Chapter 4
CHAPTER 4
Daddy
“Wow! This one looks great! I'm so proud of you, sweetheart.”
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Dad na masayang pinagmamasdan ang ipininta kong larawan ng bulaklak.
Ngumuso ako. “Daddy, I want to be like you when I grow up. Gusto kong magpinta ng maraming bagay at tanawin. Ipipinta ko po ang langit. Ang dagat. Pati po ang mga hayop. Lahat po!”sabi ko at umikot-ikot pa sa sala.
Sa isipan ko ay dumadaloy ang iba't ibang senaryo na nais kong gawin paglaki. Iniisip ko pa lang ang mga tanawing ipipinta ko ay natutuwa na ako. Sana maging kasinggaling ako ni Dad. Siya talaga ang idolo ko pagdating sa pagpipinta.
“Really, anak?” Huminto ako sa paglilikot nang magsalita si Dad. Sinenyasan niya akong lumapit at agad ko namang sinunod. “You want to be a painter like me?”
Tumango ako nang ilang beses. “Yes, Daddy!”
“Then, let's fulfill your dream. When you grow up, we will build our own gallery. And there, we will put all of our artworks.” Daddy said that made me confused.
“Daddy, what's art gallery?”
“An art gallery is a room or a building in which visual art is displayed. Kaya naman in the future, doon natin ilalagay ang mga artwork mo.”
Hindi na ako nagtanong ulit kahit na hindi ko pa rin masiyadong naiintindihan ang sinabi ni Daddy. Basta ang alam ko lang ay magtatayo kami ng art gallery kapag malaki na ako.
That was a promise. But then, he died earlier than expected. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay tutuparin ko ang pangarap naming dalawa.
Nagsumikap ako upang makatapos sa pag-aaral at para makaipon nang maipagpapatayo sa gallery. I worked so hard to achieve my dreams. And if you're going to ask me if it was easy? No. It was harder than I thought.
Lalo pa at gano'n na lang ang pagtutol ni Mommy sa pagpipinta ko. Pero hindi ako sumuko. Hindi ko hinayaang diktahan ako nga mga masasakit na salitang sinasabi sa akin ni Mommy.
“Marilee!”
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Aleisha at basta na lamang akong lumabas ng kanyang sasakyan.
Kasabay nang paghakbang ng aking mga paa ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Pabilis nang pabilis na para bang nais na nitong lumabas mula sa akinh dibdib.
Nakatuon ang aking mga mata sa gallery ko na ngayon ay unti-unti nang tinutupok ng apoy.
“Tabi! Padaanin ni'yo ako! Tabi!” sigaw ko kasabay nang paghawi sa mga taong nakikiisyoso sa nasusunog kong gallery. “Tabi!”
Nang makalampas sa kanila ay agad akong tumakbo papasok sa gallery ko. Naramdaman ko agad ang init mula sa nagbabagang apoy na ngayon ay nasa kalahati na ng gallery ang natutupok. Pero hindi ako natakot. Mas natatakot pa akong masunog lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng ilang taon.
Natuon ang paningin ko sa mga canvass na hindi pa naaabot ng apoy. Mabilis akong nagtungo doon at sinubukang damputin lahat ng aking makikita.
Napaubo ako nang malanghap ang usok at halos hindi ko na makita ang paligid. Humahapdi na ang aking mga mata pero pinilit ko pa ring damputin ang mga canvass.
Hindi ko hahayaang matupok na lang basta-basta ang pinaghirapan ko. Hindi ko hahayaang maging abo na lang ang lahat ng ito.
Nasapo ko ang dibdib nang muli akong mapaubo kaya nabitawan ko ang mga gamit na aking hawak. Muli akong yumuko para damputin iyon nang makarinig ako ng ingay mula sa aking gilid. Lumingon ako at nakita ang estante kung saan nakapatong ang ibang gamit na unti-unting gumuguho.
Halos lumuwa ang aking mga mata nang makitang sa akin iyon babagsak kung kaya't pinilit kong damputin ang lahat ng gamit sa sahig at tumakbo palayo. Pero dahil sa nanghihina kong tuhod ay hindi agad akong nakahakbang paalis. Tuluyang gumuho ang estante at nadaganan ang aking paa.
“Ah! T-tulong!”
Halos mamilipit ako sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Pinilit kong hilahin ang aking paa pero dahil nahihirapan na akong huminga ay hindi ko na nagawa.
Great. Mukhang dito na matatapos ang buhay ko. Kasama kong matutupok ang lahat ng mga ipininta ko.
Napapikit ako habang inaalala ang lahat ng mga paghihirap ko para lang matupad ang pangako ko kay Dad. Dito lang din pala matatapos ang lahat. Sa isang iglap, magiging abo lang din pala ang mga ito.
May kumalabog ulit mula sa kung saan at narinig ko pa ang sunod-sunod na ingay. Hanggang sa naramdaman kong nawala ang bagay na nakadagan sa aking paa.
“Miss!”
May umalog sa balikat ko kung kaya't dahan-dahan akong dumilat. Kulay asul na mga mata ang sumalubong sa akin.
Kulay asul. Katulad ng mga mata n'ong lalaking nakausap ko sa park. Nananaginip ba ako? Nandito ba talaga siya sa harapan ko?
Muli akong pumikit at nang dumilat ako ay puting kisame na ang sumalubong sa akin. Napablikwas ako agad ng bangon.
Panaginip. Panaginip lang ang lahat? Hindi pa ba ako nakalalabas ng ospital? Hindi nasusunog ang gallery? At mas lalong hindi ko nakita ulit ang lalaking may asul na mga mata?
“Marilee! Thank God at gising ka na. Pinag-alala mo na naman ako. Palagi mo na lang akong pinag-aalala. Bakit naman—
“Ang gallery. Ayos lang naman ang gallery, 'di ba? Panaginip lang ang lahat?” Sabad ko sa sinasabi ni Aleisha.
Alam kong panaginip lang ang lahat pero gusto ko pa ring makasiguro. Mataman kong tinitigan si Aleisha na ngayon ay hindi makasagot. Hinawakan niya ang aking kamay at hindi ko mapigilang kabahan.
“Aleisha, magsalita
“Aleisha, magsalita ka naman. Kinakabahan ako sa 'yo, eh.”
Huminga siya nang malalim at napatingin sa aking braso. Maging ako ay dumapo doon ang tingin. Doon ko napansin na may paso ako na hindi ko alam kung saan ko nakuha.
Hindi naman na masakit, siguro may inilagay ng cream ang doktor dito.
“Marilee, 'yong gallery kasi..” Napahinto ulit siya sa pagsasalita na parang halos ayaw lumabas ng mga salita sa kanyang bibig.
Inalog ko ang kamay niya. “Ano? Sabihin mo na, Aleisha. Anong nangyari sa gallery?”
“'Yong gallery mo...nasunog.”
Napabitaw ako mula sa braso ni Aleisha at napailing. Pagak akong natawa habang pinagmamasdan ang kaibigan ko.
“Hindi totoo 'yan. Pina-prank mo ako, 'di ba? Paanong masusunog ang gallery? Panaginip lang 'yon. Napanaginipan mo rin ba?”Sunod-sunod kong sambit ngunit nanatili lamang siyang nakatingin sa akin.
Muli akong umiling. Ayaw kong maniwala. Hindi ako maniniwala.
“Marilee, sana nga hindi na lang totoo. Pero nasunog na nga ang gallery. At iyon ang dahilan kung bakit nandito ka ulit sa ospital. Dahil...dahil sinubukan mong sagipin ang mga gamit doon.”
“Nagsisinungaling ka. Hindi ako maniniwala sa 'yo! You're lying!”
“Marilee, kumalma ka muna!–
“But how?! How will I calm down?! Kasasabi mo lang na nasunog ang gallery ko tapos gusto mong kumalma ako!”
Pareho kaming natigilan sa ginawa kong pagsigaw. Maging ako ay nagulat sa aking ginawa. Ito ang unang beses na nasigawan ko si Aleisha. Ito ang unang beses na nagtalo kaming dalawa.
Humikbi ako at agad naman akong niyakap ni Aleisha. Niyakap ko rin siya pabalik.
“I'm sorry, Marilee. I shouldn't have said that. Alam kong nahihirapan kang tanggapin ang katotohanan, dapat hindi kita sinigawan.”
Muli akong napahikbi. “Hindi...hindi totoo 'yon.” Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya. “Pupunta ako doon at ipapakita ko sa 'yong hindi nasunog ang gallery.”
Inalis ko kumot na nakatabon sa aking binti at sunod kong pinagtuunan ng pansin ang dextrose sa aking kamay.
“Marilee, anong ginagawa mo? Itigil mo nga 'yan! Marilee! Maghunos-dili ka!”
Hindi ko pinakinggan ang pagsaway sa akin ni Aleisha. Bumaba ako mula sa kama at humakbang patungo sa pinto.
“Marilee! Hindi ka puwedeng lumabas! Doc! Nurse! Pumunta kayo rito, please!”
Pinihit ko ang siradura ng pinto at binuksan iyon.
Napahinto ako nang bumungad sa akin ang tatlong nurse. Dalawa ang babae at ang isa ay lalaki. Sunod na dumating ang doktor kaya napalunok ako.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad akong tumakbo palabas ng kuwarto. Ngunit hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay may braso nang pumigil sa akin.
“Bitiwan ni'yo ako!“ Nagpumiglas ako mula sa mga brasong nakahawak sa akin ngunit hindi ako makawala. “Bitiw sabi, eh! Aah!”
Napatili ako nang may kung anong tumurok sa aking braso. Unti-unti akong nanghina. Lumabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan dumilim ang paligid.
“Marilee,”
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Daddy. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Unti-unting namuo ang aking luha at sunod-sunod iyong pumatak.
“Daddy? Ikaw ba talaga 'yan? Daddy!”
Balak ko sanang tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Dad ngunit hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko.
Nais ko siyang yakapin. Nais kong maramdaman ulit ang yakap ni Daddy. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makasama ulit.
“Daddy, bakit hindi ako makalapit sa 'yo?” Umiiyak na sambit ko.
“Makinig kang mabuti, Marilee. Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang susuko. Mas maraming pagsubok pa ang darating sa buhay mo kaya mas tatagan mo pa ang loob mo.”
“Daddy, gusto kitang yakapin! Sasama na po ako sa 'yo. Isama ni'yo na po ako. Pakiusap! Ayaw ko nang bumalik doon,”
Ngumiti lamang si Dad. “Mahal na mahal kita, Marilee. Bumalik ka at may naghihintay sa 'yo.”
Unti-unting naglalaho ang pigura ni Daddy kung kaya ay bumilis ang tibok ng puso ko. Naigagalaw ko na ang aking mga binti kaya agad akong tumakbo patungo sa kung nasaan si Daddy.
“Daddy! Daddy! Huwag kang umalis! Huwag ni'yo po akong iwan! Daddy! Sasama po ako...isama ni'yo na ako. Daddy!!"
Napabalikwas ako ng bangon at agad kong inilibot sa paligid ang aking paningin.
Panaginip. Panaginip na naman.
Hindi ko mapigilang mapaiyak nang maalala ang sinabi sa akin ni Daddy. Hindi niya ako isinama.
Ayaw na rin ba niya sa 'kin? Pati siya ayaw niya na akong kasama. Wala nang may gusto sa akin sa mundong 'to.
“Daddy...I miss you so much.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top