Chapter 32
This is the last chapter of Bluer Than Blue. The next part will be the epilogue where you can read Matteo's POV. Thank you for joining Marilee and Matteo's journey throughout the end. Till the next story!
CHAPTER 32
Again
"Miss, i-inform ko lang po kayo na nasa hospital po ngayon ang may-ari ng phone na 'to. Pumunta na lang po kayo rito."
Nabitawan ko ang phone ko pagkatapos kong marinig ang sinabi ng tumawag. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad akong nagtungo sa ospital kung nasaan daw si Matteo.
Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko sa kaba at pakiramdam ko masusuka ako anumang oras.
Pagkababa ko ng taxi ay tinakbo ko agad papasok ang ospital.
"Miss, nasaang room si Matteo Novicio?" tanong ko sa nurse na nasa front desk.
Tiningnan niya ang computer sa harapan niya at kunot-noong tumingin sa akin.
"Wala pong Matteo Novicio na pasyente rito, Miss," sagot niya.
Naikuyom ko ang kamao ko. "I-check mo ulit! Pierce Matteo Novicio ang full name niya. Hindi ako puwedeng magkamali. Sinabi mismo ng tumawag sa akin na nandito raw ang asawa ko!"
Mukha siyang natakot at nataranta dahil sa pagsigaw ko.
"Sige po, kumalma muna kayo. Pero wala po talaga-
"Paanong wala? Nasaan siya!" sigaw ko ulit.
Mas lalo lang akong natatakot habang tumatagal na hindi ko siya nakikita. Hindi ko makontrol ang emosyon ko. Parang gusto kong sigawan ang mga tao rito sa ospital.
Pinaupo muna nila ako sa waiting area at inabutan ng tubig. Umiiyak na naman ako dahil hindi ko makita si Matteo.
"Marilee?"
Napaangat ako ng tingin at agad na napatayo nang makita ko si Matteo. Tinakbo ko ang distansya namin at hinampas siya.
"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Saan ka ba nanggaling? Ang sabi ng tumawag, nasa ospital ka raw! Natakot ako! Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo! Bakit ka ba ganiyan! Nakakainis ka!" sigaw ko habang patuloy pa rin sa paghampas sa kaniya.
Dahandahan niyang hinawakan ang mga kamay ko bago ako niyakap. Humikbi ako nang humikbi sa dibdib niya.
"I'm sorry. Misunderstanding ang nangyari," bulong niya.
"Nag-alala ako. Akala ko... mawawala ka na sa akin. Huwag mo na ulit akong iiwan. Huwag ka na ulit aalis," sambit ko.
Humiwalay siya pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ko.
"Why? Why do you want me to stay? Bakit sobrang nag-alala ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin at muli siyang hinampas sa dibdib.
"You idiot! You still don't know? Akala ko ba matalino ka, bakit hindi mo alam ang feelings ko para sa 'yo?" naiinis na tanong ko.
Ngumiti siya. "Ano bang feelings mo para sa akin? Matalino nga ako pero hindi ako manghuhula."
Muli akong napahikbi. Nagagawa niya pa akong pag-trip-an kahit na halos hindi na ako makahinga kaiiyak sa harapan niya ngayon.
"Mahal kita," bulong ko.
"Ano 'yon? Hindi ko narinig."
Pumikit ako sa inis. "Ang sabi ko, mahal kita!"
I was about to open my eyes but I felt his lips crashed on mine. Napakapit ako sa braso niya at agad na gumanti ng halik.
We broke the kiss to catch our breath as we stared at each other's eyes. My heart is beating faster again but unlike earlier, it feels so good now.
"I love you," he whispered.
Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Iniisip ko tuloy kung sa kaniya ba 'yon o baka sa akin.
"Naku, I'm sorry talaga, Miss. Ang akala ko kasi sa pasyente itong phone na nalaglag kaya ito na ang ginamit kong pantawag sa relatives niya. Sorry talaga," sabi ng nurse na siya palang tumawag sa akin.
Gusto ko siyang kurutin dahil pinag-alala niya ako nang sobra pero hinayaan ko na lang. Lahat naman ng tao nagkakamali.
"Ayos lang. Sa susunod mag-iingat ka na lang sa pagtawag dahil kung nagkataong may sakit ako sa puso, baka inatake pa ako ng wala sa oras," sagot ko.
"Yes, Miss. Pasensiya na ulit," sabi niya bago umalis sa harapan namin.
Hinarap ko si Matteo na nakatitig na pala sa akin.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka nandito," sabi ko.
Bumuntonghininga siya. "Pauwi na ako tapos nadaanan ko iyong lalaki na nabangga ng motor. Alam kong matagal pang dumating ang ambulansya kaya nag-volunteer na akong dalhin siya rito sa hospital."
"Pero saan ka ba nanggaling? Hindi ka umuwi kagabi. Akala ko hindi ka na babalik." Napayuko ako ako pagkatapos sabihin iyon.
"Galing ako sa bahay ni Pierce." Agad akong napaangat ng tingin sa sinabi niya. Akala ko ay nagbibiro lang siya pero seryoso ang mukha niya.
"A-Anong ginawa mo ro'n? Inaway mo ba si Pierce? Wala naman siyang kasalanan. Sige na, aaminin ko na nga. Sinabi ko talaga na siya lang ang laman ng puso ko pero hindi naman iyon ang buo kong sinabi. Dapat kasi pinatapos mo muna. Makikinig ka na nga lang, hindi mo pa tinatapos-
"Oo na, alam ko na ang buong sinabi mo. Sinabi na sa akin ni Pierce. Teka nga, bakit ba ang sungit-sungit mo yata ngayon?"
Inirapan ko siya. "Umuwi na tayo. Baka nakabili na si Lottie ng cake ko."
Tinalikuran ko na siya at nauna na akong maglakad. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nasa tabi ko na siya agad at hawak na ang kamay ko.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa sasakyan niya bago siya umikot sa driver's seat.
"Nagpabili ka ng cake kay Lottie?" tanong niya habang nagmamaneho.
I nodded. "Yes, I'm craving for a cake. Bilisan mo mag-drive para makakain na ako. Hindi pa ako nag-b-breakfast."
"Okay, let's go home," he said while smiling.
Pagdating sa bahay ay hindi ko na hinintay si Matteo at dumiretso na ako sa loob ng bahay. Sinalubong naman ako kaagad ni Lottie.
"Ma'am Marilee, buti nakauwi ka na. Pinag-alala mo naman po ako. Akala ko naglayas ka na naman-Sir Matteo, nandito na rin pala kayo," gulat niyang sabi.
Bahagya akong natawa sa reaksyon niya pero medyo na-gi-guilty rin ako. Palagi na lang siyang na-s-stress sa amin ni Matteo.
"Lottie, nasaan ang cake ko?" tanong ko.
"Nasa kusina po. Ipaghihiwa ko po kayo-
"No need. You may take a day off. Kami na ang bahala rito," sabi ni Matteo.
Mukha namang natuwa siya sa nalaman. Sa dami ng stress na naidulot namin sa kaniya, sa tingin ko deserve niya ang isang linggong bakasyon. Pero saka na 'yon, kapag napag-usapan na namin ni Matteo.
Dumiretso na ako sa kusina at kinuha sa fridge ang cake. Lumawak ang ngiti ko habang humihiwa ng isang slice. Napahinto pa ako nang may pares ng kamay na pumulupot sa beywang ko.
Tinikman ko ang cake bago hinarap si Matteo.
"Gusto mo rin ng cake?" tanong ko. Itinapat ko sa bibig niya ang kutsara. "Here, tikman mo. Ang sarap."
Hindi siya ngumanga kaya ako lang din ang kumain nito.
"Let me taste it," he suddenly said.
"Ha?-
Naputol ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan. Mabilis lang iyon pero kumabog nang husto ang puso ko.
"Masarap nga," bulong niya.
Agad ko siyang hinampas sa kapilyuhan niya.
"Ang dami mo talagang kalokohan!"
He chuckled. "What? It tastes better on your lips," he teased.
Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa hiya. Hindi ko alam kung ano bang ikinahihiya ko eh mag-asawa naman kami.
"Tigilan mo 'ko. Kakain na nga lang ako," sabi ko at tatalikod na sana ulit pero pinigilan niya ako.
"Umupo ka muna," utos niya.
Kinunutan ko siya ng noo pero sumunod din ako. Pagkaupo ko ay lumuhod siya at hinawakan ang ankle ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyong anklet na regalo niya sa akin noon.
"S-Saan mo nahanap 'yan? Bago ba 'yan?" tanong ko.
Umiling siya. "This is the one I gave to you on your birthday. Ibinigay sa akin ni Pierce noong pinuntahan ko siya. Sinadya niyang alisin sa 'yo para hindi kita kaagad mahanap."
"Para hindi mo ako mahanap? Bakit? Don't tell me, may tracking device ito?" gulat kong tanong.
Ngumiti siya habang hinahaplos ang anklet pagkatapos i-lock iyon.
"Palagi ka kasing nawawala kaya naisip kong bigyan ka nito para kahit saan ka man magpunta, mahahanap kita. Hindi ka makakapagtago sa akin," sagot niya.
Bahagya siyang tumayo para maging magka-level ang mukha naming dalawa. Hinaplos niya ang pisngi ko. Ako naman ay nakatitig sa asul niyang mga mata. Kahit kailan talaga, hindi ko pagsasawaang titigan ang mga mata niya.
"I love your eyes. Simula pa noong una kitang nakita, nagustuhan ko na talaga ang mga mata mo," sabi ko. "Sa tuwing titingnan kita, parang tumitigil ang mundo ko. Nakakatawa, 'di ba?"
"You only want my eyes?"
I rolled my eyes. "Of course not! I love everything about you!"
Nasapo ko ang bibig nang dahil sa sinabi ko. Hindi ko na naman makontrol ang sinasabi ko! Nakakainis!
"The feeling is mutual, baby. I also love everything about you. Your eyes," he said before kissing my eyelids.
"Your nose." Then he kissed my nose. "Your cheeks. But my most favorite part of your face is... your lips."
I gasped as I anticipate for his kisses. I didn't have to wait for too long because his lips crashed on mine seconds later. My hands moved its way at the back of his neck before kissing him back.
It was a slow and passionate kiss. A kiss that could melt my heart and soul.
"I want to make everything right, Marilee. Not that this situation isn't right in the first place. I want to marry you again. Let's make it better this time," he proposed.
I gasped and my eyes clouded with tears. Tinitigan ko siya habang may kinukuha siyang box sa kaniyang bulsa. Napasinghap ako ulit nang makita kung ano 'yon. Singsing.
"I never got the chance to propose to you before. That's why I want to do this. Marry me again, Marilee."
Humikbi ako habang iniisip kung totoo ba talaga ang nangyayari ngayon. Nag-pr-propose ba talaga siya? Gusto niya talaga akong pakasalan ulit?
"I want to love you better. I want to protect you more. Ngayong maayos na talaga ang lahat, gusto kong magpakasal tayo nang walang iniisip na problema at panganib. Please, Marilee. Let's get married for the second time around."
Yumuko ako at hinawakan ang kamay niya.
"I also want to love you. Iyon ang bagay na hindi ko nagawa noon. Gusto kitang bigyan ng pagmamahal na deserve mo. Kaya oo, pakakasalan kita ulit."
Mas lumawak ang ngiti niya bago isinuot ang singsing sa daliri ko. Pinagmasdan ko ang dalawang singsing na nakasuot sa akin ngayon.
"I love you so much," he whispered.
"I love you, Matteo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top