatira?”sunod-sunod kong tanong.
Nasa harapan ko na sila ngayon. Naglahad ng kamay sa akin ang lalaki niya.
“Hi, I'm Lance nice to meet—
“I don't care about who you are and it's not nice to meet you—
“Marilee! Huwag ka ngang bastos! Dito na siya nakatira kaya igalang mo siya!”sigaw sa akin ni Mommy.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
“Seryoso ka, Mommy? Itinira mo rito ang lalaki mo? Hindi mo na po nirespeto si Daddy. Bahay niya 'to—
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil dumapo na sa aking pisngi ang palad niya. Sobrang lakas ng sampal niya at pakiramdam ko ay namanhid ang pisngi ko. Kulang na lang ay matanggal mula sa leeg ko ang aking ulo.
“Sa ayaw at sa gusto mo, dito na siya titira! Kung hindi mo kayang makasama siya sa iisang bahay bukas ang pinto! Lumayas ka! Tingnan natin kung saan ka pupulutin. Nasunog ang gallery mo, 'di ba? Ang gallery na ipinagmamalaki mo? Sige na, umalis ka na!”
Itinulak-tulak pa ako ni Mommy papunta sa pintuan.
“M-Mommy...pipiliin ni'yo pa talaga ang ibang tao kaysa sa sarili mong anak? Ako pa talaga ang paaalisin mo? Paano mo nagagawa sa 'kin 'to, Mommy?”hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
“Don't blame me! Blame yourself, instead! Ikaw ang naglagay niyan sa sarili mo. Ngayon, pumili ka, mananatili ka rito o lalayas ka? Dahil hindi aalis si Lance dito!”
“Gusto ko lang namang irespeto ni'yo si Daddy. Papalitan ni'yo na po ba talaga siya? Alam ko pong nalulungkot kayo pero...hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan ni'yong maghanap nang iba?”
Suminghap ako at pinunasan ang mga luha sa aking mata. Ayaw ko talaga kapag nagtatalo kami ni Mommy. Nasasaktan ako.
“Ano bang gusto mong gawin ko, Marilee? Ang makulong sa nakaraan namin ng Daddy mo? Move on! Patay na siya at hindi na babalik pa. Hayaan mo naman akong maging masaya sa buhay ko,”
Lumapit sa kanya si Lance at may ibinulong. Marahil ay pinapakalma niya si Mommy.
“Don't pressure her. Let her adjust,”
Napairap ako sa sinabi niya. Kahit maging mabait pa siya sa harapan ko, hindi pa rin ako makakampante na nandito siya. Pakiramdam ko may masama siyang intensyon sa pakikipaglapit niya kay Mommy.
Oo na, judgemental na ako pero gano'n talaga ang pakiramdam ko sa kanya.
Pero wala naman akong magagawa. Kahit pa ayaw kong tumira siya rito, si Mommy pa rin ang masusunod.
“I'll stay. Hindi ko na kayo papakealaman sa buhay ni'yo. Kung gusyo ni'yo pong maging masaya, hahayaan ko kayo,”sabi ko kahit na labag sa aking loob.
Sinabi ko lang iyon pero hindi ko talaga titigilan ang lalaking 'to hangga't hindi lumalabas ang tunay niyang kulay. Gusto ko lang protektahan si Mommy sa mga maaaring manakit sa kanya.
Mahalaga sa akin si Mommy at gusto ko rin na sumaya siya. Kaya sisiguraduhin ko muna na tamang tao ang mapipili niya.
Ilang araw ang lumipas at naging maayos naman ang pagbalik ko rito sa bahay. Hindi na madalas galit si Mommy sa akin. Ayaw ko mang aminin pero sa tingin ko ay dahil iyon kay Lance.
Pero hindi pa rin ako napapanatag sa kanya. May mga oras kasi na napapansin ko ang kakaibang tingin niya.
Can you blame me? Masiyadong malaki ang trust issue ko at hindi ko magawang magtiwala agad.
“I'm home!”I shouted as I entered the house.
Kagagaling ko lang sa grocery store para mamili ng stocks dito sa bahay. Wala na kasi ang maid namin, pinaalis na pala ni Mommy no'ng ilang araw akong nawala rito sa bahay.
“Your Mom's not home,”
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Lance, well Tito Lance, tulad nang gusto ni Mommy na itawag ko sa lalaking 'to.
Hindi ko agad napansin na nasa sala siya at may tinitipa sa kanyang laptop. Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga plastic bag ng pinamili ko. Hindi talaga ako komportable kapag nandyan siya sa paligid.
Para bang may bumubulong sa akin na may hindi maganda siyang gagawin.
“Ahm, okay. Nasaan si Mommy? Bakit hindi mo siya sinamahan?”tanong ko habang pinapakalma ang boses.
Isinarado niya ang kanyang laptop at tumayo mula sa sofa. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo pa nang mag-umpisa siyang maglakad papalapit sa 'kin.
Trigger Warning: Violence
Lumunok ako nang dalawang beses at pasimpleng iginala ang paningin sa paligid. Naghahanap ako ng magagamit kung sakaling may gawin siyang hindi maganda sa akin.
“You look scared. I don't bite, Sweetheart—
“Don't call me that,”I warned him.
That was the endearment my father used to call me. Ayaw kong may ibang taong tumatawag sa akin nang gano'n. Lalo na kung katulad ng taong kaharap ko ngayon.
“Why? Oh let me guess, your father used to call you that, right? Your deceased father, to be specific,”he said while smirking.
That made my blood boil. He's mocking my father! How dare he?!
“Don't you ever disrespect my Dad—
“And why is that? Babangon ba siya mula sa hukay para multuhin ako?”
Sinamaan ko siya ng tingin at ikinuyom ko ang aking kamao.
Tama ako, hindi talaga siya mabait. Pakitang-tao lang lahat ng ipinapakita niya kapag nandiyan si Mommy.
“Sa tingin mo hindi ko alam kung anong ginagawa mo?” Naging seryoso ang boses niya. Para bang anumang oras ay talagang may gagawin siyang masama. “Hindi mo ako gusto para sa Mommy mo kaya gumagawa ka ng paraan para siraan ako sa kanya.”
“Yes!”I said that made him still for a moment. “Dahil ayaw kong mapunta si Mommy sa katulad mo. Alam kong pera lang niya ang habol mo kaya pipigilan kita. At ngayong alam ko na ang totoo mong kulay, sasabihin ko 'to kay Mommy!”
Sobrang bilis ng pangyayari. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasandal sa pader habang sinasakal niya. Nabitawan ko ang mga bitbit kong groceries at bumagsak iyon sa sahig.
“B-bitiwan...m-mo..a-ko.” Halos hindi ko magawang makapagsalita sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa 'kin.
Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa mga mata ko. Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas siya nang hindi hamak kaysa sa akin.
“Hindi ko hahayaang sirain mo ang plano ko. Ito ang tatandaan mo, sa oras na magsumbong ka, papatayin ko ang Mommy mo. But come to think of it, kahit magsumbong ka sa kanya paniguradong hindi siya maniniwala. Gano'n niya ako kamahal. Kaya go on. Try your luck,” pambabanta niya bago ako binitiwan at basta na lang akong iniwan sa sala.
Namuo ang luha sa mga mata ko habang hinihimas ko ang aking leeg. Habol ko pa rin ang aking hininga at nanginginig ang aking katawan sa nangyari.
Si Mommy. Mapapahamak siya sa lalaking 'yon pero wala pa akong magagawa. Hindi malabong totohanin niya ang banta sa akin.
Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan mapaalis ko siya rito. Hindi ko hahayaang mapahamak si Mommy. Siya na kang ang meron ako. Hindi ko kaya kapag pati siya, nawala sa 'kin.
“Marilee, akala ko ba ayos ka na sa pagtira ni Lance dito? Ano na naman ba 'to?” tanong ni Mommy at naglakad patungo sa kusina.
Agad ko naman siyang sinundan. Wala ngayon dito sa bahay si Lance kaya ginamit ko ang pagkakataon na 'to para kausapin si Mommy. Hindi ko kasi siya nakakausap kapag nandito ang lalaking 'yon dahil palagi silang magkasama.
“Gaano ka po nakasisiguro na mabait siya? Hindi ni'yo po ba naisip na baka pera ni'yo lang ang habol niya?—
“Don't say that,” she cut me off. “Kahit kailan hindi siya nanghingi ng pera sa 'kin. Marilee, alam kong nag-aalala ka pero hindi na kailangan. Mabait na tao si Lance. Itigil na natin ang usapang 'to kung ayaw mong mag-away na naman tayo.”
Gulat ko siyang tiningnan. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya ang nangyari nitong nakaraan pero mukhang iyon na lang ang paraan para maniwala siya sa 'kin.
“He threatened me. Sinaktan niya ako at binantaan,”bulalas ko at nakita ko kung paano siya natigilan.
Mukhang hindi siya naniniwala kaya tinanggal ko ang aking scarf.
“Hindi po kayo naniniwala? Here.” Ipinakita ko sa kanya ang marka ng pagkakasakal sa akin ng lalaking iyon.
Suminghap si Mommy at agad na nag-iwas ng tingin. Sumiklab ang pag-asa sa puso ko na baka maniwala na siya.
“Baka ginalit mo siya. Siguro may sinabi kang hindi niya nagustuhan. O baka may ginawa kang hindi maganda.”
I was taken aback by her words. I looked at her, confused.
“M-Mommy, can you hear yourself? Sinaktan niya ako pero parang ako pa ang sinisisi mo. Mommy, si Daddy never akong sinaktan kahit gaano kalaki pa ang kasalanan ko. Bakit ba siya ang kinakampihan mo? Ano bang mayro'n ang lalaking 'yon—
“Dahil mahal ko siya.” Natigilan ako sa sinabi ni Mommy na sinundan nang malakas niyang hagulhol. “Mahal ko si Lance. No'ng mga panahong nalulungkot ako at nahihirapan, dumating siya. Masaya ako kapag kasama ko si Lance, Marilee. That's why I'm sorry...I'm sorry if I can't choose you over him.”
Hindi ko na rin mapigilang mapaiyak. Ramdam ko na mahal nga ni Mommy ang lalaking 'yon. At nasasaktan ako dahil alam kong nahihirapan si Mommy sa nangyayari ngayon.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at marahan siyang niyakap.
“Mommy, you don't need him. Makakalimutan mo rin siya. Tutulungan kita, Mommy. Magiging masaya tayo kahit tayong dalawa lang,”pangungumbinsi ko sa kanya.
She shook her head. “You don't have to. Wala rin akong balak na hiwalayan siya. Dahil...buntis ako, Marilee. Magkakaanak na kami ni Lance. Magkakaroon ka na ng kapatid.”
Hindi ako nakakibo. Ni hindi ko magawang kumilos. Para akong nabingi sa aking narinig. Parang may nagbagsak ng granada sa harapan ko at hinihintay ko na lang na sumabog iyon.
Oh God. Buntis si Mommy. What should I do? Damn this life!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top